Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

last updateLast Updated : 2023-04-16
By:   Totoy  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
22 ratings. 22 reviews
134Chapters
38.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1: The Night

HALOS maubos na ang luha sa mga mata ni Monica Prado sa walang tigil na pagbuhos ng luha sa mga mata niya na animo'y ulan na ayaw magpaawat. Hanggang ngayon hindi pa rin napa-process ng utak niya ang nangyari sa pinapangarap niyang kasal.Ilang taong hinintay ni Monica ang kasal na iyon, na pinaghandaan niya ng mahabang panahon dahil akala niya'y si Jericho na ang lalaking makakasama niya habang buhay. Naniniwala kasi si Monica na ang pagpapakasal ay once in a lifetime moment sa buhay ng tao at gusto niyang paghandaan iyon.Walang mapagsidlan ang sayang naramdaman ni Monica sa bawat araw na palapit na ang pinakahihintay niyang araw ng kaniyang buhay, ang kasal nila ng lalaking mahal na mahal niya at handa niyang paglaanan ng kaniyang buhay. Si Jericho Mendel, ang 7 years na niyang boyfriend.Nakaayos na ang lahat at ang hinihintay na lang ay ang tamang araw ng kasal. At nang dumating iyon, pakiramdam ni Monica siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Sino nga ba naman ang hind...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(22)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
22 ratings · 22 reviews
Leave your review on App
user avatar
Totoy
thank you!
2023-04-30 11:10:20
0
user avatar
Totoy
Thank you!
2023-04-23 09:17:43
0
user avatar
Fan
highly recommended
2022-12-16 13:15:56
1
user avatar
Totoy
Malapit na pong matapos ang kwento ni Zymon at Monica at salamat po sa pagsubaybay ninyo sa ating kwento...️
2022-12-09 16:06:20
1
user avatar
RIAN
Highly Recommended
2022-11-14 07:50:00
1
user avatar
Jonel Buban
Highly recommended!
2022-11-12 13:58:20
1
user avatar
Kevyn Bautista
Support niyo 'tooo. salamat.
2022-10-13 11:12:21
0
user avatar
Totoy
List of my stories Her Unexpected Marriage (Completed) Into the Dark (Completed)
2022-10-08 12:18:21
1
user avatar
Totoy
Sobrang salamat po sa lahat ng sumusuporta sa UMCEOD. Sa pag-purchase, salamat poo. God bless po sa inyong lahat.
2022-10-06 00:55:28
1
user avatar
myname
nsa trending 2 mbasa nga mkhang mganda sna lng msipag mgupdte ang author
2022-10-03 05:59:28
3
user avatar
Totoy
Maraming salamat po sa suporta ninyo. Huwag po sana kayong bibitaw.
2022-10-02 21:28:13
0
user avatar
Bei
Another exciting stories,well recommended..you’ll gonna love it too!
2022-08-16 10:12:41
3
user avatar
RIAN
Ang ganda nito...
2022-07-19 21:10:47
2
user avatar
RIAN
Recommended...️...️...️...️
2022-07-19 21:10:13
2
user avatar
Bhie Rambonanza In
another exciting story na nman.. mukhang prologue pa lng mapapaisip k n agad, sino nga ba sa dalawang lalaki?
2022-07-19 14:20:34
1
  • 1
  • 2
134 Chapters
Kabanata 1: The Night
HALOS maubos na ang luha sa mga mata ni Monica Prado sa walang tigil na pagbuhos ng luha sa mga mata niya na animo'y ulan na ayaw magpaawat. Hanggang ngayon hindi pa rin napa-process ng utak niya ang nangyari sa pinapangarap niyang kasal.Ilang taong hinintay ni Monica ang kasal na iyon, na pinaghandaan niya ng mahabang panahon dahil akala niya'y si Jericho na ang lalaking makakasama niya habang buhay. Naniniwala kasi si Monica na ang pagpapakasal ay once in a lifetime moment sa buhay ng tao at gusto niyang paghandaan iyon.Walang mapagsidlan ang sayang naramdaman ni Monica sa bawat araw na palapit na ang pinakahihintay niyang araw ng kaniyang buhay, ang kasal nila ng lalaking mahal na mahal niya at handa niyang paglaanan ng kaniyang buhay. Si Jericho Mendel, ang 7 years na niyang boyfriend.Nakaayos na ang lahat at ang hinihintay na lang ay ang tamang araw ng kasal. At nang dumating iyon, pakiramdam ni Monica siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Sino nga ba naman ang hind
last updateLast Updated : 2022-05-23
Read more
Kabanata 2: Flower
Makalipas ang limang na taon... ISA-ISANG TININGNAN ni Monica ang mga bagong dating na bulaklak na ang iba'y mula mismo sa Baguio at ang ila'y inangkat pa sa ibang bansa. Hawak niya ang kaniyang record book para i-check doon kung tama ba ang lahat ng dumating na bulalak. "Ria, why there's none Anemone Flowers arrived?" tanong ni Monica sa isa sa mga nagtatrabaho sa Flower Shop niya, si Ria Cortez na matagal nang naninilbihan sa kaniyang shop. "Ate, sabi po ng supplier hindi na raw po sapat ang supply nila para sa Anemone Flower dahil hindi raw po season ng Anemone," paliwanag nito. Napasinghap siya at napailing. "Sayang, iyon pa naman ang kalimitang hinahanap ng mga magpapakasal," nanghihinayang niyang turan. Iyon kasi ang medyo murang bulaklak na pwedeng gamitin sa kasal pero nandoon pa rin ang pagka-elegante niyon. Apat na taon na rin ang Flower Shop na itinayo ni Monica mula sa ipon niya mula nang umalis siya ng Manila at bumalik sa Davao, sa probinsiya niya. Dahil sa naging ma
last updateLast Updated : 2022-05-30
Read more
Kabanata 3: Customer
"ATE, bakit po pala bigla kayong nawala sa kasal nila Mrs. Eyna at Mr. Arnold kahapon? Hindi rin po namin kayo nakita sa reception?" usisa ni Ria kay Monica nang umagang pumasok ito sa flower shop.Tahimik lang na gumagawa ng bouquet si Monica. Natigilan siya at muling naalala ang nangyari sa kasal na naging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos nang nagdaang gabi. Bakit kasi sa dami ng taong pwedeng pumunta sa kasal na iyon, bakit si Jericho at Zymon pa? Hindi na dapat sila bumalik sa buhay niya dahil kinalimutan na niya ang mga ito.Pilit siyang ngumiti kay Ria na abala naman sa pag-aayos ng mga bulaklak na nandoon. "Nahilo lang ako, na marahil dahil sa pagod," dahilan ni Monica dahil wala naman siyang balak na i-open kay Ria o kahit sa kung sinong tao ang tungkol kay Jericho at Zymon. Ang pamilya lang niya at ang kaibigang si Crystal ang nakakalam ng tungkol kay Jericho pero ang tungkol kay Zymon, tanging si Crystal lang ang nakakalam niyon.Bumakas ang concern sa mukha ni Ri
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more
Kabanata 4: Jericho
"MONIC!"Nagulat na lang si Monica nang marinig niya ang sigaw na iyon mula sa isang babae. Hindi nga siya nagkamali nang humarap siya at nakita ang kaibigang si Crystal, bitbit ang maleta nito na kakapasok lang ng flower shop suot ang masayang ngiti. Ilang buwan rin kasi simula nang hindi sila nito nagkita dahil sa Manila ito nakatira at dumadalaw lang sa kaniya kapag gusto nito."Crystal?" gulat namang banggit niya sa pangalan nito, saka masayang ngumiti. Saglit silang nagkatinginan, saka tumakbo si Crystal palapit sa kaniya at mabilis siyang niyakap. "I miss you, Monic, I'm sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy, 'di ba?" malungkot nitong paghingi ng paumanhin.Nginitian niya ito nang maghiwalay sila. "Ano ka ba, it's ok kasi alam ko naman kung gaano ka ka-busy diyan sa boyfriend mo—I mean sa salon mo," natatawang pagbibiro niya. Nitong nakaraan kasi'y sinabi ni Crystal may boyfriend na ulit ito at kilala niya ang kaibigan, sa tuwing may kasintah
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more
Kabanata 5: Hiding the Truth
TAHIMIK na pinagmasdan ni Monica ang anak na mahimbing na natutulog na katabi niya. Marahan niyang hinagod ang buhok nito saka ngumiti. Sa maraming nangyari sa buhay niya, masaya siyang napalaki niya ng isang mabuti at maayos na bata si Princesa Monica sa kabila ng pagiging single mother niya. Hindi maikakaila ang taglay na ganda ng kaniyang anak na sinasabi ng maraming kamukha niya.Pinili niyang ilayo ang bata sa lahat at gayon din ang sarili niya dahil alam niya kahihiyaan ang magiging dulot niyon, hindi lang sa kaniya kung 'di maging sa pamilya niya. Itatago niya ang katotohanan hanggang kaya niya.Bumuntong-hininga siya. Tumihaya siya at matamang pinagmamasdan ang kisame. Hindi niya alam kung ito na ba ang tamang panahon para bumalik siya ng Manila kung saan nandoon ang alaala ng nakaraan niya at nandoon din ang mga taong naging parte niyon na pinili niyang layuan. Pero sa kabila ng paglayo niya, tila lumiliit na rin ang mundo sa kanilang tatlo dahil sa dami ng lugar, sa Davao pa
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more
Kabanata 6: Miss One Night
"J-JERICHO?" gulat na banggit ni Monica sa lalaking nagsalita kahit expected na niya na ito ang bubungad sa kaniya. Gustong titigan ng mga mata niya ang mukha nito pero pinigil niya ang sarili. Limang taon na ang nakalipas pero nararamdaman pa rin niya ang bahagyang pananabik sa binata at ang kagustuhan niyang titigan ito. "A-anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong at umiwas dito ng tingin dahil pakiramdam niya, kung hindi pa siya iiwas, baka madala siya sa kakaibang tingin nito. Ito na ang kinatatakutan niyang mangyari.Napuno ng kaba ang sistema niya.Sa kabila ng hindi pagsipot ni Jericho sa kasal nila at iwan siya nito ng walang paalam, natutunan niyang tanggapin at patawarin ang binata kahit wala siyang narinig na paliwanag o salita man lang mula rito noon na gusto niyang marinig."Pwede ba kitang makausap?" malumanay na tanong nito habang nasa mukha niya ang paningin nito na nangungusap. Parang nababanaag niya ang pananabik doon at ang kagustuhan nitong makausap siya.Kum
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more
Kabanata 7: Decision
"AKALA ko ba uuwi ka rin ng Manila after ng wedding ni Arnold?" nagtatakang tanong ni Tita Aunor kay Zymon dahil akala nito uuwi na rin siya ng Manila pero hanggang ngayon nasa Davao pa rin siya sa hindi rin niya alam na dahilan. Kararating lang niya sa bahay nito na pangsamantala niyang tinutuluyan.Kapatid ng kaniyang ama si Tita Aunor na piniling manirahan sa Davao.Almost one week na si Zymon sa lugar na iyon kahit dalawang araw lang sana siya mamamalagi roon. Nag-extend siya nang makita muli niya ang babaeng iyon na nakasalo niya sa isang mainit na gabi limang taon na ang nakakaraan. Hindi niya mawari pero mayroon sa loob niya na gusto niyang makilala siya nito kahit alam niyang dapat na rin niyang kalimutan ang nangyari.Limang taon na simula nang magising na lang si Zymon na inangkin niya nang gabing iyon ang isang babaeng hindi naman niya kilala at simula noon, hindi mawala sa isip niya ang nangyari at ang mukha ng babaeng iyon na natagpuan niya sa bar. Naglalasing at tila gal
last updateLast Updated : 2022-07-16
Read more
Kabanata 8: Meet Again
"RIA, mayroon ba tayong roses na white? Tita Aunor Called me and she ordered white roses," pukaw ni Monica sa staff niya nang makalabas siya ng opisina. Nadatnan niya roon si Ria na nag-aayos ng mga bulaklak.Humarap ito sa kaniya at saglit na nag-isip. Tumango ito. "Mayroon pa po ate pero mukhang iilan na lang po ang nandoon," sagot nito na nag-aalangan."We only need five roses, abot ba 'yon?" tanong niya rito. Hindi pwedeng wala silang maibigay rito dahil bukod sa naka-oo na siya, ito rin ang masugid niyang customer. Palagi itong kumukuha sa kaniya ng mga bulaklak kahit panglagay lang sa mga vase sa bahay nito.Ngumiti si Ria. "Yes po ate, kasya po iyon," anunsiyo nito. "Teka lang po, ihahanda ko muna ang flowers bago dumating si Ma'am Aunor," paalam nito, saka tumalikod sa kaniya para ayusin ang mga bulaklak. Nakahinga naman siya ng maayos dahil abot pa ang bulaklak sa order ni Tita Aunor.Bumalik muli siya sa opisina para ayusin ang mga orders at supplies ng mga bulaklak. Next we
last updateLast Updated : 2022-07-17
Read more
Kabanata 9: Lost
"MOMMY, gusto kong pumunta ng mall, pwede po ba? I want to buy some toys po kasi," sweet na sabi ni Princess Monica sa Ina nito habang nakaupo sa sofa at naglalaro ng manika nito.Weekend at nagpasiya si Monica na hindi pumunta ng shop dahil balak niyang magpahinga. Lunes kasi ay aalis na sila papuntang Manila. Nag-angat siya ng tingin at binalingan ang anak na naka-pony tail na mas lalong nagpa-cute rito."Gusto mo mag-mall? Sige, later pagkakain natin pupunta tayo ng mall, ok? Basta kakain ka ng gulay," aniya na may kondisyon sa anak. Hindi kasi ito mahilig kumain ng gulay at laging hotdog at mga karne ang gustong kainin.Hindi agad nakaimik si Princess. Ngumuso ito. "I don't eat gulay, Mommy, eh. Para kasi silang damo tapos kakainin ko? 'Di ba po mga hayop lang kumakain ng damo?" tanong nito na nagpakunot sa noo niya. Kapagkuwa'y napatawa siya.Nilapitan ni Monica ang inosenteng anak. Hinawakan niya ito sa balikan. "Anak, hindi damo ang gulay, ok? Iba ang damo na kinakain ng hayop
last updateLast Updated : 2022-07-17
Read more
Kabanata 10: Found
"WHAT are you going to buy here at kailangang kasama ako, huh?" tanong ni Zymon sa kaibigan niya na si Well na kararating lang sa Davao para sundan siya at sumama sa pagbabakasyon niya. Inaya siya nitong pumunta sa mall dahil may bibilhin daw ito roon."Some stuffs na nakalimutan kong bilhin sa Manila. Pagdating ko sa hotel at binuklat ang mga gamit ko, I realized I forgot to bring underwear." Natawa ito sa sinabi. "Kaya kailangan kong bumili rito."Napailing si Zymon at napangiti dahil sa pagiging makakalimutan ni Well na hindi na bago sa kaniya. "Sa dami naman ng pwedeng kalimutan, underwear talaga? Well, hindi pa ba ako nasanay? You always like that every time we have go to a trip."Pumasok sila sa mall at tumambad sa kanila ang maraming tao na abala sa pamimili. Wala naman kasi siyang bibilhin sa mall kaya wala siyang balak sumama, pinilit lang siya ng kaibigan.Umakyat sila ng second floor kung saan nandoon ang ilang shop ng mga underwear. Tahimik lang si Zymon habang nagmamasid
last updateLast Updated : 2022-07-18
Read more
DMCA.com Protection Status