Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)

Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)

last updateLast Updated : 2025-04-26
By:  Seera MeiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.9
35 ratings. 35 reviews
126Chapters
65.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Scarlett Louise Santillan, a.k.a. "Red," is the best and most famous assassin of the Wolfgang Creed Organization. She's the rank one. She lived just like a normal businesswoman by day, but by night, she was a dangerous, powerful, badass, fearless, smart, and bravely beautiful woman. No one can match her. She's ruthless and brutal when killing. She kills anyone who gets in her way without mercy. ——————— Lucien Aziel Savedra is a multi-billionaire. He is the owner of Savedra Oil Company, the richest company in the country and Asia. He is known as an arrogant, cold, and heartless man. That's what most people know because that's what they see in him, but the truth is, Lucien doesn't want to show his true self to others. That was his father's order. Moreover, they are a rich family in all of Asia. They have many enemies, and they should not be seen as weak. Not only that, Lucien didn't know that his father was a member of the underground society. ——————— After Red accomplished her mission, her boss called her for the next job. She thought her mission would follow the same routine, but she was wrong. His boss gives her a new assignment. A mission she never thought would be given to her will be accepted. Her mission is to protect and be the maid of an arrogant billionaire. What happened to Red when she was with the man? How will she protect the man when a lot happens that she didn't expect? Will she be able to survive the mission to protect and guard him? Or, for the first time, will she give up on her mission?

View More

Chapter 1

Chapter 1

    SIMULA (Unang Kabanata)

   

     MALALIM na ang gabi, halos isang oras na kaming nakamasid sa mansyon ng target. Hinihintay na makatulog ang lahat bago simulan pasukin ang loob ng mansyon. 

    Dalawa lang naman ang target, Hindi kasama ang ibang pamilya, kaya kailangan maging maingat. Sana lang walang maging hadlang sa gagawin namin para walang madamay na ibang inosente. 

   Tsk, kahit naman assassin kami kung sino lang ang target at inutos sa amin na papatayin iyon lang ang susundin. Pwera na lang kapag may makisawsaw at puntirya din kami. Ibang usapan na iyon. 

   Isang group mission ang binigay ni Boss na trabaho ko. Kasama ko ang ibang assassin na nasa top rank din. Tsk, sa totoo nga lang hindi ko gusto ang group mission na ito. Ayoko sa lahat ‘yung may iniisip akong iba, para sa akin nagiging pabigat lang sa misyon kapag may kasama. Mas tumatagal ang oras. 

   Maya maya pa napansin ko na ang ang surveillance drone ni Sapphire na papasok sa loob ng mansyon.

   “Be carefull, Sapphire.” Seryoso kong anas gamit ang earpiece na nasa aking tenga. Hindi dapat kami pumalpak sa misyong ito dahil isa ito sa mahalagang trabaho na binigay ni Boss. 

   “Copy that, Red.” 

  Hinintay namin makapasok sa loob ang drone para malaman at makita kung ilang bantay pa ang gising at kung nasaang kwarto naroroon ang target. 

    “So?” Naiinip kong sambit. 

   Kanina pa ako dito sa gilid at nagtatago sa likod ng puno. Hindi ako sanay na naghihintay ng matagal. Kung ako lang ang naka-assign sa misyong ito kanina pa ito tapos. 

    “There are 3 men patroling in the living room, 4 in front of the mansion, four in the backyard, and three upstairs.” 

  Sagot ni Sapphire. So, marami pa palang bantay sa loob ng mansyon. 

   “Gunner, you know what to do with the people upstairs and in the living room.” Seryoso kong turan. Gunner is our sniper for this mission. 

   “Areglado, Red.” 

  “Blade, Thunder; take care of the people in the front and back.”

   “Copy that, Red. ” Sabay na sagot ng dalawa.

   “Saphire, where is the target?” Tanong ko habang inaayos ang pistol na hawak. 

    “At the end of the second floor is the room of our target, on the left side.” 

    “Good, be alert Sapphire, abisuhan mo agad kami kapag may ibang tao na gising o tauhan na makakalaban. Night, come with me.”

   Maingat akong umalis sa pinag tataguan ko. Ilang sandali pa nasa tabi kona si Night. 

   “Gunner.” Mahina kong usal, alam naman na niya ang ibig sabihin ng pag tawag ko sa kanya. 

    “The living area is now clear, you can go inside, Red.” Napangisi ako.

    “Good.” Sagot ko saka nagmamadaling pumasok sa loob. Kasunod ko si Night na naka-alerto sa aming likod. 

    I move quitely as I can. Hindi pwedeng ma-alarma ang ibang tauhan. Masisira ang misyon namin. Mabuti na lang medyo madilim dito sa living area. 

    “Shit! magtago kayo Red! May lumabas sa kwarto malapit sa hagdan na dalawang kalaban.” 

  Rinig naming sambit ni Sapphire sa earpiece. Napamura na lang ako dahil malapit na kami sa hagdan! Wala kaming nagawa kung hindi magtago. 

    Nagkatinginan kami ni Night ng maglakad patungo sa maindoor ang mga ito. Shit, baka makita nila ang bangkay na nakahandusay lang sa sahig dito sa sala at sa maindoor. Wala akong inaksayang oras, tinanguan ko si Night nakakaintindi naman itong tumango at sabay kaming lumabas sa aming pinag-tataguan saka dahan dahan naglakad patungo sa mga ito. Nilabas ko ang dagger na nasa aking hita.

    Naging mabilis ang kilos namin, sinakal ko agad ang lalaki saka nilaslas ang leeg nito sabay hila sa gilid para hindi  mapansin. Nang mapatingin ako kay Night ay ganon din pala ang ginawa nito. 

   Sinenyasan ko siyang umakyat na kami sa taas. 

   “Red, kayo ng bahala ni Night sa kalaban sa taas, nahihirapan akong targetin sila dahil palakad lakad ang mga ito at tago. Baka makabasag ako ng bintana at maging sanhi pa ng pagka-agaw ng atensyon ng ibang tao. Hindi maganda ang naging pwesto ko.” 

   Biglang turan ni Gunner. Nakakaintindi naman akong tumango saka nagsalita. 

  “Alright, mas maganda nga na kami na lang. Mahirap na baka mabulilyaso ang mission natin.” Sagot ko. 

  Napansin ko nga na nakasarado ang mga bintana sa second floor. Mahihirapan nga si Gunner na puntiryahin ang mga ito kung sakali. Kung ipipilit niya paniguradong makakaagaw kami ng atensyon. 

    “Ako na ang bahala sa living area kung sakaling may kalaban na dumating.” 

   “Sige. Antabayanan mo na lang.” 

    Habang binabaybay namin ang hagdan pataas ay alerto akong nakatingin sa second floor at nakatutok na rin ang hawak kong baril kung sakaling biglang may sumulpot na kalaban. 

   Pagkarating namin sa pangalawang palapag ng mansyon sakto naman na nakatalikod sa amin ang isang tauhan na abala sa kanyang cellphone. 

    Maingat akong lumapit dito at walang ano-anong hinampas sa batok ang lalaki. Mabilis naman na nasalo ni Night ang katawan nito saka hinila sa gilid ng pasilyo. 

   Wala na akong inaksayang oras pa at nagmamadali na kaming nagtungo sa kwarto ng target. Pero bago ‘yun biglang sumulpot ang dalawang kalaban. Mabilis namin silang pinaputukan sa noo ni Night saka deretsong pumasok sa loob ng kwarto, hinayaan na namin ang katawan ng mga ito na nakahandusay sa labas. Kailangan na namin magawa ang misyon at matapos.

    Bigla naman napabangon sa gulat ang mag asawang miyembro ng underworld society ng maramdaman ang presensya namin.

   “Sino kayo? anong kailangan niyo sa amin?” Nahihintatakutan na tanong ng lalaki. 

   Ngumisi lang naman ako bilang sagot saka tinutok ang hawak kong baril sa kanila. Nagsimula namang umiyak ang babae. 

   

  “Die.” Walang emosyon kong turan saka sila sunod sunod na binaril sa kanilang dibdib at ulo. Sinigurado kong hindi sila mabubuhay. 

   Bumaksak ang walang buhay nilang katawan sa kama at naliligo sa sariling dugo. 

    This is one of our mission tonight. To kill the two members of the underworld. This is what boss ordered to us. At ito ang buhay at trabaho ko ang pumatay. 

   “Mission successful, Let's go to the last one.” Seryoso kong turan sa kanila saka tumalikod at lumabas ng kwartong iyon. 

   Habang naglalakad ay nakasunod naman sa akin si Night hawak na nito ang cellphone niya. 

    “Who is the next target, Night?” Malamig kong tanong. Inilapit naman niya sa akin ang hawak na cellphone at pinakita ang larawan at details ng susunod na target. Conrado Macapagal. Ang tumatayong leader ng pinatay namin na mag asawa. 

   Tumango lang ako saka mabilis na lumabas ng mansyon at dere-deretsong tinawid ang pader kung saan ako dumaan kanina. Sumunod lang naman sa akin si Night. Tsk, buti na lang tahimik lang ang isang ‘to at hindi pala-imik kapag hindi mo kinakausap. 

   “Where are you, guys?” Tanong ko habang tinatago ang baril sa aking hita. Hindi ko kasi nakita ang kotse sa punong pinag iwanan namin kanina. 

  “We are here in the back of the white van. Umalis na kami doon sa puno baka may makahalata pa.” 

   Hindi na ako nagsalita pa at pinuntahan kung saan sila naroroon. Once na matapos ang misyon automatic na magkakanya-kanya na kaming alis sa pinang yarihan. Magkikita kita na lang sa kung saan ang tagpuan na pinag usapan. 

  Nakita ko silang nakasandal sa dala namin sasakyan at hinihintay kami. 

    “Hope in, we still have one last mission, Let finish it right away, so we can go home and rest.” Turan ko agad ng makalapit sa kanila. Ako na ang nagpresinta na mag-dadrive para makarating sa susunod na destinasyon. 

   **********

     Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng warehouse kung saan ang kuta ng kalaban. Hinanda kona ang dalawa kong baril. Sigurado na maraming tauhan ang nandito at mapapalaban kami. 

    Si Sapphire at Gunner lang ang wala dito dahil parehas silang sniper.

  “Prepare to attack.” Turan ko ng makita ang mga tauhan na abala sa pag susugal at inom. Napangisi na lang ako dahil madali namin sila mapapabaksak. Tss, masyadong pa-easy easy ang mga ito. Hindi nila alam may nakapasok na sa kuta nila. 

   Nang sumenyas na ako sa kanila ay sabay sabay kaming lumabas sa pinag tataguan at pinaulanan ng bala ang lahat ng tauhan na makikita namin. At katulad ng inaasahan naging madali sa amin ang lahat dahil hindi sila handa at biglaan ang pag sugod namin. 

    Hindi rin kami nakaagaw ng atensyon dahil lahat ay naka silencer ang baril. Hanggang sa makita namin ang totoong target ng lumabas ito ng isang kwarto. 

   Kitang kita namin ang gulat sa mga mata nito akma siyang tatalikod at tatakbo ng maunahan siya ni Night. Binaril siya nito sa hita na siyang kinaluhod nito. 

  Nilapitan ko ito at walang awang inapakan ang sugat. 

   “Any last words?” Walang emosyon kong tanong. 

   “Please, don't kill me. Ano bang kailangan niyo? Pera? ibibigay ko! Please spare my life!” Isang ngisi ang sumilay sa aking labi saka mas diniinan pa ang pag apak sa sugat nito. 

   Naghihiyaw naman ito sa sakit. 

   “We need nothing but to kill you. That is the order we must obey. Goodbye, Conrad Macapagal. See you in hell.” 

   Bago pa siya makasagot ay binaril kona ito sa ulo at dibdib. Tinanggal kona ang paa sa sugat nito saka tumalikod at naglakad palabas na parang walang nangyari. 

    “Let's go home, I'm tired.” Turan ko saka inalis ang aking maskara tapos ay nilagpasan sila at dere-deretsong pumunta sa sasakyan pero hindi pa man ako nakakasakay ng tawagin ako ni Sapphire at iabot sa akin ang kanyang cellphone. Taas kilay ko naman iyong tinignan.

   “Boss called and said he wanted to talked to you.” Alanganing sambit ni Sapphire. Walang salita na kinuha ko ang kanyang phone at tinapat sa akin tenga. 

   “Yes, boss?” 

    “Goodjob Red, hindi talaga ako nagkamali sa ‘yo. Anyway, I called to tell you to come here to the headquarters, I have something important to tell you regarding to your next mission.” Nangunot ang noo ko. 

   “Ngayon talaga boss? Hindi ba pwedeng ipag pabukas na? I'm tired.” Walang gana kong turan. Narinig ko naman ang buntong hininga nito sa kabilang linya. Pagod na pagod na ako ilang oras din inabot ang mission namin ngayon. Wala na akong lakas para pumunta sa HQ at alamin ang sasabihin nito.  

   “Alright, tomorrow then, come here at 10am. I don't want you to be late, Red. This is one of the important mission that I will assign to you, so I have to discuss the plan with you.” 

   Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ipipilit pa rin ni boss na pumunta ako sa headquarters. 

   “Areglado boss see you tomorrow.” 

   “Alright, Job well done, Red. Umuwi na kayo at magpahinga.” 

   Matapos makausap si Boss ay dali-dali na kaming sumakay sa sasakyan but this time hinayaan kong si Blade na magmaneho ng sasakyan dahil hindi kona kaya magmaneho pa. Nakakapagod ang gabing ito. 

 ******

Hi, sana po suportahan niyo din po ang bagong story kona ito. Mag iwan po sana kayo ng ratings, comment and gems. Thank you so much po!

  

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
97%(34)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
3%(1)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
9.9 / 10.0
35 ratings · 35 reviews
Write a review
user avatar
Aish Teru
plss update na po subrang Ganda kasi nito eh
2025-04-02 23:27:13
0
user avatar
Lily De Leon
update po please .. napakagandang story ...
2025-03-23 02:09:21
0
default avatar
queniealicaway17
update pls
2025-02-24 20:31:39
0
user avatar
Aish Teru
Sana may update na new reader po ako ...
2025-02-23 03:00:00
0
user avatar
Aish Teru
new reader here sana may karugtong na Ganda Ng story mo ...
2025-02-18 16:09:26
0
user avatar
Karen Boloy maducd
mejo matagal na Pala to Hanggang ngaun Wala pa rin update sana meron o tapusin na ung kwento salamat
2024-12-14 11:34:26
0
user avatar
Zania Reyes Samson
Sana may kasunod na waiting po kami...
2024-09-10 20:52:31
2
user avatar
£ays
sana may update na dito... please author tapusun mo na to... salamat....
2024-08-27 23:33:20
1
default avatar
marichelmurphy
Nasaan na po ang chapter 104-114?
2024-07-17 05:39:33
1
user avatar
Jen Bee
hoy, Crystal, kuhang kuha mo gigil mo ako.. isa kang jumper.. ......... Red, ipagpaban mo si Lu ha.. wag mo sya bibigay s jumper n yan.. ......
2024-07-08 15:50:16
1
user avatar
Jen Bee
hi miss A.. hope you're doing okay po.. waiting for the update po sa story.. ......
2023-11-12 00:00:51
0
user avatar
Raquel Moncay
nakakabitin nman hanggang chapter 80 lng maganda pa nman story niya
2023-10-31 12:20:40
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
Ms.author seera mei kelan po update ng maid of the arrogant billionaire?maganda ung story kulang lang po sa daily update unlike other stories na nababasa nmin, nag iinform din ang author sa mga readers nya para laging updated.
2023-10-16 21:08:03
0
user avatar
Gene Darden
kumusta na kaya si Ms. Seera Mie bakit wala ng update... bless you po
2023-10-14 22:56:47
0
user avatar
Lorna Hipolito
hanggang chaoter 80 lang maganda sana
2023-10-02 22:57:26
1
  • 1
  • 2
  • 3
126 Chapters
Chapter 1
SIMULA (Unang Kabanata) MALALIM na ang gabi, halos isang oras na kaming nakamasid sa mansyon ng target. Hinihintay na makatulog ang lahat bago simulan pasukin ang loob ng mansyon. Dalawa lang naman ang target, Hindi kasama ang ibang pamilya, kaya kailangan maging maingat. Sana lang walang maging hadlang sa gagawin namin para walang madamay na ibang inosente. Tsk, kahit naman assassin kami kung sino lang ang target at inutos sa amin na papatayin iyon lang ang susundin. Pwera na lang kapag may makisawsaw at puntirya din kami. Ibang usapan na iyon. Isang group mission ang binigay ni Boss na trabaho ko. Kasama ko ang ibang assassin na nasa top rank din. Tsk, sa totoo nga lang hindi ko gusto ang group mission na ito. Ayoko sa lahat ‘yung may iniisip akong iba, para sa akin nagiging pabigat lang sa misyon kapag may kasama. Mas tumatagal ang oras. Maya maya pa napansin ko na ang ang surveillance drone ni Sapphire na papasok sa loob ng mansyon. “Be carefull, Sapp
last updateLast Updated : 2023-01-12
Read more
Chapter 2
SCARLETT KINABUKASAN ALA sais pa lang ng umaga gising na ako para sa routine kong pag eehersisyo. Tumatagaktak ang pawis sa mukha ko ng matapos ang target kong bilang para sa squat. Tumalon talon ako at inikot inikot ang mga paa saka dumeretso sa upuan kung nasaan ang aking tubig at towel. Pinunasan ko ang pawis saka uminom ng tubig. Araw araw ko itong ginagawa para mapanatili ang malakas na pangangatawan. Kahit sabihin na pagod ako kagabi at ilang oras lang ang tulog. Automatikong nagigising ang diwa ko pag sapit ng ala sais ng umaga. Matapos makapag pahinga ay bumalik ako sa aking kwarto para maligo at maghanda papunta sa headquarters. Hindi ako pwedeng malate dahil malalagot ako kay Boss. Isa pa excited ako sa misyon ko, nabubuhay ang dugo ko kapag alam kong importanteng misyon ang binibigay sa akin ni Boss. More bakbakan mas nagiging buhay na buhay ako. Pumasok na ako sa banyo at masiglang naligo. Nang matapos ay nag suot ako ng pantalon na itim na may sira sa
last updateLast Updated : 2023-01-12
Read more
Chapter 3
SCARLETT WALA akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang misyong inatas sa akin ni Boss. Labag man sa loob ko may magagawa pa ba ako? Naka-plano na pala ang lahat bago sabihin sa akin. Tsk! Sa huli pinili ko na lang munang umuwi sa bahay para dalawin sila grandpa. Tatlong araw lang ang pahinga ko kaya dapat sulitin ko at gawin ang ibang gawain na labas ang pagiging isang Asssasin. Dadaan din siguro ako sa store para maabisuhan ang manager na matagal tagal akong mawawala. Aside sa pagiging Assassin meron din akong tatlong businesses Flower shop, Cafe and botique. Hindi man halata sa akin pero iyon ang mga negosyo ko. Nang makarating sa harap ng bahay ay nakangiti akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga kasambahay para batiin. “Goodmorning Manang Flor, where is lolo and dad? Nandito ba sila?” Tanong ko sa katiwala namin. “Magandang umaga Iha, oo nandito sila. Hindi umalis ang Daddy mo. Oo nga pala nakahanda na ang pagkain sa lamesa para sa pananghalian.
last updateLast Updated : 2023-01-12
Read more
Chapter 4
MATAPOS mag almusal ay agad na tumayo si Lucien at walang imik na umalis sa hapag kainan. ay, bastos din. may ugali nga ang magiging amo-amuhan ko. Hinayaan naman ni Sir Aidan ang anak dahil sigurado ay hindi pa rin nito matanggap ang naging desisyon nito. Napapailing na lang si Sir Aidan saka kiming ngumiti sa akin. “Pag pasensyahan mona ang anak ko. Nabigla ko siya. Sana hindi ka sumuko sa kanya Iha. Kailangan kailangan ko talaga ng magbabantay sa nag iisa kong anak.” Biglang lumamlam ang mga mata ni Sir Aidan. Hindi man nito sabihin pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal sa anak. May bigla namang pumasok sa isip ko, bakit kaya naisipan ni Sir na pumasok sa underground ganong alam naman niya na delikado? Ano kaya ang nag udyok sa kanya? Hmm..siguro may rason naman ito? Yeah, baka nga. “H‘wag ho kayong magalala Sir Aidan akong bahala sa anak niyo.” Sincere kong turan. Ewan ko pero biglang nagbago `yung isip ko lalo na ng makita ko ang pagmam
last updateLast Updated : 2023-01-17
Read more
Chapter 5
SCARLETT KINABUKASAN ala sais pa lang ay gising na ako at naka gayak na, suot suot ang aking sports bra at leggings para sa jogging na gagawin, actually, gusto ko rin libutin ang subdivision na ito kung saan ang ibang daan pa na possibleng daanan ng kalaban kung sakaling tumakas ang mga ito. Mas maganda ng sigurado ako at kabisado ang paligid. Nang makuntento na ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba. Binati ko ang mga katulong, pati ang guards na nagbukas ng gate para sa akin. Yes, feeling close na ako sa mga ito. Iyon naman talaga ang plano ang makalapit sa mga ito at mas makilatis. Sinabi pala ni Sir Aidan sa mga katulong sa bahay na personal maid ako ni Lucien kaya ang gagawin ko lang ay pagsilbihan ang kumag na lalaking iyon. Hindi rin daw ako kikilos o maglilinis ng bahay basta ang trabaho ko lang ay bantayan at asikasuhin si Lucien. Para nga akong naalinasan ng tinik sa dibdib dahil hindi ako kikilos. To be honest hindi ako marunong magluto. Wala akong tale
last updateLast Updated : 2023-01-30
Read more
Chapter 6
Sa isang malaking abandonadong warehouse kami dumeretso ni Sir Aidan. Sa hindi malamang dahilan kinakabahan ako dahil kuta ito ng mga sindikatong walang kaluluwa. Sa akin ay walang problema kaya ko ang sarili pero si Sir Aidan natatakot ako para dito. Bago bumaba ng sasakyan kinuha ko muna ang pang disguise ko naglagay ako ng wig, salamin tapos sinuot ang sumbrero at facemask na rin ako na may butas ang parteng ilong saka bibig. Sabay lang din kaming bumaba ni Sir. Naging alisto naman ako. “Sir, I don't have a good hunch here, No matter what happens, Don't leave my side and be alert Sir.” Seryoso kong turan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi isa, hindi dalawa..marami sila. “I will Iha.” Sagot nito kaya tumango ako. Ilang sandali pa may sumalubong sa amin na mga armadong lalaki. “Ikaw ba si Mr. Saavedra?” Tanong ng lalaking nasa gitna. “Yes.” “Tara sa loob kanina kapa hinihintay ni Boss.” Tumango naman si Sir Aidan
last updateLast Updated : 2023-01-30
Read more
Chapter 7
PAGKARATING sa mansyon dumeretso sa kanyang opisina si Sir Aidan at ako naman ay dumeretso sa aking kwarto. Maliligo at magpapahinga muna ako dahil mamaya simula na ng totoong trabaho ko. Matapos makapag freshen up ay pabaksak akong nahiga sa aking kama. Biglang bumalik sa aking isip ang pinag-usapan namin ni Sir Aidan. Mukhang hindi lang ang anak nito ang kailangan kong bantayan pati ito. Siguradong babalikan siya ni Salvador para pumayag sa gusto nito. Hay, ang hirap naman kasing kumilos na katulong ang role. Kung naging bodyguard lang sana ako. Tsk. Dala ng pag-iisip ay unti-unti na akong hinatak ng antok. Naalimpungatan lang ako ng makarinig ng sunod sunod na katok. Pupungas pungas akong bumangon, napansin kong madilim na ang buong kwarto. Luh, gabi na pala—Shit! napahaba ang tulog ko. Patalon akong bumaba ng kama saka dumeretso sa pinto. Pagbukas na pagbukas ko ang walang emosyon na mukha ni Lucien ang bumungad sa akin. “S-Sir.” Mahina kong anas dahil kakag
last updateLast Updated : 2023-01-31
Read more
Chapter 8
KATULAD ng inaasahan boring! Nandito ako sa labas ng opisina ng damuho kong boss. Hindi man lang ako pinapasok sa opisina niya at doon maghintay. Hindi nga ako nilingon kanina noong lumabas ng elevator hanggang makapasok sa loob. Wala man lang na. ‘Ms. Hermosa dito mo ako hintayin.’ Mga ganon sana para kahit papaano ok at matatanggap ko hindi ‘yung walang pasabi! Argh, nakakainis talaga ang misyon kong ‘to! Puro sakit sa ulo ata ang aabutin ko dito at kunsumisyon sa aroganteng Lucien na ‘yon. Ang nakakainis pa kaharap ko ang masungit niyang secretary na akala mo napaka ganda! Kanina pa ako iniirapan at tinitignan ng pailalim. Akala mo nakagawa ako ng hindi maganda sa kanya kung makatingin, hindi ko nga siya kilala. Dukutin ko mata nito pag ako napikon. Nakabusangot ang mukha kong naupo sa gilid ng waiting area at pabaksak na binaba ang dala-dala kong lunch. Humalukipkip ako saka masamang tinignan ang pinto ng opisina ni Lucien. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng minumura s
last updateLast Updated : 2023-02-01
Read more
Chapter 9 (Part 1)
SCARLETT SAKTONG ala singko ng hapon ng lumabas ng kanyang opisina si Lucien. Napatayo agad ako saka sumunod dito na dire-diretso lang naglakad patungo sa elevator. Ibang klase din talaga ang lalaking ito! Walang imik akong pumasok sa loob ng Elevator saka pinindot ang ground floor tapos umusog sa gilid habang hinihilot ang aking batok dahil nangalay ako sa kakaupo. Hindi ko talaga gusto ang misyon na ito. Napaka boring! Mapapanisan pa ako ng laway dahil wala namang pwede makausap dito. “Hermosa.” Napaayos ako ng tayo at napatingin sa lalaking nasa aking tabi. “Bakit, Sir?” “You know how to drive, right?” Seryoso nitong turan saka bumaling sa akin. Bahagya akong nagulat, Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Sir Aidan? Akma na akong sasagot ng muli itong magsalita. “Don't deny it. Pedro told me that you were the one driving when you and Dad left.” Psh, sino ba may sabing tatanggi ako? Wala naman sigurong problema kung malaman niya. Atleast he kn
last updateLast Updated : 2023-02-20
Read more
Chapter 9 (Part 2)
SCARLETT Abot tenga ang ngiti ko matapos makakain, Grabe! Busog na busog ako, bawing bawi na ang lakas ko ngayon. Ang sasarap ng pagkain dito sa Bar ni Ace. Hindi na ako magtataka kung sobrang dami talagang pumupunta dito dahil hindi lang ang karerahan ang binabalikan at ang Bar. Pati na rin ang masarap na pagkain at inumin! “So, how's the food? Is it delicious?” Tanong ni Ace kaya sunod sunod akong tumango saka nag thumbs up pa. “Oo ang sarap lahat! The best ang food niyo dito. Salamat pala ah? Alam kong pricey ‘yung mga pagkain na hinain mo. Pasensya kana wala akong dalang pera ngayon dahil akala ko uuwi din kami ni Sir Lucien agad kanina, Hayaan mo sa susunod kapag nagkita tayo babayaran ko lahat ng kinain ko.” Medyo nahihiya kong turan, hindi naman kasi basta basta ‘yung kinain ko. Isa pa, business niya ‘to. Well, kahit sabihin na mayaman at wala lang naman ‘yon sa kanya. Para sa akin business is business. Walang libre-libre. Saka kaya ko naman bayar
last updateLast Updated : 2023-02-22
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status