Share

Chapter 1

Hindi alam ni Zarah kung ilang araw na ang lumipas simula nang araw na iyon. Yung araw na hiling niya ay sana panaginip lamang at itinituring niyang bangungot ng buhay niya. Ilang araw na nga ba? Apat? Lima? O isang linggo na ang lumipas? Hindi niya sigurado.

Basta ang alam niya lang ay hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit na dulot nito. Walang kasing sakit ang talikuran ka ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo ng lubos sa loob ng ilang taon. Tinalikuran siya nito dahil sa napakababaw na rason, iyon ay ang dahil wala siyang mamanahin at dahil lang sa anak siya sa labas.

Sobrang sakit na halos hindi niya magawang kumain ng maayos. Ni hindi rin siya makapag- trabaho ng maayos sa bahay nila kaya napilitan ang kaniyang madrasta na kumuha muna ng tagalinis nila. Isa pa ay hindi naman siya nito inobliga na magtrabaho dahil nang  araw na iyon ay nawalan talaga siya ng gana sa lahat ng bagay.

Idagdag pa na halos ayaw niyang lumabas ng kaniyang silid dahil simula ng araw na iyon ay araw- araw na si Liam sa bahay nila. Sa mga oras nga na iyon ay rinig na rinig pa niya ang tawa nito kasama ang step- sister niya. Sa puntong iyon ay muli na namang nag- init ang sulok ng mga mata niya. Bakit ba kasi kailangan niyang danasin ang bagay na iyon?

Yung isang taong nagbigay ng kulay sa malungkot niyang mundo ay ipinagkait pa sa kaniya. Ito na nga lang ang nagsisilbing lakas niya tuwing inaapi siya ng mga kapatid  at madrasta niya pero bakit? Bakit hindi na lang ito ipinaubaya sa kaniya? Sobrang sakit.

Napahawak siya sa dibdib niya habang umaagos ang mainit na likido sa kaniyang pisngi. Simula nang talikuran siya nito ay hindi na siya nagising na hindi mugto ang mga mata niya dahil sa kaiiyak. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak sa kaniyang silid, totoo pala na kapag nasaktan ka ng sobra ay hindi mo na alam kung ano pa nga ba ang silbi ng buhay mo.

Mapapatanong ka sa sarili mo kung bakit ka pa nabuhay kung puro kabiguan lamang ang matatamo niya sa buhay niya? Muli siyang napatanong sa kaniyang isip kung wala ba siyang karapatang sumaya kahit minsan lang sa buhay niya. Walang kasing sakit ang dinaranas niya. Naisip pa nga niya noong isang araw ay kung magpakamatay na lang kaya siya? Magsisisi kaya si Liam sa ginawa nito?

Ngunit ganun pa man ay pinagsabihan niya ang kaniyang sarili na dapat ay malampasan niya ang problema niyang iyon. Naisip niya din na siguro ay dapat lang na magpakasal na siya sa fiancee ng kapatid niya na itinakda ng kaniyang ama. 

Wala na ang kaniyang ama. Ilang buwan na nang iwanan sila nito dahil inatake ito sa puso at hindi na ito umabot pang buhay sa ospital. Siguro kung buhay lang ito ay hindi niya dadanasin ang dinadanas niyang paghihirap ngayon dahil kahit papano ay hindi naman siya nito pinapabayaan. Nagsimula lang talaga ang kalbaryo niya ng mawala ito.

Siguro naman ay kapag naikasal na siya ay makakaalis na siya ng tuluyan sa bahay na iyon. Kahit pa sabihin na ayaw niya sanang magpakasal doon pero wala din naman siyang magagawa. Isa pa ay kailangan niyang tingnan ang bright side nito kahit pa sabihing baldado ang lalaking nakatakdang pakasalan ng kapatid niya. Ayon pa nga rito ay may edad na rin daw ito at nasa singkwenta anyos na pero dibale na lang.

Kung baldado man ito ay hindi na ito makakagalaw pa kaya okay lang sa kaniya, isa pa ay sanay din naman siya sa gawaing bahay kaya hindi na lamang siya tututol pa sa kagustuhan ng mga ito. Ang mahalaga ay tuluyan na siyang makaalis sa bahay na iyon kung saan puro sakit at hirap lang ang dinadanas niya.

Nasa ganuon siyang ayos nang bigla na lamang pumasok ang kapatid niya. Ito ang kapatid niyang gumapang sa boyfriend niya, inahas niya ito. Siguro ay pinatulog nito ito sa silid niya kaya napapayag niya si Liam na piliin ito. Siguro ay ibinigay nito ang isang bagay na napakatagal ng hinihingi sa kaniya ni Liam pero hindi niya maibigay- bigay. Mabuti na lang din pala at hindi niya iyon naibigay rito dahil kung sakali ay mas masakit iyon kapag iniwan pa rin siya nito.

Nilingon niya lang ito ngunit nag- iwas din siya ng tingin. Isa pa ay galit siya rito dahil sa ginawa nito sa kaniya. Nakakawalang- gana itong makita pati na boyfriend niya.

“Lumabas ka at samahan mo kaming i- celebrate ang engagement namin ni Liam.” sabi nito.

Napaka- kapal naman ng mukha ng mga ito para ayain pa siyang i- celebrate ang engagement di umano ng mga ito matapos nila siyang pagtaksilan. Isa pa ay engage na kaagad ang mga ito samantalang ilang araw pa lang sila. Napakuyom ang mga kamao niya. Hindi na lang siya nirespeto ng mga ito at talagang gusto pang ipamukha sa kaniya masyado ang ginawa ng mga ito.

Hindi na lamang siya sumagot dahil galit siya. Baka kung ano lang ang masabi niya rito. Kahit na ang mga ito ang may ginawang mali sa kaniya ay mayroon pa naman siyang natitirang good manners. Isa pa ay alam niyang kontrolin ang emosyon niya. Siya lang dina ang talo kung ipakikita niyang labis siyang nasaktan sa ginawa ng mga ito sa knaiya dahil pag nakita ng mga ito na nasasaktan siya ay magbubunyi lamang ang mga ito.

“Hoy Zarah nakikinig ka ba? Isang linggo na ang nakalipas bakit hindi ka pa rin ba naka move- on?” tanong nito s akniya.

Napapikit siya. Bakit ganun lang ba kadali ang mag- move on sa tingin nito? Ganun lang ba kadaling makalimutan ang sugat na nilikha ng kataksilan ng mga ito. Gusto niyang matawa ng mga oras na iyon dahil sa sinasabi nito pero pinili na lamang niya ang manahimik. Hindi nito maiintindihan ang nararamdaman niya kahit na ano pang sabihin niya rito dahil wala naman ito sa lugar niya.

Hindi sa pagiging over- acting pero kung alam lang sana nito ang pakiramdam ay baka sakaling maintindihan siya nito.

“Ano Zarah? Hindi ka ba masaya para sa amin ha? Ayaw mo bang maging masaya para sa amin?” tanong nitong muli.

Sa puntong iyon ay doon na napamulat ang mga mata niya. Kanina pa ito salita ng salita at kanina pa din siyaa tahimik lang pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita. Napupuno na siya.

“Lumabas ka na, hindi ako intersado sa selebrasyon ninyo.” seryosong sabi niya.

“Ganyan talaga yung mga taong hindi pa makalimot. Bitter.” sabi nito at pagkatapos ay napatawa.

Hindi na nga niya napigil ang kaniyang sarili at mabilis ang naging kilos niya. Bumangon siya sa kama at pagkatapos ay bumaba. Nang makatayo siya ay humakbang siya at eksaktong- eksaktong naabutan niya ang nakatalikod na step- sister niya. Kaagad niyang hinablot ang buhok nito.

Napasigaw ito dahil sa sakit at pagkabigla pagkatapos ay humarap ito sa kaniya at inabot din ang buhok niya.

“Walang hiya ka!” sigaw nito sa kaniya at sinabunutan siya nito pero hindi siya nagpatalo.

Sinabunutan niya rin ito ng sobrang lakas dahil na rin sa galit na nararmdaman niya rito. Natumba sila at tumama pa ang side nito sa drawer na nasa tabi ng kama niya bago sila parehas na bumagsak sa sahig. Sa punto namang iyon ay narinig na niya ang mga nag- aapurang yabag patungo sa silid niya kaya bago pa man makarating ang mga ito sa silid niya ay umikot siya para daganan ito at pagkatapos ay pinagsasampal ito.

“What happen?!” rinig niyang sigaw ng madrasta niya at pagkatapos ay napasigaw dahil sa naabutan nitong itsura nito. 

Mabilis na gumalaw si Liam upang matanggal siya nito sa ibabaw ng kapatid niya. Itinulak siya nito sa kama at pagkatapos ay dinaluhan ang kapatid niya sa sahig na sa mga oras na iton ay dumudugo na ang labi.

Tumaas ang sulok ng labi niya ng makita ang itsura nito dahil deserve nito iyon ngunit nakaramdam din siya ng kirot nang makita niya si Liam na inaaalala ang kapatid niya na dapat ay siya iyon. Pero ganun talaga ang buhay.

Mas lalo pang nabura ang ngiti niya ng maramdaman niya ang malutong na sampal galling sa mdrasta niya na halos umuga talaga ang utak niya. Pakiramdam pa nga niya ay tila ba pinanawan siya ng kaniyang kaluluwa dahil sa lakas ng impact ng sampal nito.

“Ang kapal ng mukha mo para saktan ang anak ko!” sigaw nito.

Hindi siya sumagot.

“Pagbabayaran mo ito!” sigaw nitong muli bago nila nilisan ang silid niya.

Naiwan siyang tulala habang iniintindi ang nangyari at hindi niya inaasahang magagawa niya ang bagay na iyon. 

Dibale, nakaganti na ako kahit papano. Bulong niya sa kaniyang isip bago siya napapikit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status