"You saw what happened... but you don't know the true story behind that." Luna Montecillo was the lowest of their class ranking. For her, that was the most embarassing moment of her life and her downfall as student. Because of that, she decided to ran away and stay away from people who judged her without even knowing her story behind that grades. During her solitude, she didn't expect that she will be the witness of Marcus Ibasco's crime: and murder case that he commited to his girlfriend. For Luna Almira who was a minor during the crime, it wasn't easy for her to forget and move on from what she saw. She doesn't even know what to do because she was scared when Marcus threatened her. But Amorsolo Xavier, who saved Luna from Marcus, forced her to report it to the police and sit inside the court as witness. Could Luna face her trauma and say what she witnessed that night? Or let her fear eat her and let the criminal live his life like nothing happened?
view more"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.
"Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak
"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai
Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho
"Napakabobo talaga." "Hay buti na lang, hindi ako last. Nakakahiya." "Grabe naman si Ma'am, dapat 'di niya nilagay buong rank." "Too much. Nakakahiya naman 'to." "Ano bang nangyayari sa kanya? Bobo ba talaga 'yun?" "Ba't siya nasa top section?" Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa bibig ng mga kaklase ko. First grading ng 10th grade level namin at nilabas ni Ma'am Nel ang buong rank ng klase namin. Ako ang last sa ranking at nakakahiya. Inaamin ko naman na tatanga-tanga ako pero sobra naman yata 'to. Pakiramdam ko, wala na akong mukhang ihaharap sa Monday. 'Di ko na kayang mag-aral! Dahil sa kahihiyan na natatamasa ko, tumakbo ako palabas ng classroom habang pinipigilang umiyak. Ayokong umiyak! Hindi ako mahina! Nagsitinginan sila sa'kin at may ibang naaawa pero 'di ko ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments