HINDI mapakali si Monica habang lulan sila ng eroplano patungo sa Manila. Hindi niya mawari ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa lugar na iyon na pilit niyang nilayuan at kinalimutan sa lumipas na limang taon. Gusto niyang umatras at bumalik ulit sa Davao pero hindi na niya iyon pwedeng gawin dahil ilang minuto na lang at tuluyan na silang makararating sa Manila.Binalingan niya si Princess na nakatulog na sa byahe. Napangiti siya dahil sa napakaganda nitong mukha na puno ng bahid ng kainosentihan na sana ay hindi masira sa pagbalik nila sa Manila.Hindi lang ang mga taong naging parte ng nakaraan niya ang kaniyang kinatatakutan, pati na rin ang nararamdaman niya at ang katotohanang tungkol kay Princess na maaaring maungkat sa pagbabalik niya. Handa ba siya roon?Marahan niyang iniangat ang kaniyang palad at dinampi iyon sa ulo ng anak, saka marahang hinimas iyon. "No matter what, I'll protect you from the truth, Princess," mahina niyang sabi. Hindi niya papayagang ma
AGAD na sumakay si Monica sa kotse niya dahil sa text ni Crystal na kailangan niyang pumunta sa kompanya ng pamilya nito para sa isang meeting kung saan pag-uusapan ang event na kaniyang oorganisahin. Nagtataka man siya kung bakit kasama siya roon, hindi na lang siya nagtanong dahil iyon naman talaga ang pinunta niya sa Manila, ang trabaho. Iniwan naman niya ang anak sa mga magulang niya. Hanggang ngayon in-adjust pa rin niya ang kaniyang sarili sa lugar na iniwan niya limang taon na ang nakakaraan. Natatakot pa rin siya sa posibilidad na baka muli magkita ang landas niya at ng mga taong gusto niyang kalimutan. Sa kabila naman ng lahat ng iyon, masaya siya dahil sa wakas, nakasama niya ang kaniyang pamilya sa bahay nila matapos ang limang taon. Halos ayaw na nga ng mga ito na bitawan ang anak niya dahil na-miss ito ng kaniyang mga magulang. Marami itont naging tanong sa kaniya kung bakit bigla siyang bumalik ng Manila. Pinaandar niya ang sasakyan habang tahimik lang. Katulad nga ng i
MABILIS NA bumaba ng taxi si Monica ng marating niya ang George Company. Kung titingnan iyon, malulula ka sa taas ng building na pag-aari ng pamilya ni Crystal. Hindi maikakailang mayaman ang kaibigan niya pero sa kabila niyon, naging kaibigan pa rin niya ito kahit sabihing hindi sila pareho ng status sa buhay.Binilisan niya ang paglakad hanggang makarating siya sa elevator at pinindot ang 10th floor. Inayos niya ang hibla ng buhok na humarang sa mukha niya at saglit na pumikit. Hindi niya alam pero hanggang ngayon, iniisip pa rin niya ang nangyari kanina at ang mga sinabi ni Jericho sa kaniya. May bumubulong sa loob niya na tanggapin ang closure at pakikipagkaibigan na inaalok nito pero sa kabilang banda'y natatakot siya dahil alam niyang mauungkat ang tungkol kay Princess.Bumuga ng hangin si Monica nang bumukas ang elevator. Lumabas siya roon at naglakad patungo sa kanan para pumunta sa meeting room ng kompanya, kung saan nandoon na ang ilang mga taong kailangan sa event na hindi
"HINDI ko rin alam ang tungkol dito, Monic. Dad never told me that Coreal Group of Company is now one of our investor," agad na paliwanag ng kaibigan ni Monica na si Crystal na halatang nagulat din sa nangyari nang makalabas sila sa meeting room. Habang nasa loob pa ang Daddy nito at kausap si Zymon."Kung nalaman ko lang na makakatrabaho ko si Zymon, I've never decided to get your offer," frustrated niyang sambit at nasapo pa ang noo. Hindi niya pwedeng makasama ng matagal si Zymon dahil sa pwedeng malaman nito tungkol sa kaniya."Why do you seem so scared everytime I'm near you, Monica? Ganoon ba ako ka-intimade sa 'yo?" Napapitlag si Monica kasabay nang gulat sa mukha ni Crystal dahil sa narinig nilang boses ni Zymon na nasa likod niya. Para siyang nakakita ng multo sa gulat at hindi nakagalaw dahil hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito. "Hindi mo ba napapansin, we were always met in unexpected moment pero parang ilag na ilag ka sa akin, is there something you're hiding, Moni
NAPANGITI SI Monica habang pinagmamasdan ang anak na si Princess habang naglalaro ito kasama ang Lolo Berto at Lola Terry nito sa hardin. Kasalukuyan siyang nandoon sa terrace kung saan tanaw niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang masasayang ngiti at ang kagalakan sa bawat tawa nito habang kasama ang Lolo at Lola na ngayon lang niya napagtanto na kailangan pala ng anak niya ang mga ito, para maging masaya. Humalukipkip siya. Lumalaki na si Princess Monica at natatakot siya dahil alam niya sa paglaki nito, magsisimula na rin itong magtanong tungkol sa tunay nitong ama na hindi niya alam kung ano'ng sasabihin niya kapag dumating na ang puntong iyon. Napabuntong-hininga si Monica at malungkot na tiningnan ang masayang anak. Naawa siya para rito dahil hindi man lang nito nakilala ang ama pero alam niyang mas mabuting hindi nito alam iyon dahil hindi naman ito nabuhay dahil sa pagmamahal, kung 'di dahil sa pagkakamali niya. Napapitlag si Monica nang mag-vibrate ang hawak niyang cellphon
"KUYA Zymon? Kuya!"Hindi alam ni Monica kung paano nakilala ni Princess si Zymon dahil tinawag nito ang pangalan ng binata. Sa pagkakaalam niya, hindi pa niya nabanggit ang pangalan nito o naikwento man lang ang tungkol kay Zymon.Nagtatakang tiningnan niya si Zymon at ang anak niya na masayang nakangiti habang kaharap ang binata. Hindi agad siya nakagalaw dahil sa nakikita niya. Kumurap si Monica ng ilang beses at ng mapagtantong kaharap ng anak niya si Zymon, mabilis siyang lumapit kay Princess at inilayo ito."P-paano mo nakilala si Zymon?" baling niya sa anak na puno ng pagtataka.Hindi agad nakasagot si Princess, bumaling pa ito kay Zymon habang alangang nakangiti. "Kasi po, Mommy nakita ko po siya sa Mall dati no'ng nawala po ako," paliwanag ng anak niya na mas ikinagulat niya."Huh? A-ano'ng ibig mong sabihin, siya ang nakahanap sa 'yo sa mall?" paglilinaw niya.Ngumuso si Princess at marahang tumango. "Ang bait nga po niya, Mommy, eh, kasi binilhan niya po ako ng ice cream na
HUMINTO ang sasakyan ni Zymon sa tapat ng isang malaki at mataas na gusali. Napatingala si Monica at nalula sa taas niyon, napakunot pa ang noo niya dahil sa matinding sikat ng araw."Let's go, Monica," aya ni Zymon sa kaniya na seryoso lang ang mukha.Umirap siya bago sumunod sa binata na naglakad na patungo sa entrance ng gusali. Napaismid pa siya dahil sa inis dito. Hindi niya makuhang isipin kung ano'ng intensyon nito kung bakit tila gusto nitong mapalapit sa kaniya.Binati ng mga employado si Zymon habang ngumingiti lang si Monica sa mga ito. Lumapit si Zymon sa receptionist at kinausap ito. Hindi na siya sumunod pa sa binata. Napatingin siya sa malaking pangalan na nakalagay sa wall sa gawi ng reception area. "Bloom Hotel, make it your place," mahinang basa niya."This hotel is owned by my family and Mr. George wants it to be the place for his company anniversary."Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kaniya si Zymon. Tiningnan muna siya nito bago naglakad ulit, patungo na
"That was not a plan, Monic, hindi nakaplano ang pagbisita sa event place, even me, nagulat ako nang nalaman ko mula kay Dad na umalis kayo to go to Bloom Hotel," paliwanag ni Crystal kay Monica habang natatawa ito dahil sa matalim na tingin niya sa kaibigan.Naiinis siya sa kaibigan dahil hindi ito sumama sa pagbisita sa event place habang kasama si Zymon, samantalang kasama ito sa planning team ng event. Naiinis din siya dahil mas nagkakaroon ng pagkakataon si Zymon na makalapit sa kaniya, hindi lang sa kaniya, maging kay Princess."Bakit hindi ka sumunod? Alam mo namang si Zymon ang kasama ko roon at alam mong ayaw ko siyang makasama," giit niya.Humigop si Crystal sa milk tea na hawak nito. Nasa isang milk tea shop kasi sila para pag-usapan ang ibang mga kailangan sa pagpaplano ng event. "I wanted too, Monic kaya lang may urgent meeting ako nang araw na 'yon."Bumuntong-hininga si Monica. "Ok, fine, naiintindihan ko pero naiinis ako kay Zymon, Crystal. I don't know how long I can'
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint