Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.
Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.
Baka hindi ko na siya makita ulit.
Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako.
"Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto.
"Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Napakabobo talaga." "Hay buti na lang, hindi ako last. Nakakahiya." "Grabe naman si Ma'am, dapat 'di niya nilagay buong rank." "Too much. Nakakahiya naman 'to." "Ano bang nangyayari sa kanya? Bobo ba talaga 'yun?" "Ba't siya nasa top section?" Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa bibig ng mga kaklase ko. First grading ng 10th grade level namin at nilabas ni Ma'am Nel ang buong rank ng klase namin. Ako ang last sa ranking at nakakahiya. Inaamin ko naman na tatanga-tanga ako pero sobra naman yata 'to. Pakiramdam ko, wala na akong mukhang ihaharap sa Monday. 'Di ko na kayang mag-aral! Dahil sa kahihiyan na natatamasa ko, tumakbo ako palabas ng classroom habang pinipigilang umiyak. Ayokong umiyak! Hindi ako mahina! Nagsitinginan sila sa'kin at may ibang naaawa pero 'di ko ka
Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa taong minsan ko lang nakita pero tama siya; hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kailangan kong magsumbong.Nandito ako sa coffee shop sa baba ng condo at kasama ko siya. Magkatitigan lang kami, binabasa bawat galaw, bawat tingin. Baka may kahina-hinala sa kanya. Kailangan kong malaman. Buhay ko ang nakasalalay rito. Nakakapagtaka lang kasi na nakita ko siya sa lugar na 'yun. Sure ba siyang 'di siya kasamahan ng rapist?"Pangalan mo?" Tanong ko at hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kanya."Sol." Walang emosyong sagot niya."Full name." Sabi ko pa. Kinuha ko ang maliit na notebook ko at naghandang magsulat kaya napangisi siya at napailing. Humigop muna siya sa kape niya at muling tumingin sa'kin. Kanina ko pa siya tinititigan kaya hindi ko na makakalimutan ang mukha niya. Subukan niya lang na may gawin sa'kin, ipapablotter ko siy
"Thank God, you're now awake." Rinig ko ang boses ni Atty. Cha pero malabo pa rin siya sa paningin ko. Napangiti ako nang makita ko na siya nang malinaw pero nanghihina pa rin ako. "How are you? Baka mahina ka pa kasi maraming nawalang dugo sa'yo. But don't worry, you'll live." Sabi niya pa habang nakaupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ko. "Ba't hindi mo sinabi, Luna? Kung hindi dahil sa kaibigan mo, hindi ko pa malalaman ang lahat." Sumeryoso na siya. Matanda na si Atty. Cha. Kaedad lang siya ng magulang ko. Alam kong sanay siyang maraming kaaway pero iba ang pamilya ni Marcus kaya ayoko siyang madamay rito.Wala naman akong kaibigan. Anong sinasabi niya? "Kaibigan?" Mahinang sambit ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Inabutan ako ni Atty. Cha ng tubig. Nakita ko rin sa relo niya na alas-otso na kaya napatingin ako sa bintana. Gabi na pala."'Yung Sol. He saved you." Aniya. Napangiti ako nang
"Alam mo, konti na lang, iisipin ko nang may gusto ka sa'kin." Natatawang sabi ko at hindi pa rin kami tapos kumain. May crush siguro to sa'kin. Pero ang dami namang ibang babae dito na kaedad niya at mas maganda pa sa'kin. Bakit ba ako ang kinukulit nito?"Assuming." Bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sisipain ko sana ang paa niyang nasa ilalim ng mesa pero mabilis niyang napigilan ang legs ko gamit ang legs niya. Ba't ko ba kasi 'to kinakalaban? Black belter 'to e. "You're just different from others. You're brave. I like a person who's brave." Aniya at nagpatuloy na lang sa pagkain."So you like me?" Nakangising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano? Sabi mo you like a person who's brave. I'm brave.""I like you as a person." Paglilinaw niya pero mas nilawakan ko ang ngiti ko kaya mas naasar siya. "Seems like it's the other way around. You like
"I'm sick. Mag-enjoy ka na lang." Sabi ko kay Sol na kausap ko ngayon sa phone. Tumawag siya para itanong kung pupunta ako mamaya sa ball. Nagpalusot na lang ako na may sakit ako para naman hindi niya malaman na kaya hindi ako aattend dahil wala akong kasama. Nakakaawa naman ako. Maliban sa kanya, wala na akong kaibigan.Inaalok ako nina Bliss na sumama sa kanila pero ayoko talaga. Baka mapalapit ako sa kanila. Once na sumama ako ngayon, for sure, sunod-sunod na 'yan. Kaya hindi p'wede. Niyaya naman ako ni Leo pero alam ko naman na hindi siya seryoso roon. Masyado lang siyang friendly kaya niyayaya niya lahat. Kaya siguro nanalo siyang SSG President. Matalino at magaling na leader din naman siya."Sick!? I'll be there." Ani Sol kaya mabilis akong napatayo dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo ako sa upuan. Kanina pa kasi ako nagpapakain sa ampon kong kuting."Huwag na, Sol. Mag-enjoy ka na lang. Kwentuhan mo