Share

PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|
PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|
Author: eleb_heart

Prologue

“A- anong ibig mong sabihin?” nangingilid ang luhang tanong ni Zarah kay Liam.

Ito ang boyfriend niya ng mahigit tatlong taon. Noong nakaraang linggo nga lang ay tuluyan na niyang ipinakilala ito sa kaniyang pamilya. Nagpupumilit na kasi itong ipakilala niya na daw ito sa pamilya niya dahil napakatagal naman na daw nilang magkarelasyon kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito.

Nakilala nito ang kaniyang madrasta at ang kaniyang dalawang step- sister na mas bata sa kaniya ng ilang buwan lang dahil nga anak lamang siya sa labas.

“Anong ibig kong sabihin ha Zarah? Isa ka palang anak sa labas.” sabi nito sa kaniya na halos pandirihan siya nito. 

Tumayo ito at pagkatapos ay nameywang sa harap niya. Nasa bahay nila sila ng mga oras na iyon. Pinuntahan siya talaga nito dahil ayon rito ay kailangang- kailangan daw nilang mag- usap. Wala nga siyang kaideya- ideya sa kung anong gustong pag- usapan nito, isa pa ay wala silang usapan na pupunta ito sa bahay nila at bibisita pero ngayon ay gulat na gulat siya sa mga sinasabi nito sa kaniya.

“Three years tayo pero hindi mo sinabi sa akin.” sabi nito.

Nakaramdam naman siya ng guilt ng mga oras na iyon dahil totoo ang sinasabi nito pero mali ang iniisip nito na itinago niya rito ang lahat.

“Liam alam kong mali yun pero napakababaw naman yata ng dahilan mo para hiwalayan ako.” nangingilid ang luhang tanong nito sa kaniya.

“Mababaw? Sa tingin mo mababaw lang iyon ha Zarah? Nagtiis ako ng tatlong taon sayo, sa pagiging pakipot mo tapos malalaman kong anak ka pala sa labas at ang pinakamatindi pa ay wala ka palang mamanahin.” sabi nito sa kaniya.

Awtomatiko namang nanlaki ang kaniyang mga mata ng mga oras na iyon dahil sa kaniyang naririnig. Hindi niya lubos akalain na manggagaling lahat ng iyon sa bibig ng kaniyang minamahal. Wala sa hinagap niyang darating sila sa puntong ito dahil akala niya ay okay sila at compatible sila sa isat- isa pero ngayon ay tila ba bigla na lamang nag- iba ang ugali nito.

“A- anong ibig mong sabihin? Dahil lang sa pera ang lahat?” halos hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Sa tatlong taon nilang pagiging maging magka- sintahan ay naramdaman niya ang pagmamahal at pagkalingang hinahanap niya sa kaniyang pamilya. Hindi niya kasi iyon naranasan sa kamay ng sarili niyang mga kapatid at madrasta dahil ang tingin nila sa kaniya ay isang salot na panira lang sa kanilang pamilya.

Dahil sa panganganak sa kaniya ay namatay ang kaniyang ina kaya hindi na niya kinamulatan pa ito isa pa ay ang kaniyang ama naman ay naka- focus sa kanilang mga negosyo ng mga panahong iyon kaya hindi siya ito naaasikaso. Gusto niya ngang magalit noon sa kaniyang ama, kung hindi sana nito hinayaang mabuo siya ay sana ay hindi niya nararanasan ang lahat ng iyon.

Walang ginawa sa araw- araw ang kaniyang mga step- sister at ang kaniyang madrasta kundi ang pahirapan siya. Daig pa nga niya ang katulong sa bahay na iyon sa totoo lang at halos hindi niya masabing pamilya niya nga ang mga ito. May kasambahay sila noo pero noong mag- trese anyos siya ay pinaalis na ito ng madrasta niya at siya ang ginawa nilang alila.

Hindi niya nagawang magsumbong sa kaniyang ama noon dahil halos hindi na sila nagkikita, kung magkita man sila ay laging nakabantay ang madrasta niya para hindi siya makapagsumbong rito.

“Ano pa sana? Hindi kita pagtitiisan kung alam kong wala kang pera, pero ngayon at nalaman kong wala ka palang mamanahin kahit isang kusing ay hindi na bale na lang.” sabi nito.

“Walang magtyatyaga sa kagaya mo isa pa ay mas bagay ka talaga sa fiancee ng kapatid mo dahil pareho kayong basura, hindi ba sweetie?” tanong nito mula sa likod niya.

Agad niya namang narinig ang paghagikgik ni Maja, ito ang sumunod sa kaniya at pagkatapos ay lumapit ito sa boyfriend niya at pagkatapos ay yumakap ito at hindi lang iyon, humalik pa ito sa boyfriend niya sa harap niya mismo.

“A- anong ibig sabihin nito. Maja? Liam?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa mga ito.

“Ano pa ba sa tingin mo?” sabi ni Maja na mas lalo lamang yumakap kay Liam.

Nang mga oras na iyon ay halos unti- unting nadudurog ang puso niya. Naging tapat siya sa pagmamahal kay Liam dahil unang kasintahan niya ito. Isa pa ay ito ang naging tanglaw niya sa madilim na mundo dahil sa kaniyang mga step- sister at madrasta pero heto ito ngayon sa harap niya, pilit na nakikipaghiwalay ito sa kaniya at mukhang nagkakamabutihan na sila ng kapatid niya.

Bakit? Natanong niya sa kaniya isip. Saan ba siya nagkulang? Dahil ba ayaw niyang pumayag sa gusto nito na pumunta sila sa motel? Ilang beses na siya nitong sinubukang ayain na pumasok sila sa motel pero kahit mahal niya ito ay hindi siya nito napapapayag sa gusto nito.

“Paano? Ba- bakit?” halos hindi siya makapagsalita ng mga oras na iyon.

“Bakit? Simple lang Zarah dahil isa kang basura.” tumatawang sabi ni Maja sa kaniya na sinundan naman ni Liam.

Hindi niya maiwasang mapatitig sa kaniyang mahal na kasintahan ng mga oras na iyon. Kitang- kita niya ang saya sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Bakit ganun? Nasaan na ang pagmamahal nito sa kaniya? Naramdaman niya namang minahal siya nito sa mga oras na magkasama sila kaya napakalaking tanong sa kaniyang isipan kung paano nangyari ang bagay na iyon.

Hindi niya lubos maisip ang nangyayari, panaginip ba ito? Napatanong siya sa kaniyang sarili. Gusto niyang magising sa bangungot na iyon kaya tinampal niya ang kaniyang pisngi ngunit sa kaniyang ginawa ay naramdaman niya ang kirot ng ginawa niyang pagtampal sa sarili niya.

Nasaan na ang tatlong taong pinagsamahan nila? Ganun na lang ba kadali nitong itatapon ang lahat ng iyon dahil sa pera?

“Liam alam kong inakit ka lang ni Maja okay lang sa akin kung,” biglang may bumara sa lalamunan niya. “Kung nagkatabi na kayo, kakalimutan ko lahat ng iyon basta humingi ka lang sa akin ng tawad o kahit huwag na. Basta sabihin mo lang na hindi totoo ang lahat ng ito patatawarin kita…” sa mga oras na iyon ay hindi na niya napigil ang luhang kanina pa niya pilit na pinipigil.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kaniyang isip ng mga oras na iyon dahil halos magmakaawa na siya kay Liam. Mahal na mahal niya ito at alam niyang hindi niya makakaya ang mawala ito sa buhay niya dahil ito ang naging ilaw niya at naging pahinga niya sa nakakapagod na buhay niya.

“Desperada na talaga.” umiiling na sambit ni Maja. 

“Nakakaawa.” 

“Liam… sabihin mo hindi totoo ang lahat ng ito…” humihikbing sambit niya habang nakatingin rito. Kahit hilam ng luha ang kaniyang mga mata ay hindi niya nagawang mag- iwas rito ng tingin.

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi nito at pagkatapos ay pumunta sa harap niya.

“Totoo ito Zarah. Magising ka na sa katotohanan, huwag mo ng bulagin pa yang sarili mo dahil una pa lang ay bulag ka na talaga.” nakatititg sa mga mata niyang sabi nito sa kaniya.

Hindi niya magawang magsalita. Pakiramdam niya ay anumang oras ay papanawan na siya ng malay. Sobrang bigat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Bakit? Bakit kailangang mangyari sa kaniya ang bagay na ito?

“Una pa lang ay hindi na talaga kita minahal, nabulag ka dahil sa pagmamahal mo sa akin…” dagdag nito.

Tinakpan niya ang kaniyang tenga, ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod na sasabihin nito. 

Tama na. Tama na ang mga narinig niya. Basag na basag na siya.

Totoo nga pala ang sabi ng iba na walang kasing sakit kapag ang taong mahal na mahal mo na ang nanloko sayo, nabulag nga ba talaga siya?

Naramdaman niya ang dalawang kamay na pilit na nagtatanggal sa kamay niyang nakatakip sa kaniyang tenga.

“Tama na please…” humihikbing sambit niya.

“Anong tama na, dapat lang na marinig mo ang lahat ng sasabihin namin sayo. Simula ngayong araw na ito ay hindi mo na siya boyfriend  dahil boyfriend ko na siya at hindi lang iyon, ikaw ang magpapakasal sa fiancee kong baldado.” sabi nito at pagkatapos ay binitawan na siya.

Sumosobra na ang mga ito. Bagamat sobrang sakit ng nararamdaman niya ay tumayo siya at inipon niya lahat ng lakas niya, hindi papayag ang madrasta nila sa gusto nito. Isusumbong niya ang kapatid niya.

Puno ng luha ang mga mata aya lumabas siya ng silid na iyon at pumunta sa garden kung saan naroon panigurado ang madrasta niya at hindi nga siya nagkamali dahil naabutan nga niya itong naroon at prenteng nakaupo habang nagce- cellphone.

“Tita may gusto akong sabihin sayo.” humihikbing sabi niya. 

Hindi ito nag- angat ng tingin sa kaniya ngunit alam niyang nakikinig ito kaya nagpatuloy siya.

“Si Maja ay walang balak na magpakasal sa fiancee niya at—-”

Nagulat siya ng maramdaman niya ang isang sampal sa pisngi niya.

“Bakit ko hahayaang magpakasal ang anak ko sa isang baldado? Dapat lang sayo iyon at mas bagay sayo dahil isa kang basura!” sigaw nito pagkatapos ay nilampasan siya.

Siya ay naiwan doon na gulat dahil sa sitwasyon niya. Parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon.

Bakit? Nanghihinang tanong niya at hindi niya napigilan ang bumagsak sa lupa. Hinang- hina ang pakiramdam niya idagdag pa na sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Mukhang tama yata ang sabi ng mga ito, malas siya. Napapikit siya habang nakatingala sa langit hanggang sa unti- unti ay naramdaman niya ang pagpatak ng ulan sa mukha niya.

Napangiti siya ng mapait, nakikidalamhati ang langit sa sakit na nararamdaman niya. 

Sa puntong iyon ay naisip niya ang kaniyang ina, siguro kung buhay lang ito ay hindi mangyayari sa kaniya iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thank you more power
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status