Share

Chapter 4.2

Hanggang sa natapos na kumain sina Zarah at Mr. marquez ay walang ibang taong dumating upang umupo sa bakanteng upuan at hindi naman na niya inabala pa ang kaniyang sarili na magtanong rito dahil baka mamaya ay sabihin nito na napaka- matanong niya naman masyado.

Pagkatapos na pagkatapos ni Zarah na kumain ay iginiya siya ng ilang kasambahay upang umakyat na sa magiging silid niya sa bahay na iyon. Habang paakyat siya ng paakyat sa hagdan ay hindi niya maiwasan ang mamangha dahil pakiramdam niya ay tila ba nasa bahay siya ng isang bilyonaryo dahil sa ganda ng mga gamit ng bahay.

Pagdating nila sa pangalawang palapag ay bumungad sa kanila ang naglalakihang mga pigurin na nasisiguro niyang napakamamahal ng halaga at hindi biro ang mga iyon. Gusto niya mang lapitan ang mga ito at haplusin ay nakaramdam siya ng takot dahil baka mamaya ay mabasag niya ang isa sa mga iyon at pabyaran sa kaniya.

Baka kahit buhay niya ang ipambayad niya rito ay hindi niya magagawang bayaran ang halaga nito kaya sumunod na lamang siya sa mga kasambahay hanggang sa tuluyan na nga silang nakarating sa isang silid kung saan pagbukas na pagbukas pa lamang ay agad na siyang namangha dahil sa luwang ng magiging silid niya.

Halos bumuka ang kaniyang bibig ng mga oras na iyon at pagkatapos ay tila ba siya isang bata na nagpaikot- ikot sa kaniyang magiging silid. Halos triple ang luwang ng silid niya ngayon sa dati niyang silid. Lumapit siya sa mga cabinet na nasa gilid at pagbukas niya ay punong- puno ito ng mga damit.

Ni magdala ng damit ay hindi na nagawa pa ni Zarah dahil kung anong suot niyang umalis sa bahay nila kanina ay iyon lang ang nadala niya. Mabuti na lamang at handa ang bahay na pinuntahan niya kung saan ay punong- puno ng damit ang cabinet na halatang- halata na eksaktong- eksakto sa sukat niya.

“Iwan na po namin kayo rito senyorita at para na rin po makapahinga kayo.” sabi ng isa sa mga kasambahay kaya napalingon siya sa mga ito.

Oo nga pala, kasama nga pala niya ang mga ito at halos nakalimutan na niya na may mga kasama nga pala siyang ng umakyat siya sa silid na iyon.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkapahiya dahil sa kaniyang inasta paano ba naman ay nag- asal bata siya at halatang- halata sa mukha niya talaga na tuwang- tuwa siya tapos ay may kasama pala siyang ibang tao na nasa silid na iyon.

Halos mamula ang buong mukha niya dahil sa sobrang hiya niya pero wala na siyang magagawa pa. Hinarap niya na lamnag ang mga ito at pagkatapos ay medyo naiilang na napapa ngiti.

“Ah sige.” iyon na lamang ang nasabi niya dahil sa matinding pagkapahiya niya.

Ilang sandali pa ay sunod- sunod na ng nagsilabasan ang mga ito sa silid niya. Pagkalabas na pagkalabas ng mga ito ay kaagad niyang ibinagsak ang kaniyang sarili sa napakalambot na kama at pagkatapos ay matamis na napangiti.

“Sa wakas ay maaayos na ang buhay ko.” bulong niya at pagkatapos ay nagpagulong- gulong siya sa kama.

—-----

“Nasaan na siya ngayon?” tanong ni Pierce sa isa sa mga tauhan niya.

Wala siya sa mansiyon niya ng araw n aiyon dahil napakarami niyang inaasikaso. Tanging ang mga tauhan niya ang naroon at si Mr. MArquez na kanang kamay niya. Ito ang umasikaso ng lahat ng kailangan niya sa kasal na naganap kanina. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala na tinanggap ng babaeng iyon ang kasal na nangyari lalo pa at ang iniharap nilang kakasal nito ay ang ama ni Mr. MArquez na na- stroke ilang buwan na nag nakakaraan.

Isa lamang sana iyong pagsubok at iyon ang naisip niyang paraan para tanggihan nito ang kasal ngunit sa kabila ng lahat ay tinaggap pa rin nito iyon. Hindi tuloy niya maiwasan na sabihin sa isip niya na napakamukhang pera ng babaeng iyon dahil sino ba naman ang matinong tao na magpapakasal sa isang baldado at matandang lalaki kung tutuusin hindi ba?

“Nasa silid na niya.” sagot ni Mr. Marquez sa kabilang linya.

Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay napailing na lamang.

“Siguraduhin niyong hindi siya makaklabas ng bahay na iyan. Ayokong sirain ng babaeng yan ang imahe ko.” sabi niya rito at pagkatapos ay dali- daling pinatay ang tawag.

Sa totoo lang ay nasa kalagitnaan pa rin siya ng kaniyang meeting ng mga oras na iyon ngunit nag- excuse lamang siya ng ilang minuto upang tawagan nga si Mr. MArquez at para na rin alamain kung ano na ang nangyayari sa mansiyon niya. Hindi niya pa nakikita ng personal ang babae ngunit sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na niya ang matinding pagkadisgusto niya rito dahil isa itong gold- digger.

Ilang sandali pa ay dali- dali na niyang ibinulsa ang kaniyang cellphone at nagmamadali muling pumasok sa loob ng opisina kung saan nagaganap ang meeting nila ng ilang mahahalagang tao sa isang negosyo niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
GINALYNVELANTE ZANO
update po please
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thank you otor more power and more updates po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status