"Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.
May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Pero 'di ko kilala ang kalaban ko. I dunno how long is the extent of their power. Mabuti nga at naisipan na rin nina Nanay Anne na magbakasyon muna kaya may iba nang nangangalaga sa bahay. Kailangan ko na yatang kumilos at lumaban. Kung mapapahamak ako, baka hanggang doon na lang talaga ako. Hindi ko naman hawak ang buhay ko e.
"Luna," tawag ni Leo na nakaupo ngayon sa table niya. Ang seryoso niya rin ngayon at hindi man lang ako magawang tingnan. "P'wede ka nang lumabas. Bukas ka na lang bumalik." Tugon niya pa. Napansin ko rin na kami na lang pala ang nandito sa loob. Hapon na at may bandang tutugtog ngayon. Gusto kong manood pero mas pinili kong manatili rito.
"Pres," tawag ko. Nag-hmm lang siya pero 'di niya ako nilingon kaya naupo ako sa upuang nasa harapan ng table niya. Busy pa rin siya sa ginagawa niya. Nag-chicheck yata siya ng mga resibo. Ang dami naman nito. "Gusto mong tulungan kita?" I asked again.
"No, thanks," malamig niyang tugon. Napabuntong-hininga ako at ilang segundo pa bago ako nakapagsalita ulit.
"Kilala mo ba 'yung lalaking lumapit sa'tin noong Friday?" tanong ko pero 'di pa rin siya kumikibo. "E ako, kilala mo ba ako?" tanong ko pa dahilan para maagaw ko na ang atensyon niya. "Marami kang hindi nalalaman sa 'kin. Kung itatanggi man kita sa iba, siguro dahil gusto kitang protektahan," mahinahong sabi ko.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Luna," gulong-gulong hayag niya.
Humugot muna ako nang malalim na paghinga at pilit na ngumiti. "Mabait kang tao, Pres. Ayaw kitang mapahamak. Siguro na-offend ka nung sinabi kong 'di tayo close. I just have to say that to protect you."
Lalong kumunot ang noo niya at binitawan niya ang mga hawak niyang papel. Inayos niya pa ang salamin niya para makita ako nang maayos. Baka iniisip niyang niloloko ko siya. "Protect from what?"
"Sasabihin ko 'to sa 'yo kasi ayokong sumama ang loob mo. You've been good to me," sabi ko at nanatili naman siyang tahimik na nakatingin sa mga mata ko. "Nakulong si Marcus, remember?" I asked then he nodded. "I am the witness of his case. I was the one who reported him to the police. Kaya siguro hindi ako pinatatahimik ng mga kaibigan niya. At ayokong madamay kayo."
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakakurap. Nagkaroon din ng hope sa mga mata niya. "So that's why you're keeping your distance from us?" mabagal at mahinang tanong niya na tinanguan ko naman. "I see," dagdag niya pa sabay sandal sa swivel chair niya. "I understand, Luna. 'Di ko ipagsasabi." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Hindi ako sanay na seryoso siya. Nakakatakot pala siya kapag ganun.
"So, okay na tayo?" I asked.
Natawa siya nang bahagya. "Kailan ba hindi?"
"Parang kanina lang, Pres. 'Di ka namamansin e," natatawang sabi ko. "Ang sungit mo pa."
"Sorry. Ang dami lang talagang ginagawa."
"Sige, tulungan na kita para makabawi ako."
I helped him to do his job and this is kinda difficult but when he taught me, everything becomes easy as pie. So we finished it as early as we didn't expected. Kaya makakahabol pa kami sa mini-concert na gaganapin sa auditorium.
Bago kami nagpunta sa audi ay nagmeryenda na muna kami. Palakad-lakad lang kami sa campus habang kumakain ng mga tinitinda ng bawat booth dito sa campus. May booth din ang SSG kung saan p'wedeng magsulat ng message 'to someone ang mga estudyante. This can be anonymous or if they want to tell the name of the writer. Maririnig ito sa buong campus.
"Ang saya naman dito, 'no?" nakangiting sabi ko kay Leo habang naglalakad-lakad kami. Para kaming supervisors na nag-oobserve ng mga kaganapan. Lol!
"Yea! Lalo na 'yung mga may girlfriend at boyfriend. Tingnan mo, halos kalahati, nakapula," natatawang sabi naman ni Leo. "Kakaunti lang ang mga nakaputi at itim."
"Yea. Tinatalo rin ng green ang red. Daming bitter, Sir."
Tuwang-tuwa kaming pinag-mamasdan ang mga nakapaligid sa'min hanggang sa makaabot kami sa locker area. Ayun kay Leo, napupuno raw ng gifts and letters ang locker kapag Valentine's. Nacurious ako kaya pinuntahan namin. Nabigla ako nang mabungadan ko ang locker area na pulang-pula. Aba, 'di naman inlove ang mga tao, 'no?
"Look, Luna." Tinuro ni Leo ang locker ko na may mga nakasabit na flowers at may mga nakaipit na letters. Napabuntong-hininga na lang ako. Sino naman kaya ang maglalagay nito rito samantalang bago lang ako sa school na 'to?
"Tingnan mo rin sa'yo, Pres! Ang dami! Umaapaw," tawa ko nang makita kong ang daming letters sa locker niya. Kahit siya ay natawa na lang. "Ang dami namang nagmamahal at humahanga sa'yo." Isa na ako, Pres pero sorry, 'di ako nagbigay ng letter. Haha.
"Yea siguro mga letter of appreciation lang," natatawang sabi niya. "Mamaya ko na lang kukunin. Baka may pahabol pa," biro niya.
Natawa na lang ako at napailing. Hindi niya talaga pansin na maraming nagkakagusto sa kanya. Hay naku, Leonardo Alexander Chavez. Kung alam mo lang.
"Luna!" tawag sa'kin ni Alanis na bigla na lang sumulpot galing sa kung saan. Papunta na kami ngayon ni Leo sa booth namin nang makasalubong namin si Alanis. "Thank you thank you thank you!" sunod-sunod niyang sabi nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at nagtatalon-talon kami. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ang alam ko lang, masaya siya. "Guess what, may chance na kami ni Soooolll!" sigaw niya dahilan para manlaki ang mga mata ko at magsitinginan ang iba naming schoolmates.
"Talaga!?" excited na tanong ko at tumango naman siya nang sobrang excited. "Congrats!" I hugged her wholeheartedly but... why am I feeling sad? I felt like I'm loosing something.
"Thanks to you, Luna. Because of you that's why this happened."
I should be happy for them. Pero 'di ko maramdaman. Parang may mali. Mali yata ang ginawa ko?
Sol...
"Okay lang ba 'yan si Luna?"
"Palagi naman siyang malalim mag-isip. Hayaan niyo na."
"Baka napagod lang."
"Ano ba kasing ginawa mo, Leo?"
"Oo, kayo ang magkasama kanina pa. Pinagod mo siguro."
"Hala ang aga pa, ang wild na ng isip mo."
Kanina ko pa sila naririnig na nagbubulungan kaya nawala si Sol sa iniisip ko. Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan sila dahilan para matahimik sila. Nag-ipon-ipon kasi sa booth ng SSG 'yung ibang officer at saktong dito rin namin naisipan na magtungo ni Leo pagkatapos namin sa locker. "Okay lang ako. Walang kasalanan si Pres." Ngumiti ako nang bahagya at tumayo na. "Excuse me."
Umalis ako sa booth at naglakad-lakad na muna. Ang gulo kasi ng isip ko. Parang may nagawa akong mali pero 'di ko alam kung ano. E maayos naman ang nasa paligid ko. Masaya naman sila. Gosh! Hindi ako mapakali!
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Sol. Nakailang tawag ako bago niya sinagot. May time na pinapatay niya talaga. Mukhang galit nga siya sa'kin. Ayokong magalit siya.
"Sol..." sambit ko pero hindi siya kumibo. Ang tahimik sa kabilang linya. "Nasaan ka?" tanong ko pa pero hindi pa rin siya nagsasalita. "Sol, mag-usap tayo, please? May nagawa ba akong mali?" Pero imbis na sumagot siya, pinatay niya ang tawag. Aist! Gusto ko siyang sakalin! Ano bang nangyayari sa kanya? Tinawagan ko ulit siya at sumagot na siya.
"When you told me that I don't have the right to ask you what were you doing, then I guess, you should know too that you don't have the right to control my decisions," malamig niyang tugon. Natahimik ako sa sinabi niya. I knew it. Tungkol nga ito ay Alanis. Pinilit ko siya kahit ayaw niya. Hindi ko dapat ginawa iyon. Nagpakacupid ako tapos ngayon, mali pala ang ginagawa ko.
"N-nasaan ka?" Nauutal na tanong ko. Kinakabahan ako.
"Guess what, I don't want to tell you." Natatawang sabi niya sabay patay ng tawag. Tang na juice! Naiiyak ako sa galit pero ayokong magalit sa kanya kasi ako ang may kasalanan. Deserve ko 'to. Gumawa ako ng paraan para layuan niya ako. Siya na nga lang ang nag-iisang kaibigan ko, nawala pa.
Hay ewan ko sa'yo, Luna!
"Luna," tawag sa'kin ni Leo na nahabol pala ako rito sa tapat ng marriage booth. "Magsisimula na raw 'yung banda na tutugtog. Manonood ka?" he asked when he got near me.
Hindi naman siguro p'wedeng magmukmok lang ako kasi 'di kami okay. Baka kailangan lang ni Sol na mapag-isa kaya ayaw niyang ipaalam sa'kin kung nasaan siya. Isa pa, nandyan naman si Alanis. Mas close naman silang dalawa kaysa sa'kin. Sabit lang naman ako sa buhay nila, sa una pa lang.
"Sige," tugon ko kay Leo. Maglalakad na sana kami nang may humila sa'ming dalawa at pinaghiwalay kami. Hay nakung mga estudyanteng 'to. "Teka, sa'n niyo ko dadalhin? Ano 'to?" sunod-sunod na tanong ko nang nilalagyan na nila ako ng veil sa ulo at inabutan ako ng kumpol ng bulaklak na puti. "Ayoko!" matigas na tugon ko sabay abot sa kanila ng bulaklak at tatanggalin ko na sana ang veil nang dumating naman si Bliss na nagvivideo.
"Sige na, Luna. Ngayon lang. KJ naman nito," aniya.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Did you know that if you took a video of me without my consent, I can file a civil case against you? It's also another thing if you posted it online without my consent," seryosong sabi ko dahilan para ilagay niya agad sa bulsa ang phone niya. Pati na rin ang ibang estudyanteng panay kuha ng video sa'kin. Buti, naniwala sila. 'Di ko naman sila makakasuhan lahat.
"Dami mo namang alam! Basta sumunod ka na lang sa'min. Ngayon lang naman e," hinila niya na ako papunta sa tarangkahan ng marriage booth at nakita ko sa dulo nito si Leo na natatawa nang makita ako. Sino bang hindi? Maliban kay Ivy Aguas, ako lang yata ang ikakasal na nakaitim.
"I hate you, Bliss," bulong ko sa kanya pero mas ngumiti lang siya nang todo.
"Kailan mo ba ako minahal? Hay naku, Luna," natatawang sabi niya at lumapit siya sa tainga ko para bumulong. "Pansin ko naman na crush mo si Leo. Grab this chance!" aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya pa ako.
"Then you got the wrong assumption. You should ask. Sasagutin kita ng hindi," inis na sabi ko pero hindi naman siya nakikinig. Pinagtulakan niya na ako papunta sa aisle at tuwang-tuwa naman ang mga nakakakita sa 'min. Palibhasa kilalang-kilala rito si Leo dahil SSG president. Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Leo ay humarap na kami sa Pari na---nakakainis talaga! "Ayoko nito, Pres. Kahit laro lang 'to, parang kasal pa rin, e," mahinang sabi ko sa kanya.
"Sorry. Ganito talaga rito–sapilitan," Mahinang sabi niya naman na natatawa.
"Magsisimula na 'yung papanoorin natin," sabi ko dahilan para mapatingin siya sa'kin. Nakangisi ako at hinawakan siya sa balikat at lumapit nang bahagya sa tainga niya. Napayuko naman siya habang nakatingkayad na ako. "Takbo na tayo?" bulong ko.
Natawa naman siya at tumango nang bahagya. "In three?" he asked.
"Two..."
"One!"
Dahil hindi ready ang mga taong nakapalibot sa'min, nagulat sila nang tumakbo kami ni Leo palayo sa kanila. Tinapon ko 'yung hawak kong bulaklak at nasalo naman iyon ni Bliss na ngayon ay halos malaglag na ang mga mata dahil sa gulat. Tinawag pa nila kami pero 'di na kami babalik doon. Habang tumatakbo, hindi ko namalayan na hawak pala ni Leo ang kaliwang kamay ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante.
"Nandito na tayo," hinihingal na sabi ko at inagaw ko na sa kanya ang kamay ko. Nakakahingal pero nakapasok na rin kami sa auditorium. May napapatingin pa rin sa'min kaya nagpunta kami ni Leo sa may gilid. Wala nang maupuan. Napuno na kasi ng mga estudyante. Kaya pala kakaunti na lang ang tao sa labas. Nandito na ang karamihan.
"Ah Luna," tawag ni Leo kaya napatingin ako sa kanya. Nasa stage na kasi ang banda na papanoorin namin at sobrang lapit nang magsimula. "Huwag kang gagalaw," sabi niya at para bang robot ako na hindi talaga gumalaw dahil lang sinabi niya. Humakbang siya palapit sa'kin at akala ko, yayakapin niya ako kaya kinabahan ako pero tatanggalin niya lang pala ang soot kong veil. Ang bango niya. Nakakaturn on talaga ang lalaking mabango.
Kaya pala napapalingon sa'min ang ibang estudyante dahil sa veil ko. Hay ewan ka talaga Luna. "Nadala mo tuloy 'to," natatawang sabi niya nang ipakita niya sa'kin ang veil. Natawa rin ako nang bahagya pero kinabahan talaga ako nang lumapit siya. Akala ko, kung ano nang gagawin niya e.
Hiningi ko sa kanya ang veil pero siya na raw ang magbabalik mamaya sa marriage booth. Napakagentlemen talaga.
Nag-focus na lang kami sa panonood. Intro pa lang, alam ko nang favorite song ko ito kaya sobrang natuwa ako. "Synesthesia! Fave song ko 'yan!" tuwang-tuwang sabi ko at muntik na akong mapatalon sa tuwa nang makita kong nakatingin sa'kin si Leo. "Ay sorry. Excited lang." Natatawang sabi ko.
♪♪♪Save your smile,
Everything fades through time
I'm lost for words,
Endlessly waiting for you
Stay with me
Yes I know, this cannot be
As morning comes,
I'll say goodbye to you when I'm done
Through the sun...♪♪♪
Nakafocus ako sa kanta at napapakanta rin ako pero nahihiya ako kay Leo. Hindi ako magaling kumanta e. Sintonado ako. Kaya winiwave ko na lang din ang kamay ko gaya ng mga estudyante. Grabe, gusto ko talaga ang kantang 'to. Hindi ko alam kung bakit. Naiiyak ako.
Natigil ako sa pag-emote nang hawakan ni Leo ang kamay ko na kanina ko pa winiwave. "Because I've been waiting for you, waiting for this dream to come true, just to be with you! Dali Luna, kanta tayo," nakangiting alok niya kaya natawa ako nang bahagya at kumanta na lang din. "And if I die, remember these lines, I'm always here, guarding your life... Guarding your life..." sabay naming kanta.
Hanga talaga ako kay Leo kung paano niya nagagawang komportable ang taong awkward. Hindi ako nakikipagholding hands kahit kanino pero kay Leo, pakiramdam ko, walang malisya e. Komportable lang ako. Parang kaibigan ko lang siyang babae, ganun. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi siya tingnan. Napakainosente ng taong 'to. Hindi niya nga alam na ang daming nagkakagusto sa kanya. Humble siya, matalino, mabait at gwapo pa. Higit sa lahat, gentleman. Hay Leo!
"I like you, Pres," mahinang sabi ko habang nakangiti. Kailangan ko lang kasing sabihin 'yun kasi para akong sasabog kung 'di ko mailalabas. Alam kong hindi niya rin iyon maririnig kasi malakas ang sound ng speaker at sumasabay rin sa pagkanta ang mga estudyante pero para akong aatakihin sa puso nang mapatingin sa'kin si Leo na gulat na gulat. "Bakit?" takang tanong ko. Kinabahan ako. Baka narinig niya.
"I heard it," aniya at para akong lulubog sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. Aba magaling, Luna! Ikaw na ang naunang umamin! E bawal ka ngang magkagusto sa ibang tao kasi delekado! Ipapahamak mo si Leo!
"Ahm s-sorry!" nauutal na sabi ko at agad kong inagaw sa kanya ang kamay ko na kanina niya pa hawak. "Kunwari, wala kang narinig. Pagha---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kasi nagsalita na rin siya.
"I like you too, Luna," walang kakurap-kurap na sabi niya. Parang tumigil ang buong mundo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong nanalo sa lotto sasinabi niya pero pakiramdam ko, mananakaw sa 'kin 'yung napanalunan ko. Masaya na nakakatakot.
"Pres... paano?" mahinang sabi ko at hindi ko na alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko. Ang sabaw ko yata.
"I don't know when this started. 'Di ko alam kung paano. E ikaw?" he asked me as if this topic is not that awkward as it is. Natawa ako nang bahagya at napailing.
"Ewan. Hayaan mo na. Mawawala rin siguro 'to," sabi ko na lang. "Kailangan ko nang umalis. Naghihintay na si Atty. Cha sa labas," may dinner kasi kami. Yes, kasama ang family niya. Ewan ko ba kung bakit bigla kaming magdidinner. Pero okay lang. May dapat din akong sabihin sa kanya.
Naglakad na ako palabas pero naabutan ako ni Leo sa may pinto. "Samahan na kita," aniya. Tumango na lang ako nang bahagya at sabay na kaming naglakad papunta sa SSG office kasi nandun ang mga gamit ko. "So, tayo na?" tanong niya pa.
"Ha?" naguguluhang tanong ko. Naglalakad na nga kami, ba't pa siya nagsasabing 'tayo na'?
"If tayo na? Or should I court you?" natatawang sabi niya dahilan para mapaawang ang bibig ko. Wala ba siyang kinakaawkwardan?
"What?" gulat na tanong ko at pilit na kinalma ang sarili. "Hindi p'wede," mahinang sabi ko dahilan para mawala 'yung ngiti sa mga labi niya. Naging malungkot tuloy siya. "Kasi alam mo naman, 'di ba? Baka idamay ka ng mga may galit sa'kin." Hindi lang naman si Marcus ang may galit sa'kin. Pati na rin ang mga kamag-anak ko na may pagnanasa sa kayamanan ng magulang ko.
"'Di ko naman 'yun iniisip, Luna," mahinahong sabi niya at saka huminga nang malalim. "I just wanted to protect you."
Protect you... Hindi ko kailangan ng magpoprotekta sa'kin kung ikapapahamak lang naman ng mahahalagang tao para sa 'kin.
"'Yung t-shirt mong white," sabi ko kaya napatingin siya sa'kin. "White for single and waiting. You can wait, can't you?"
Ngumiti siya at tumango. "Of course. Been doing that since I met you."
"Ano?"
"Yes, since I met you. Nahihiya lang akong lumapit kasi 'di ko alam kung paano ang tamang approach sa 'yo," natatawang sabi niya. Ngeks! Ang bobo ko pa that time. Lowest nga ako sa rank namin, e. Tapos napansin niya na ako? E parang langit at lupa kami nun. Siya kasi ang top lagi sa klase at ako sa lowest. LMAO! "Then nakasabay kita sa bus. Buti na lang, wala pa ang sundo ko nun."
"So 'yung goal mong kompleto dapat tayong section sa kada-event, ano 'yun?" kunot-noong tanong ko.
"One of my ways to invite you. Alam ko kasing 'di ka aattend kasi nilalayo mo ang sarili mo sa'min. Kung alam ko lang na si Marcus pala ang dahilan, e 'di sana, sinolo na lang kita."
"Mama mo! Ikaw, ha, noon ka pa pala may gusto sa 'kin. Torpe ka siguro kaya naunahan kitang umamin," natatawang sabi ko para itago ang kilig.
"Not that torpe, Luna. Ang lalim mo kasing tao. Gusto pa kitang makilala. Kaso ayun, habang nakikilala kita, lalo akong nahu---"
"Tama na," pagpigil ko sa kanya at mas binilisan ko na ang paglalakad. Ang dami niya nang sinasabi. Baka 'di ko na mapigilan 'tong kilig na nararamdaman ko. Sa maikling nakilala ko si Leo, alam kong vocal siya. At baka magmukha akong kamatis kung palagi ko siyang hahayaang pakiligin ako.
Nang makarating kami sa office ay tinukso agad kami ng officers na natitira. Ang iba, for sure, nagsiuwian na. Mga ranaway bride and groom daw kami ni Leo at naexcite daw yata kami sa honeymoon! LMAO these kids! 'Di ko na lang sila inintindi at nagmadali nang lumabas sa office. Pero nahabol na naman ako ni Leo sa labas.
"Luna!" tawag niya kaya napalingon ako sa kanya. Natagalan siya bago nagsalita ulit. "Ingat ka, ha," aniya.
Napangiti ako at tumango. "Ingat ka rin, Pres."
Akala ko ay papasok na ulit siya sa office pero lumapit pa siya sa'kin. "May ibibigay pala ako sa 'yo," aniya habang may dinudukot sa bulsa niya. Nang ilabas niya ang kamay niya, nakafinger heart na siya habang may hawak na isang singsing. OMG! Bawal 'to, Luna! Mapapahamak siya! "Ito dapat 'yung singsing natin sa kasal pero 'di natuloy. Isoot mo pa rin, ha," sabi niya sabay kuha ng kaliwang kamay ko at nilagay niya sa ring finger ko ang singsing na silver. Alam kong piso lang 'to sa tindahan pero bakit ako nagutuwa? Bakit parang diamond ang sinosoot niya sa 'kin?
"Leo..." sambit ko at napatingin naman siya sa'kin. Hindi ko makita masyado ang mga mata niya kasi nakasalamin siya. "Huwag kang umasa masyado, ha. Oo, gusto kita pero p'wedeng hanggang dun lang 'yun." Hindi ko naman kasi maramdaman na mahal ko siya. Katulad lang din siya ng mga naging happy crush ko.
Napangiti siya nang bahagya at tumango. "Alam ko."
To be continued...
"How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a
"'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun."Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She
Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy
"Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka
"Next time, I'll buy you an engagement ring," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. He kissed my knuckle and intertwined our fingers after. Then we started walking again. Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko kasi, e. Nahahawakan ko na siya."After PolSci mo, o after architecture ko ang engagement?" tanong ko.Natawa siya nang bahagya, "gusto mo, ngayon na, e.""Sus! Wala ka pa ngang singsing," biro ko sa kanya."After architecture na lang. Para free ka na," sabi niya na lang. Umupo kami sa isang bench pero 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko."Pres..." sambit ko. Nag-hmm lang siya habang nakatingin sa 'kin. Malapit na akong matunaw mga sis! "Balak ko yata
Natawa ako nang bahagya. Palagi niya na lang sinasabi sa 'kin 'yan. Kapag tinatanong ko naman siya kung saan, hindi niya ako sinasagot nang matino. Kapag nag-assume ako, sasabihin niya, assuming ako. Ang gulo niya!"Sol, sabihin mo kasi. 'Di ba, wala na dapat tayong secrets?" paliwanag ko sa kanya kaya napangisi siya.Nilagay niya ang kamay niya sa gilid ng leeg ko kaya hindi ako nakomportable. Kinakabahan ako. Lumalakas ang heartbeat ko. Bahagya siyang lumapit kasi akala ko, may ibubulong siya pero nagulat na lang ako nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nahihilo ako dahil sa paggalaw ng mga labi niya hanggang sa makagat niya ang labi ko at malasahan ko ang sarili kong dugo. Para akong natutunaw. 'Di ko namalayan na gumaganti na pala ako sa mga halik niyang nakakalunod.
Tumango si Leo kaya lumabas na muna ako. Pinasunod ko si Sol sa 'kin hanggang sa makarating kami sa rooftop. Buong paglalakad namin, tahimik lang siya. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa'kin mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya at nasasaktan ako dahil dun. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa. Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan ayokong may mawala sa'kin ni isa?"Pakiramdam ko, may kinalaman ang kapatid ni Marcus sa pagkakatakas niya," panimula ko. Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Atty. Ibasco. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya kasi nasasaktan ako kapag nakikita siya. Naaalala ko 'yung kataksilang ginawa ko.Nakapatong lang ang mga braso ko sa railings ng rooftop habang nakatingin ako sa malayo."Atty. Ibasco... I read about him," sabi niya pa. So alam niya na pala? Paano?"Kapatid siya sa labas ni Marcus. Hindi siya malapit sa Ina niya kasi anak ito ng asawa niya sa ibang babae. Kaya hindi
Bumyahe na kami papunta kina Atty. Cha at dala ko na rin ang mahahalagang gamit ko, pati ang pusa ko. Hindi ko alam kung matutuloy pa ako sa birthday ni Bliss dahil kay Marcus. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Dagdag pa na matampuhin siya, baka 'di niya na ako kilalaning kaibigan."Thank you, Leo, for bringing Almira here," sabi ni Ate Jaida na nandito sa bahay. Nasa trabaho sina Atty. Cha at Atty. Calisto kaya sila ni Nixon lang ang natira rito sa bahay."Wala po 'yun, Ate Jaida," nakangiting sabi ni Leo sabay tingin sa'kin. "Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka.""Dito ka na maglunch," sabi ko sa kanya kasi mukhang aalis na siya."Yes, Leo. Apat lang tayo ngayon. Mom and Dad aren't here," nakangiting sabi naman ni Ate Jaida. "Gonna excuse myself, first. Al, ikaw muna bahala sa kanya."Tumango lang at bago siya umalis. Dinala ko si Leo sa garden, sa likod ng bahay. Maraming guard dito kaya safe kami. Pero paano si Sol? Dapat magin
"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.
"Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak
"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai
Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho