HALOS maubos na ang luha sa mga mata ni Monica Prado sa walang tigil na pagbuhos ng luha sa mga mata niya na animo'y ulan na ayaw magpaawat. Hanggang ngayon hindi pa rin napa-process ng utak niya ang nangyari sa pinapangarap niyang kasal.
Ilang taong hinintay ni Monica ang kasal na iyon, na pinaghandaan niya ng mahabang panahon dahil akala niya'y si Jericho na ang lalaking makakasama niya habang buhay. Naniniwala kasi si Monica na ang pagpapakasal ay once in a lifetime moment sa buhay ng tao at gusto niyang paghandaan iyon.
Walang mapagsidlan ang sayang naramdaman ni Monica sa bawat araw na palapit na ang pinakahihintay niyang araw ng kaniyang buhay, ang kasal nila ng lalaking mahal na mahal niya at handa niyang paglaanan ng kaniyang buhay. Si Jericho Mendel, ang 7 years na niyang boyfriend.
Nakaayos na ang lahat at ang hinihintay na lang ay ang tamang araw ng kasal. At nang dumating iyon, pakiramdam ni Monica siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Sino nga ba naman ang hindi magiging masaya kung ikakasal ka sa lalaking pinakamamahal mo at mahal ka rin.
Halos perpekto ang lahat sa relasyon ni Monica at Jericho, dahil iyon sa pareho silang mapag-unawa at marunong magpakumbaba sa isa't isa kaya naman sigurado na talaga si Monica sa lalaking pakakasalan niya.
Pero sa araw ng kasal, nagimbal siya at ang lahat ng tao sa simbahan nang hindi dumating ang lalaking higit na kailangan sa seremonyang iyon. Lahat ng excitement at ligayang nararamdaman noon ni Monica, napalitang ng takot at sakit. Naghintay siya na dumating si Jericho sa simbahan, kahit umalis na ang lahat ng bisita at tanging pamilya na lang niya at ni Jericho ang natira para samahan siya.
Lahat ng pangarap na binuo niya kasama si Jericho, naglaho lahat kasabay ng pagguho ng mundo niya at pakiramdam niya'y natabunan siya niyon at ramdam niya ang sakit ng bawat pagguho ng kaniyang pangarap kasama si Jericho. Ni hindi ito nagpakita man lang sa kaniya o nag-text kung bakit hindi ito sumipot sa pangarap nilang kasal.
"Beer pa nga," maawtoridad na sabi Monica sa bartender habang hawak pa niya ang bote niyon na walang laman. "Opps! Wait, give me some strong drinks, 'yong kayang alisin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon," puno ng hugot niyang dagdag habang ang katawan niya ay tila sumasaway na dahil sa kalasingan.
"Pero Ma'am, lasing na po—"
"S-sinong lasing, huh? Si-sinabi mo bang lasing ako, huh? I just need drinks, kaya ko pa naman, kaya ko pang maghintay sa kaniya." Halos magbuhol-buhol na ang mga letrang lumalabas sa bibig ni Monica dahil sa tindi ng tamang ng alak.
Kailan pa ba siya sa bar na ito? Sa pagkakaalam ni Monica, pasado alas-sais pa lang ay naroon na siya at umiinom at ngayon pasado alas-onse na ng gabi pero nandoon pa rin siya at nag-iinom, umaasang makakalimot siya sa masakit na nangyari.
"K-ka-kaya ko pang uminom, bigyan mo pa ako ng alak," sabi uli ni Monica habang ang bartender na kaharap niya ay nag-aalangan na pagbigyan siya dahil alam nitong lasing na siya.
"Ma'am, we just only have beer here," pagsisinungalin ng bartender para hindi siya nito bigyan ng matapang na alak na lalong ikalalasing niya.
"Beer? A-ayaw ko ng b-beer, I-I want a strong drinks," pagpipilit ni Monica.
"Are you sure you want a strong drinks?"
Naniningkit na napaangat si Monica ng tingin sa lalaking nagsalita. Nakaupo ito sa harap niya habang may hawak din na bote ng beer. Pilit niyang inaaninag ang lalaki pero dahil sa kalasingan, halos hindi na niya ito mamukhaan.
"S-sino ka ba? I-ikaw ba 'yong walang hiyang lalaki at duwag?" tanong niya habang itinuturo ng daliri niya ang lalaki. "B-bakit nagbago na ba uli ang isip mo? Gusto mo na bang ituloy ang kasal natin?" dagdag pa niya na sinundan ni Monica ng ngiti.
Naningkit ang mata ng lalaking nagtataka sa pinagsasasabi niya. Uminom ito sa hawak na bote at umiling dahil sa sinabi niya.
"Miss, mukhang nagkakamali ka, I'm not the guy you're referring to," prenteng wika ng lalaki.
"Aysus! Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki, eh. You're all cheaters. Pagkatapos niyong magsawa sa babae, iiwan niyo," puno ng hinanakit na sambit ni Monica na tinuturo pa rin ang lalaki.
Tumayo siya sa pagkakaupo ngunit parang umikot ang paligid niya at hindi niya alam kung saan siya pupunta. Naramdaman na lang ni Monica ang brasong pumulupot sa baywang niya. Naningkit ang kaniyang mga mata habang inaaninag niya ang lalaking nasa harap niya na humawak sa kaniya.
"Ikaw? Bakit bigla mo na lang akong iniwan, huh?" Tinuro-turo pa ni Monica ang ilong ng lalaki.
Naramdaman niyang itinayo siya ng lalaking sumalo sa kaniya nang muntik na siyang matumba dahil sa kalasingan.
"You have a lot of rant, huh. Bakit lalaki lang ba ang nagloloku? Girls can cheat too. Girls can hurt a man too. Hindi lang kami. Kung may galit ka sa lalaki, don't generalized, we're all different," pagtatanggol nito sa sarili.
Iginiya si Monica ng lalaki sa upuan. Pakiramdam niya patuloy na umiikot ang paligid niya dahil sa pagkahilo dulot ng maraming alak na nainom niya. Habang ang lalaki sa harap niya, medyo tinatamaan na rin ng alak na iniinom nito.
"Manloloku kayo!" sigaw ni Monica na hindi alintana ang iba pang mga tao sa lugar na napatingin sa kaniya.
Napailing na lang ang lalaki sa harap niya at napakamot sa noo. Iniisip nito kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa lalaki.
"Beer." Inilahad pa ni Monica ang kamay niya sa bartender para humingi ng beer. Gusto pa niyang uminom hanggang sa tuluyan siyang malasing at makalimutan ang sakit.
Tinanguan ng lalaki ang bartender para sabihing pagbigyan siya dahil alam nitong hind siya titigil kakahingi niyon.
Nang makuha ni Monica ang hinihingi, agad niya itong tinungga ng walang hinto hanggang sa maubos ang laman niyon. Habang napapatunganga na lang ang lalaki sa ginawa niya at ang bartender na kanina pang nakakakita sa paglalasing niya.
"Wala ka bang kasama?"
Nag-angat si Monica ng tingin sa lalaki. Halatang-halata sa mukha niya ang pagkalasing dahil sa namumungay niyang mga mata at ang namumula niyang mukha na naging epekto na sa tuwing nalalasing siya.
Puminta ang ngiti sa mga labi ni Monica at tumayo muli, nararamdaman niyang natumba siya pero sa gawi iyong ng lalaki. Napasandal siya sa dibdib nito habang itinuturo niya ang pisngi ng lalaki. "Ang cute mo naman," wika niya habang nakatingin sa mukha nito at ngumiti.
Naiilang man ito sa ginagawa niya, pilit siya nitong itinayo. "Hindi mo na kaya," anito. "I'll call a taxi for you, saan ba ang adress mo?"
Umiling si Monica. "Hindi ko alam ang bahay ko," natatawang sabi niya. Napakunot ang noo ng lalaki nang pisilin niya ang pisngi nito. "Ang cute cute mo talaga!" sabi pa niya.
"May kasama ba siya no'ng dumating dito?" baling ng lalaki sa bartender.
Umiling ang bartender. "Mag-isa lang siyang pumunta dito, Sir kanina pa nga siya rito, eh," sagot nito.
"Can I go with you?"
Hindi rin maintindihan ng lalaki kung bakit nito nilapitan si Monica at mukhang magkakaroon pa ito ng problema kung paano nito matutulungan ang dalaga. Isa pa, nararamdaman na rin nito ang tama ng alak at ang epekto nito sa binata.
Hindi na makausap ng matino si Monica dahil sa kalasingan niya. Kung ano-ano na nga ang ginagawa niya sa mukhang ng lalaking nakahawak sa kaniya.
"Sir, kayo na pong bahala sa kaniya, mukhang kilala niyo naman siya, eh," bilin ng bartender sa lalaki.
"Umuwi na tayo," ani Monica sa lalaki. Hindi niya alam ang kaniyang ginagawa dahil sa labis niyang kalasingan. Ni hindi nga niya kilala ang lalaking inaaya niyang umuwi.
Hindi na alam ni Monica ang sumunod na nangyari. Nararamdaman lang niyang inaalalayan siya ng isang lalaki hanggang makasakay sila sa taxi.
"You don't have any bags and phone para sana malaman ko kung saan ka nakatira," narinig ni Monica na sabi ng lalaki habang lulan na sila ng taxi.
"Wala akong tirahan. Wala na akong uuwian," balik niya sa mahinang boses. Pikit na rin ang mga mata niya sa kalasingan.
"Ok, ganito na lang, since I don't have an idea where you're living, sa hotel kita iiwan. I'll pay for you," suhestiyon nito.
Hindi siya umimik. Mahinang ungol lang ang lumabas sa bibig niya habang nakahilig siya sa balikat ng lalaki. Ayaw niya imulat ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya umiikot ang paligid.
Naramdaman ni Monica na huminto na ang taxi. Inayos ng lalaking kasama niya ang pagkakaupo niya, nauna na itong bumaba at inalalayan siya sa pagbaba ng taxi. Hindi na niya alam kung saan siya dinala nito.
Inalalayan si Monica ng lalaking hindi man lang niya kilala, patungo sa loob ng isang hotel. Tumungo ito sa receptionist at agad kumuha ng isang kwarto para sa kaniya. Nang, makuha nito ang susi, agad siya nitong idinala sa silid na nakuha nito.
Bumagsak si Monica sa malambot na kama habang nakapikit pa rin. Nang maramdaman niya ang init ng katawan niya, pilit niyang hinuhubad ang butones ng suot niyang sleeves.
"Ang init," wika niya habang tinatanggal ang butones ng suot niya.
"Hoy, what are you doing?" gulat na sabi ng lalaki. Lumapit ito sa kaniya at pinigilan siya sa kaniyang ginagawa.
"Uhh! Ano ba?" angil ni Monica. "Ang init, eh."
Pilit pinigilan ng lalaki ang kamay niya sa kaniyang ginagawa habang pumapalag siya dahil gusto talaga niyang maghubad dahil sa init na nararamdaman niya.
Naramdaman ni Monica ang pagdagan sa kaniya ng katawan ng lalaki dahil sa ginawa niyang pagpalag. Bahagya namang nagulat ang lalaki at napatingin sa kaniya.
"Ang cute mo talaga."
Mabilis ang naging galaw ni Monica, agad niyang hinalikan ang lalaking iniisip niyang si Jericho. Hindi nakagalaw ang lalaki habang sinasalakay ng labi niya ang labi nito.
Dahil nasa ibabaw niya ang lalaki, pinulupot ni Monica ang mga binti niya sa katawan nito habang sinasalakay pa rin ng mga labi niya ang labi nito. Isinakbit na rin niya ang braso niya sa leeg nito.
Lalong nag-alab ang init na nararamdaman niya na alam niyang ang lalaking ito ang makakapawi niyon.
Bumitaw siya sa pagkakahalik sa lalaki. Ngumiti siya habang hindi pa rin nakakahuma ang lalaki sa ginawa niya. "I love you, Jericho." Muli na naman niya itong hinalikan nang mas malalim sa halik na iginawad niya rito kanina.
Nang maka-recover ang lalaki sa ginawa niya, sinubukan nitong pigilan siya sa ginagawa niya pero mas hinigpitan pa ni Monica ang pagkakakapit niya sa leeg nito at ang mga binti niya sa katawan nito.
"I'm willing to give it all to you, Jericho balikan mo lang ako," tila nagmamakaawang sabi ni Monica nang maramdaman niyang tila ayaw nito ng ginagawa niya. "Pakasalan mo lang ako." Kasunod niyon, ang pagpatak ng luha niya dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pang-iiwan nito sa kaniya.
"Hindi ako—"
Pinilit niyang pasukin ang mga labi ng lalaki sa malalim niyang paghalik. Gumapang na rin ang mga kamay niya patungo sa ibaba ng damit na suot ng lalaki. Itinaas niya iyon para hubarin.
Lalong tumulo ang luha sa mga mata niya nang maramdaman niya ang pagganti ng halik ng lalaking inaakala niyang si Jericho na nilamon na rin ng temtasyon. Mas naging malalim ang bawat halik nila sa isa't isa na para bang sabik na sabik. Hindi nila namalayang nilamon na sila ng init na nararamdaman nila.
Tuluyang hinubad ni Monica ang long sleeve na suot ng lalaki at malaya niyang hinaplos ang bawat bahagi ng katawan nito. Naramdaman niya kung gaano kalapad at kalaki ang katawan nito.
Mabilis na itinulak ni Monica ang lalaki pahiga sa kama at nang nakahiga na ito sa kaniya, pumatong siya sa ibabaw nito at sinimulang hubarin ang suot niyang damit. Kapagkuwa'y bumaling uli siya sa mukha ng gwapong lalaki at pinupog ng halik ang labi nito pababa sa leeg habang malayang naglalakbay ang kamay niya sa malaking katawan nito.
Dahil sa kapwa sila may impluwensiya ng alak, hindi nila nalabanan ang temptation na nabuo sa pagitan ng isa't isa at tuluyang bumigay sa maiinit na halik at haplos ng kanilang mga kamay.
Makalipas ang limang na taon... ISA-ISANG TININGNAN ni Monica ang mga bagong dating na bulaklak na ang iba'y mula mismo sa Baguio at ang ila'y inangkat pa sa ibang bansa. Hawak niya ang kaniyang record book para i-check doon kung tama ba ang lahat ng dumating na bulalak. "Ria, why there's none Anemone Flowers arrived?" tanong ni Monica sa isa sa mga nagtatrabaho sa Flower Shop niya, si Ria Cortez na matagal nang naninilbihan sa kaniyang shop. "Ate, sabi po ng supplier hindi na raw po sapat ang supply nila para sa Anemone Flower dahil hindi raw po season ng Anemone," paliwanag nito. Napasinghap siya at napailing. "Sayang, iyon pa naman ang kalimitang hinahanap ng mga magpapakasal," nanghihinayang niyang turan. Iyon kasi ang medyo murang bulaklak na pwedeng gamitin sa kasal pero nandoon pa rin ang pagka-elegante niyon. Apat na taon na rin ang Flower Shop na itinayo ni Monica mula sa ipon niya mula nang umalis siya ng Manila at bumalik sa Davao, sa probinsiya niya. Dahil sa naging ma
"ATE, bakit po pala bigla kayong nawala sa kasal nila Mrs. Eyna at Mr. Arnold kahapon? Hindi rin po namin kayo nakita sa reception?" usisa ni Ria kay Monica nang umagang pumasok ito sa flower shop.Tahimik lang na gumagawa ng bouquet si Monica. Natigilan siya at muling naalala ang nangyari sa kasal na naging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos nang nagdaang gabi. Bakit kasi sa dami ng taong pwedeng pumunta sa kasal na iyon, bakit si Jericho at Zymon pa? Hindi na dapat sila bumalik sa buhay niya dahil kinalimutan na niya ang mga ito.Pilit siyang ngumiti kay Ria na abala naman sa pag-aayos ng mga bulaklak na nandoon. "Nahilo lang ako, na marahil dahil sa pagod," dahilan ni Monica dahil wala naman siyang balak na i-open kay Ria o kahit sa kung sinong tao ang tungkol kay Jericho at Zymon. Ang pamilya lang niya at ang kaibigang si Crystal ang nakakalam ng tungkol kay Jericho pero ang tungkol kay Zymon, tanging si Crystal lang ang nakakalam niyon.Bumakas ang concern sa mukha ni Ri
"MONIC!"Nagulat na lang si Monica nang marinig niya ang sigaw na iyon mula sa isang babae. Hindi nga siya nagkamali nang humarap siya at nakita ang kaibigang si Crystal, bitbit ang maleta nito na kakapasok lang ng flower shop suot ang masayang ngiti. Ilang buwan rin kasi simula nang hindi sila nito nagkita dahil sa Manila ito nakatira at dumadalaw lang sa kaniya kapag gusto nito."Crystal?" gulat namang banggit niya sa pangalan nito, saka masayang ngumiti. Saglit silang nagkatinginan, saka tumakbo si Crystal palapit sa kaniya at mabilis siyang niyakap. "I miss you, Monic, I'm sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy, 'di ba?" malungkot nitong paghingi ng paumanhin.Nginitian niya ito nang maghiwalay sila. "Ano ka ba, it's ok kasi alam ko naman kung gaano ka ka-busy diyan sa boyfriend mo—I mean sa salon mo," natatawang pagbibiro niya. Nitong nakaraan kasi'y sinabi ni Crystal may boyfriend na ulit ito at kilala niya ang kaibigan, sa tuwing may kasintah
TAHIMIK na pinagmasdan ni Monica ang anak na mahimbing na natutulog na katabi niya. Marahan niyang hinagod ang buhok nito saka ngumiti. Sa maraming nangyari sa buhay niya, masaya siyang napalaki niya ng isang mabuti at maayos na bata si Princesa Monica sa kabila ng pagiging single mother niya. Hindi maikakaila ang taglay na ganda ng kaniyang anak na sinasabi ng maraming kamukha niya.Pinili niyang ilayo ang bata sa lahat at gayon din ang sarili niya dahil alam niya kahihiyaan ang magiging dulot niyon, hindi lang sa kaniya kung 'di maging sa pamilya niya. Itatago niya ang katotohanan hanggang kaya niya.Bumuntong-hininga siya. Tumihaya siya at matamang pinagmamasdan ang kisame. Hindi niya alam kung ito na ba ang tamang panahon para bumalik siya ng Manila kung saan nandoon ang alaala ng nakaraan niya at nandoon din ang mga taong naging parte niyon na pinili niyang layuan. Pero sa kabila ng paglayo niya, tila lumiliit na rin ang mundo sa kanilang tatlo dahil sa dami ng lugar, sa Davao pa
"J-JERICHO?" gulat na banggit ni Monica sa lalaking nagsalita kahit expected na niya na ito ang bubungad sa kaniya. Gustong titigan ng mga mata niya ang mukha nito pero pinigil niya ang sarili. Limang taon na ang nakalipas pero nararamdaman pa rin niya ang bahagyang pananabik sa binata at ang kagustuhan niyang titigan ito. "A-anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong at umiwas dito ng tingin dahil pakiramdam niya, kung hindi pa siya iiwas, baka madala siya sa kakaibang tingin nito. Ito na ang kinatatakutan niyang mangyari.Napuno ng kaba ang sistema niya.Sa kabila ng hindi pagsipot ni Jericho sa kasal nila at iwan siya nito ng walang paalam, natutunan niyang tanggapin at patawarin ang binata kahit wala siyang narinig na paliwanag o salita man lang mula rito noon na gusto niyang marinig."Pwede ba kitang makausap?" malumanay na tanong nito habang nasa mukha niya ang paningin nito na nangungusap. Parang nababanaag niya ang pananabik doon at ang kagustuhan nitong makausap siya.Kum
"AKALA ko ba uuwi ka rin ng Manila after ng wedding ni Arnold?" nagtatakang tanong ni Tita Aunor kay Zymon dahil akala nito uuwi na rin siya ng Manila pero hanggang ngayon nasa Davao pa rin siya sa hindi rin niya alam na dahilan. Kararating lang niya sa bahay nito na pangsamantala niyang tinutuluyan.Kapatid ng kaniyang ama si Tita Aunor na piniling manirahan sa Davao.Almost one week na si Zymon sa lugar na iyon kahit dalawang araw lang sana siya mamamalagi roon. Nag-extend siya nang makita muli niya ang babaeng iyon na nakasalo niya sa isang mainit na gabi limang taon na ang nakakaraan. Hindi niya mawari pero mayroon sa loob niya na gusto niyang makilala siya nito kahit alam niyang dapat na rin niyang kalimutan ang nangyari.Limang taon na simula nang magising na lang si Zymon na inangkin niya nang gabing iyon ang isang babaeng hindi naman niya kilala at simula noon, hindi mawala sa isip niya ang nangyari at ang mukha ng babaeng iyon na natagpuan niya sa bar. Naglalasing at tila gal
"RIA, mayroon ba tayong roses na white? Tita Aunor Called me and she ordered white roses," pukaw ni Monica sa staff niya nang makalabas siya ng opisina. Nadatnan niya roon si Ria na nag-aayos ng mga bulaklak.Humarap ito sa kaniya at saglit na nag-isip. Tumango ito. "Mayroon pa po ate pero mukhang iilan na lang po ang nandoon," sagot nito na nag-aalangan."We only need five roses, abot ba 'yon?" tanong niya rito. Hindi pwedeng wala silang maibigay rito dahil bukod sa naka-oo na siya, ito rin ang masugid niyang customer. Palagi itong kumukuha sa kaniya ng mga bulaklak kahit panglagay lang sa mga vase sa bahay nito.Ngumiti si Ria. "Yes po ate, kasya po iyon," anunsiyo nito. "Teka lang po, ihahanda ko muna ang flowers bago dumating si Ma'am Aunor," paalam nito, saka tumalikod sa kaniya para ayusin ang mga bulaklak. Nakahinga naman siya ng maayos dahil abot pa ang bulaklak sa order ni Tita Aunor.Bumalik muli siya sa opisina para ayusin ang mga orders at supplies ng mga bulaklak. Next we
"MOMMY, gusto kong pumunta ng mall, pwede po ba? I want to buy some toys po kasi," sweet na sabi ni Princess Monica sa Ina nito habang nakaupo sa sofa at naglalaro ng manika nito.Weekend at nagpasiya si Monica na hindi pumunta ng shop dahil balak niyang magpahinga. Lunes kasi ay aalis na sila papuntang Manila. Nag-angat siya ng tingin at binalingan ang anak na naka-pony tail na mas lalong nagpa-cute rito."Gusto mo mag-mall? Sige, later pagkakain natin pupunta tayo ng mall, ok? Basta kakain ka ng gulay," aniya na may kondisyon sa anak. Hindi kasi ito mahilig kumain ng gulay at laging hotdog at mga karne ang gustong kainin.Hindi agad nakaimik si Princess. Ngumuso ito. "I don't eat gulay, Mommy, eh. Para kasi silang damo tapos kakainin ko? 'Di ba po mga hayop lang kumakain ng damo?" tanong nito na nagpakunot sa noo niya. Kapagkuwa'y napatawa siya.Nilapitan ni Monica ang inosenteng anak. Hinawakan niya ito sa balikan. "Anak, hindi damo ang gulay, ok? Iba ang damo na kinakain ng hayop
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint