Dahil sa isang pagkakamali ng kaniyang ama ay nabuo si Zarah. Ang kaniyang ina ay namatay nang ipanganak siya at walang choice ang kaniyang ama kundi ang kupkupin siya. Tumira siya sa bahay ng kaniyang ama kasama ang madrasta at mga kapatid niya, na walang ginawa kundi apihin at ipamukhang anak siya sa labas ng kaniyang ama. Hanggang sa ipakilala niya ang boyfriend niya sa mga ito at nalaman ng kaniyang boyfriend na wala siyang mamanahin na kahit na ano kaya tinalikuran siya nito at pinili ang half-sister niya na engage na! Dahil sa pagtataksil nito sa fiancee nito ay siya ang ipapalit na maging bride para isalba ang kanilang pamilya sa kahihiyan. She was forced to marry a disabled man, but after they got married ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng kaniyang "asawa." HE WAS A HIDDEN BILLIONAIRE.
View MoreNapuno ng pagtataka si Zarah nang isang linggo na ang nakalipas ay hindi na niya nakita sa bahay na iyon ang matandang asawa niya. Okay naman ang naging buhay ni Zarah doon sa loob ng isang linggo dahil kumakain siya ng masasarap na mga pagkain, bukod pa doon ay napakarami niyang mga kasambahay na gumagawa sa lahat ng trabaho na dati ay ginagawa niya.Wala siyang ginawa kundi ang mahiga sa kanyang kama. Sa mga unang araw niya ay labis na kasiyahan ang nararamdaman niya ngunit habang tumatagal ay doon niya naisip na parang may problema. Hindi siya pinapayagan na lumabas, doon lang siya sa loob. Pwede siyang lumabas at pumunta sa garden, ngunit ang lumabas sa compound ay mahigpit na ipinagbabawal.Habang patagal ng patagal ay pakiramdam niya ay isa na siyang hayop na nakakulong sa isang hawla. Bagamat, masarap at magaan nga ang buhay niya ngunit hindi naman siya makalabas doon.Eksaktong isang linggo niya na doon at nababagot na siya. Gusto na niyang lumabas at gusto niyang i-enjoy ang
Hanggang sa natapos na kumain sina Zarah at Mr. marquez ay walang ibang taong dumating upang umupo sa bakanteng upuan at hindi naman na niya inabala pa ang kaniyang sarili na magtanong rito dahil baka mamaya ay sabihin nito na napaka- matanong niya naman masyado.Pagkatapos na pagkatapos ni Zarah na kumain ay iginiya siya ng ilang kasambahay upang umakyat na sa magiging silid niya sa bahay na iyon. Habang paakyat siya ng paakyat sa hagdan ay hindi niya maiwasan ang mamangha dahil pakiramdam niya ay tila ba nasa bahay siya ng isang bilyonaryo dahil sa ganda ng mga gamit ng bahay.Pagdating nila sa pangalawang palapag ay bumungad sa kanila ang naglalakihang mga pigurin na nasisiguro niyang napakamamahal ng halaga at hindi biro ang mga iyon. Gusto niya mang lapitan ang mga ito at haplusin ay nakaramdam siya ng takot dahil baka mamaya ay mabasag niya ang isa sa mga iyon at pabyaran sa kaniya.Baka kahit buhay niya ang ipambayad niya rito ay hindi niya magagawang bayaran ang halaga nito ka
Isang ngiti ang unti- unting sumilay sa mga labi ni Zarah habang nakasandal sa kotse at nakatanaw sa labas ng sasakyan kung saan siya nakasakay ng mga oras na iyon. Sa wakas ay tuluyan na siyang nakalaya sa puder ng mapang- aping madrasta at mga step- sister niya.Hindi niya inakalang daratin din ang araw na tuluyan siyang makakaalis sa mala- impyernong bahay na iyon ng hindi na niya kinakailangan pang lumayas para makaalis lamang. Habang nasa ganuon siyang ayos ay tila isang ilog na muling rumagasa ang mga alaala niya sa buhay niya dati at kung paano siya itrato ng mga madrasta niya dati.Mapait man ang naging buhay niya noon, ngayon ay nasisiguro niyang minasanan na iyong magbabago. Sabihin man na matanda at baldado ang lalaking pinakasalan niya ay wala na siyang pakialam pa doon dahil ang mahalaga ay malayo na siya sa mga impaktang mga iyon.Nasisiguro niyang hindi na siya masusundan pa ng mga ito, pero ang malaki niyang problema ay kapag nalaman ng pinakasalan niya na hindi naman
Nang makabihis na siya ay kaagad siyang iginaya ng tatlo sa isang silid kung saan ay naabutan niya sa loob si Mr. John na may kausap. Magkaharap ang mga ito sa lamesa at kaagad na napalingon sa kaniya nang pumasok siya. Sabay na napatayo angmga ito nang makita siya.“Ito nga pala si Judge Marquez hija. Siya ang mangkakasal sa inyong dalawa ni Master.” sabi nito. Nakipagkamay siya sa Judge na sinabi nito at pagkatapos ay ngumiti. Ngumiti din naman ito pagkatapos ay pinaupo muna siya sa upuan nasa harap nito. Si Mr. Marquez ay lumayo na mula sa harap ng lamesa at pumwesto sa likod niya. Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto na ikinalingon nila ng pare- pareho.Pumasok ang isang lalaki na may tulak- tulak na wheel chair. Sa wheel chair ay may nakasakay na isang matanda na katulad ng inaasahan niya at medyo nakangiwi. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa itsura ng taong pakakasalan niya. Kaya pala ito tinanggihan ng madrasta niya dahil sa its
Dahil sa nangyari sa pagitan niya at ng kapatid niya ay hindi na siya pinalabas ng silid niya ng madrasta niya. Pinarusahan siya nito dahil sa ginawa daw niya sa anak nito na hindi niya naman pinagsisisihan. Dapat lang iyon sa kaniya dahil malandi ito at kung tutuusin nga ay kulang pa ang ginawa niya rito.Napigilan lang kasi siya e dahil dumating ang mga ito para iligtas ang kapatid niya. Syempre, ito ang kakampihan ng mga ito. Wala naman siyang kakampi sa bahay na iyon kundi ang sarili niya lang. Kung meron nga lang sana siyang ibang pwedeng matuluyan ay lalayas na lang siya doon pero wala naman siyang alam na mapupuntahan niya.Isa pa ay simula ng mawala ang kaniyang ama ay tumigil na siya sa kaniyang pag- aaral. Third year na siya sa kurso niyang business administration. Sino ba naman ang hindi mapipilitang tumigil sa pag- aaral kung hindi naman siya binibigyan ng allowance ng madrasta niya. Pwede sana siyang pumasok kung walking distance lang ang unibersidad na pinapasukan niya m
Hindi alam ni Zarah kung ilang araw na ang lumipas simula nang araw na iyon. Yung araw na hiling niya ay sana panaginip lamang at itinituring niyang bangungot ng buhay niya. Ilang araw na nga ba? Apat? Lima? O isang linggo na ang lumipas? Hindi niya sigurado.Basta ang alam niya lang ay hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit na dulot nito. Walang kasing sakit ang talikuran ka ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo ng lubos sa loob ng ilang taon. Tinalikuran siya nito dahil sa napakababaw na rason, iyon ay ang dahil wala siyang mamanahin at dahil lang sa anak siya sa labas.Sobrang sakit na halos hindi niya magawang kumain ng maayos. Ni hindi rin siya makapag- trabaho ng maayos sa bahay nila kaya napilitan ang kaniyang madrasta na kumuha muna ng tagalinis nila. Isa pa ay hindi naman siya nito inobliga na magtrabaho dahil nang araw na iyon ay nawalan talaga siya ng gana sa lahat ng bagay.Idagdag pa na halos ayaw niyang lumabas ng kaniyang silid dahil
“A- anong ibig mong sabihin?” nangingilid ang luhang tanong ni Zarah kay Liam.Ito ang boyfriend niya ng mahigit tatlong taon. Noong nakaraang linggo nga lang ay tuluyan na niyang ipinakilala ito sa kaniyang pamilya. Nagpupumilit na kasi itong ipakilala niya na daw ito sa pamilya niya dahil napakatagal naman na daw nilang magkarelasyon kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito.Nakilala nito ang kaniyang madrasta at ang kaniyang dalawang step- sister na mas bata sa kaniya ng ilang buwan lang dahil nga anak lamang siya sa labas.“Anong ibig kong sabihin ha Zarah? Isa ka palang anak sa labas.” sabi nito sa kaniya na halos pandirihan siya nito. Tumayo ito at pagkatapos ay nameywang sa harap niya. Nasa bahay nila sila ng mga oras na iyon. Pinuntahan siya talaga nito dahil ayon rito ay kailangang- kailangan daw nilang mag- usap. Wala nga siyang kaideya- ideya sa kung anong gustong pag- usapan nito, isa pa ay wala silang usapan na pupunta ito sa bahay nila at bibisita pero ngayon ay gulat
“A- anong ibig mong sabihin?” nangingilid ang luhang tanong ni Zarah kay Liam.Ito ang boyfriend niya ng mahigit tatlong taon. Noong nakaraang linggo nga lang ay tuluyan na niyang ipinakilala ito sa kaniyang pamilya. Nagpupumilit na kasi itong ipakilala niya na daw ito sa pamilya niya dahil napakatagal naman na daw nilang magkarelasyon kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito.Nakilala nito ang kaniyang madrasta at ang kaniyang dalawang step- sister na mas bata sa kaniya ng ilang buwan lang dahil nga anak lamang siya sa labas.“Anong ibig kong sabihin ha Zarah? Isa ka palang anak sa labas.” sabi nito sa kaniya na halos pandirihan siya nito. Tumayo ito at pagkatapos ay nameywang sa harap niya. Nasa bahay nila sila ng mga oras na iyon. Pinuntahan siya talaga nito dahil ayon rito ay kailangang- kailangan daw nilang mag- usap. Wala nga siyang kaideya- ideya sa kung anong gustong pag- usapan nito, isa pa ay wala silang usapan na pupunta ito sa bahay nila at bibisita pero ngayon ay gulat ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments