Nang makabihis na siya ay kaagad siyang iginaya ng tatlo sa isang silid kung saan ay naabutan niya sa loob si Mr. John na may kausap. Magkaharap ang mga ito sa lamesa at kaagad na napalingon sa kaniya nang pumasok siya. Sabay na napatayo angmga ito nang makita siya.
“Ito nga pala si Judge Marquez hija. Siya ang mangkakasal sa inyong dalawa ni Master.” sabi nito.
Nakipagkamay siya sa Judge na sinabi nito at pagkatapos ay ngumiti. Ngumiti din naman ito pagkatapos ay pinaupo muna siya sa upuan nasa harap nito. Si Mr. Marquez ay lumayo na mula sa harap ng lamesa at pumwesto sa likod niya. Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto na ikinalingon nila ng pare- pareho.
Pumasok ang isang lalaki na may tulak- tulak na wheel chair. Sa wheel chair ay may nakasakay na isang matanda na katulad ng inaasahan niya at medyo nakangiwi. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa itsura ng taong pakakasalan niya. Kaya pala ito tinanggihan ng madrasta niya dahil sa itsura nito. Sino nga ba naman ang magiging masaya kapag nalaman na ganito ang pakakasalan, kung siya man ay siguro hindi siya makakaramdam ng saya. Kailangan niya lang iyong gawin para makalaya na ng tuluyan sa impyernong bahay na iyon.
Mas maaatim na lang niyang tumira sa bahay kasama ang matandang nasa harap niya kaysa sa mga impakta niyang kapatid at madrasta. Hindi niya maiwasang mapatitig rito. Sa tantiya niya ay nasa early sixty na ito. Siguro ay na- stroke ito kaya naging itsura nito dahil sa nakangiwi nga ito at tila ba matigas ang mga kamay nito at sa tingin niya ay hindi nito iyon maigalaw.
Tinanggal ni Mr. Marquez ang isang upuan na nasa tabi niya kung saan ay ipwinesto ang wheel chair. Nakaharap na sila sa Judge ng mga oras na iyon at pagkatapos ay nahuli niyang nakatitig ang Judge sa kaniya na mabilis din namang nag- iwas ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa kaniya ng mga oras na iyon.
Ilang sandali pa ay tumayo na ito at binasa na ang hawak nitong papel kung saan ay naroon ang tungkol nga sa kasal at kung gaano kasagrado ang kasal. Hanggang sa natapos ito at pipirma na sila sa kasulatan. Inabot sa kaniya ang papel at ang ballpen. Sa pinakababa ay nakita niya ang printed na pangalan ni Maja na ikinagulat niya.
Ibig sabihin ay walang kaalam- alam ang mga ito sa ginawa ng madrasta niya. Ibig sabihin ay hindi alam ng mga ito na hindi siya si Maja. sa loob- loob niya ay napangiti siya ng palihim. Ibig lang sabihin ay hindi siya ang naikasal kundi si Maja. magiging malaya pa siya. Mabilis niyang pinirmahan iyon at ibinalik sa Judge.
Ngunit napansin niya na hindi nito pinapirma ang matandang nasa tabi niya o mas tamang sabihin na asawa niya na dahil tapos na ang kasal nilang dalawa at ganun lang kadali. Napaka- simple, pero paano nga pala niya ito tatawaging asawa kung hindi naman nga pala siya ang nakapangalan sa marriage contract na pinirmahan niya.
Pagkatapos nga nito ay ngumiti ang Judge at pagkatapos ay inilahad ang kamay upang kamayan siya. Kaagad naman siyang tumayo at pagkatapos ay inilahad din ang kamay upang makipagkamay rito. Kahit pa sabihing hindi naman talaga siya masaya doon ay nakipagkamay pa rin siya at ngumiti rito.
Wala naman itong alam tungkol sa kasal na iyon at tungkulin lang nito ay ang ikasal siya o sila pala. Ilang sandali pa ay si Mr. Marquez naman ang kinamayan siya at pagkatapos ay ngumiti.
“Congratulations Mrs. Montero.” sabi nito sa kaniyang nakangiti sa kaniya.
Hindi niya naman alam kung ngingiti ba siya o tatawa sa itinawag nito.
Hmm, Mrs. Montero huh? It sounds great though. Bulong niya sa kaniyang isip. So Montero pala ang apelyido ng lalaking pinakasalan niya in the name of Maja. nilingon niya ang matandang nakupo sa wheel chair. Hindi man ito magsalita ay kitang- kita niya ang kislap ng mga mata nito at hindi lingid sa kaniyang pagkakaalam na mukhang masaya ito sa kasal na nangyari. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ang magiging bride ay kasing ganda niya. Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang naisip ng mga oras na iyon.
Ilang sandali pa ay pumwesto na si Mr. John sa likod ng wheel chair upang iatras na ito at ilabas na sa silid na iyon. Nilingon muna siya nito bago nito tuluyang itulak ang wheel chair.
“Oras na para pumunta sa magiging bagong tahanan niyo, Senyorita.” sabi nito at pagkatapos ay nauna ng lumabas sa kaniya.
Naiwan siyang nakatayo mula sa kinatatayuan niya. Senyorita? Sa magiging bahay niya? Napakunot ang noo niya dahil sa narinig niya. May mga kasambahay na sumalubong na sa kaniya kanina sa bahay na ito. Akala niya ay ito na ang bahay ng asawa niya? Hindi pa pala ito? Naguguluhan din siya ng mga oras na iyon at napakaraming tanong ang nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon.
Ilang sandali pa ay wala sa sarili siyang humakbang palabas ng silid na iyon at sa kaniyang paglabas ay may nakaabang sa kaniyang dalawang lalaki sa labas ng pinto. Hindi niya nakita ang mga ito kanina. Ang isa ay mas nauna sa kaniyang naglakad samantalang ang isa naman ay nanatili lamang sa kaniyang likod.
Susundan na lamang niya ito. Hindi niya rin naman na makita si Mr. John ng mga oras na iyon. Isa pa ay hindi niya din naman magawang magtanong sa lalaking nasa unahan niya dahil unang- una ay hindi niya alam kung ano ang itatanong niya. Ilang sandali pa ay nakababa na sila sa pinakababa kung saan ay naroon ang tatlong kasambahay kaninang nag- assist sa kaniya at tila inaantay siya roon.
Sumunod lang siya sa lalaking nasa unahan hanggang sa makalabas na sila ng bahay. Mainit na ng mga oras na iyon. Akmang susulong na siya sa kainitan nang bigla na lamang may nagpayong sa kaniya. Natigil siya sa kaniyang paglalakad at nilingon ito. Ito ang lalaking nasa likod niya kanina.
“Mainit po Senyorita.” simpleng sabi lamang nito sa kaniya.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya dahil sa ginawa nito. Parang sa isang iglap ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya dahil sa pagpapakasal niya. May tagapayong na siya ngayon at higit sa lahat ay tinatawag na siyang Senyorita na malayong- malayo sa buhay niya dati.
Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kasiyahan sa loob- loob niya. Mukhang tama talaga ang ginawa niyang desisyon at mukhang wala naman siyang pagsisihan doon. Ilang sandali pa ay tunigil sila sa tapat ng isang marangyang kotse. Bago pa man niya maigalaw ang kaniyang kamay ay mayroon na kaagad nagbukaas ng pinto para sa kaniya.
Sa loob ay walang nakasakay kundi tanging siya lamang at isang driver. Napakalaki ng sasakyan pero dadalawa lang silang laman nito. Napansin niya na ang sinakyan nila ngayon ay hindi ang sinakyan nila kanina ni Mr. John nang sunduin siya nito. Napasandal siya sa kinauupuan niya at pilit na ina- analyze ang nangyayari.
Napatanong siya tuloy sa kaniyang sarili kung totoo ba lahat ng nangyayari at hindi lang guni- guni niya?
Isang ngiti ang unti- unting sumilay sa mga labi ni Zarah habang nakasandal sa kotse at nakatanaw sa labas ng sasakyan kung saan siya nakasakay ng mga oras na iyon. Sa wakas ay tuluyan na siyang nakalaya sa puder ng mapang- aping madrasta at mga step- sister niya.Hindi niya inakalang daratin din ang araw na tuluyan siyang makakaalis sa mala- impyernong bahay na iyon ng hindi na niya kinakailangan pang lumayas para makaalis lamang. Habang nasa ganuon siyang ayos ay tila isang ilog na muling rumagasa ang mga alaala niya sa buhay niya dati at kung paano siya itrato ng mga madrasta niya dati.Mapait man ang naging buhay niya noon, ngayon ay nasisiguro niyang minasanan na iyong magbabago. Sabihin man na matanda at baldado ang lalaking pinakasalan niya ay wala na siyang pakialam pa doon dahil ang mahalaga ay malayo na siya sa mga impaktang mga iyon.Nasisiguro niyang hindi na siya masusundan pa ng mga ito, pero ang malaki niyang problema ay kapag nalaman ng pinakasalan niya na hindi naman
Hanggang sa natapos na kumain sina Zarah at Mr. marquez ay walang ibang taong dumating upang umupo sa bakanteng upuan at hindi naman na niya inabala pa ang kaniyang sarili na magtanong rito dahil baka mamaya ay sabihin nito na napaka- matanong niya naman masyado.Pagkatapos na pagkatapos ni Zarah na kumain ay iginiya siya ng ilang kasambahay upang umakyat na sa magiging silid niya sa bahay na iyon. Habang paakyat siya ng paakyat sa hagdan ay hindi niya maiwasan ang mamangha dahil pakiramdam niya ay tila ba nasa bahay siya ng isang bilyonaryo dahil sa ganda ng mga gamit ng bahay.Pagdating nila sa pangalawang palapag ay bumungad sa kanila ang naglalakihang mga pigurin na nasisiguro niyang napakamamahal ng halaga at hindi biro ang mga iyon. Gusto niya mang lapitan ang mga ito at haplusin ay nakaramdam siya ng takot dahil baka mamaya ay mabasag niya ang isa sa mga iyon at pabyaran sa kaniya.Baka kahit buhay niya ang ipambayad niya rito ay hindi niya magagawang bayaran ang halaga nito ka
“A- anong ibig mong sabihin?” nangingilid ang luhang tanong ni Zarah kay Liam.Ito ang boyfriend niya ng mahigit tatlong taon. Noong nakaraang linggo nga lang ay tuluyan na niyang ipinakilala ito sa kaniyang pamilya. Nagpupumilit na kasi itong ipakilala niya na daw ito sa pamilya niya dahil napakatagal naman na daw nilang magkarelasyon kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito.Nakilala nito ang kaniyang madrasta at ang kaniyang dalawang step- sister na mas bata sa kaniya ng ilang buwan lang dahil nga anak lamang siya sa labas.“Anong ibig kong sabihin ha Zarah? Isa ka palang anak sa labas.” sabi nito sa kaniya na halos pandirihan siya nito. Tumayo ito at pagkatapos ay nameywang sa harap niya. Nasa bahay nila sila ng mga oras na iyon. Pinuntahan siya talaga nito dahil ayon rito ay kailangang- kailangan daw nilang mag- usap. Wala nga siyang kaideya- ideya sa kung anong gustong pag- usapan nito, isa pa ay wala silang usapan na pupunta ito sa bahay nila at bibisita pero ngayon ay gulat
Hindi alam ni Zarah kung ilang araw na ang lumipas simula nang araw na iyon. Yung araw na hiling niya ay sana panaginip lamang at itinituring niyang bangungot ng buhay niya. Ilang araw na nga ba? Apat? Lima? O isang linggo na ang lumipas? Hindi niya sigurado.Basta ang alam niya lang ay hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit na dulot nito. Walang kasing sakit ang talikuran ka ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo ng lubos sa loob ng ilang taon. Tinalikuran siya nito dahil sa napakababaw na rason, iyon ay ang dahil wala siyang mamanahin at dahil lang sa anak siya sa labas.Sobrang sakit na halos hindi niya magawang kumain ng maayos. Ni hindi rin siya makapag- trabaho ng maayos sa bahay nila kaya napilitan ang kaniyang madrasta na kumuha muna ng tagalinis nila. Isa pa ay hindi naman siya nito inobliga na magtrabaho dahil nang araw na iyon ay nawalan talaga siya ng gana sa lahat ng bagay.Idagdag pa na halos ayaw niyang lumabas ng kaniyang silid dahil
Dahil sa nangyari sa pagitan niya at ng kapatid niya ay hindi na siya pinalabas ng silid niya ng madrasta niya. Pinarusahan siya nito dahil sa ginawa daw niya sa anak nito na hindi niya naman pinagsisisihan. Dapat lang iyon sa kaniya dahil malandi ito at kung tutuusin nga ay kulang pa ang ginawa niya rito.Napigilan lang kasi siya e dahil dumating ang mga ito para iligtas ang kapatid niya. Syempre, ito ang kakampihan ng mga ito. Wala naman siyang kakampi sa bahay na iyon kundi ang sarili niya lang. Kung meron nga lang sana siyang ibang pwedeng matuluyan ay lalayas na lang siya doon pero wala naman siyang alam na mapupuntahan niya.Isa pa ay simula ng mawala ang kaniyang ama ay tumigil na siya sa kaniyang pag- aaral. Third year na siya sa kurso niyang business administration. Sino ba naman ang hindi mapipilitang tumigil sa pag- aaral kung hindi naman siya binibigyan ng allowance ng madrasta niya. Pwede sana siyang pumasok kung walking distance lang ang unibersidad na pinapasukan niya m