Tumango si Leo kaya lumabas na muna ako. Pinasunod ko si Sol sa 'kin hanggang sa makarating kami sa rooftop. Buong paglalakad namin, tahimik lang siya. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa'kin mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya at nasasaktan ako dahil dun. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa. Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan ayokong may mawala sa'kin ni isa?
"Pakiramdam ko, may kinalaman ang kapatid ni Marcus sa pagkakatakas niya," panimula ko. Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Atty. Ibasco. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya kasi nasasaktan ako kapag nakikita siya. Naaalala ko 'yung kataksilang ginawa ko.
Nakapatong lang ang mga braso ko sa railings ng rooftop habang nakatingin ako sa malayo.
"Atty. Ibasco... I read about him," sabi niya pa. So alam niya na pala? Paano?
"Kapatid siya sa labas ni Marcus. Hindi siya malapit sa Ina niya kasi anak ito ng asawa niya sa ibang babae. Kaya hindi
Bumyahe na kami papunta kina Atty. Cha at dala ko na rin ang mahahalagang gamit ko, pati ang pusa ko. Hindi ko alam kung matutuloy pa ako sa birthday ni Bliss dahil kay Marcus. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Dagdag pa na matampuhin siya, baka 'di niya na ako kilalaning kaibigan."Thank you, Leo, for bringing Almira here," sabi ni Ate Jaida na nandito sa bahay. Nasa trabaho sina Atty. Cha at Atty. Calisto kaya sila ni Nixon lang ang natira rito sa bahay."Wala po 'yun, Ate Jaida," nakangiting sabi ni Leo sabay tingin sa'kin. "Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka.""Dito ka na maglunch," sabi ko sa kanya kasi mukhang aalis na siya."Yes, Leo. Apat lang tayo ngayon. Mom and Dad aren't here," nakangiting sabi naman ni Ate Jaida. "Gonna excuse myself, first. Al, ikaw muna bahala sa kanya."Tumango lang at bago siya umalis. Dinala ko si Leo sa garden, sa likod ng bahay. Maraming guard dito kaya safe kami. Pero paano si Sol? Dapat magin
"How was Jaida there?" tanong ni Alanis nang makita ako."Okay lang. Patapos na rin."Pinilit kong ngumiti at hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin? Hindi mo naman na iyon uulitin, 'di ba, Luna? Kaya kumalma ka na diyan."Can we talk?" tanong pa niya dahilan para mapatingin ako kay Sol na nakapoker face lang. Aba, kinabahan ako dun tapos siya, kalmado lang?"Sige. About sa'n?" tanong ko."Labas tayo, Luna," nakangiting sabi niya sabay hila sa'kin palabas ng bahay. Nagpunta kami sa garden. "About Sol," mahinang sabi niya at kitang-kita ko kung paano nagpalit from masaya to malungkot ang mga mata niya. "Ayos lang ba siya? These past few days, dumadalang ang pag-uusap namin. He's busy lately and he's up to something. Then everytime that we were talking, he's acting cold. Seems like I'm not his girlfriend. I just want to know if he's okay or is there a problem? May nasasabi ba siya sa 'yo?"Nagbago
Byahe na namin papunta sa Batangas at may service na pinrovide si Bliss kaya sama-sama kami sa sasakyan niya. Dalawang van ang nagamit namin. Ang huling naaalala kong tao na nasa van na bago ako makatulog ay si Ate Jaida, Andrei, Amy at Bliss. Nasa bandang likod ako kasi balak ko talagang matulog sa byahe. Nagsuot din ako ng earphones para hindi marinig ang ingay nila. Hindi ako iniistorbo ng mga kasama ko kasi sinabihan sila ni Ate Jaida na huwag. Puyat talaga ako at pagod. Kahapon kasi, maghapon akong naghanap ng info about sa doctor ni Marcus. Gabi na nga kami nakauwi ni Sol at hindi naman kami totally magkasama. Mahahalata kasi kami kung nasa iisang lugar kami. Nang gabi naman, nireview ko lang 'yung pinapaaral sa 'kin ni Atty. Cha kasi wala na talaga akong energy.Ilang sandali pa ay nagising na ako at tumatakbo na ang sasakyan namin. Tahimik na rin ang mga nakasakay. Mukhang natutulog na ang iba sa kanila. Ang aga naman kasi naming bumyahe. Tiningnan ko ang katabi ko at
Parang gusto ko na lang lumubog muna sa lupa dahil sa tanong na iyon. Gusto kong umuwi bigla."I'm jealous, of course. But I trust Luna and Sol. They are just bestfriends and Luna is my friend. Sol was my friend and now my boyfriend. This really hurts me inside but I just want to hide this. Because this is just mine," nakangiting sabi niya pero nakikita kong naluluha siya. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa narinig ko. "I know that Sol loves me, right?" tanong niya kay Sol na katabi niya ngayon. Nakatingin sa 'kin si Sol kaya tuluyan na akong naluha. Agad akong umiwas ng tingin. Mabuti na lang at lahat sila, nakatingin kay Alanis kaya hindi nila ako nakita."Right," tugon ni Sol kaya nakahinga ako nang maluwag. Nasasaktan ako para kay Alanis. Gusto kong ayusin lahat-lahat. Ang nakikita ko lang na paraan, iwasan si Sol. Magpakalayo-layo. Kaso paano? Paano ako lalayo kung maiisip kong baka bigla na lang magpakita si Marcus at balikan niya ang mga kaibigan ko? Baka sa o
Kinaumagahan ay late na kami nagising dahil mga lasing na sila samantalang ako, umaga na nakatulog. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip ng usapan namin ni Sol. Nag-aalala ako, baka ngayon siya makipag-break kay Alanis. Huwag naman sana. Baka magwalk out si Alanis, ang layo pa naman namin sa Maynila.Sabay-sabay kami ngayong naglalunch sa isang mahabang table. Nasa 30 lang naman kaming lahat or more? Baka tulog pa ang iba. Hindi ko na kasi sila maalala lahat. Hindi ko kilala ang iba, e."Later, may gig ang Moon band so I guess, we're going to enjoy again. I really love this birthday!" tuwang-tuwang sabi ni Bliss kaya natawa ang iba sa kanya. Spoiled talaga siya ng magulang niya. Palibhasa, solong anak. Kaya binibigay ang lahat."What time?" tanong ni Amy na parang sabog na sabog pa."5pm but I assume, they're going to start at 6," sagot naman ni Bliss. Sila iyong kumanta sa school dati noong nagconfess ako kay Leo. Kinanta pa nga nila ang Synesthesia,
Nakalunok ako at agad na tumango. "Then gagawin ko. Kahit anong gusto mo. I'm going to gain your trust again," sabi ko sa kanya.Napangiti siya at tumango, "thank you for being honest, Luna. Ang galing ng timing mo. Wala akong ibang mapuntahan dito," natatawang sabi niya kasi nasa gitna kami ng tubig. Balak niya yatang magwalk out."Sorry. Gusto ko lang na magkaayos tayo. Sorry, Pres," sabi ko pa."Basta huwag mo nang gagawin. Ang sakit kasi," natatawang sabi niya sabay hampas nang bahagya sa dibdib niya."Sorry." Pinunasan ko ang mga luha niya at ganun din siya sa mga luha ko. We're wiping each others tears na ako lang naman ang may gawa. "Sorry Pres. Sorry tala---"Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong halikan. Gosh! I want this kiss! Parang uhaw sa lahat. Tinanggal ko ang salamin niya na nakakaharang sa mga mata namin nang hindi bumibitaw sa mga labi niya. Ramdam ko bawat hawak niya sa katawan ko na parang sinasabi niyang sa kanya lah
Nang hapon na at nakauwi na sina Aling Oryang, niyaya ako ni Ella lumabas. Pero sa totoo lang, napilitan lang siyang isama ako kasi hindi siya pinapayagan lumabas nina Aling Oryang at Mang Gabo nang mag-isa lalo pa't maggagabi na rin. Delekado raw lumabas mag-isa lalo pa't babae. Sus!May sayawan daw kasi sa baryong ito at gusto niyang dumalo. Darating din daw kasi ang mga kaibigan niya at ayaw niyang mapag-iwanan. Iiwan niya lang daw ako saglit at babalikan kapag uuwi na kami. Basta huwag daw akong aalis. Ayaw ko man ng ideya niya, wala naman akong magawa. Gusto ko lang, makasundo ko siya kasi ang bait sa 'kin ng pamilya niya.Nakarating kami sa may sayawan at iniwan niya ako sa labas. Huwag daw akong magpapakita sa mga kaibigan niya. Kinakahiya niya ba ako? Pangit ba ako? Sabi ni Tonyo, maganda naman daw ako, e. Sabi ni Aling Oryang, mukha naman daw akong mayaman. Kaya bakit ako kinakahiya ni Ella? Ganun lang siguro siya kagalit sa 'kin.Ilang minuto pa akong
Lumipas ang mga buwan na wala pa ring balita tungkol sa 'kin. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa ang totoong ako."Ano ba! Bibili ka ba o hindi? Ang daldal mo!" bulyaw ni Ella kay Tori na kanina pa nangungulit dito sa talilapa. Lalo tuloy umiingay ang paligid."Hindi ikaw ang kausap ko!" inis naman na sabi ni Tori kaya napailing na lang kaming dalawa ni Aling Oryang. "Sige na po, Aling Oryang, payagan niyo na si Tala sumama sa ‘kin. Hindi naman po kami magtatagal," pakiusap niya pa."Oo na, sige na basta mag-iingat kayo roon," nakangiting sabi ni Aling Oryang kaya napatalon sa saya si Tori at niyakap ito. Pagkatapos ay hinila niya na ako palabas ng talipapa. Ang ingay niya talaga. Matagal niya na kasi akong kinukulit na sumama sa Maynila para raw masamahan ko siyang magshopping doon.Simula nang iligtas ko siya, palagi niya na akong kinukulit. Feeling niya raw, kambal kami. Kapag wala siyang pasok, nakatambay siya sa talipapa o sa bahay