Home / Romance / The Witness / Chapter 6

Share

Chapter 6

Author: yourlin
last update Last Updated: 2021-08-17 20:30:36

Sa bahay ako nagcelebrate ng Pasko at tulad ng inaasahan, masaya ako na medyo malungkot. Pero lamang ang saya dahil masaya naman talagang kasama sina Nanay Anne at Ate Kiss. Kasama rin namin si Kuya Teddy. Namiss ko talaga sila. After noche buena, napag-usapan namin ang tungkol sa parents ko.

"Naniniwala po ba kayong aksidente iyon?" mahinahong tanong ko. Hindi sila nakasagot. Parang nag-alala sila sa 'kin dahil sa mga tinatanong ko. Iniisip kasi nila, hindi ko matanggap ang pagkawala nila kaya naghahanap ako ng masisisi. Pero hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi ako naniniwala na aksidente iyon. Kung aksidente man, siguradong may ibang taong gumawa ng aksidente na iyon.

"Hindi matutuwa ang magulang mo kung mabubuhay ka nang hindi mapayapa," mahinahong sabi naman ni Ate Kiss. "Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa kanila? Iyon ay huwag magpatali sa nakaraan. Tayo ang gagawa ng kasalukuyan natin." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngumiti nang gaya niya.

"Sige po, Ate Kiss. Oo nga po pala, ayaw niyo bang magbakasyon man lang? Wala naman pong mawawala rito sa bahay. P'wede akong maghire ng caretaker at guard. Magpahinga naman po kayo," pag-iiba ko ng usapan. Hindi nila mababago ang hinala ko na may tao sa likod ng pagkamatay nila. O baka tama sila, naghahanap ako ng sisisihin?

"Bakit parang pinaaalis mo na kami, Miss. Almira," natatawang sabi ni Kuya Teddy.

"'Di naman po. Bakasyon lang," I said.

"Oo nga, mukhang masaya 'yun. P'wede na rin ako makapag-leave sa ospital pero baka sa January na lang. Kailangan na kailangan kami ngayon, e," ani Ate Kiss. Oo, nurse siya at for sure, maraming pasyenteng maaaksidente sa paputok ngayon. Alam naman natin na ang tao, ginagawa ang gusto nila kahit delekado.

Masaya ako na kahit wala na sina Mama at Papa, hindi pa rin ako iniiwan nina Kuya Teddy, Nanay Anne at Ate Kiss. Nanatili sila kahit umalis din ako sa bahay. Pero sa mga nangyayari sa buhay ko, mas makabubuting umalis na muna sila. Habang hindi ko pa naaayos ang lahat.

•••

"Happy new year!" Bati ni Leo na bigla na lang sumulpot sa tabi ko habang naglalakad ako papunta sa classroom.

Natawa na lang ako sa gulat ko. "Happy new year, Pres," bati ko sa kanya at sabay na kaming naglakad papunta sa classroom. Binabati niya rin 'yung mga nakakasalubong namin na kilala niya. Ang daming nakakakilala sa kanya at ang dami niya ring kilala. Nakakaloka ang taong 'to.

"Luna," tawag niya pa kaya saglit akong napalingon sa kanya. "Gusto mo ba ng part time job? Pero kung ayaw mo, okay lang."

"Part time? Anong klase? May sahod ba ako?" I asked. Mukhang masaya 'yun. Kikita ako ng sarili kong pera.

"Oo naman. Assistant sa SSG office. Pero 'di naman nakakapagod. Mag-aayos lang ng papers o mag-aabot ng announcements sa teachers and admins. Madaling-madali lang," nakangiting sabi niya.

"Sige. Anong kailangan kong ipasa?" tanong ko na medyo kinabigla niya.

Mukhang hindi niya inaasahan na papayag ako. Maganda kasi ito para maging busy ako. Kung palagi akong magbabasa ng books, magiging nerd na ako. Gusto ko namang subukan ang ibang bagay. Isa pa, kikita ako ng pera. Kahit pa ang daming naiwan sa 'kin ng parents ko, gusto ko rin maranasan na magsikap sa sarili kong paraan.

Dahil urgent ang hiring nila, inayos agad ni Leo ang papers ko para mamaya lang ay may assistant na sila. Nang lunch time, papunta na ako sa SSG office nang tumawag si Atty. Cha sa 'kin. Pinauna ko na si Leo. Sabi ko ay susunod na lang ako. Hindi lang naman siya ang kaklase ko na SSG officer.

"Luna, on going pa rin naman ang donations mo sa university mo, 'di ba?" she asked na pinagtaka ko. Ba't niya tinatanong?

"Yes po," sagot ko na lang. Hindi naman natigil ang pagdonate ko rito e. Kahit sa dati kong school, nakagawian na ng parents ko na magdonate sa school kaya iyon ang ginagawa ko sa new school ko.

"I was just confirming something because the President of your school called me asking if you will gonna stop the donations."

"Ba't niya naman po natanong? Dito rin naman po ako mag-aaral 'till college," iniisip niya ba, naghihirap na ako? Ano ako, si Princess Sarah na baka mamaya, alipinin niya na ako? Aba! Kahit maghirap ako, 'di ako papaapi sa kanya 'no! Never akong magpapaalila sa kanila. Subukan lang nila! Naku! Nagagalit talaga ako!

"Nakita niya kasing nag-apply ka for student assistant. Nagtaka lang siya. Is that true, Luna?"

"Ah opo. Don't worry po, kamo. 'Di naman matitigil ang donations. Kapag namatay ako, doon sila kabahan," biro ko.

"Luna!" May pagbabanta sa boses niya kaya natigil ako sa pagtawa ko. "Sige na at tatawagan ko pa siya para sabihin na on going pa ang donations. Huwag kang magbibiro about death, okay?"

"Opo."

"Tsaka 'di mo naman kailangan magtrabaho. Ang dami pang pera sa banko. Magtrabaho ka kapag tapos ka na sa studies mo."

"Gusto ko lang pong subukan. Tsaka Atty. Cha, pakisabi kay President na huwag niyang ipagsasabi ang totoong estado ko sa buhay. Baka kasi mag-iba ang tingin ng mga kaklase ko sa 'kin."

Ayokong ituring nila akong espesyal kapag nagtatrabaho ako. Ayokong isipin nila na 'di ako sanay sa trabaho kasi hindi totoo iyon. Kayang-kaya ko ang sarili ko.

Nagpunta na ako sa office at binrief ako ni Leo sa mga gagawin ko. Nagtaka rin 'yung iba naming kaklase na officers kasi 'di nila inaasahan na magiging assistant nila ako. In short, utusan. Sana, 'di nila ako abusuhin para hindi nila makita 'yung side ko na hindi nila gugustuhing makita.

"'Di ko inakala na mapapasama ka sa'min!" masayang wika ni Bliss na bigla na lang akong inakbayan. Pansin ko na lahat naman sila, natutuwang makasama ako. So far so good. "Dahil diyan, libre ko ang lunch! Tara, labas tayo," pag-aaya niya at naglakad na kami palabas ng office habang nakaakbay pa rin siya sa'kin. Mas natuwa ang SSG officers dahil dun. Napatingin ako kay Leo na nagkibit-balikat lang habang nakangiti. Naku! Ano ba naman 'tong si Bliss.

"'Di niyo naman kailangan magpablow out," mahinahong sabi ko pero umiling lang si Bliss nang mabilis.

"Gagawin ko pa rin naman 'to kahit hindi ikaw ang assistant namin. Ang saya lang kasi may makakatulong na kami sa office. Dami naming ginagawa e. Kaso parang matatakot yata kami sa'yong magpasuyo," aniya sabay hinga nang malalim. Nag-agree naman sa kanya ang iba naming kasama. Natawa na lang ako nang bahagya.

Nakarating kami sa van ni Leo at doon kami sumakay lahat. Oo, lahat ng SSG officers. Ang iingay nila at ang saya nilang kasama pero hindi ako p'wedeng makipagclose. Para kasing hindi nila kayang lumaban sa mga kaibigan ni Marcus.

Habang nag-iingay sila sa byahe, tumawag naman si Sol.

"Where are you?" malamig niyang tanong.

"Maglalunch kasama ang SSG officers. Classmate ko ang iba sa kanila," sabi ko kaya napatingin sina Bliss sa'kin. Si Leo ay katabi ng driver. Katabi ko naman si Bliss. 'Di ko alam kung paano siya nanalo sa eleksyon gayong napakapranka at masakit siyang magsalita. Sabagay, gusto ko rin naman ang ugali niya. Kaya pala sikat ang grupo nila, SSG officers.

"Hala! Tumawag na ang boyfriend ni Luna," malakas na sabi ni Amy, treasurer namin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Bliss kaya natigil siya.

"'Di ko boyfriend. Kaibigan ko," sabi ko sa kanya at binalik ang atensyon kay Sol. "Sige Sol, bababa ko na. Sabay ka kay Alanis, ha," sabi ko at agad na binaba ang tawag. Nahuli ko naman ang officers na nakatitig sa 'kin na parang may kailangan akong sabihin.

"Si Amorsolo Xavier Dela Cuesta ba 'yun!?" malakas na tanong ni Amy na nasa likuran ko kaya nabigla ako. "Kalat naman sa campus na palagi kayong magkasama pero ano ba talaga kayo?"

"Oo nga? Ba't pinapasama mo rin siya sa ibang babae?" tanong naman ni Bliss.

"If you two are just friends, bakit kailangan iupdate lahat ng whereabouts?" nakangising tanong naman ni Andrei na parang may iba siyang naiisip.

"Guys, personal na bagay na 'yan. Hindi komportable si Luna," Leo intervened. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa niya. Nagsitigil na sina Bliss sa katatanong. Buti naman, alam nila 'yung personal space at alam nila na hindi kami ganun kaclose para isiwalat lahat ng tungkol sa 'kin. Hindi naman sekreto ang tungkol sa'min ni Sol. Pero hindi naman kami celebrities para pagchismisan ang buhay namin. 'Di sila fan, 'no.

"Thank you pala," mahinang sabi ko kay Leo nang makababa na kami sa van at kami ang huling naglalakad kasi excited sa libre ang mga kasama namin. Yayamanin naman pala nitong si Bliss. Siya na lang kaya magpasahod sa 'kin? Parang mas malaki siyang magpasweldo e.

"Wala 'yun. Be comfortable, ha," nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako nang tipid at tumango nang bahagya.

Naging masaya ang lunch namin. Maiingay talaga sila. Lalo na si Bliss na sooobrang daldal. Nagpaplano na rin sila for Chinese new year and Valentine's day. Magkakaroon kami ng JS prom. Ang dami nilang plano at excited silang lahat dun. Nakakatuwa sila! Ako naman ay nanatiling tahimik kasi 'di naman ako officer. Masaya na akong makita 'yung excitement nila.

"Paano ba 'yan, 'di ka na maagang makakauwi," ani Bliss na tinabihan na naman ako sa upuan ko rito sa classroom. Anytime from now ay darating na ang teacher namin.

"Okay lang," sabi ko na kinasimangot niya.

"Nakakatakot talaga 'yang expressions mo. Paano kami makakapag-utos sa'yo?" kunot-noong tanong niya.

Huminga ako nang malalim. Gusto kong matawa pero 'di ko siya p'wedeng bigyan ng chance na mas lalo pa akong kulitin. "It's a job. Don't mind my face or my attitude. Long as it's my job, I'll do it." Ngumiti ako nang bahagya na kinatulala niya sa mukha ko.

Hindi agad siya nakapagreact. "Cute mo. Sige, balik na ako sa upuan ko," aniya sabay ngiti nang malawak at umalis na sa tabi ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Anong nangyari dun?

Natapos ang klase at dumiretso na ako sa SSG office dahil marami raw silang kailangan tapusin ngayon. So I helped. Sa nakikita ko, kailangan talaga nila ng manpower kasi malaki ang university at kahit pa may student council at government, kulang pa rin sila.

Naging ganun palagi ang routine ko sa school. Dahil sa busy ay ginagabi na rin ako ng uwi pero okay lang kasi wala naman nang nanggugulo sa'kin. Pinaghahandaan kasi nila masyado ang Valentine's day. From booths to JS prom. From dress codes to activities. Mga kabataan nga naman.

About naman kay Alanis, patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng sulat. Palagi kasing cinacancel ni Sol ang meet up nila na ako ang nagpaplano. Kapag nag-confirm na si Sol, saka ko sasabihin kay Alanis ang full detail.

Natira kami ni Leo rito sa office pero kakaalis lang din naman ni Bliss. Inaayos lang namin ang mga kalat kasi sobrang kalat talaga palagi ng table nila. "Luna," tawag niya sa 'kin kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi pa kita natatanong kung kamusta ka naman dito sa office namin."

"Ah." Kailangan niya pala akong kamustahin? Survey ba 'to kung anong klaseng boss sila? "Ayos lang. Maraming ginagawa pero kinakaya naman." Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit at patapos na rin kami. Kinuha ko na ang bag ko at books ko na babasahin ko mamaya hanggang sa makatulog ako. Pansin ko na hindi na ako nagsosocial media. Ayoko lang kasing mabasa 'yung mga paninira sa 'kin ng mga kaibigan ni Marcus. Para silang mga bata. Hindi nga nila ako sinasaktan physically pero magkakatrauma ako sa mga pananakot nila at paninira.

"Luna," tawag na naman ni Leo na nagmamadali na rin kunin ang gamit niya. "Sabay na tayo," dagdag niya pa. Tumango lang ako nang bahagya at lumabas na kami ng office. "Doon ka pa rin sa condo mo?" he asked then I nodded. "Ikaw lang?" tanong niya pa kaya tumango ulit ako. "Nasaan pamilya mo?"

"Wala," mahinang sabi ko at napahinga na lang ako nang malalim. Mag-iisang taon na pero parang kahapon lang ang sakit.

Natahimik si Leo sa katatanong at mukhang nahalata niyang hindi ko gusto ang usapan namin ngayon. "Luna " sambit niya na naman. "Nagugutom na ako. Kain muna tayo?" tanong niya kaya natigil ako sa paglalakad at napaharap sa kanya na pinagtaka niya. "K-kung okay lang. Wala kasi akong nakakasabay kumain kapag gabi kasi late na ako nakakauwi. Malungkot kumain mag-isa."

Ilang segundo pa akong nakatingin sa mukha niya. Specifically, in his eyes. Halata namang ginagawa niya 'to kasi alam niyang mag-isa lang akong kumakain sa gabi. Mabait talaga siyang tao. Inuuna niya ang iba bago sarili niya. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung hinahangaan ko siya. Maraming bagay ang kahanga-hanga sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango dahilan para mapangiti siya at muli kaming naglakad.

"Huwag kang maaawa sa'kin, Pres. Wala namang masama kung kakain ako mag-isa," I said in a nice way. Naaappreciate ko kasi ang pag-aalala niya sa 'kin pero sana, tigilan niya na. Baka kung saan pa makaabot 'tong appreciation kong 'to.

Natawa siya nang bahagya at napatingala sa langit. "Sabagay, walang hihingi ng kinakain mo."

"Ang selfish mo dun," natatawang sabi ko kaya napatingin na siya sa 'kin. Mabagal lang ang bawat hakbang namin habang papunta sa parking lot kung nasaan ang van niya.

"Nakita ko sa gamit mo na may law books ka. Mag-aabogado ka?" kunot-noong tanong niya. "Kasi kung hindi, sayang naman. Ang mamahal ng libro mo, e."

Napangiti ako at umiling. "Hiniram ko lang kay Atty. Cha. Baka kasi kapag puro acad books ang binasa ko, masaulo ko na lahat ng lessons. Sige ka, matatalo kita," biro ko sa kanya.

Natawa siya at umiling. "Okay lang. Gusto ko nga 'yun," mahinang sabi niya pero 'di na ako kumibo. Alam ko naman kung gaano siya pinipressure ng parents niya na magtop sa klase. Dapat, siya ang pinakamagaling. Dati, gusto kong nakikipagcompete kasi gusto kong humanga sa'kin ang parents ko. Pero ngayon na wala na sila, hahayaan ko na lang si Leo na mag-top sa klase. Isa pa, napakatalino niya. Mahirap siyang kalaban.

Bago kami makapasok sa van, may tumawag na naman ng pangalan ko; si Alanis. Pinauna ko na si Leo sa loob ng sasakyan at kinausap nang kaming dalawa lang si Alanis. "Bakit?" I asked her.

Ngumiti siya ng tipid at umiling. "Paabot naman nito kay Sol," mahinang sabi niya at inabot na naman sa'kin ang isang letter. "I guess, that'll be the last, Luna. I have to move on from these feelings. Based on what I see, kaya wala akong pag-asa o kahit na sinong babae is beacuse, he's in love with someone else." Naging malungkot siya pero ako, nagulat.

"Sino? May nakikita ka bang palagi niyang nakakasama?" nakakunot-noong tanong ko. Umiling siya at pilit na ngumiti.

"Ako lang naman ang madalas niyang kasama. You know, our other friends are in different school. And you as well but lately, you're busy so ako lang talaga." Pilit na naman siyang ngumiti at bumuntong-hininga. "This will be---" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya kasi naagaw ng nagsalita ang atensyon namin.

"It was you, all this time," ani Sol kaya nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang seryoso niyang mukha na nakatingin kay Alanis. Si Alanis naman ay hindi makatingin kay Sol. Nakapikit siya nang mariin at nanginginig ang buong katawan niya. Natatakot siya sa p'wedeng sabihin ni Sol. We knew him well. Diretso siya magsalita kahit masakit. Anong sasabihin niya kay Alanis ngayon?

Napalunok ako at nagmadaling hinila si Sol palayo kay Alanis. "Sol," sambit ko.

"What?" Ang lamig ng tono niya. Parang galit din siya sa'kin. "You didn't even tell me about this? You made me feel stupid," sabi ko nga galit siya sa'kin.

"I told you!" matigas na sabi ko. Naiinis siya sa'kin kasi wala akong sinabi? Paulit-ulit na nga ako e. "Sabi ko makipagkita ka. Mas magandang kayo ang mag-usap. Ayokong mamagitan sa usapan niyo. Taga-abot lang ako ng sulat. Sinabihan kita kaya huwag mo akong sisisihin kung ngayon mo lang nalaman. Please, pakinggan mo naman siya. Kaibigan mo siya, 'di ba? Give her a chance. Then don't hurt her," pakiusap ko at hindi siya nakaimik. Nakatingin lang siya nang diretso sa mga mata ko. Ang lalim ng mga titig niya at malapit na akong malunod kung hindi pa dumating si Alanis.

"Don't worry, I'll move on," aniya kaya naagaw niya ang atensyon namin. Hindi pa rin makakibo si Sol.

Ramdam kong kailangan ko nang umalis kaya umalis na ako at pumasok sa van ni Leo. 'Yung tingin niya sa'kin, parang nag-aalala kaya ngumiti ako nang bahagya. "We'll be fine. Sorry, naghintay ka pa."

"Sa'n tayo?" he asked in lieu of asking about Sol, Alanis and me.

Ito 'yung isa pa sa nagustuhan ko kay Leo. Hinahayaan niya ang mga tao sa paligid niya na maging komportable. Kahit may gusto siyang malaman, hindi niya pa rin pinipilit alamin. O kung alam niya man, hindi niya na lang pinahahalata. Nirerespeto niya ang sekreto ng bawat isa.

Alam kong nakita ni Leo bawat reaksyon naming tatlo sa labas ng van. Doon pa lang, alam mo nang may hindi magandang nangyayari. Pero 'di pa rin siya nagtanong.

Sana, maging maayos ang lahat. Ayokong mag-iba sila dahil lang sa nararamdaman ng isa. Nakakalungkot isipin na 'yung love, kaya rin palang makasira.

Kinaumagahan ay maaga akong nagpunta sa school. Kailangan ko kasing makita si Sol. Nakalimutan kong iabot sa kanya ang sulat na pinaaabot ni Alanis. Alam kong nasa gym lang siya. Pagkapasok ko, naabutan ko siyang nasa court at nakatingin sa 'kin. Ilang sandali pa siyang nakatingin sa'kin at parang may iniisip bago siya lumapit sa 'kin.

"Nakalimutan kong iabot sa'yo." Binigay ko sakanya ang sulat pero hindi niya iyon kinuha. Nakita ko siyang nakatitig lang sa'kin. Shems! Anong ginagawa niya? Para akong matutunaw. "Bakit?" I asked.

Napalunok siya at umiling. Kinuha niya na rin ang sulat. "Is that what you want?" he asked. Kumunot ang noo ko. "You want me to give her a chance?"

Hindi agad ako nakasagot. Kinakabahan ako ngayon. Bakit pakiramdam ko, may mawawala sa'kin? O baka manibago lang ako kasi maybiba na siyang pagtutuunan ng pansin. Mabuti na 'to... para hindi ako tuluyang maattach sa kanya. Tumango ako nang dahan-dahan kaya napabuntong-hininga siya at umiwas ng tingin sa'kin na parang naiinis. "Sol, kilala mo si Alanis. Komportable ka sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin, 'di ba?"

Natawa siya nang bahagya at tiningnan na naman ako. But this time, his eyes are full of emotions. It was hurting me. "You're really pushing me, Luna," seryosong wika niya.

"Hindi. Nagsasuggest lang. Pero kung ayaw mo, e 'di huwag. Gusto ko lang naman, sumaya ka. Baka mapasaya ka niya in the long run," mahinahong sagot ko. Napangisi siya–ngisi na nakakaasar at nakakasakit.

"It's you---nevermind." Napabuntong-hininga na lang siya at umalis na sa harapan ko. Ni hindi niya man lang ako nilingon ulit. Galit ba siya kasi gusto kong sumaya siya? Nagsasawa na kasi ako na ang seryoso at ang tahimik niya lalo na kapag ibang tao ang kaharap niya. Baka kapag nainlove siya, magbago siya. Baka maging palangiti na siya. Alam ko naman na malungkot siya kasi wala ang pamilya niya. Nawala rin ang kapatid niya. At ako, bilang tinuturing niyang kapatid at tinuturing ko rin siyang kuya, gusto kong gawin ang alam kong makapagpapasaya sa kanya. Para maramdaman niyang may pamilya pa siya rito.

Oo nga pala, nakauwi na pala ang parents niya pero kung umasta siya, parang hindi pa. Sa condo niya pa rin siya umuuwi. Hindi niya sinusulit ang panahon niya with his parents. Ano bang magpapasaya sa kanya?

Hay ewan!

"Okay ka lang?" Amy asked when I got into our office. Oo, office namin kasi may table na rin ako rito. Sa'kin nagtatanong ang mga estudyanteng may gustong itanong about school activities na cater ng SSG and teachers na may gustong ipagawa. Tinalo ko pa ang secretary.

"Okay lang," I said habang nagsosort ng papers.

"Talaga?" she asked again kaya tumango ako nang hindi tumitingin sa kanya. "Magsisimula na ang klase. Tara na?" sabi niya pa. Napatingin ako sa relo ko. Malapit na nga. Tumayo na ako at sabay na kami ni Amy naglakad papunta sa classroom. "Kanina ka pa nagbubuntong-hininga. May problema ba, Luna?" Maingat bawat tanong niya. Halatang iniiwasan niyang magalit ako kaya ngumiti ako nang bahagya at tinapik siya sa balikat.

"Kailan ba naubusan ng problema ang tao?" nakangiting sabi ko dahilan para maistatwa siya sa kinatatayuan niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Malilate na kasi kami.

Nakahabol naman siya sa 'kin at hindi kami nalate. Sa nakikita ko, masaya bawat estudyane kasi excited na sila next week. Valentine's na kasi at nagpaplano na rin sila kung paano sila magbibigay ng letter, chocolates, flowers, bears and other gifts sa special someone nila. Napakaromantiko talaga ng mga tao.

"Sinong date mo sa prom?" tanong ni Bliss na tumabi na naman sa'kin. "Ako, si Andrei na lang. Kinontrata ko na siya kasi baka 'di na naman um-attend. Alam mo na, nerd din 'yun tulad mo. Dapat kompleto ulit tayo sa prom, ha?"

Tumango lang ako nang bahagya at napabuntong-hininga na naman. "Si Leo na lang. Kinausap niya na rin ako about diyan." Pinipilit niya talagang kompleto kami sa bawat okasyon ng school na 'to. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang solid ng klase nila. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung pinagchismisan nila ako at sinabihan nang masama dahil lowest ako sa ranking. Sumama talaga doon ang loob ko. Though 'di naman kasali roon sina Bliss. Natandaan ko 'yung maaarte naming kaklase na hinusgahan agad ako without knowing my story behind that. Kaya ngayon, hindi sila nakakalapit sa 'kin. Kasi guilty sila.

Nang lunch time ay nagpunta muna ako sa office para kunin 'yung natitirang posters. Baka maidikit ko pa iyon sa ibang building mamaya bago ako umuwi sa hapon. Palagi na lang kaming naglilibot sa campus.

"Luna!" tawag sa'kin ni Leo pagkapasok niya sa office at ako naman ay palabas na. Magsasalita pa sana siya nang tawagin siya ni Bliss kaya pinaghintay niya ako. May favor daw siya. Pagkatapos nilang mag-usap ay pinasunod na ako ni Pres. sa labas. "Sorry, pinaghintay kita," aniya.

"Okay lang. Ano ba 'yung favor mo?" I asked.

"May pina-print kasi akong tarpaulin. P'wede ba akong magpasama sa'yo? Busy kasi silang lahat."

"Sige. Ngayon na ba?"

"Oo."

Lahat naman kami, hindi pa nakakakain so it's fair, I think. Sa Monday na kasi ang simula ng Valentine's event namin kaya kinakailangang matapos na 'to. Dahil wala rito ang driver ni Leo, nag-commute na lang kami tutal malapit lang naman. Alam naman ni Leo na sanay ako magcommute kaya sa'kin siya nagpapasama. Mga rich kid kasi mga officers namin kaya for sure, 'di sila sasama kay Leo kung malalaman nilang mag-cocommute sila.

"Jeep?" I asked habang nag-aabang kami ng sasakyan. Tumango siya at ngumiti na parang na-guilty siya. "Masaya 'yun. 'Di ko pa na-try, e." Ngumiti ako nang bahagya at tinapik ang balikat niya. Nakahinga naman siya nang maluwag.

Sumakay na kami sa jeep at first time kong sumakay rito. Pambansang sasakyan namin 'to pero 'di lahat ng Pilipino, nakasakay na rito. Nakakaloka naman 'yun!

"Mainit?" tanong ni Leo na katabi ko lang. Natawa ako nang bahagya nang makita ko ang butil-butil niyang pawis sa noo. "Sorry ha. Ito oh, panyo." Inabot niya sa 'kin ang panyo pero imbis na ipunas ko iyon sa sarili ko, pinunasan ko na lang siya na kinabigla niya kaya naistatwa siya sa kinauupuan niya. Mas pawis na kasi siya kaysa sa'kin. Baka himatayin pa 'to rito. Ayokong magbuhat ng lalaki.

"Hirap maging rich kid, 'no?" natatawang sabi ko sa kanya para naman matigil na 'yung pagtitig niya sa mukha ko.

"A-ako na." Inagaw niya sa 'kin 'yung panyo at mabilis na umiwas ng tingin. Parang nailang yata siya at namula rin ang tainga niya. Hinawakan ko iyon kaya napatingin na naman siya sa'kin. "Luna, naiilang na ako," mahinang sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Ano!? Naiilang? Bakit naman? "I mean, masyado kang sweet e. 'Di ako sanay," bulong niya sa'kin na kinakunot ng noo ko.

"Sweet naman talaga ako, Pres. Pero depende sa mood. Isa pa, pinunasan lang kita, sweet agad?" I defended myself or should I say, I want to hide my reason behind those actions. Oo, crush ko siya pero 'di niya na 'yun kailangang malaman pa kasi mawawala rin naman 'to. Para kasing ang sarap niyang alagaan. "Cute mo," nahinang sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya kasi nakita ko na naman ang pamumula ng mukha niya. Hindi yata siya sanay na inaalagaan at cinocompliment siya. Napansin ko kasing mas sanay siyang maglingkod kaysa paglingkuran. May future talaga siya na maging magaling na leader, someday.

Nakarating kami sa pinagpaprintan niya ng tarp for Valentine's event at nang makuha namin iyon, nag-aya na siyang kumain muna kasi 'di pa raw kami naglalunch. P'wede naman kaming kumain sa karenderya para mabilis pero nahihiya raw siya sa'kin kasi pinahirapan niya akong magcommute. Kaya nandito kami sa isang Italian resto. Libre niya raw.

"Commuter ako, Pres. Huwag kang mahiya," sabi ko habang kumakain na kami.

"Hayaan mo na ako," nakangiting sabi niya. "Okay ka na ba?" dagdag niya pa kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. "'Yung kahapon kasi," mahinang sabi niya at saka nagsimulang kumain na parang nagsisi siya na tinanong niya pa ako.

Huminga ako nang malalim. "Magiging okay rin si Sol," mahinang sabi ko at sa malayo na naman ako nakatingin. Kitang-kita ko 'yung inis sa mga mata niya kanina nang sabihin ko sa kanyang gusto ko siyang maging masaya. Ayaw niya ba?

"Si Sol, kaibigan mo lang naman siya, 'di ba?" tanong pa ni Leo na tinanguan ko at nagsimula nang kumain. "Wala ka namang gusto sa kanya o siya sa 'yo?"

Para akong mabubulunan sa tinanong niya kaya mabilis kong kinuha ang tubig ko at inubos ito. Langhiyang Leo na 'to! Iba rin manggulat e. "Wala, 'no! Kaibigan lang namin ang isa't-isa. Isa pa, mas matanda siya sa 'kin ng limang taon. Para ko na siyang Kuya."

Napangiti siya at tumango-tango. "Good," aniya na parang ang saya-saya niya talaga. Ano bang nangyayari sa kanya? Kanina pa siya e.

Busy na kami sa kinakain namin nang may isang lalaking tumayo sa may gilid ko kaya napatingala ako sa kanya. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ko.

"Bakit po?" walang emosyong tanong ko sa lalaking nasa around 30 yata. Pero ang ayos niya, nakasuit, black shoes at napakaseryoso ng mukha. Pamilyar siya sa 'kin. Parang nakita ko na siya somewhere. O baka kamukha lang.

"Is he your boyfriend?" he asked kaya napatingin ako kay Leo na nagtataka rin sa'min. Kita kong kinakabahan si Leo dahil sa expression ng mukha ko. Bibihira lang kasi nila itong makita.

"No. Just someone who asked me a favor. We're not that close," I said dahilan para gumuhit sa mga mata ni Leo 'yung sakit. Kailangan ko 'tong gawin kasi hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking kausap ko ngayon. Ayokong idamay siya sa mga gulong pumapasok sa buhay ko.

Napangisi iyong lalaki. "So can I talk to you for a second?"

Muli pa akong napatingin kay Leo bago ako pumayag sa gusto ng lalaki. Lumabas kami sa resto. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa taong 'to.

"You're Luna, if I'm not mistaken," aniya na ngayon ay nakangisi na naman. "You're the one who ruined his life," dagdag niya na kinaseryoso ng mukha niya.

"Sino ka ba talaga?" matapang na tanong ko.

"That's not necessary, Luna. But I want to let you know that everything has a price."

To be continued...

Related chapters

  • The Witness   Chapter 7

    "Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niya

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Witness   Chapter 8

    "How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Witness   Chapter 9

    "'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun."Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She

    Last Updated : 2021-08-29
  • The Witness   Chapter 10

    Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy

    Last Updated : 2021-08-29
  • The Witness   Chapter 11

    "Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka

    Last Updated : 2021-08-29
  • The Witness   Chapter 12

    "Next time, I'll buy you an engagement ring," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. He kissed my knuckle and intertwined our fingers after. Then we started walking again. Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko kasi, e. Nahahawakan ko na siya."After PolSci mo, o after architecture ko ang engagement?" tanong ko.Natawa siya nang bahagya, "gusto mo, ngayon na, e.""Sus! Wala ka pa ngang singsing," biro ko sa kanya."After architecture na lang. Para free ka na," sabi niya na lang. Umupo kami sa isang bench pero 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko."Pres..." sambit ko. Nag-hmm lang siya habang nakatingin sa 'kin. Malapit na akong matunaw mga sis! "Balak ko yata

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Witness   Chapter 13

    Natawa ako nang bahagya. Palagi niya na lang sinasabi sa 'kin 'yan. Kapag tinatanong ko naman siya kung saan, hindi niya ako sinasagot nang matino. Kapag nag-assume ako, sasabihin niya, assuming ako. Ang gulo niya!"Sol, sabihin mo kasi. 'Di ba, wala na dapat tayong secrets?" paliwanag ko sa kanya kaya napangisi siya.Nilagay niya ang kamay niya sa gilid ng leeg ko kaya hindi ako nakomportable. Kinakabahan ako. Lumalakas ang heartbeat ko. Bahagya siyang lumapit kasi akala ko, may ibubulong siya pero nagulat na lang ako nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nahihilo ako dahil sa paggalaw ng mga labi niya hanggang sa makagat niya ang labi ko at malasahan ko ang sarili kong dugo. Para akong natutunaw. 'Di ko namalayan na gumaganti na pala ako sa mga halik niyang nakakalunod.

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Witness   Chapter 14

    Tumango si Leo kaya lumabas na muna ako. Pinasunod ko si Sol sa 'kin hanggang sa makarating kami sa rooftop. Buong paglalakad namin, tahimik lang siya. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa'kin mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya at nasasaktan ako dahil dun. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa. Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan ayokong may mawala sa'kin ni isa?"Pakiramdam ko, may kinalaman ang kapatid ni Marcus sa pagkakatakas niya," panimula ko. Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Atty. Ibasco. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya kasi nasasaktan ako kapag nakikita siya. Naaalala ko 'yung kataksilang ginawa ko.Nakapatong lang ang mga braso ko sa railings ng rooftop habang nakatingin ako sa malayo."Atty. Ibasco... I read about him," sabi niya pa. So alam niya na pala? Paano?"Kapatid siya sa labas ni Marcus. Hindi siya malapit sa Ina niya kasi anak ito ng asawa niya sa ibang babae. Kaya hindi

    Last Updated : 2021-08-31

Latest chapter

  • The Witness   Epilogue

    "Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi

  • The Witness   Chapter 63

    "Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind

  • The Witness   Chapter 62

    "Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I

  • The Witness   Chapter 61

    Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl

  • The Witness   Chapter 60

    Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka

  • The Witness   Chapter 59

    Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.

  • The Witness   Chapter 58

    "Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak

  • The Witness   Chapter 57

    "Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai

  • The Witness   Chapter 56

    Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho

DMCA.com Protection Status