"How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao.
"So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.
Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga.
"Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito ako sa kanila. Kaya sa pangalan na lang nila. Isa pa, masyadong pormal kapag last name.
"Sino po?" I asked her.
Ngumiti siya nang kakaiba pero 'di niya naman sinagot ang tanong ko kaya hindi na lang ako nangulit pa. Lalo tuloy akong nacurious. Maya-maya pa ay bumalik na si Atty. Calisto kasama si Ate Jaida dahilan para mapatayo ako sa kinauupuan ko.
"Ate Jaidaaa!" impit na sigaw ko at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya nang sobrang higpit. She's Ate Jaida na panganay ni Atty. Cha at sa State siya nag-aaral ngayong college. Nagtake kasi siya ng medtech na sobrang layo ng course kina Atty. Cha. Gusto niya raw kasing gumamot kaysa makipag-away sa tao. Ang sama niya! Ininsulto niya ang parents niya. "Ang laki mo na," biro ko sa kanya kaya napasimangot siya. Kapantay ko na kasi siya. E 20 na siya ngayon at 15 pa lang ako. Tatangkad pa ako sa kanya. Haha. O baka matangkad lang talaga ako kaysa sa iba kong kaedad.
"I think, I should be the one who's saying that, Al," ani Ate Jaida at naupo na ulit kami sa table kaharap sina Atty. Cha. Namiss ko talaga siya.
Ito pala ang dahilan kung bakit nagpadinner si Atty. Cha. Uuwi pala kasi si Ate Jaida. Since birth, kasama ko na siya kaya super close talaga kami. Kaya nang umalis siya para mag-aral, sobrang nalungkot din ako. Hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap online kasi busy siya. Maliban kasi sa pag-aaral, nagpapart time job din siya roon which was Atty. Cha didn't approved but eventually, she surrendered. Hardheaded kasi si Ate Jaida.
"Kahapon ka bumalik?" tanong ko kay Ate Jaida na ngayon ay pinagdadrive na ako pauwi sa condo ko. Tumango siya habang nakangiti pero malungkot siya. "Gusto ko 'yung nandito ka, Ate, pero bakit ka umuwi? May problema ba?"
"Doon, wala. But here? Al, I'm so sorry, I wasn't here when you needed me the most."
Napangiti ako at umiling. "Okay lang, Ate. Alam ko naman na nahihirapan ka doon mag-adjust. In fact, I've moved on."
"Really," natatawang sabi niya. "I'm not a psychologist but I can see that you're lying. So what's the plan?"
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangisi na. Hindi niya alam ang tungkol kay Marcus. Sinabi ko kay Atty. Cha na ilihim iyon. So anong gustong sabihin ni Ate Jaida?
"Knowing you, Almira, I know that you're up to something. Did you started investigating about to what happened to your parents?" Naging seryoso na siya kaya nakaramdam na rin ako ng kaba. Kilala niya na talaga ako. Pero ayokong masali pa siya rito. Labas na silang lahat dito.
"Ate Jaida, tanggap ko nang aksidente lahat," sabi ko na lang kaya natahimik na rin siya hanggang sa makarating kami sa labas ng condo ko. Napatingin ako sa isa pang condo na kinaroroonan ni Sol. Nandyan kaya siya ngayon? Ayoko na kasing patagalin ang mga 'di pagkakaunawaan namin. Maikli lang ang buhay. Kailangan kong tapusin araw-araw ang mga unfinish business ko.
"Make sure that you moved on, Almira," ani Ate Jaida kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Or if you wanna do something, tell me. Just like on what we were doing before. Adventures, remember?" nakangiting sabi niya kaya tumango at ngumiti ako. "After medtech, I decided that I'm going to study here in PH, for good. I just missed the traffic problem," tawa niya pa.
Masaya talagang kasama si Ate Jaida pero may nagbago sa kanya. 'Yung mga mata niya, para bang pagod na pagod siya then nang makangiti siya, para siyang narefresh. Siguro, stress talaga siya sa school nila. At dito lang siya nakapagrefresh.
Nang makababa ako sa kotse niya at nakaalis na siya, nagtungo ako sa building nina Sol. I have to talk to him. Kaso nang tinanong ko kung anong unit ni Sol, bawal daw sabihin. Inalis na raw ako ni Sol sa list of visitors niya. So ibig sabihin, nandun ako dati. Galit nga siya sa 'kin.
Hays!
Tinawagan ko siya pero iba ang sumagot. Si Alanis. Para akong sinaksak sa dibdib. Teka, ba't ang sakit?
"Luna, sorry, ako na ang sumagot. He's hammered. I dunno why he even drunk."
Uminom? Pero nakausap ko pa siya kaninang hapon ah. Matino pa naman siyang kausap. "Nasaan kayo?" tanong ko na lang.
"Sa condo niya. I was about to leave when you called," sabi niya pa.
"Ah sige, Alanis. Nangangamusta lang naman. Thank you sa pag-alaga sa kanya. Sige, bye," sabi ko at agad na pinatay ang tawag. Patakbo akong lumabas sa building nila kasi baka maabutan ako ni Alanis. Ayokong mag-isip siya ng iba kung bakit ako nasa building na iyon. Baka makagulo lang ako sa kung anong meron sila ngayon.
Habang naglalakad ako pabalik sa condo ko, hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganito ang epekto sa'kin ng nalaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako natutuwa. Nakakainis! Siguro kasi namimiss ko lang si Sol tapos iba pa ang kasama niya ngayon. Shems, Luna! Stop it!
Kinaumagahan ay hindi ako nagpunta nang maaga sa school. Pumunta ako sa office ni Atty. Cha. She was busy when I came in but after an hour, dumating na siya at nag-usap kami sa office niya.
"Seriously, Luna? Baka naman inaantok ka pa," kunot-noong tanong niya. Huminga ako nang malalim at tumango.
"Opo, Atty. Cha. Please, pagkatiwalaan niyo sana ako. Alam kong kayo lang ang makakatulong sa'kin at sobrang laki ng tiwala ko sa inyo kaya ko 'to gagawin."
"Thank you, Luna, for the trust but this thing is big as it is," bawat salita niya ay may diin na pilit pinaiintindi sa'kin na hindi simple itong gusto kong gawin.
"But what if I die?"
"You! You will not die! Not now!" galit na sabi niya at napahampas pa siya sa mesa niya. Napalunok na lang ako at napayuko. "If you're planning about something that can cause you to death, then tell me. I will help you. Just... just stop saying that you'll die! Binilin ka sa'kin ng mga magulang mo. Responsibilidad kita kahit walang papel na nagsasabing responsibilidad kita!" Naiiyak na siya base sa boses niya pero hindi ako p'wedeng magpatalo. Isang beses ko lang 'tong gagawin. I should make sure that she'll agree to this.
"But... that's just a 'what if', Atty. Cha," mahinang sabi ko.
Napabuntong-hininga siya. "You're not yet in your legal age. I can't make it," kalmadong sabi niya.
"Then adopt me. That's possible," sabi ko sabay tingin sa kanya. Hindi agad siya nakakibo. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko. Pero napag-isipan ko na 'to.
"Luna, you should stop reading law books," nai-stress na sabi niya at napahilot na lang siya sa sintido niya. Napangiti ako kasi alam kong papayag na siya. "Okay, I'll fix this but you still have time to think about this. I hope, you change your mind."
"I won't, Atty. Cha," nakangiting sabi ko at napangiti naman siya nang alanganin kahit kinakabahan siya sa gagawin namin. Tumayo na kami kasi kailangan ko na ring bumalik sa school.
"I hope someday, I see you in court as a lawyer and not as a witness," sabi niya kaya natawa na lang ako. I do hope so.
Nang lumabas ako sa building nina Atty. Cha, nakita ko si Sol na nakawhite t-shirt lang at shorts na hanggang tuhod. Pumasok siya sa convinient store na nasa tabi lang ng building niya kaya mabilis akong tumakbo papunta roon. Naabutan ko siyang nagbabayad ng mga binili niya.
"Ang aga naman niyan," sabi ko nang makita ko kung ano ang mga iyon. Iinom na naman siya?
Napalingon siya sa'kin pero 'di niya pinahalatang nagulat siya. "I need stocks," simpleng sagot niya at nilagpasan na ako. Hinabol ko siya hanggang sa labas ng building nila.
"Sol, usap tayo. Please," sabi ko nang mahawakan ko ang braso niya. Nasa likod niya lang ako at hindi niya ako magawang lingunin.
Ilang sandali pa bago siya kumibo. "Follow me," aniya kaya bumitaw na ako at sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Nag-order siya ng hot coffee kasi sa nakikita ko, kailangan niya 'yun. Mukha siyang may hang-over.
"Galit ka sa 'kin," I stated kaya napatingin siya sa'kin na kanina niya pa iniiwasang gawin. "Sorry, nakialam ako sa inyo ni Alanis. Noong una, hindi ko alam na kaibigan mo siya. Nalaman ko lang nang makita ko siya sa Cavite. Sorry kasi 'di ko sinabi agad sa'yo. Nakiusap kasi siya na huwag kong sasabihin. Sorry, Sol," mahinahong sabi ko. All throughout na nagsasalita ako, nakatingin lang siya sa 'kin kaya mas natatakot ako na baka lalo siyang magalit kapag may mali akong nasabi. Pero hindi ko nakita sa mga mata niya na galit siya. Ang nakikita ko, pain.
"If I just knew that that was her, I wouldn't say that," seryosong sabi niya na kinakunot ng noo ko.
"Ang alin?" I asked but he just shook his head then sip his coffee. "Sol, kung may problema ka, p'wede mong sabihin sa 'kin, ha. Para makatulong ako. Magkaibigan tayo. Bigyan mo naman ako ng chance na maging kaibigan mo. Hindi 'yung palaging ikaw na lang. Alam mo naman na nandito lang ako palagi," paliwanag ko sa kanya.
"I know," he said between his breath. "We're friends. That's the safest place where we can stay." Ngumiti siya nang bahagya pero nagtaka ako sa sinabi niya. Parang may something pero ayokong mag-assume. Sinabi niya naman na wala. I shouldn't put any malice on what he is doing as a friend. I shouldn't assume, unless otherwise, stated.
"Bakit ka umiinom?" tanong ko pa.
"Luna," aniya sabay hinga nang malalim. "Alanis is my friend. But she has feelings for me when I don't have. It hurts me to know that there's a tendency that I might hurt her."
"You... you don't have feelings for her?" mabagal na tanong ko. Baka kasi mali lang ang pagkakaintindi ko pero tumango siya. "Pero sabi niya, sinabi mong may chance kayo."
"I just have to say that because I don't want to hurt her. There's a chance but that depends. I want us to stay as friends," mahinahong sabi niya kaya napatango na lang ako. Base sa sinabi ni Sol, may chance pero kaunti lang.
"Sol... galit ka pa rin ba sa 'kin?" I asked. Napahawak ako sa mga kamay ko na nanlalamig. Ayokong magalit siya sa 'kin. 'Di ako makakatulog nang maayos nito. 'Di rin ako mapapakali buong araw.
Ngumiti siya nang bahagya at umiling kaya napangiti ako at nakahinga nang malalim. "Just promise me no secrets. Alright?"
Tumango ako habang nakangiti. Sa lahat kasi ng tao, ramdam kong siya lang ang mapagkakatiwalaan ko. Kahit pa tungkol sa pamilya ko, sa kaso ko kay Marcus at pati na rin sa school issues gaya nung lowest ako sa section namin dati. "Tanungin mo lang ako, sasagutin ko nang totoo," I said.
"Yeah. So how are you as student assistant?"
Napangiti ako lalo nang kamustahin niya ako. Hay salamat, nagkabati rin kami. Ewan pero ayoko lang talaga na hindi kami magkaayos. Lalo na ngayon na may pinaplano ako. Kaya hangga't kaya ko pa, inaayos ko na lahat bago ako mag-simula.
Sinabi ko sa kanya ang experience ko about my part time job kuno. He asked me too about my health. Sabi ko na mabuti na ang pakiramdan ko. Hindi na ako lowblood at hindi na ako basta-basta nahihilo. Maayos na lahat sa'kin. Pero 'di pa rin ako nakakapagsimula sa taekwondo ko. Oo, 'di pa ako nakakapagsimula roon dahil 'di ko pa kayang gumalaw nang gumalaw noon pero ngayon, nawalan na rin ako nang gana pang magteakwondo. Though I need that so I can be able to defend myself, but I was too busy to have time for it.
"Make time, Luna. But instead of teakwondo, study self-defense techniques and arnis," tugon ni Sol kaya tumango na lang ako. Mukhang masaya nga iyon. Mas madadalian ako dun kaysa sa field ni Sol.
Palabas na kami ng coffee shop kasi may klase pa ngayon si Sol. May pasok pa talaga ang college students kahit na may event sa school. Sa high school lang naman wala. Paano, sinagad kami ng teachers sa lessons and projects bago magsimula ang fair kasi alam nilang kakapusin sila ng oras sa pagtuturo kung susunod sila sa schedule nila.
"Luna," tawag ni Sol bago kami maghiwalay ng landas. Papasok na kasi siya sa condo unit niya at ako naman ay mag-aabang na ng bus kasi kailangan ko nang makapunta sa school. Naghahanap na ng karilyebo si Amy sa booth namin e. "What's that?" tanong niya sabay turo sa kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa suot kong singsing at napangiti.
"Bigay ng crush ko," nakangiting sabi ko habang pinapakita sa kanya ang singsing na piso lang sa tindahan. Haha. Ang babaw ko.
Kumunot ang noo niya. "Who's your crush?"
Huminga ako nang malalim at humakbang ulit palapit sa kanya. Sinenyasan ko siya na yumuko at bumulong ako sa tainga niya. "Secret lang natin 'to, ha. Si Leo," sabi ko at humakbang na ulit palayo sa kanya. Nasabi ko naman na sa kanya na happy crush ko si Leo. Nakalimutan niya yata.
Mas lalong kumunot ang noo niya na parang nagdudugtong na ang mga kilay niya. "So childish," inis na sabi niya.
"E 'di meow! Sige na nga, babye na!" Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ulit ako.
"You know that you can put him in danger, right, Luna?" he asked. Tumango lang ako kasi alam ko naman 'yun. "And about Marcus, is he still up to you?"
I shrugged. "Childish din ang pambubully nila sa'kin. Pero 'di na nila ako ginugulo in person," sabi ko kaya napatango siya at umalis na rin ako. Sasabihin ko ba ang tungkol doon sa lalaking lumapit sa 'kin noong Friday? Pero hindi ko pa iyon kilala. Kailangan ko siyang makilala. Kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Nakarating ako sa school na kakaunti pa lang ang mga estudyane. Siguradong mamayang hapon pa sila magsisidatingan kaya naman karamihan ng nagbibigay ng letter dito sa booth namin, pinapabroadcast mamayang hapon pa. Umalis na si Amy na kanina pa mag-isang nagbabantay ng booth.
Inayos ko ang ilang flowers na gawa sa tela at candies na binibenta namin. Wala masyadong nagpupunta rito ngayon. Kanina pa ako nabobored pero nawala iyon nang dumating si Leo na may dalang isang box na may lamang flowers and candies na ibebenta na naman namin. Mabenta iyong flowers namin kasi ang isang petal nun, may nakasulat na parang fortune quotes. Parang fortune cookie pero fortune flowers ang tawag namin. Kami ang gumawa nito.
"Ang benta nito, Pres," sabi ko habang inaayos 'yung mga flowers.
"Yeah, naniniwala talaga sila rito. E gawa-gawa lang naman natin." Natatawang sabi niya na tinutulungan din ako. Maya-maya pa ay may inabot siya sa'king puting bulaklak. "Read it, Luna," nakangiting sabi niya.
Kinuha ko ang bulaklak at hinanap ang petal na may nakasulat.
'A Leo will court an Aries the moment she read it.'
Iyon ang nakasulat sa petal na kinakunot ng noo ko at napatingin ako kay Leo na nakangiti lang habang nakatingin sa 'kin. "Pres, alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba?"
"I know. Pero gusto kitang damayan. Palagi namang may panganib sa mundo. Papapigil ba tayo dun?" he asked.
Somehow, may point siya. Hindi naman tamang magpakontrol ako sa nakaraan ko at sa mga nangyayari sa 'kin pero ayoko rin naman na mapahamak siya nang dahil sa 'kin. Mas gugustuhin ko na ang mag-isa kaysa mapahamak ang mga taong mahahalaga sa'kin.
Umiling ako na kinalungkot niya naman kaya napayuko na lang ako. "Sorry, Pres. Sa mga nangyayari sa 'kin, ayokong isugal ang buhay niyo. Sana, maintindihan mo 'yun. Hindi lang 'to para sa'yo. Para rin sa'kin."
Pilit siyang ngumiti at tumango nang bahagya. "Naiintindihan ko. Pero sana, huwag mo akong iwasan, ha?"
Ngumiti rin ako nang bahagya at tumango. "Sure."
Tama si Sol, malalagay ko sa panganib si Leo kung lalalim pa 'tong nararamdaman ko sa kanya. Sa'kin na laban lang 'to.
•••
"Thank you pero hindi naman iyon ang goal ko, e," sabi ko.
Napangiti siya at umiling. "Iyon ang goal ko."
Hay naku! Palibhasa masaya siya ngayon kasi improving na sila ngayon ni Sol. Minsan, nagdidinner sila sa labas. Nung Valentine's, nagdate sila. Kilig na kilig siya. Hindi niya pa kasi nararanasan na magdinner kasama si Sol nang silang dalawa lang. Palagi na lang kasing kasama ang iba nilang kaibigan. Nagiging caring din daw si Sol sa kanya. Parang may sila pero hindi.
Ito naman ang ginusto ko–ang malaman kung ano si Sol bilang boyfriend. For sure, ang swerte ni Alanis kapag naging sila.
"Tada!" sabi ni Alanis sabay bigay sa 'kin ng salamin pagkatapos niya akong ayusan ng mukha at buhok. Natulala ako sa salamin. Hindi ko kasi nakilala kung sino ang nasa salamin. Parang hindi ako. Though simple lang ang make-up pero ang ganda ko. Wow! "I don't need to put so much effort because you're already beautiful. But I guess, you like it more now," nakangiting sabi niya pa.
"Grabe, para kang fairy godmother!" tuwang-tuwang sabi ko.
"I know, right," pagmamayabang niya kaya natawa na lang ako at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Ang ganda ko naman ngayon.
Nagbihis na ako ng gown ko na white, v-cut ulit sa may dibdib at spaghetti strap. Nakalugay naman ang buhok ko na hanggang bewang at straight lang ito. Sobrang simple. Hanggang sahig ang gown ko. Hindi ito ball gown. Bagsak lang.
"Susunduin ka ng date mo?" tanong pa ni Alanis habang inaayos ang damit ko.
"Wala akong date," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa salamin. "Pero dadaanan daw ako rito ni Bliss kasi gusto niyang siguraduhing darating ako."
"Hay 'yang friends mo from SSG, ang kukulit. Lalo na 'yang Bliss na 'yan. I'm not jealous but Sol is not comfortable with her."
Natawa ako nang bahagya. "Makulit talaga siya. Lahat naman kami, kinukulit nun. Isa pa, crush niya si Sol pero 'di naman siya threat," may ibang gusto 'yun, e. Hindi niya lang maamin sa sarili niya na gusto niya si Andrei. Palagi niyang inaasar ang lalaking 'yun. Kaya umaabot sa punto na nag-aaway na sila. Buti na lang, takot pa rin sila kay Leo kaya tumatahimik sila kapag galit na si Pres.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Bliss. Sumakay ako sa kotse niya at ang sama pa rin ng tingin niya kay Alanis na naghatid sa'kin palabas ng unit ko. "Enjoy. Call me if there's a problem," tugon ni Alanis bago kami umalis.
"Sila na ba?" nakacross-arms na tanong ni Bliss.
"Si Alanis at Sol?" I asked. Tumango siya. "Hindi. She's nice, Bliss. Huwag mo nang tarayan."
"But Luna! Mas gugustuhin ko pang maging kayo ni Sol kaysa mapunta siya sa Alanis na 'yun," reklamo niya. Napahinga na lang ako nang malalim at hindi na inintindi ang mga sinabi niya.
Ang dami niya ring k'wento sa 'kin lalo na kay Andrei. Dapat daw, si Andrei ang magsusundo sa kanya kaso tumanggi siya kasi ako ang dapat niyang sunduin. Lmao this girl. Para siyang si Leo. Pareho silang makulit.
Nang makarating kami sa ball room, namangha ako sa ganda ng mga tao. At ng hall na kinaroroonan namin. Parang nasa palace kami at lahat kami ay maharlika. Naks naman!
Dahil hindi naman ako nagsasayaw, naupo lang ako sa table kung saan nag-tipon-tipon ang mga kaklase namin. Lahat, nagsasayaw. Kakasimula pa lang ng event pero todo na ang sayaw nila. Hindi naman kasi pangslow dance ang music. Uubusin yata ng DJ ang energy ng mga estudyante.
"Wow!"
Napalingon ako sa nagsalita and there I saw Leo wearing his white tuxedo. Ang g'wapo niya ngayong gabi kaso nakasalamin na naman siya. Hay naku!
"You look like a fairy under the moon, Luna," nakangiting sabi niya at parang kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin na nakaupo lang dito.
"So ngayon, hindi na buwan," natatawang sabi ko kaya natawa rin siya at umiling.
"You're stunning. I guess, we can have a dance later?" tanong niya pa.
"Naaalala mo naman ang sinabi ko sa'yo nung ball, 'di ba? First love ko dapat ang first dance ko," nakangiting sabi ko pero napasimangot siya at naupo na sa tabi ko.
"I see," mahinang sabi niya. Pinanood na lang namin ang mga nagsasayaw. May mga nag-aaya sa'min na sumama sa mga nagsasayaw ngayon sa gitna pero tumatanggi ako. Dahil ayaw akong iwan ni Leo mag-isa rito, hindi na rin siya sumasama sa mga kaklase namin.
"Wala na ba ang goal mo na maisayaw lahat ng kaklase natin?" I asked.
Umiling siya at napatingin sa'kin. "Goal ko ngayon, maisayaw ka."
Napaiwas ako ng tingin. "Sorry," mahinang sabi ko.
Higit isang oras na rin kaming nakaupo rito ni Leo. Puro lang kami k'wentuhan nang puntahan kami bigla nina Amy at Bliss at hinila nila kami papunta sa gitna para sumayaw kasama sila. Ang lakas nila kaya hindi na ako nakatanggi pa. Kanina pa sila nagtatatalon dito pero 'di pa rin sila nauubusan ng energy. Hay naku talaga!
"Sayaw na, Luna!" sabi ni Bliss na hawak ngayon ang kamay ko at pilit akong pinasasayaw. Tiningnan ko lang siya habang nakapoker face ako pero hindi siya nagpapatinag. "Mag-enjoy ka naman! Last year na natin 'to sa high school! Party party!" sigaw niya pa at ayun na, todo na talaga ang sayaw niya pati ng mga nakapaligid sa'min. Para kaming nasa bar pero kahit hindi kami mga nakainom ng alak, sa taas ng energy nila, para silang lasing at uminom ng party drug.
Kahit si Leo, napasayaw na rin at tawang-tawa siya dahil kina Bliss. Nandito rin ang ibang SSG officers. Napansin ko na halos lahat ng kaklase namin, nagsasayaw na rin sa paligid namin. Paano ba ako makakaalis dito? For sure, haharangin nila ako.
"At least, kahit dito, nakasayaw kita " sabi ni Leo na nasa harapan ko na pala.
"Well, congrats?" Natatawang sabi ko. "Sor---" 'Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang may nakabunggo sa likod ni Leo dahilan para matulak siya palapit sa 'kin. Muntik na rin akong matumba pero mabilis na nahawakan ni Leo ang bewang ko sa likod. So ngayon naman, nakayakap siya sa'kin nang bahagya.
Sa bilis ng mga nangyari, hindi agad ako nakagalaw. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Leo na nagulat din. Ang lapit niya! Muntik na kaming mag-kiss.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Pilit akong tumango at umiwas ng tingin sa kanya. "Ilalabas kita rito." Sabi niya pa sabay hapit ng bewang ko palapit sa kanya at nagsimula na kaming lumakad. Siya ang naghahawi ng mga taong nakakabangga namin. Talagang pinoprotektahan niya ako kaya napangiti ako dahil dun. Maalaga naman talaga siya e. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.
Nang makabalik kami sa table namin, nakahinga na ako nang maluwag. Maya-maya pa, nagpalit na ng tugtog ang DJ. It's time for slow dance. May iilang natira sa gitna na nagsasayaw ng slow dance. Ang iba, parang magkayakap na. Sweet naman.
"Dali na, Drei! Date kita, remember?" masungit na sabi ni Bliss kay Andrei na kanina niya pa hinihila patayo. Naaawa na ako kay Andrei. Nananahimik lang naman siya pero ginugulo siya ni Bliss. Paano, palagi niya namang pinagbibigyan kaya akala ni Bliss, okay lang kay Drei.
Napailing na lang ako nang naglakad na sila papunta sa gitna. Tumayo ako at humarap kay Leo na nakaupo lang. Napatingala siya sa'kin.
"Sayaw tayo?" I asked while lending my right hand that left him dumbfoubded.
To be continued...
"'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun."Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She
Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy
"Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka
"Next time, I'll buy you an engagement ring," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. He kissed my knuckle and intertwined our fingers after. Then we started walking again. Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko kasi, e. Nahahawakan ko na siya."After PolSci mo, o after architecture ko ang engagement?" tanong ko.Natawa siya nang bahagya, "gusto mo, ngayon na, e.""Sus! Wala ka pa ngang singsing," biro ko sa kanya."After architecture na lang. Para free ka na," sabi niya na lang. Umupo kami sa isang bench pero 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko."Pres..." sambit ko. Nag-hmm lang siya habang nakatingin sa 'kin. Malapit na akong matunaw mga sis! "Balak ko yata
Natawa ako nang bahagya. Palagi niya na lang sinasabi sa 'kin 'yan. Kapag tinatanong ko naman siya kung saan, hindi niya ako sinasagot nang matino. Kapag nag-assume ako, sasabihin niya, assuming ako. Ang gulo niya!"Sol, sabihin mo kasi. 'Di ba, wala na dapat tayong secrets?" paliwanag ko sa kanya kaya napangisi siya.Nilagay niya ang kamay niya sa gilid ng leeg ko kaya hindi ako nakomportable. Kinakabahan ako. Lumalakas ang heartbeat ko. Bahagya siyang lumapit kasi akala ko, may ibubulong siya pero nagulat na lang ako nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nahihilo ako dahil sa paggalaw ng mga labi niya hanggang sa makagat niya ang labi ko at malasahan ko ang sarili kong dugo. Para akong natutunaw. 'Di ko namalayan na gumaganti na pala ako sa mga halik niyang nakakalunod.
Tumango si Leo kaya lumabas na muna ako. Pinasunod ko si Sol sa 'kin hanggang sa makarating kami sa rooftop. Buong paglalakad namin, tahimik lang siya. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa'kin mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya at nasasaktan ako dahil dun. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa. Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan ayokong may mawala sa'kin ni isa?"Pakiramdam ko, may kinalaman ang kapatid ni Marcus sa pagkakatakas niya," panimula ko. Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Atty. Ibasco. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya kasi nasasaktan ako kapag nakikita siya. Naaalala ko 'yung kataksilang ginawa ko.Nakapatong lang ang mga braso ko sa railings ng rooftop habang nakatingin ako sa malayo."Atty. Ibasco... I read about him," sabi niya pa. So alam niya na pala? Paano?"Kapatid siya sa labas ni Marcus. Hindi siya malapit sa Ina niya kasi anak ito ng asawa niya sa ibang babae. Kaya hindi
Bumyahe na kami papunta kina Atty. Cha at dala ko na rin ang mahahalagang gamit ko, pati ang pusa ko. Hindi ko alam kung matutuloy pa ako sa birthday ni Bliss dahil kay Marcus. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Dagdag pa na matampuhin siya, baka 'di niya na ako kilalaning kaibigan."Thank you, Leo, for bringing Almira here," sabi ni Ate Jaida na nandito sa bahay. Nasa trabaho sina Atty. Cha at Atty. Calisto kaya sila ni Nixon lang ang natira rito sa bahay."Wala po 'yun, Ate Jaida," nakangiting sabi ni Leo sabay tingin sa'kin. "Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka.""Dito ka na maglunch," sabi ko sa kanya kasi mukhang aalis na siya."Yes, Leo. Apat lang tayo ngayon. Mom and Dad aren't here," nakangiting sabi naman ni Ate Jaida. "Gonna excuse myself, first. Al, ikaw muna bahala sa kanya."Tumango lang at bago siya umalis. Dinala ko si Leo sa garden, sa likod ng bahay. Maraming guard dito kaya safe kami. Pero paano si Sol? Dapat magin
"How was Jaida there?" tanong ni Alanis nang makita ako."Okay lang. Patapos na rin."Pinilit kong ngumiti at hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin? Hindi mo naman na iyon uulitin, 'di ba, Luna? Kaya kumalma ka na diyan."Can we talk?" tanong pa niya dahilan para mapatingin ako kay Sol na nakapoker face lang. Aba, kinabahan ako dun tapos siya, kalmado lang?"Sige. About sa'n?" tanong ko."Labas tayo, Luna," nakangiting sabi niya sabay hila sa'kin palabas ng bahay. Nagpunta kami sa garden. "About Sol," mahinang sabi niya at kitang-kita ko kung paano nagpalit from masaya to malungkot ang mga mata niya. "Ayos lang ba siya? These past few days, dumadalang ang pag-uusap namin. He's busy lately and he's up to something. Then everytime that we were talking, he's acting cold. Seems like I'm not his girlfriend. I just want to know if he's okay or is there a problem? May nasasabi ba siya sa 'yo?"Nagbago