Parang gusto ko na lang lumubog muna sa lupa dahil sa tanong na iyon. Gusto kong umuwi bigla.
"I'm jealous, of course. But I trust Luna and Sol. They are just bestfriends and Luna is my friend. Sol was my friend and now my boyfriend. This really hurts me inside but I just want to hide this. Because this is just mine," nakangiting sabi niya pero nakikita kong naluluha siya. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa narinig ko. "I know that Sol loves me, right?" tanong niya kay Sol na katabi niya ngayon. Nakatingin sa 'kin si Sol kaya tuluyan na akong naluha. Agad akong umiwas ng tingin. Mabuti na lang at lahat sila, nakatingin kay Alanis kaya hindi nila ako nakita.
"Right," tugon ni Sol kaya nakahinga ako nang maluwag. Nasasaktan ako para kay Alanis. Gusto kong ayusin lahat-lahat. Ang nakikita ko lang na paraan, iwasan si Sol. Magpakalayo-layo. Kaso paano? Paano ako lalayo kung maiisip kong baka bigla na lang magpakita si Marcus at balikan niya ang mga kaibigan ko? Baka sa o
Kinaumagahan ay late na kami nagising dahil mga lasing na sila samantalang ako, umaga na nakatulog. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip ng usapan namin ni Sol. Nag-aalala ako, baka ngayon siya makipag-break kay Alanis. Huwag naman sana. Baka magwalk out si Alanis, ang layo pa naman namin sa Maynila.Sabay-sabay kami ngayong naglalunch sa isang mahabang table. Nasa 30 lang naman kaming lahat or more? Baka tulog pa ang iba. Hindi ko na kasi sila maalala lahat. Hindi ko kilala ang iba, e."Later, may gig ang Moon band so I guess, we're going to enjoy again. I really love this birthday!" tuwang-tuwang sabi ni Bliss kaya natawa ang iba sa kanya. Spoiled talaga siya ng magulang niya. Palibhasa, solong anak. Kaya binibigay ang lahat."What time?" tanong ni Amy na parang sabog na sabog pa."5pm but I assume, they're going to start at 6," sagot naman ni Bliss. Sila iyong kumanta sa school dati noong nagconfess ako kay Leo. Kinanta pa nga nila ang Synesthesia,
Nakalunok ako at agad na tumango. "Then gagawin ko. Kahit anong gusto mo. I'm going to gain your trust again," sabi ko sa kanya.Napangiti siya at tumango, "thank you for being honest, Luna. Ang galing ng timing mo. Wala akong ibang mapuntahan dito," natatawang sabi niya kasi nasa gitna kami ng tubig. Balak niya yatang magwalk out."Sorry. Gusto ko lang na magkaayos tayo. Sorry, Pres," sabi ko pa."Basta huwag mo nang gagawin. Ang sakit kasi," natatawang sabi niya sabay hampas nang bahagya sa dibdib niya."Sorry." Pinunasan ko ang mga luha niya at ganun din siya sa mga luha ko. We're wiping each others tears na ako lang naman ang may gawa. "Sorry Pres. Sorry tala---"Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong halikan. Gosh! I want this kiss! Parang uhaw sa lahat. Tinanggal ko ang salamin niya na nakakaharang sa mga mata namin nang hindi bumibitaw sa mga labi niya. Ramdam ko bawat hawak niya sa katawan ko na parang sinasabi niyang sa kanya lah
Nang hapon na at nakauwi na sina Aling Oryang, niyaya ako ni Ella lumabas. Pero sa totoo lang, napilitan lang siyang isama ako kasi hindi siya pinapayagan lumabas nina Aling Oryang at Mang Gabo nang mag-isa lalo pa't maggagabi na rin. Delekado raw lumabas mag-isa lalo pa't babae. Sus!May sayawan daw kasi sa baryong ito at gusto niyang dumalo. Darating din daw kasi ang mga kaibigan niya at ayaw niyang mapag-iwanan. Iiwan niya lang daw ako saglit at babalikan kapag uuwi na kami. Basta huwag daw akong aalis. Ayaw ko man ng ideya niya, wala naman akong magawa. Gusto ko lang, makasundo ko siya kasi ang bait sa 'kin ng pamilya niya.Nakarating kami sa may sayawan at iniwan niya ako sa labas. Huwag daw akong magpapakita sa mga kaibigan niya. Kinakahiya niya ba ako? Pangit ba ako? Sabi ni Tonyo, maganda naman daw ako, e. Sabi ni Aling Oryang, mukha naman daw akong mayaman. Kaya bakit ako kinakahiya ni Ella? Ganun lang siguro siya kagalit sa 'kin.Ilang minuto pa akong
Lumipas ang mga buwan na wala pa ring balita tungkol sa 'kin. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa ang totoong ako."Ano ba! Bibili ka ba o hindi? Ang daldal mo!" bulyaw ni Ella kay Tori na kanina pa nangungulit dito sa talilapa. Lalo tuloy umiingay ang paligid."Hindi ikaw ang kausap ko!" inis naman na sabi ni Tori kaya napailing na lang kaming dalawa ni Aling Oryang. "Sige na po, Aling Oryang, payagan niyo na si Tala sumama sa ‘kin. Hindi naman po kami magtatagal," pakiusap niya pa."Oo na, sige na basta mag-iingat kayo roon," nakangiting sabi ni Aling Oryang kaya napatalon sa saya si Tori at niyakap ito. Pagkatapos ay hinila niya na ako palabas ng talipapa. Ang ingay niya talaga. Matagal niya na kasi akong kinukulit na sumama sa Maynila para raw masamahan ko siyang magshopping doon.Simula nang iligtas ko siya, palagi niya na akong kinukulit. Feeling niya raw, kambal kami. Kapag wala siyang pasok, nakatambay siya sa talipapa o sa bahay
"'Di mo ba itatanong kung anong pangalan niya?" tanong ni Tori habang naglalakad kami papunta sa garden kung nasaan ang mga bisita at mga pagkain. Nasa table na raw kasi nila ang iba niyang kaibigan at sasama raw ako sa kanila. "Siya si Architect Dela Cuesta. Amorsolo Xavier ang pangalan niya pero mas kilala siya bilang Sol,” paliwanag niya paSol? Pamilyar talaga siya sa ‘kin. Parang ang lalim ng pinagsamahan namin. Pero hindi siya pumapasok sa alaala ko. Kilala niya kaya 'yung Pres?Pinakilala ako ni Tori sa mga kaibigan niya pero dahil hindi ako magaling makihalubilo, hindi ako makasabay sa usapan nila. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko. Kamamasid ko, nakita ko na naman si Architect Dela Cuesta na nakatingin sa ‘kin at kasama niya sina Mayor at ibang matatanda.Bakit niya ako tinitingnan? Kinakabahan na ako sa kanya. Baka siya 'yung gustong pumatay sa ‘kin. Naghihintay lang siya ng pagkakataon kasi marami
Maaga akong gumising at nagpunta sa dalampasigan. Hinintay ko lang na magbukangliwayway. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Para bang may bagong pag-asa sa bawat paglubog ng araw ng kahapon."Ang aga mo naman, Tala,” nakangiting sabi ni Mang Gabo na may dalang tasa ng kape niya. "Kamusta ang kasiyahan kina Mayor?" tanong niya pa."Ayos naman po. Maraming bisita,” sagot ko at napatango naman siya. "Mang Gabo, paano niyo po ako natagpuan dito?" tanong ko. Dito niya raw kasi ako nakita. Akala niya nga, patay na ako kasi may tama ako sa ulo."Diyaan sa may batong iyan, nakadapa ka. May sugat sa ulo at namumutla. Wala ka ring pang itaas. Nakapanloob ka lang. Mukha ngang turista ngunit wala namang naghahanap sa iyo rito sa aming Bario."Natigilan ako sa sinabi niya. Walang naghahanap sa ‘kin? Paano nila iisipin na patay na ako gayong wala naman silang nakitang bangkay ko? Sabagay, sa tagal kong nawawala, malamang iisipin nilang kinain na ako ng mga
Ang selfish niya dun sa part na gusto niya akong makuha samantalang wala akong maalala ngayon. Hindi ko pa nga maalala masyado 'yung Pres tapos heto naman siya? Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabi niyang mahal niya ako. Pero paano kung may mahal pala akong iba bago ako magkaamnesia?Sino ba 'yung Pres? 'Yung nerd? At bakit galit na galit sa kanila si Architect Dela Cuesta? Kahit ako, natatakot na rin kay Architect pero kapag nakikita ko ang mga mata niya, nagiging pamilyar ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Siya lang 'yung pamilyar sa ‘kin ngayon. Kahit medyo naiilang ako sa kanya, alam ko na ligtas ako kapag kasama siya. Ang alam ko lang, nalulungkot ako kapag nakikita kong malungkot at nasasaktan siya. Siguro kasi kaibigan ko siya, sabi niya? Ganun naman talaga kapag kaibigan mo.Sana maalala ko na siya...Hapon na at nandito ako sa dagat, nakalubog lang. Baka may maalala ako kapag nagtagal pa ako."Luna!"Napalingon ako sa sumigaw a
Umaasa na lang ako na walang makakahalata rito dahil sa mga tingin niya sa akin at sana, wala siyang babanggiting pangalan ko kasi hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyong magiging tanong nina Aling Oryang."Si Tori?" tanong ni Ella.Umiling si Architect, "si Tala,” sagot niya dahilan para mabuga ko kay Ella ang tubig na iniinom ko. Sa inis niya ay napatayo siya habang sumisigaw. Sinamaan ko ng tingin si Architect Dela Cuesta na ngayon ay natatawa na lang."Nakakainis ka talaga Tala!" sigaw ni Ella sabay punta sa k'warto namin para magpalit."Sorry,” bulong ko na ako na lang ang nakarinig."May gusto ka ba kay Tala, Iho?" seryosong tanong ni Mang Gabo kaya tumingin ako kay Architect Dela Cuesta habang umiiling. Huwag! Kapag nalaman nila na kilala ako ni Architect, baka paalisin na nila ako rito. Ayoko pa. Hindi pa ako handa."Mahal ko po siya,” sagot niya kaya napapikit na lang ako nang mariin."Ganun ba? May amne