Isang ngiti ang unti- unting sumilay sa mga labi ni Zarah habang nakasandal sa kotse at nakatanaw sa labas ng sasakyan kung saan siya nakasakay ng mga oras na iyon. Sa wakas ay tuluyan na siyang nakalaya sa puder ng mapang- aping madrasta at mga step- sister niya.Hindi niya inakalang daratin din ang araw na tuluyan siyang makakaalis sa mala- impyernong bahay na iyon ng hindi na niya kinakailangan pang lumayas para makaalis lamang. Habang nasa ganuon siyang ayos ay tila isang ilog na muling rumagasa ang mga alaala niya sa buhay niya dati at kung paano siya itrato ng mga madrasta niya dati.Mapait man ang naging buhay niya noon, ngayon ay nasisiguro niyang minasanan na iyong magbabago. Sabihin man na matanda at baldado ang lalaking pinakasalan niya ay wala na siyang pakialam pa doon dahil ang mahalaga ay malayo na siya sa mga impaktang mga iyon.Nasisiguro niyang hindi na siya masusundan pa ng mga ito, pero ang malaki niyang problema ay kapag nalaman ng pinakasalan niya na hindi naman
Read more