SCARLETT
KINABUKASAN ala sais pa lang ay gising na ako at naka gayak na, suot suot ang aking sports bra at leggings para sa jogging na gagawin, actually, gusto ko rin libutin ang subdivision na ito kung saan ang ibang daan pa na possibleng daanan ng kalaban kung sakaling tumakas ang mga ito. Mas maganda ng sigurado ako at kabisado ang paligid.
Nang makuntento na ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba. Binati ko ang mga katulong, pati ang guards na nagbukas ng gate para sa akin. Yes, feeling close na ako sa mga ito. Iyon naman talaga ang plano ang makalapit sa mga ito at mas makilatis.
Sinabi pala ni Sir Aidan sa mga katulong sa bahay na personal maid ako ni Lucien kaya ang gagawin ko lang ay pagsilbihan ang kumag na lalaking iyon. Hindi rin daw ako kikilos o maglilinis ng bahay basta ang trabaho ko lang ay bantayan at asikasuhin si Lucien. Para nga akong naalinasan ng tinik sa dibdib dahil hindi ako kikilos. To be honest hindi ako marunong magluto. Wala akong talent sa ganon pero marunong naman akong magbake ng cookies and cupcakes. Iyon lang ang alam ko pero magluto ng ulam? Nah, baka masunog ko pa ang buong kusina kapag nagkataon.
Nag-stretching muna ako saglit bago sinimulang tumakbo. Sa kalagitnaan ng aking pag takbo napansin ko ang club house ng subdivision kung saan katabi nito ang swimming pool, sa kabilang side naman ang basketball court. Nang malampasan ko ang clubhouse, ang mini play ground naman ang nakita ko at katabi nito ang isang mini park. Maraming nag jojogging din na matanda, bata at mga dalaga't binata.
May mga nag zuzumba din but this time masasabi mong mayayaman ang miyembro nito dahil na rin sa kanilang awra at kilos. Aba syempre naman Scarlett, mayaman talaga nasa isa kang exclusive subdivision e. Napailing na lang ako sa aking isip. Pero kaloka ha? Uso din pala sa sikat na subdivision na ito ang pa-zumba! Iyon nga lang pabebe ang mga dancer. Pinag patuloy kona ang pagtakbo at nilibot ang subdivision.
Nang makatatlong ikot naman ako sa parke ay nagpahinga na ako saglit saka naupo sa isang bench. Napapangiwi na lang ako sa nakikitang eksena. Hindi ko talaga kayang makatagal o makasama ang mayayaman. Alergic ako sa ganitong uri ng tao.
Oo, mayaman din kami pero hindi ako sanay sa sosyalan. Para sa akin isang ordinaryong tao lang ako. Nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na. Ewan, siguro dahil sa trabahong meron ako at sa pagpapalaki na din sa akin ni Lolo at Daddy. Hindi kasi nila ako sinanay sa buhay mayaman. And for me that's good. Ayoko makipag plastikan sa mga sosyalerang walang ibang alam kung hindi magyabangan ng kani-kanilang yaman at magpataasan ng ihi. Isa pa ang business war na nagaganap.
Nang hindi kona matagalan ang mga nakikita nagpasya na akong tumayo at umuwi na dahil may lakad pa nga pala kami ngayon ni Sir Aidan. Maliligo pa ako at kakain.
Nag-lakad na lang ako pabalik sa mansion ng mga Saavedra. Nag-eenjoy naman ako dahil mahangin at nakakagaan sa pakiramdam.
Sana hindi ako magtagal sa misyong ito, Hindi talaga ako sanay na walang bakbakan sa inaatas sa akin na misyon.
Pagkarating sa mansion sakto naman na nakasalubong ko si Lucien na naka office attire na at handa ng pumasok. Automatikong tumaas ang kilay nito ng makita ako at pinagmasdan ang kabuuan ko. Napataas din tuloy ako ng kilay dahil sa ginawa niya. Anong tinitingin tingin nito? Sarap talaga dukutin ang mapang husga niyang mga mata.
Ngayon lang kami nagkita ulit buhat ng naganap na almusal kahapon. Well, alam ko naman na nakauwi siya ng safe dahil tinawagan ko ang guard kagabi na i-update ako kapag dumating na ang boss namin. Saka pinabantayan ko siya kay Night for the meantime.
“Wow, are you really my personal maid? Look at you para kang bisita kung umasta ah. Saka bakit hindi mo ginagawa ang trabaho mo? Mas inuna mo pa ‘yang pag jojogging mo kesa sa gawain. Hindi ka princessa dito, Ms. Hermosa. Katulong ka dito.”
Masungit nitong sita na mas lalong nagpataas ng kilay ko. Iba din, matabil din ang dila ng kumag. Tumigil talaga siya sa harap ko para sabihin sa akin ang mga ito.
“Excuse me lang ha, SIR. Bukas pa ang umpisa ng trabaho ko bilang personal maid mo. Hinayaan muna ako ni Sir Aidan na magpahinga. So, walang masama sa ginagawa ko.” Sarkastiko kong sagot.
“So, gano'n porket sinabihan ka ni Dad na bukas ang start mo bilang maid, magpapaka princesa ang datingan mo dito sa mansion. Look at you. Nagfefeeling mayaman ka ba? May pa jogging jogging kapang nalalaman. For your information Ms. Hermosa mga mayayaman lang ang pwedeng mag jogging sa subdivision na ito, Ang katulad mong katulong ay bawal!”
Nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko ito ng tingin. Mayabang!
“Hoy, hindi porket nag jogging ako nag fefeeling mayaman na ako! Hindi ba pwedeng nag-eehersisyo lang? Saka anong sabi mo? kapag mahirap bawal ng mag jogging? May ganoon na bang batas dito sa pinas non huh, SIR? Kailan pinatupad? Hindi ata ako updated sa batas na ‘yan!” Inis na turan ko diniinan ko talaga ang salitang Sir. Nauurat ako sa pagmumukha at kayabangan ng lalaking ‘to.
Sinamaan naman ako nito ng tingin. Confirm nga ang ugaling meron ito. Walang duda.
“Don't talk back to me like that because I'm your boss here. Baka nakakalimutan mo ‘yon Ms. Hermosa? And I have the right to speak and say what I want to say.” Malamig nitong turan. See? hindi niya nasagot ang tanong kong batas.
Hindi niya ako madadaan sa ugali niya. Mag patigasan kaming dalawa.
“Uh-huh? Ano naman kung boss kita? Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. Eto lang Sir ha payong maid lang. Hindi porket magiging personal maid mo ako e, hawak muna ang buhay ko at hahayaan na lang kitang kung ano-ano ang sabihin sa akin. Hindi ako makakapayag na alipustahin mo. At isa pa hindi mo ako masisindak dyan sa ugaling meron ka. Wag ako Mr. Lucien Saavedra. wag ako.”
Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay nilagpasan kona siya. Iniwang hindi makapaniwala. Aba't kung makatingin siya sa akin ay may pang huhusga pati na rin salitaan niya. Aga-aga sinisira niya ang mood ko. Kung nilagpasan na lang niya ako edi ok pa. Walang bangayan na naganap.
Akala ba niya masisindak niya ako? pwes nagkakamali siya. Hintayin lang niya babaliktad ang sitwasyon, siya ang magiging sunod-sunuran sa akin. Ako ang magiging boss.
Pagkarating sa aking kwarto hinagilap ko agad ang aking cellphone para tawagan si Night.
“Hello, Night? Paalis na si Lucien Saavedra. Ikaw na munang bahala sa kanya mag bantay. Hindi ko siya mababantayan at masusundan ngayon dahil may lakad kami ni Sir Aidan.” Pabungad na turan ko ng sagutin nito ang tawag.
“Copy that Red, ako ng bahala sa kanya.”
“Thank you! Buti na lang wala ka pang misyon at natutulungan mo ako sa boring kong misyong ito.”
Narinig ko naman ang marahan pero tipid na tawa nito. Kapag dalawa lang talaga kami ni Night pinapakita nito ang totoong siya. Sa akin lang niya pinapakita ang ganitong side niya.
Kapag naman nasa HQ o misyon kami nagiging tahimik at walang emosyon ito. Well, same lang naman kami kung tutuusin at same reason din na umiilag sa ibang miyembro ng organisasyon.
“No worries basta ikaw. Dumaan na ang kotse ng alaga mo. Ibababa kona ang tawag at susundan ito.”
“Alright, thank you Night! Babawi na lang ako sa ‘yo kapag may free time.”
“Okay, aasahan ko iyan. Bye!”
“Bye!”
Nang maibaba ang tawag ay napangiti ako ng malawak. This is the reason kaya pa-easy easy lang ako mula kahapon at ngayon. Napakiusapan ko si Night na bantayan muna pansamantala si Lucien habang hindi pa ako naguumpisa. Buti na lang mabait sa akin ang lalaking ‘yun. Sabagay siya lang naman ang pinaka close ko sa lahat ng top rank, Iyon nga lang hindi halata.
********
Matapos kumain ng advance lunch ay nag hintay na ako sa living room. Malapit na rin mag 11 at iyon ang usapan namin ni Sir Aidan. Actually, curious din ako sa pupuntahan at kakausapin niya. Baka sakaling may makuha nga akong lead.
Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil ilang minuto lang ang lumipas nakita kona si Sir na pababa ng hagdan. Nginitian ako nito na ginantihan ko rin naman pabalik saka tumayo na.
“Goodmorning Sir.” Magalang na bati ko dito saka bahagyang yumuko.
“Goodmorning Iha, kanina kapa ba? Pasensya na may tinapos kasi akong business proposal.” Hingi nito ng despensa. Mabilis naman akong umiling.
“Naku, Sir wala po ‘yun. Hindi naman din ako nagtagal maghintay e. Tara na po?”
Ngumiti lang naman ito saka ako tinanguan at nauna na maglakad.
“Sir, nasaan po pala ang susi ng kotse niyo? Ako na ho ang madadrive.” Turan ko ng tumigil kami sa main door at hinihintay na pumarada sa harap ang kotse.
“No need na Iha, may driver naman.”
“Naku sir, ayos lang naman sanay naman ho ako mag maneho saka para tayong dalawa lang po ang makakaalam ng pupuntahan natin. Maganda na rin po ang nag-iingat. Hindi natin alam Sir baka may spy na pinadala ang kalaban at nagbabalita ng nangyayari dito sa mansion.” Mahina kong sambit. Napaisip naman ito sa aking sinabi. Totoo naman kailangan maging maingat.
Kaya nga ako nag fefeeling close sa mga tao dito para matukoy ko kung may spy ba o kalaban na nakapasok sa mansyon.
“You know what, you're right, Starting today mag iingat na ako. Pero sana naman walang kalaban na nakapasok sa pamamahay ko.” Seryoso nitong turan.
“Iyan ang isa sa aalamin ko, Sir. Sa ngayon mag focus muna ho kayo sa taong kakausapin niyo ngayon.”
Tumango naman ito, saktong pumarada naman ang kotse na gagamitin namin sa aming harap. Nagkatinginan muna kami ni Sir saka habagyang tumango sa isa't-isa.
Nagtaka pa nga ang driver ng pinababa ko siya at sabihin ni Sir Aidan na ako na ang magmamaneho. Pasimple ko namang pinag masdan ang reaksyon ng driver. Wala namang kataka-taka.
“Sir, saan ho tayo ngayon? Saan niyo ho ba i-memeet ang katagpo niyo? saang underground?” Tanong ko habang nagdadrive saka tumingin sa salamin.
“Sa Pier de manila tayo, Iha. Doon kami magkikita.” Bahagya naman akong nagulat sa sinagot ni Sir Aidan. Napaka-delikado ng lugar na ‘yon. Doon na lahat nagkukuta ang mga sindikato. At doon din dinadala sa pier na ‘yon ang mga ilegal na kargamento na nang gagaling pa sa ibang panig ng bansa.
“Akala ko Sir sa underground?”
“Nagbago ito ng isip. May ka-transaksyon doon ang katagpo ko. Doon na niya ako pina-deretso.” Naguguluhang tumango na lang ako.
Buti na lang talaga pinasama ako ni Sir Aidan sa kanya. Delikado talaga ang lugar na iyon. Minsan hindi na nga nakakalabas ng buhay ang napunta doon. Lalo na kapag kinursunadahan ka.
I know that place dahil may naging misyon din ako doon dati. May pinatay ako na leader ng sindikato na ang nag utos din ay kapwa niya sindikato. Agawan ng posisyon iyon naman lagi ang dahilan.
Posisyon, inggit at pera. Wala namang bago.
Ilang linggo din ako nag manman doon kaya medyo kabisado ko ang pasikot sikot at galawan ng mga ito. At ang katulad ni Sir ay hindi dapat pumunta doon ng basta basta.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin ni Sir Aidan hanggang sa magsalita ulit ito.
“Iha, I know that the word underworld is not new to you…because of that, I will only tell you this secret of mine cause I trust you..I am a Mafioso a member of Mafia Organization. But not just a member, My job is also to negotiate with other organization to deal with illegal products to enter in our country.”
Hindi na ako nabigla pa na malamang miyembro siya ng isang Mafia pero anong dahilan ni Sir Aidan? Bakit ginagawa niya ito? Bakit sumali siya sa ganitong klaseng organisasyon? Napaisip tuloy ako. Saka hindi biro ang trabaho niya.
“Hindi kana nabigla, mukhang alam mona rin naman.” Nakangiti nitong sambit. Tumango naman ako saka nagsalita.
“Pero hindi ko ho alam na meron pa pala kayong ibang trabaho maliban sa pagiging isang Mafioso. Kung mararapatin niyo Sir, ano ho bang dahilan bakit kayo naging parte ng Mafia?”
“It's a long story Iha, pero gusto kong malaman mo na hindi ko ginusto ito. Naipit lang ako. Alam mo naman kapag mayaman ka at mapera sila ang lalapit sa ‘yo at wala kang magagawa kung hindi pumayag sa kung anong kasunduan na gusto nila mangyari. ” Seryosong sagot ni Sir.
Nakakaintinding tumango naman ako at hindi na umimik pa. Sabi na merong dahilan.
Katahimikan ang bumalot sa amin, Hanggang sa bahagya akong napatigil ng may mapag tanto. Shit, mukhang alam kona ang dahilan kung bakit nag iba ng meeting place ang kikitain ni Sir Aidan..
To negotiate..Damn, kung sino man ang kikitain namin may binabalak talaga ito kay Sir Aidan.
******
Sa isang malaking abandonadong warehouse kami dumeretso ni Sir Aidan. Sa hindi malamang dahilan kinakabahan ako dahil kuta ito ng mga sindikatong walang kaluluwa. Sa akin ay walang problema kaya ko ang sarili pero si Sir Aidan natatakot ako para dito. Bago bumaba ng sasakyan kinuha ko muna ang pang disguise ko naglagay ako ng wig, salamin tapos sinuot ang sumbrero at facemask na rin ako na may butas ang parteng ilong saka bibig. Sabay lang din kaming bumaba ni Sir. Naging alisto naman ako. “Sir, I don't have a good hunch here, No matter what happens, Don't leave my side and be alert Sir.” Seryoso kong turan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi isa, hindi dalawa..marami sila. “I will Iha.” Sagot nito kaya tumango ako. Ilang sandali pa may sumalubong sa amin na mga armadong lalaki. “Ikaw ba si Mr. Saavedra?” Tanong ng lalaking nasa gitna. “Yes.” “Tara sa loob kanina kapa hinihintay ni Boss.” Tumango naman si Sir Aidan
PAGKARATING sa mansyon dumeretso sa kanyang opisina si Sir Aidan at ako naman ay dumeretso sa aking kwarto. Maliligo at magpapahinga muna ako dahil mamaya simula na ng totoong trabaho ko. Matapos makapag freshen up ay pabaksak akong nahiga sa aking kama. Biglang bumalik sa aking isip ang pinag-usapan namin ni Sir Aidan. Mukhang hindi lang ang anak nito ang kailangan kong bantayan pati ito. Siguradong babalikan siya ni Salvador para pumayag sa gusto nito. Hay, ang hirap naman kasing kumilos na katulong ang role. Kung naging bodyguard lang sana ako. Tsk. Dala ng pag-iisip ay unti-unti na akong hinatak ng antok. Naalimpungatan lang ako ng makarinig ng sunod sunod na katok. Pupungas pungas akong bumangon, napansin kong madilim na ang buong kwarto. Luh, gabi na pala—Shit! napahaba ang tulog ko. Patalon akong bumaba ng kama saka dumeretso sa pinto. Pagbukas na pagbukas ko ang walang emosyon na mukha ni Lucien ang bumungad sa akin. “S-Sir.” Mahina kong anas dahil kakag
KATULAD ng inaasahan boring! Nandito ako sa labas ng opisina ng damuho kong boss. Hindi man lang ako pinapasok sa opisina niya at doon maghintay. Hindi nga ako nilingon kanina noong lumabas ng elevator hanggang makapasok sa loob. Wala man lang na. ‘Ms. Hermosa dito mo ako hintayin.’ Mga ganon sana para kahit papaano ok at matatanggap ko hindi ‘yung walang pasabi! Argh, nakakainis talaga ang misyon kong ‘to! Puro sakit sa ulo ata ang aabutin ko dito at kunsumisyon sa aroganteng Lucien na ‘yon. Ang nakakainis pa kaharap ko ang masungit niyang secretary na akala mo napaka ganda! Kanina pa ako iniirapan at tinitignan ng pailalim. Akala mo nakagawa ako ng hindi maganda sa kanya kung makatingin, hindi ko nga siya kilala. Dukutin ko mata nito pag ako napikon. Nakabusangot ang mukha kong naupo sa gilid ng waiting area at pabaksak na binaba ang dala-dala kong lunch. Humalukipkip ako saka masamang tinignan ang pinto ng opisina ni Lucien. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng minumura s
SCARLETT SAKTONG ala singko ng hapon ng lumabas ng kanyang opisina si Lucien. Napatayo agad ako saka sumunod dito na dire-diretso lang naglakad patungo sa elevator. Ibang klase din talaga ang lalaking ito! Walang imik akong pumasok sa loob ng Elevator saka pinindot ang ground floor tapos umusog sa gilid habang hinihilot ang aking batok dahil nangalay ako sa kakaupo. Hindi ko talaga gusto ang misyon na ito. Napaka boring! Mapapanisan pa ako ng laway dahil wala namang pwede makausap dito. “Hermosa.” Napaayos ako ng tayo at napatingin sa lalaking nasa aking tabi. “Bakit, Sir?” “You know how to drive, right?” Seryoso nitong turan saka bumaling sa akin. Bahagya akong nagulat, Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Sir Aidan? Akma na akong sasagot ng muli itong magsalita. “Don't deny it. Pedro told me that you were the one driving when you and Dad left.” Psh, sino ba may sabing tatanggi ako? Wala naman sigurong problema kung malaman niya. Atleast he kn
SCARLETT Abot tenga ang ngiti ko matapos makakain, Grabe! Busog na busog ako, bawing bawi na ang lakas ko ngayon. Ang sasarap ng pagkain dito sa Bar ni Ace. Hindi na ako magtataka kung sobrang dami talagang pumupunta dito dahil hindi lang ang karerahan ang binabalikan at ang Bar. Pati na rin ang masarap na pagkain at inumin! “So, how's the food? Is it delicious?” Tanong ni Ace kaya sunod sunod akong tumango saka nag thumbs up pa. “Oo ang sarap lahat! The best ang food niyo dito. Salamat pala ah? Alam kong pricey ‘yung mga pagkain na hinain mo. Pasensya kana wala akong dalang pera ngayon dahil akala ko uuwi din kami ni Sir Lucien agad kanina, Hayaan mo sa susunod kapag nagkita tayo babayaran ko lahat ng kinain ko.” Medyo nahihiya kong turan, hindi naman kasi basta basta ‘yung kinain ko. Isa pa, business niya ‘to. Well, kahit sabihin na mayaman at wala lang naman ‘yon sa kanya. Para sa akin business is business. Walang libre-libre. Saka kaya ko naman bayar
Lumapit na ako sa dalawa dahil bugbog sarado na ang mga ito. Tsk, halatang hindi sanay sa pakikipag away ang mga ito. Iisang lalaki hindi nila magawang matalo-talo. Anak mayaman nga naman. Susugod pa sana ang lalaki kela Isaiah ng mabilis kong nahawakan sa balikat ang lalaki para iharap sa akin. Isang malakas na suntok sa mukha ang ginawa ko ulit para makatulog ito. Katulad ng kaibigan niyang naka bulagta na rin sa sahig. Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Tsk, Hindi naman makapaniwala ang dalawang itlog sa aking harap. Syempre magugulantang talaga sila, Isang kagaya kong babae napatumba ang dalawang malaking lalaki. Parehas may mga bangas ang mukha ng dalawa pero mas matindi ang kay Isaiah dahil putok ang noo nito at labi. Nilapitan ko sila. “Okay lang ba kayo? Tara, gamutin natin ang mga sugat niyo.” Mahinahon na sabi ko sa dalawa. “Louise, babae ka ba talaga o lalaki? Napatumba mo ang dalawang ‘yun ng ganon kadali? Sa isang suntok lang.” Wala pa rin
SCARLETT PAGKATAPOS ng karera nagyaya si Isaiah na kumain, and of course libre niya! Hindi na kami sa VIP room dumeretso dahil ayaw na daw ni Isaiah doon dahil boring. Pinili nila ang isang table malapit sa bar counter at sa mini stage. “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natalo mo ang tatlong lalaking kalaban mo sa karera, Damn! Alam mo ba na magagaling ang mga ‘yon? Mahirap matalo pero ikaw! Natalo mo sila ng ganon lang. You're the best! Pwede bang kunin kitang maid ko? Para lagi kitang kasama, Your so cool! Mukhang hindi ako ma—” “Bro, stop it. Kanina mo pa kinukulit si Louise. Saka naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo? Gusto mo bang magalit si Lu sa ‘yo?” Awat ni Ace, actually kanina pa talaga ako hindi tinitigilan ni Isaiah sobrang hangang hanga ito sa aking ginawa. “E, di ba ayaw naman ni Lu ng personal maid? So, willing akong kunin si Louise she's different and amazing! Papayag ka naman Louise, right?” Umurong palapit sa tabi ko si Isa
“Ano ang nangyayari? Bakit nagkakagulo sa dance floor?” Tanong ni Isaiah habang nakatingin sa mga taong nagtatakbuhan palabas. Nangunot naman ang noo ko at tinutok ang tingin sa gitna ng dance floor kung saan may nag-aaway. Pinaningkit ko ang mga mata dahil pamilyar sa akin ang mga tao sa dance floor. “Stay here guys, I'll check what's happening. Don't leave this place, ok?” Seryosong sambit ni Ace. “Sandali sasama ako!” Turan naman ni Isaiah. Bago sila makaalis ay bigla akong napatayo ng makilala ang mga tao sa dance floor. Sila Night! Naka-disguise man sila pero kilala ko ang postura at galaw ng miyembro ng WGO. Anong ginagawa nila dito? May mission ba sila dito ngayong gabi? Napansin ko naman na sabay-sabay na nabaling sa akin ang atensyon ng tatlo. “Hoy, Hermosa don't tell me mangingialam kana naman sa gulong ‘yan?” Tanong ni Lucien na hindi ko pinansin. Pakialam ba niya? Tss! “Naku, Louise! ‘wag mona balakin dahil mukhang mga lasing na a
LOUISE Walang nagbago mula noong gabing nagkaroon kami ng sagutan ni Lucien. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at ako naman, pilit na lumalayo sa kanya. Pinanindigan ko ang lahat ng sinabi ko. Ayokong guluhin pa ang lahat. Napapagod na ako. Pero kahit anong iwas ko... kahit anong lakas ng loob ang ipakita ko sa iba... gabi-gabi ko pa rin siyang naiisip. Minsan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya mula sa malayo. Tahimik lang siya at abala sa kanyang trabaho. Naalala ko pa yung gabing tinalikuran ko siya, masakit–mahirap pero kailangan ko gawin dahil kung hindi ko pinigilan ang sarili baka ano na ang nagawa/nasabi ko—na pagsisisihan ko lang din. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan. Ngayon hinahanda ko ang sarili, dalawang araw na lang at ikakasal na si Lucien at Crystal. Mas lalo kong natanggap na talo talaga ako dahil hindi ako nagawang maalala ni Lucien. In the past few days, I kept myself busy reading the reports that Night delivered to me. I found out th
LUCIEN Shit, what’s happening to me? Why am I like this? Earlier, while I was in the car with Louise and she was talking to Night, I felt this sudden irritation—I just didn’t show it dahil baka mahalata ni Louise. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya kanina tapos ngayon para akong tanga na hindi mapakali. Alam kong nasa baba na si Night at kausap si Louise. “Fvck.” Inis akong tumayo saka lumabas ng kwarto. Sa sala na lang ako tatambay. Pagbaba ko pasimple kong sinilip kung nasaan ‘yung dalawa. Nandoon sila sa labas mabilis akong naupo saka binuksan ang TV. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol kaya sa date nila bukas? Saan kaya sila mag-dedate? Tsk, nakakainis! Sinabihan ko si Louise na layuan ako pero ako naman ‘tong tanga na hindi mapakali ngayon. Napapala ng bigla-biglang nagdedesisyon. Nang marinig kong may papasok na ay umayos ako ng upo at kunwari ay seryosong nanonood ng TV. Akala ko ay magtatanong si Louise kung anong g
LOUISE Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay napasandal ako sa pinto habang sapo ang dibdib na naninikip. Mapait akong napangiti, hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Hindi ko akalain na kumikilos si Crystal para sirain ako kay Lucien. Sinigurado na talaga ng babaeng ‘yon na siya ang mananalo sa puso ni Lucien. Gumawa pa talaga siya ng kwento na ako ang dahilan ng hiwalayan nila. In the first place naman talaga hiwalay na sila ni Lucien ng dumating ako sa buhay nito. Si Claire ang girlfriend ng lalaki ng mga panahon na ‘yon. At kung hindi ako nagkakamali ang dahilan naman ng hiwalayan nila noon ay si Crystal. Nanghihina akong naglakad patungo sa aking kama at pabaksak na humiga. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na talo ako sa labang ito. Harap harapan na niyang sinabi na mahal niya si Crystal at ayaw na niyang masaktan ito. Nalalapit na rin ang kanilang kasal. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi, I miss him, I miss him so much, but there’s nothing I can
LUCIEN Nasa sasakyan na kami pero sa unahan lang ang tingin ko. Sa buong hapon na dumaan ang mga nalaman ko ang naglalaro sa aking isip. Gusto ko ng komprontahin si Louise pero pinipigilan ko ang sarili. Gusto ko din alamin kung may nararamdaman pa ba ako sa babae dahil sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Crystal na minahal ko si Louise ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi kami ng mansion, katulad ng kinagawian. Nauna akong bumaba habang siya ay pinarada ang sasakyan.Habang paakyat ng hagdan hindi ako mapakali, may gusto akong gawin. Kapag hindi ko to ginawa paniguradong hindi ako makakatulog ngayong gabi. Kailangan ko ng kasagutan. Hindi ko na kaya maghintay pa. Akala ko hindi ko siya kokomprontahin ngayon araw pero hindi ako tinatantanan ng magulo kong isip. Kaya pag dating sa tapat ng aking kwarto hinintay ko si Louise na umakyat. Hindi naman ako nag hintay ng matagal dahil maya maya nakita kona itong naglalakad palapit habang nagtatakang nakatingin sa
LUCIEN Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I think Crystal is the first person I need to talk to. I need to clarify whether we really broke up or not. I need answers to all the questions running through my mind. I’ll invite her to lunch at my office. I’ll ask Louise to buy lunch so I can talk to Crystal privately, just the two of us. That’s the only opportunity I see to get some answers. Good thing at sumunod sa akin si Louise. Kahit na kita ko sa mga mata niya ang pagtutol. Sinadya kong marami ang ipabili at sa malalayo lahat para matagal siyang makabalik. Tok! Tok! “Come in.” Sagot ko saka umayos ng upo. “Hi Babe! Sorry, I got delayed because I had to deliver a report to the marketing department. So, what got into you that you invited me for lunch? Did you miss me?” Masayang bati ni Crystal saka dire-diretsong pumasok. Napansin kong napalingon siya sa pwesto kung saan lagi nakaupo si Louise. “Oh where is your
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata
“Ouch! Why did you push me, Lu? That hurts!” I heard Crystal's pained complaint. But instead of paying attention and helping her, I froze in place as if rooted to the ground. “OPEN THIS FUCKING DOOR!! WHY IS YOUR DOOR LOCKED?!” Oh fck! Natataranta kong nilapitan si Crystal na kakatayo lang. “Fix your clothes quickly! Then sit over there.” “Why? Why are you panicking?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Just do what I’m telling you.” Medyo naiinis kong sabi. “No. Don’t tell me you’re scared because your bodyguard might see us like this? Let me remind you, I’m your fiancé, there’s nothing wrong with what we’re doing. Kung makita man niya tayo wala na siya don, Right?” Inis na sagot niya sa akin pero hindi ko ‘yun pinansin dahil focus ako sa babaeng kanina pa katok ng katok. “Tsk, Just do what I'm telling you.” Sagot ko sa kanya saka inayos ang sarili at humakbang papalapit sa pinto. “KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTO SISIRAIN KO TO LUCIEN!!” D*mn it! This woman is re
“Tsk, that's not what I want to hear. That's not the Louise I know who loves my son. I'm here to give you a chance to fight for what you feel for Lucien. Find a way to catch his attention and stir up his mind and heart.” Natigilan ako sa sinabi ni Sir Aidan. Seryosong seryoso ito. “I’m doing this because I don’t want us to have any regrets in the end. I don’t want us to blame each other later. I’m giving you a chance, but if there’s truly nothing, I’ll let Lucien go ahead and marry Crystal. I’ll intervene for the last time. So, gawin mo na ang lahat habang may natitirang araw pa. It’s up to you what fate has in store for the two of you.” Hindi agad ako nakasagot. Mariin akong pumikit saka sumandal sa kinauupuan ko. Nahihirapan akong magdesisyon lalo na sa mga binitawang salita ni Sir Aidan. Gusto kong ipaglaban si Lucien, gusto kong bawiin ang lalaking mahal ko. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Sinisigaw ng puso ko na ipaglaban ko siya pero ang isip ko sinasabing mali dahil m