Share

Chapter 4.1

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2024-01-17 21:24:08

Isang ngiti ang unti- unting sumilay sa mga labi ni Zarah habang nakasandal sa kotse at nakatanaw sa labas ng sasakyan kung saan siya nakasakay ng mga oras na iyon. Sa wakas ay tuluyan na siyang nakalaya sa puder ng mapang- aping madrasta at mga step- sister niya.

Hindi niya inakalang daratin din ang araw na tuluyan siyang makakaalis sa mala- impyernong bahay na iyon ng hindi na niya kinakailangan pang lumayas para makaalis lamang. Habang nasa ganuon siyang ayos ay tila isang ilog na muling rumagasa ang mga alaala niya sa buhay niya dati at kung paano siya itrato ng mga madrasta niya dati.

Mapait man ang naging buhay niya noon, ngayon ay nasisiguro niyang minasanan na iyong magbabago. Sabihin man na matanda at baldado ang lalaking pinakasalan niya ay wala na siyang pakialam pa doon dahil ang mahalaga ay malayo na siya sa mga impaktang mga iyon.

Nasisiguro niyang hindi na siya masusundan pa ng mga ito, pero ang malaki niyang problema ay kapag nalaman ng pinakasalan niya na hindi naman pala siya ang babaeng kakasal sana nito dati sa marriage certificate ay pangalan ni Maja ang nakalagay.

Nahila siya sa kaniyang pag- iisip ng kung ano- ano ng bigla na lamang tumigil ang kotse na hindi niya napansin. Abala kasi ang isip niya sa kaiisip at hindi na rin niya naantabayanan pa ang daan patungo sa magiging bagong bahay niya.

Hindi na niya kinailangang buksan ang pinto ng kotse ng mga oras na iyon dahil may nagbukas na para sa kaniya. Ang ginawa na lamang niya ay ang lumabas ng kotse. Hinintay ng lalaking nagbukas sa kaniya ng pinto na makababa siya at sa totoo nga ay inalalayan pa siya nito hanggang sa makababa siya ng sasakyan.

Ilang sandali pa ay napatingala siya sa magarang mansiyon na nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita at tila ba gusto niyang malula sa laki ng bahay. Iginala niya ang paningin sa kaniyang paligid at nakita niya na isinasara na ng dalawang tao ang napakataas na tarangkahan na halos ilang metro ang taas. Sa tantiya niya nga ay hindi na kita ang bahay sa loob dahil sa taas nito.

Sa gilid ay may fountain at garden na hitik na hitik ng mga bulaklak.

“Senyorita mainit na po, pasok na po kayo sa loob.” 

Dahil sa tinig nito ay nahila siya mula sa kaniyang pagtingin sa paligid. Nilingon niya ito at pagkatapos ay ngumiti. Isang tango lang ang naging sagot niya rito at pagkatapos ay sumunod na siya rito para pumasok ng tuluyan sa loob ng mansiyon.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ay namangha siya sa istraktura sa loob ng mansiyon. Kung sa labas ay maganda na ito, sa loob ay mas lalong mas maganda na naman ang istraktura nito at sa bawak sulok ay kakikitaan ng karangyaan.

Gusto niya tuloy magtaka kung bakit hindi na lang ginusto ni Maja na magpakasal rito lalo pa at mukhang sobrang yaman naman nito kahit pa sabihin na matanda na ito at baldado. Sa papel lang naman na sila magiging mag- asawa pag nagkataon. 

Isa pa ay nasisiguro niyang matutuwa ang mga ito kapag nalaman nila na mayaman ito. Gusto niya tuloy isipin na hindi alam ng mga ito na mayaman ang pakakasalan ni MAja? Posible nga kaya iyon?

Iginiya siya sa kusina ng lalaking sinusundan niya, at doon nakita niya ang isang mahabang mesa na punong- puno ng masarap na pagkain. Ang mga kasambahay ay nakahilera sa gilid at mga naka- uniporme pa ng mga oras na iyon at nang makita nga siya ay kaagad na yumukod upang magbigay galang sa kaniya.

Hindi niya tuloy alam kung anong magiging reaksiyon niya dahil sa ginagawa ng mga ito ng mga oras na iyon dahil hindi naman siya sanay. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiilang hanggang sa bigla na lamang siyang nakapagsalita.

“Naku huwag na kayong yumuko, hindi naman ako dapat niyuyukuran.” sabi niya na medyo nahihiya.

Paano ba naman ay hindi naman siya sanay na ganun ang trato sa kaniya. Mas sanay pa siya na sinisigawsigawan siya at inuutos- utusan lang. Ilang sandali pa ay nag- angat na ng ulo ang mga ito ng tuluyan at pagkatapos ay tiningnan siya.

Hindi siya magaling magbasa ng emosyon na nakapaloob sa mata ng mga tao kaya hindi niya mabasa ang mga mata ng mga ito hanggang sa lumitaw sa kung saan si Mr. Marquez.

“O hija, ano pang hinihintay mo? Para saiyo ang lahat ng ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay ipinaghila siya ng upuan.

Isang nahihiyang ngiti naman ang pinakawalan niya at pagkatapos ay nagpasalamat at umupo sa hinila nitong upuan para sa kaniya.

Umupo na rin ito sa tapat niya na upuan. Pansin niya ang isang upuan sa pinakagitna ng lamesa na may platong nakahanda ngunit wala naman silang ibang kasama doon. Hindi kaya para iyon sa “Asawa” niya sana? Pero nasisiguro niya na hindi na ito nakakagalaw ng mag- isa dahil nga baldado na ito.

“Kumain ka na.” sabi ni Mr. Marquez sa kaniya na ikinatango niya lang naman at pagkatapos ay nag- umpisa na siyang maglagay ng pagkain niya sa kaniyang plato.

Habang nagsasandok siya ay napapasulyap siya sa isang platong nakahanda na nasa pinakagitna ng mesa at kating- kati ang kaniyang dila upang tanungin si Mr. Marquez kung kanino sana ang platong iyon at kung may hinihintay ba silang ibang bisita.

Ito lang yata ang kasal na wala man lang bisita sa mismong araw ng kasal at tila ba walang nakakalam sa kasal na namagitan sa kanila ng may ari ng mansiyon dahil wala man lang siyang ibang nakita na ibang tao doon bukod sa mga kasambahay at mga tauhan nito.

Hindi naman sa nag- eexpect siya ng isang enggrandeng kasal ngunit hindi niya lang talaga maiwasan ang hindi magtaka dahil kahit sino naman siguro ay magtataka.

Gusto niya mang magtanong ay pinigil na lamang niya ang kaniyang sarili at inabala na lamang ang kaniyang isip sa pagnamnam sa bawat putahe na nasa kaniyang harapan.

—--------------

Related chapters

  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 4.2

    Hanggang sa natapos na kumain sina Zarah at Mr. marquez ay walang ibang taong dumating upang umupo sa bakanteng upuan at hindi naman na niya inabala pa ang kaniyang sarili na magtanong rito dahil baka mamaya ay sabihin nito na napaka- matanong niya naman masyado.Pagkatapos na pagkatapos ni Zarah na kumain ay iginiya siya ng ilang kasambahay upang umakyat na sa magiging silid niya sa bahay na iyon. Habang paakyat siya ng paakyat sa hagdan ay hindi niya maiwasan ang mamangha dahil pakiramdam niya ay tila ba nasa bahay siya ng isang bilyonaryo dahil sa ganda ng mga gamit ng bahay.Pagdating nila sa pangalawang palapag ay bumungad sa kanila ang naglalakihang mga pigurin na nasisiguro niyang napakamamahal ng halaga at hindi biro ang mga iyon. Gusto niya mang lapitan ang mga ito at haplusin ay nakaramdam siya ng takot dahil baka mamaya ay mabasag niya ang isa sa mga iyon at pabyaran sa kaniya.Baka kahit buhay niya ang ipambayad niya rito ay hindi niya magagawang bayaran ang halaga nito ka

    Last Updated : 2024-01-17
  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 5

    Napuno ng pagtataka si Zarah nang isang linggo na ang nakalipas ay hindi na niya nakita sa bahay na iyon ang matandang asawa niya. Okay naman ang naging buhay ni Zarah doon sa loob ng isang linggo dahil kumakain siya ng masasarap na mga pagkain, bukod pa doon ay napakarami niyang mga kasambahay na gumagawa sa lahat ng trabaho na dati ay ginagawa niya.Wala siyang ginawa kundi ang mahiga sa kanyang kama. Sa mga unang araw niya ay labis na kasiyahan ang nararamdaman niya ngunit habang tumatagal ay doon niya naisip na parang may problema. Hindi siya pinapayagan na lumabas, doon lang siya sa loob. Pwede siyang lumabas at pumunta sa garden, ngunit ang lumabas sa compound ay mahigpit na ipinagbabawal.Habang patagal ng patagal ay pakiramdam niya ay isa na siyang hayop na nakakulong sa isang hawla. Bagamat, masarap at magaan nga ang buhay niya ngunit hindi naman siya makalabas doon.Eksaktong isang linggo niya na doon at nababagot na siya. Gusto na niyang lumabas at gusto niyang i-enjoy ang

    Last Updated : 2024-12-05
  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Prologue

    “A- anong ibig mong sabihin?” nangingilid ang luhang tanong ni Zarah kay Liam.Ito ang boyfriend niya ng mahigit tatlong taon. Noong nakaraang linggo nga lang ay tuluyan na niyang ipinakilala ito sa kaniyang pamilya. Nagpupumilit na kasi itong ipakilala niya na daw ito sa pamilya niya dahil napakatagal naman na daw nilang magkarelasyon kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito.Nakilala nito ang kaniyang madrasta at ang kaniyang dalawang step- sister na mas bata sa kaniya ng ilang buwan lang dahil nga anak lamang siya sa labas.“Anong ibig kong sabihin ha Zarah? Isa ka palang anak sa labas.” sabi nito sa kaniya na halos pandirihan siya nito. Tumayo ito at pagkatapos ay nameywang sa harap niya. Nasa bahay nila sila ng mga oras na iyon. Pinuntahan siya talaga nito dahil ayon rito ay kailangang- kailangan daw nilang mag- usap. Wala nga siyang kaideya- ideya sa kung anong gustong pag- usapan nito, isa pa ay wala silang usapan na pupunta ito sa bahay nila at bibisita pero ngayon ay gulat

    Last Updated : 2023-11-02
  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 1

    Hindi alam ni Zarah kung ilang araw na ang lumipas simula nang araw na iyon. Yung araw na hiling niya ay sana panaginip lamang at itinituring niyang bangungot ng buhay niya. Ilang araw na nga ba? Apat? Lima? O isang linggo na ang lumipas? Hindi niya sigurado.Basta ang alam niya lang ay hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit na dulot nito. Walang kasing sakit ang talikuran ka ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo ng lubos sa loob ng ilang taon. Tinalikuran siya nito dahil sa napakababaw na rason, iyon ay ang dahil wala siyang mamanahin at dahil lang sa anak siya sa labas.Sobrang sakit na halos hindi niya magawang kumain ng maayos. Ni hindi rin siya makapag- trabaho ng maayos sa bahay nila kaya napilitan ang kaniyang madrasta na kumuha muna ng tagalinis nila. Isa pa ay hindi naman siya nito inobliga na magtrabaho dahil nang araw na iyon ay nawalan talaga siya ng gana sa lahat ng bagay.Idagdag pa na halos ayaw niyang lumabas ng kaniyang silid dahil

    Last Updated : 2023-11-04
  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 2

    Dahil sa nangyari sa pagitan niya at ng kapatid niya ay hindi na siya pinalabas ng silid niya ng madrasta niya. Pinarusahan siya nito dahil sa ginawa daw niya sa anak nito na hindi niya naman pinagsisisihan. Dapat lang iyon sa kaniya dahil malandi ito at kung tutuusin nga ay kulang pa ang ginawa niya rito.Napigilan lang kasi siya e dahil dumating ang mga ito para iligtas ang kapatid niya. Syempre, ito ang kakampihan ng mga ito. Wala naman siyang kakampi sa bahay na iyon kundi ang sarili niya lang. Kung meron nga lang sana siyang ibang pwedeng matuluyan ay lalayas na lang siya doon pero wala naman siyang alam na mapupuntahan niya.Isa pa ay simula ng mawala ang kaniyang ama ay tumigil na siya sa kaniyang pag- aaral. Third year na siya sa kurso niyang business administration. Sino ba naman ang hindi mapipilitang tumigil sa pag- aaral kung hindi naman siya binibigyan ng allowance ng madrasta niya. Pwede sana siyang pumasok kung walking distance lang ang unibersidad na pinapasukan niya m

    Last Updated : 2023-11-05
  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 3

    Nang makabihis na siya ay kaagad siyang iginaya ng tatlo sa isang silid kung saan ay naabutan niya sa loob si Mr. John na may kausap. Magkaharap ang mga ito sa lamesa at kaagad na napalingon sa kaniya nang pumasok siya. Sabay na napatayo angmga ito nang makita siya.“Ito nga pala si Judge Marquez hija. Siya ang mangkakasal sa inyong dalawa ni Master.” sabi nito. Nakipagkamay siya sa Judge na sinabi nito at pagkatapos ay ngumiti. Ngumiti din naman ito pagkatapos ay pinaupo muna siya sa upuan nasa harap nito. Si Mr. Marquez ay lumayo na mula sa harap ng lamesa at pumwesto sa likod niya. Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto na ikinalingon nila ng pare- pareho.Pumasok ang isang lalaki na may tulak- tulak na wheel chair. Sa wheel chair ay may nakasakay na isang matanda na katulad ng inaasahan niya at medyo nakangiwi. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa itsura ng taong pakakasalan niya. Kaya pala ito tinanggihan ng madrasta niya dahil sa its

    Last Updated : 2023-11-08

Latest chapter

  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 4.1

    Isang ngiti ang unti- unting sumilay sa mga labi ni Zarah habang nakasandal sa kotse at nakatanaw sa labas ng sasakyan kung saan siya nakasakay ng mga oras na iyon. Sa wakas ay tuluyan na siyang nakalaya sa puder ng mapang- aping madrasta at mga step- sister niya.Hindi niya inakalang daratin din ang araw na tuluyan siyang makakaalis sa mala- impyernong bahay na iyon ng hindi na niya kinakailangan pang lumayas para makaalis lamang. Habang nasa ganuon siyang ayos ay tila isang ilog na muling rumagasa ang mga alaala niya sa buhay niya dati at kung paano siya itrato ng mga madrasta niya dati.Mapait man ang naging buhay niya noon, ngayon ay nasisiguro niyang minasanan na iyong magbabago. Sabihin man na matanda at baldado ang lalaking pinakasalan niya ay wala na siyang pakialam pa doon dahil ang mahalaga ay malayo na siya sa mga impaktang mga iyon.Nasisiguro niyang hindi na siya masusundan pa ng mga ito, pero ang malaki niyang problema ay kapag nalaman ng pinakasalan niya na hindi naman

  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 3

    Nang makabihis na siya ay kaagad siyang iginaya ng tatlo sa isang silid kung saan ay naabutan niya sa loob si Mr. John na may kausap. Magkaharap ang mga ito sa lamesa at kaagad na napalingon sa kaniya nang pumasok siya. Sabay na napatayo angmga ito nang makita siya.“Ito nga pala si Judge Marquez hija. Siya ang mangkakasal sa inyong dalawa ni Master.” sabi nito. Nakipagkamay siya sa Judge na sinabi nito at pagkatapos ay ngumiti. Ngumiti din naman ito pagkatapos ay pinaupo muna siya sa upuan nasa harap nito. Si Mr. Marquez ay lumayo na mula sa harap ng lamesa at pumwesto sa likod niya. Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto na ikinalingon nila ng pare- pareho.Pumasok ang isang lalaki na may tulak- tulak na wheel chair. Sa wheel chair ay may nakasakay na isang matanda na katulad ng inaasahan niya at medyo nakangiwi. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa itsura ng taong pakakasalan niya. Kaya pala ito tinanggihan ng madrasta niya dahil sa its

  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 2

    Dahil sa nangyari sa pagitan niya at ng kapatid niya ay hindi na siya pinalabas ng silid niya ng madrasta niya. Pinarusahan siya nito dahil sa ginawa daw niya sa anak nito na hindi niya naman pinagsisisihan. Dapat lang iyon sa kaniya dahil malandi ito at kung tutuusin nga ay kulang pa ang ginawa niya rito.Napigilan lang kasi siya e dahil dumating ang mga ito para iligtas ang kapatid niya. Syempre, ito ang kakampihan ng mga ito. Wala naman siyang kakampi sa bahay na iyon kundi ang sarili niya lang. Kung meron nga lang sana siyang ibang pwedeng matuluyan ay lalayas na lang siya doon pero wala naman siyang alam na mapupuntahan niya.Isa pa ay simula ng mawala ang kaniyang ama ay tumigil na siya sa kaniyang pag- aaral. Third year na siya sa kurso niyang business administration. Sino ba naman ang hindi mapipilitang tumigil sa pag- aaral kung hindi naman siya binibigyan ng allowance ng madrasta niya. Pwede sana siyang pumasok kung walking distance lang ang unibersidad na pinapasukan niya m

  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Chapter 1

    Hindi alam ni Zarah kung ilang araw na ang lumipas simula nang araw na iyon. Yung araw na hiling niya ay sana panaginip lamang at itinituring niyang bangungot ng buhay niya. Ilang araw na nga ba? Apat? Lima? O isang linggo na ang lumipas? Hindi niya sigurado.Basta ang alam niya lang ay hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit na dulot nito. Walang kasing sakit ang talikuran ka ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo ng lubos sa loob ng ilang taon. Tinalikuran siya nito dahil sa napakababaw na rason, iyon ay ang dahil wala siyang mamanahin at dahil lang sa anak siya sa labas.Sobrang sakit na halos hindi niya magawang kumain ng maayos. Ni hindi rin siya makapag- trabaho ng maayos sa bahay nila kaya napilitan ang kaniyang madrasta na kumuha muna ng tagalinis nila. Isa pa ay hindi naman siya nito inobliga na magtrabaho dahil nang araw na iyon ay nawalan talaga siya ng gana sa lahat ng bagay.Idagdag pa na halos ayaw niyang lumabas ng kaniyang silid dahil

  • PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|   Prologue

    “A- anong ibig mong sabihin?” nangingilid ang luhang tanong ni Zarah kay Liam.Ito ang boyfriend niya ng mahigit tatlong taon. Noong nakaraang linggo nga lang ay tuluyan na niyang ipinakilala ito sa kaniyang pamilya. Nagpupumilit na kasi itong ipakilala niya na daw ito sa pamilya niya dahil napakatagal naman na daw nilang magkarelasyon kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito.Nakilala nito ang kaniyang madrasta at ang kaniyang dalawang step- sister na mas bata sa kaniya ng ilang buwan lang dahil nga anak lamang siya sa labas.“Anong ibig kong sabihin ha Zarah? Isa ka palang anak sa labas.” sabi nito sa kaniya na halos pandirihan siya nito. Tumayo ito at pagkatapos ay nameywang sa harap niya. Nasa bahay nila sila ng mga oras na iyon. Pinuntahan siya talaga nito dahil ayon rito ay kailangang- kailangan daw nilang mag- usap. Wala nga siyang kaideya- ideya sa kung anong gustong pag- usapan nito, isa pa ay wala silang usapan na pupunta ito sa bahay nila at bibisita pero ngayon ay gulat

DMCA.com Protection Status