Makalipas ang limang na taon...
ISA-ISANG TININGNAN ni Monica ang mga bagong dating na bulaklak na ang iba'y mula mismo sa Baguio at ang ila'y inangkat pa sa ibang bansa. Hawak niya ang kaniyang record book para i-check doon kung tama ba ang lahat ng dumating na bulalak.
"Ria, why there's none Anemone Flowers arrived?" tanong ni Monica sa isa sa mga nagtatrabaho sa Flower Shop niya, si Ria Cortez na matagal nang naninilbihan sa kaniyang shop.
"Ate, sabi po ng supplier hindi na raw po sapat ang supply nila para sa Anemone Flower dahil hindi raw po season ng Anemone," paliwanag nito.
Napasinghap siya at napailing. "Sayang, iyon pa naman ang kalimitang hinahanap ng mga magpapakasal," nanghihinayang niyang turan. Iyon kasi ang medyo murang bulaklak na pwedeng gamitin sa kasal pero nandoon pa rin ang pagka-elegante niyon.
Apat na taon na rin ang Flower Shop na itinayo ni Monica mula sa ipon niya mula nang umalis siya ng Manila at bumalik sa Davao, sa probinsiya niya. Dahil sa naging mapait niyang tadhana, kaya naisip niyang itayo ang Flower Shop na pinangalanan niyang 'Princess Flower Shop', sinunod niya ang pangalan ng kaniyang shop sa taong mahalaga para sa kaniya, ang kaniyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali.
Naging paraan din iyon ng kaniyang pagmo-move on, ang pag-aayos ng mga bulaklak. She felt the happiness every time na nakakakita at nakakaamoy siya ng mababangong bulakalak. Nagbibigay ito ng comfort sa kaniya.
"Sigurado akong maghahanap na naman sila ng panibong cheap but elegant wedding flowers," ani Ria habang inaayos nito ang mga bulaklak sa dapat niyong kalagyan.
Bukod sa mga bulaklak na mabibili sa Shop na iyon ni Monica, nagbo-book rin sila ng iba't ibang event decorations using fresh flowers. Sa apat na taong nagdaan, marami ng satisfied na customers ang shop na iyon ni Monica dahil sa kalidad ng bawat bulaklak na binibenta niya.
"Ria, ikaw na bahala sa mga bulalak na iyan, ok? Please be careful and be gentle on them," paalala ni Monica nang matapos niyang mai-check ang mga bulaklak na dumating. Sa apat na taon niya sa negosyo, nagawa niyang mapalago iyon sa ganoon kaikling panahon. Kilala na rin ang Princess Flower Shop hindi lang sa Davao, maging sa ibang karatig probinsya at maging sa Maynila.
Dumeretcho si Monica sa maliit niyang opisina sa shop na pagmamay-ari niya. Limang taon na simula ng magdesisyon siyang iwan ang Maynila at bumalik sa Davao para roon ipahinga ang sarili at ang pusong nasaktan. Ang pakay lang talaga niya kaya siya bumalik roon, para mag-move on pero dahil nakita niya ang opurtunidad na magtayo ng negosyo na naaayon sa hilig niya, sinubukan niya iyon hanggang sa utay-utay lumago ang negosyo niya at kahit pa paano nakatulong iyon sa kaniya para kalimutan ang nakaraan at umabante muli sa paglakad.
"Hi, Mommy look I have a flower," salubong sa kaniya ni Princess Monica ng makabalik siya sa opisina niya.
Ngumiti siya at saka sinalubong ang bata. "Oh! Ang ganda naman ng bulaklak ng baby ni Mommy," magiliw niyang sabi habang kalong niya ang kaniyang anak.
Bukod sa Flower Shop na pinagkakaabalahan ni Monica, nandiyan din ang kaniyang anak na nagbigay ng lakas sa kaniya na magpatuloy sa buhay sa kabila ng mapait niyang nakaraan. Hindi niya inaasahan na ang gabing iyon ay magbubunga ng isang supling pero wala siyang balak na ipaalam sa ama nito ang tungkol sa bata.
"Mom, kailan ba tayo uuwi? I really want to sleep na kasi," nakangusong saad ni Princess. Sinunod niya ang pangalan nito sa kaniyang pangalan dahil ito ang nag-iisa niyang prinsesa.
"Uuwi na tayo, anak Just wait me to finish my work, ok?" masuyo niyang paliwanag dito.
Apat na taon na si Princess Monica at masasabi niyang lumaking maganda at mabait ang kaniyang anak. Kamukha nga niya ito at malimit nga niyang marinig na ito raw ang batang version niya. Masaya siya na marinig iyon mula sa iba't ibang tao.
"Ok, Mommy I'll wait you," magalang na sagot ni Princess. Iginiya niya ito sa sofa at inilapag doon.
"Hintayin mo si Mommy dito, ok? You can sleep here at the sofa for a while," aniya pa.
"No, Mommy I can't sleep here," tanggi ni Princess sa kaniya.
"Ok, basta diyan ka lang at magtatrabaho pa si Mommy, ok?"
Tumango ang kaniyang anak na suot ang ngiti. Bumalik siya sa harapan ng kaniyang monitor para ayusin ang lahat sa negosyo niya. Mula sa mga orders, sales niyon at sa stocks.
Isa rin sa dahilan ni Monica kung bakit nagtayo siya ng Flower Shop ay dahil hilig na niya noon pa man ang bulaklak. Paborito pa niya noon ang White Roses na palaging ibinibigay sa kaniya ni Jericho, ang lalaki sa nakaraan niya. Gusto niyang ilapit ang kaniyang sarili sa magagandang bulaklak na nagbibigay sa kaniya ng comfort at pag-asa.
"Mommy, flower for you."
Napalingon si Monica kay Princess na nasa tabi niya habang hawak ang isang white roses na paborito niya noon. Iniaabot nito iyon sa kaniya. Natigilan siya at nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa alaalang bumalik sa kaniyang isipan.
Dahan-dahan niyang kinuha ang puting rosas at inilapag iyon sa kaniyang table. Bakit sa dami ng bulaklak na pwedeng ibigay ni Princess sa kaniya, bakit white rose pa? Hindi na niya iyon gusto simula ng iwanan siya ng lalaking akala niya'y iyon na ang makakasama niya hanggang sa dulo.
Limang taon na ang lumipas simula ng mangyari ang mapait na nakaraan ni Monica at hanggang ngayon pilit pa rin niya iyong iwinawaksi sa kaniyang isip. Napakarami niyang alaala sa puting rosas na iyon. Kaya nga sa tuwing um-order siya ng mga bulaklak, malimit lang siyang um-order ng rosas. Hanggat maaari ayaw niyang maalala ang mapait niyang nakaraan sa puting rosas na iyon at si Jericho na iniwan siya sa mismong kasal nila.
Puting rosas kasi ang palaging binibigay sa kaniya ni Jericho noon. Tuwing anniversary at mahahalagang okasyon, iyon ang palaging natatanggap ni Monica mula rito kaya naging paborito niya iyon. Iyon din ang bulaklak na napili niya para sana sa kasal nila noon na nauwi sa mapait at masakit na pangyayari. Iniwan kasi siya ni Jericho sa mismong kasal nila. Hindi siya sinipot, ni hindi nagbigay ng paliwanag sa kaniya kaya hanggang ngayon malabo pa rin sa kaniya ang dahilan nito kung bakit hindi ito dumalo sa pinapangarap nilang kasal.
Napakurap si Monica at napailing dahil sa alaalang bumalik sa isip niya. Hindi na dapat niya iyong isipin dahil matagal ng nangyari iyon at dapat na niyang kalimutan. Hinawakan niya ang bulaklak at saka inilagay sa drawer ng kaniyang table kung saan hindi niya makikita. Pinilit niyang alisin ang lahat ng distraction sa isip niya at muling humarap sa monitor para asikasuhin ang kaniyang trabaho.
Mayamaya pa'y may kumatok mula sa pinto. Bumaling siya roon. "Come in," pahintulot niya sa kumatok.
"Ate, nandiyan na po 'yong nagpa-book para sa wedding nila this weekend," sambit ni Ria ng pumasok ito.
"Sino?" tanong niya. Dahil sa dami ng mga bagay na ginagawa niya, nakalimutan na rin niya ang mga pangalan na nagpa-book sa shop niya.
"Si Miss Eyna at Mr. Arnold, Ate," paalala nito.
Nasapo ni Monica ang noo niya at saglit na napapikit ng maalala niya kung sino ang mga iyon. "Tama, sila nga. I just received their email yesterday, nakalimutan kong darating nga pala sila ngayon to pick the flowers they wanted to use for their wedding," saad niya.
"Masyado kasi kayo ateng workaholic kaya nagiging makakalimutin kayo," ani Ria.
"Baka nga, Ria. Sige, sabihin mo lalabas na ako and give them the brochure, ok?" bilin niya. Tumango lang si Ria at tumalikod na palabas ng silid. Napabuga siya ng hangin dahil sa nangyayari sa kaniya. Lately kasi malimit niyang makalimutan ang ibang nagpapa-schedule sa shop niya. Karamihan pati roon ay mga wedding events.
Inayos muna ni Monica ang kaniyang sarili, saka bumaling kay Princess na naglalaro ng manika nito sa sofa. Lumapit siya rito. "Anak, lalabas muna saglit si Mommy, ok?" paalam niya. Tumango lang ito. Naglakad na siya palabas para harapin ang couple na iyon na nagpa-book ng schedule sa kanila.
—
MAAAGA pa lang ay nasa venue na agad ng kasal si Monica kasama si Ria at ang ilang staff niya sa shop para tulungan siyang mag-decorate ng venue ng kasal nila Miss Eyna at Mr. Arnold. Dala nila ang mga bulaklak na napili ng couple, ang Gardenias Flower na kahit sino'y magagandahan at mababanguhan sa bulaklak na iyon. Hindi rin biro ang presyo niyon.
"Ok, let's do this guys, let's start our work," sabi ni Monica sa mga staff niya na agad namang tumalima sa kaniya. Pumunta na ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho at ganoon din siya. Mula sa stages ng lugar, sa bawat gilid niyon, sa aisle at maging sa mga bangko at sa walling, lahat iyo'y nilagyan nila ng disenyo. Nangangamoy na rin sa paligid ang amoy ng Gardenias at namumuti dahil sa nagkalat na bulaklak sa paligid na tinernuhan ng mga puti rin na tela. White theme kasi ang gusto ng ikakasal kaya iyon ang ibibigay niya sa mga ito.
Ilang oras na trabaho at sa wakas ay natapos nila ang paglalagay ng dekorasyon sa lugar bago pa man magsimula ang kasal. Nagpalit na rin sila ng damit dahil imbitado rin sila sa kasalang iyon dahil kilala na niya ang mag-asawa dahil loyal customer niya ang mga ito.
Ilang saglit pa at nagsimula na ang kasal. Pumwesto si Monica kasama ang staff niya sa parteng gitna ng mga upuan habang pinagmamasdan ang nagagandahang mga bisita. White din ang suot ng mga abay, ninong, ninang at ng iba pang parte ng kasal na iyon.
Nagsimula nang magsipasok ang mga abay kasabay ang wedding atheme na iyon at lahat ng mga mata'y nakatuon sa mga ito. Napapangiti na lang si Monica dahil napakagaganda at napakgagwapo ng mga naglalakad sa aisle.
Habang nakatutok siya sa mga naglalakad, kusang huminto ang mga mata niya sa pamilyar na lalaki habang naka-abresyete dito ang babaeng partner nito. Hindi siya nakagalaw. Parang tinakasan siya ng dugo dahil alam niyang namutla siya. Bumilis din ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Lahat ng nakaraan niya'y bumalik sa isip niya na parang kahapon lang nangyari. Natulala siya sa binata at hindi niya namalayang nakatingin na rin ito sa kaniya na bakas ang gulat at pagkamangha. Nagtama ang mga mata nila na kapwa hindi makapaniwala pero agad na umiwas si Monica sa mga mata ni Jericho dahil hindi niya kayang tumingin sa binata.
"Ate, ayos ka lang ba?" Napukaw si Monica nang kalabitin siya ni Ria. "Para kayong nakakita ng multo?" anito pa.
Kumurap siya at hindi makatingin kay Ria. Napalunok din siya ng ilang beses. Hindi siya mapakali lalo't alam niyang nandito si Jericho. Hindi niya alam kung paano ito haharapin. "O-ok lang ako, Ria," sabi niya. "Kailangan ko lang mag-CR," sambit pa niya, saka tumayo at mabilis na lumabas ng silid para tumungo ng CR.
Nararamdaman ni Monica ang panginginig ng kaniyang mga kamay dahil sa kaba. Paanong nandito si Jericho? Bakit sa dami ng taong pwedeng dumating bakit si Jericho pa? Hindi niya alam kung paano ito haharapin.
Nakayuko siya habang mabilis na naglalakad patungo sa rest room at hindi niya napansin ang lalaking kalalabas lang ng male Comfort room at hindi sinasadyang nabangga niya ito. Bahagya siyang napaatras dahil sa impact niyon.
"Miss, are you blind? Don't you see I'm here?"
Nag-angat si Monica nang tingin sa lalaking iyon na pinagmulan ng malalim at baritonong boses. Kung kanina natulala siya sa nakita niya, ngayon mas lalo siyang nagulantang. Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng puso niya at anumang sandali'y mawawalan siya ng malay.
Hindi pwedeng magkamali si Monica, kilalang-kilala niya ang lalaking nasa harap niya. Para siyang binuhusan ng malamig na yelo dahil hindi siya makagalaw, 'ni maibuka ang kaniyang mga labi para magsalita. Habang nangungunot ang noo ng binata na wari'y sinusuri ang kaniyang hitsura.
Napalunok siya nang mas makita nang malapitan ang binata. Ang nasa harap niya ay ang lalaking nakasiping niya nang gabing iyon matapos siyang iwan ni Jericho sa mismong kasal nila. Si Zymon Coreal, ang anak ng pamilya Coreal na nagmamay-ari ng maraming negosyo sa bansa. He's a son of a billionaire family. Ano'ng ginagawa niya rito?
Sa dami ng taong pwede niyang makita sa kasal na iyon, bakit si Jericho at Zymon pa? Ang mga taong naging parte ng nakaraan niya.
Napalunok si Monica at yumuko para iwasan ng tingin ang binata na tila ba nakikilala na siya. "I-I'm sorry, Sir," paghingi niya ng paumanhin.
Kailangan niyang makalayo kay Zymon kaya mabilis siyang humakbang palayo sa binata pero hindi pa man siya nakakalayo ng muli itong magsalita na nagpahinto sa kaniya.
"Wait, Miss. I know you. Kilala kita. You're the girl from the bar five years ago."
"ATE, bakit po pala bigla kayong nawala sa kasal nila Mrs. Eyna at Mr. Arnold kahapon? Hindi rin po namin kayo nakita sa reception?" usisa ni Ria kay Monica nang umagang pumasok ito sa flower shop.Tahimik lang na gumagawa ng bouquet si Monica. Natigilan siya at muling naalala ang nangyari sa kasal na naging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos nang nagdaang gabi. Bakit kasi sa dami ng taong pwedeng pumunta sa kasal na iyon, bakit si Jericho at Zymon pa? Hindi na dapat sila bumalik sa buhay niya dahil kinalimutan na niya ang mga ito.Pilit siyang ngumiti kay Ria na abala naman sa pag-aayos ng mga bulaklak na nandoon. "Nahilo lang ako, na marahil dahil sa pagod," dahilan ni Monica dahil wala naman siyang balak na i-open kay Ria o kahit sa kung sinong tao ang tungkol kay Jericho at Zymon. Ang pamilya lang niya at ang kaibigang si Crystal ang nakakalam ng tungkol kay Jericho pero ang tungkol kay Zymon, tanging si Crystal lang ang nakakalam niyon.Bumakas ang concern sa mukha ni Ri
"MONIC!"Nagulat na lang si Monica nang marinig niya ang sigaw na iyon mula sa isang babae. Hindi nga siya nagkamali nang humarap siya at nakita ang kaibigang si Crystal, bitbit ang maleta nito na kakapasok lang ng flower shop suot ang masayang ngiti. Ilang buwan rin kasi simula nang hindi sila nito nagkita dahil sa Manila ito nakatira at dumadalaw lang sa kaniya kapag gusto nito."Crystal?" gulat namang banggit niya sa pangalan nito, saka masayang ngumiti. Saglit silang nagkatinginan, saka tumakbo si Crystal palapit sa kaniya at mabilis siyang niyakap. "I miss you, Monic, I'm sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy, 'di ba?" malungkot nitong paghingi ng paumanhin.Nginitian niya ito nang maghiwalay sila. "Ano ka ba, it's ok kasi alam ko naman kung gaano ka ka-busy diyan sa boyfriend mo—I mean sa salon mo," natatawang pagbibiro niya. Nitong nakaraan kasi'y sinabi ni Crystal may boyfriend na ulit ito at kilala niya ang kaibigan, sa tuwing may kasintah
TAHIMIK na pinagmasdan ni Monica ang anak na mahimbing na natutulog na katabi niya. Marahan niyang hinagod ang buhok nito saka ngumiti. Sa maraming nangyari sa buhay niya, masaya siyang napalaki niya ng isang mabuti at maayos na bata si Princesa Monica sa kabila ng pagiging single mother niya. Hindi maikakaila ang taglay na ganda ng kaniyang anak na sinasabi ng maraming kamukha niya.Pinili niyang ilayo ang bata sa lahat at gayon din ang sarili niya dahil alam niya kahihiyaan ang magiging dulot niyon, hindi lang sa kaniya kung 'di maging sa pamilya niya. Itatago niya ang katotohanan hanggang kaya niya.Bumuntong-hininga siya. Tumihaya siya at matamang pinagmamasdan ang kisame. Hindi niya alam kung ito na ba ang tamang panahon para bumalik siya ng Manila kung saan nandoon ang alaala ng nakaraan niya at nandoon din ang mga taong naging parte niyon na pinili niyang layuan. Pero sa kabila ng paglayo niya, tila lumiliit na rin ang mundo sa kanilang tatlo dahil sa dami ng lugar, sa Davao pa
"J-JERICHO?" gulat na banggit ni Monica sa lalaking nagsalita kahit expected na niya na ito ang bubungad sa kaniya. Gustong titigan ng mga mata niya ang mukha nito pero pinigil niya ang sarili. Limang taon na ang nakalipas pero nararamdaman pa rin niya ang bahagyang pananabik sa binata at ang kagustuhan niyang titigan ito. "A-anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong at umiwas dito ng tingin dahil pakiramdam niya, kung hindi pa siya iiwas, baka madala siya sa kakaibang tingin nito. Ito na ang kinatatakutan niyang mangyari.Napuno ng kaba ang sistema niya.Sa kabila ng hindi pagsipot ni Jericho sa kasal nila at iwan siya nito ng walang paalam, natutunan niyang tanggapin at patawarin ang binata kahit wala siyang narinig na paliwanag o salita man lang mula rito noon na gusto niyang marinig."Pwede ba kitang makausap?" malumanay na tanong nito habang nasa mukha niya ang paningin nito na nangungusap. Parang nababanaag niya ang pananabik doon at ang kagustuhan nitong makausap siya.Kum
"AKALA ko ba uuwi ka rin ng Manila after ng wedding ni Arnold?" nagtatakang tanong ni Tita Aunor kay Zymon dahil akala nito uuwi na rin siya ng Manila pero hanggang ngayon nasa Davao pa rin siya sa hindi rin niya alam na dahilan. Kararating lang niya sa bahay nito na pangsamantala niyang tinutuluyan.Kapatid ng kaniyang ama si Tita Aunor na piniling manirahan sa Davao.Almost one week na si Zymon sa lugar na iyon kahit dalawang araw lang sana siya mamamalagi roon. Nag-extend siya nang makita muli niya ang babaeng iyon na nakasalo niya sa isang mainit na gabi limang taon na ang nakakaraan. Hindi niya mawari pero mayroon sa loob niya na gusto niyang makilala siya nito kahit alam niyang dapat na rin niyang kalimutan ang nangyari.Limang taon na simula nang magising na lang si Zymon na inangkin niya nang gabing iyon ang isang babaeng hindi naman niya kilala at simula noon, hindi mawala sa isip niya ang nangyari at ang mukha ng babaeng iyon na natagpuan niya sa bar. Naglalasing at tila gal
"RIA, mayroon ba tayong roses na white? Tita Aunor Called me and she ordered white roses," pukaw ni Monica sa staff niya nang makalabas siya ng opisina. Nadatnan niya roon si Ria na nag-aayos ng mga bulaklak.Humarap ito sa kaniya at saglit na nag-isip. Tumango ito. "Mayroon pa po ate pero mukhang iilan na lang po ang nandoon," sagot nito na nag-aalangan."We only need five roses, abot ba 'yon?" tanong niya rito. Hindi pwedeng wala silang maibigay rito dahil bukod sa naka-oo na siya, ito rin ang masugid niyang customer. Palagi itong kumukuha sa kaniya ng mga bulaklak kahit panglagay lang sa mga vase sa bahay nito.Ngumiti si Ria. "Yes po ate, kasya po iyon," anunsiyo nito. "Teka lang po, ihahanda ko muna ang flowers bago dumating si Ma'am Aunor," paalam nito, saka tumalikod sa kaniya para ayusin ang mga bulaklak. Nakahinga naman siya ng maayos dahil abot pa ang bulaklak sa order ni Tita Aunor.Bumalik muli siya sa opisina para ayusin ang mga orders at supplies ng mga bulaklak. Next we
"MOMMY, gusto kong pumunta ng mall, pwede po ba? I want to buy some toys po kasi," sweet na sabi ni Princess Monica sa Ina nito habang nakaupo sa sofa at naglalaro ng manika nito.Weekend at nagpasiya si Monica na hindi pumunta ng shop dahil balak niyang magpahinga. Lunes kasi ay aalis na sila papuntang Manila. Nag-angat siya ng tingin at binalingan ang anak na naka-pony tail na mas lalong nagpa-cute rito."Gusto mo mag-mall? Sige, later pagkakain natin pupunta tayo ng mall, ok? Basta kakain ka ng gulay," aniya na may kondisyon sa anak. Hindi kasi ito mahilig kumain ng gulay at laging hotdog at mga karne ang gustong kainin.Hindi agad nakaimik si Princess. Ngumuso ito. "I don't eat gulay, Mommy, eh. Para kasi silang damo tapos kakainin ko? 'Di ba po mga hayop lang kumakain ng damo?" tanong nito na nagpakunot sa noo niya. Kapagkuwa'y napatawa siya.Nilapitan ni Monica ang inosenteng anak. Hinawakan niya ito sa balikan. "Anak, hindi damo ang gulay, ok? Iba ang damo na kinakain ng hayop
"WHAT are you going to buy here at kailangang kasama ako, huh?" tanong ni Zymon sa kaibigan niya na si Well na kararating lang sa Davao para sundan siya at sumama sa pagbabakasyon niya. Inaya siya nitong pumunta sa mall dahil may bibilhin daw ito roon."Some stuffs na nakalimutan kong bilhin sa Manila. Pagdating ko sa hotel at binuklat ang mga gamit ko, I realized I forgot to bring underwear." Natawa ito sa sinabi. "Kaya kailangan kong bumili rito."Napailing si Zymon at napangiti dahil sa pagiging makakalimutan ni Well na hindi na bago sa kaniya. "Sa dami naman ng pwedeng kalimutan, underwear talaga? Well, hindi pa ba ako nasanay? You always like that every time we have go to a trip."Pumasok sila sa mall at tumambad sa kanila ang maraming tao na abala sa pamimili. Wala naman kasi siyang bibilhin sa mall kaya wala siyang balak sumama, pinilit lang siya ng kaibigan.Umakyat sila ng second floor kung saan nandoon ang ilang shop ng mga underwear. Tahimik lang si Zymon habang nagmamasid
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint