"Alam mo, konti na lang, iisipin ko nang may gusto ka sa'kin." Natatawang sabi ko at hindi pa rin kami tapos kumain. May crush siguro to sa'kin. Pero ang dami namang ibang babae dito na kaedad niya at mas maganda pa sa'kin. Bakit ba ako ang kinukulit nito?
"Assuming." Bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sisipain ko sana ang paa niyang nasa ilalim ng mesa pero mabilis niyang napigilan ang legs ko gamit ang legs niya. Ba't ko ba kasi 'to kinakalaban? Black belter 'to e. "You're just different from others. You're brave. I like a person who's brave." Aniya at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"So you like me?" Nakangising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano? Sabi mo you like a person who's brave. I'm brave."
"I like you as a person." Paglilinaw niya pero mas nilawakan ko ang ngiti ko kaya mas naasar siya. "Seems like it's the other way around. You like me?" At siya naman ngayon ang napangisi that's why I frowned.
"Assuming." Mahinang sabi ko habang masama ang tingin ko sa kanya. "Sino ba 'tong gustong-gustong makipagkaibigan sa'ting dalawa? 'Di ba, ikaw?"
"Kaibigan. You understand what my intention is but you're giving it another meaning, Luna." Nakangisi pa rin siya kaya napasimangot na talaga ako. Mukhang lahat ng sasabihin ko, gagamitin niya laban sa'kin. Hindi na nga ako magsasalita.
Tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik na sa classroom. Pagkaupo na pagkaupo ko ay nagbasa agad ako kasi ayokong isipin si Sol. Napahiya ako sa sinabi niya ha. Napakaassuming ko pala? Isa pa, pumapasok din kasi sa isip ko 'yung rape incident at 'yung attempted murder na cinommit ni Marcus sa'kin. Bwisit talaga siya!
"What was that?" Excited na tanong ni Bliss at nandito na naman siya sa tabi ko kasama ang tatlo niyang kaibigan. Hays. "Kasama mo si Sol! Ang daya mo! Siya, kinakausap mo. Kami na kaklase mo, hindi. Bakit ayaw mo sa'ming makipagkaibigan?" Ang dami niya pang reklamo at hinintay ko lang siyang matapos bago ako nagsalita.
"Kilala niya ako. Kayo, hindi. At wala akong balak na ipakilala ang buong pagkatao ko." Sabi ko at sinoot ulit ang earphones ko. Napadabog na lang sila at saka umalis sa harapan ko. Mas mabuti na ito na hindi nila ako kilala at hindi sila kilala ng mga taong nagbabalak ng masama sa'kin. By this, makakaligtas sila. Si Sol, iba siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.
Natapos ang klase na lumulutang na naman ang isip ko. Ang boring ng lecture ngayon e. After class, dumiretso na ako labas kasi sigurado na hindi ako titigilan nina Bliss. Mababait naman sila e kaso matataray talaga sila. Nagpapakatotoo sila pero masungit talaga. Pranka rin minsan kaya may naiinis sa kanila. Sinasabi kasi nila ang gusto nilang sabihin na kahit totoo, nakakasakit pa rin. Wala sila sa posisyon kapag nagsasalita. Pero tama naman ang sinasabi nila.
Nasa labas na ako ng school at nag-aabang na ng masasakyan pero may puting van na tumigil sa harapan ko at biglang bumukas ang pinto nito. Tumambad sa'kin ang iilang lalaki na mukhang nasa around 25 years of age kaya nanlaki ang mga mata ko. Naaalala ko sila! Nakita ko sila sa burol nung babaeng narape kasama si Marcus.
Tatakbo na sana ako palayo pero agad na nahawakan nung lalaking nasa pinto ang braso ko. "TULONG!" Sigaw ako nang sigaw habang nagpupumiglas. Sinuntok ko rin bigla ang ilong nung lalaking may hawak sakin kaya nabitawan niya ako pero agad din akong nahawakan ng isa. Sa kakapumiglas ko, ramdam kong bumukas ang tahi ko. Shit! Ang sakit!
"Get off!" Rinig kong sambit na naman ng isang lalaki at bigla niya na lang sinipa sa mukha 'yung humihila sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Nabitawan na rin nila ako at mabilis na tumakbo palayo ang van. Muntik na akong maout of balance pero napasandal ang likod ko sa katawan ni Sol. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. He look so worried. "You okay?" He asked.
Kinakabahan ako pero pinilit ko pa ring ngumiti at tumango. Lumayo na rin ako sa kanya. "Mga... mga kaibigan 'yun ni Marcus." Sumbong ko. Tumango siya nang bahagya na parang alam niya rin iyon. Nagsitinginan na sa'min ang mga tao dahil sa nangyari. Nakita rin ni Sol na bumakat sa uniform ko ang dugo sa tagiliran ko.
Nagsquat siya sa harapan ko na parang gusto niyang sumakay ako sa likod niya. "I'll bring you to the clinic." He said.
"Huwag na! Kaya kong maglakad." Sabi ko at nagsimula ng maglakad papasok ng school. Sumunod naman siya habang nakapamulsa. "Uwi na." Sabi ko pa. Pero sa totoo lang, sana huwag niya akong iwan. Natatakot pa rin ako na baka balikan nila ako. Nakakulong nga si Marcus pero nasa labas naman ang mga kaibigan niya. Don't tell me, kinokombinsi nila si Marcus sa kalokohan nito? Gosh! Kailangan ko ulit yata ng bodyguard.
"I'll stick with you. Next time, call me if you have to go home." Tugon ni Sol.
"Salamat pero huwag na." Mapapahamak pa siya kapag sumama-sama siya sa'kin.
Nasa clinic na ako at inaayos ulit ang sugat ko. Pinayuhan ako ng nurse na ipatahi ko ulit para sure na hindi na bubukas. Pinayuhan niya rin ako na huwag masyadong malikot kasi baka maubusan ako ng dugo kapag bumukas nang todo ang tahi. Lowblood pa rin ako e. Kailangan kong uminom ng maraming ferus.
"'Di ka pa uuwi?" I asked Sol. Nalalakad na kami palabas ng campus at dala niya ang books and bag ko kasi wala naman siyang dala kanina. Nagkaroon pa ako ng instant alalay ngayon.
"Not yet. I have training. But I'll send you home first." He said with his serious face. Ayan na naman 'yung nakakatakot niyang mukha. Parang may binabalak na masama. Hindi na naman maganda ang kutob ko. Baka pagbalik niya mamaya rito sa school, abangan siya nung mga kaibigan ni Marcus.
"Mamaya na ako uuwi. Sa library muna ako. Puntahan mo na lang ako pagkatapos mo." Sabi ko na lang at pumayag naman siya. Gusto kong masiguro na ligtas siya.
Ilang oras din ako sa library na nag-aaral. Hindi pa rin kasi tapos ang exam namin kaya kailangan kong galingan. Nang sabihan ako ng librarian na magsasara na ang library, lumabas na ako. Napagdesisyunan kong puntahan na lang si Sol. Medyo malayo pala ang pinageensayuhan niya. Hindi ba siya napapagod maglakad? Sabagay, mukhang physically fit naman siya.
Nakita ko siyang nasa gitna ng gym at nakasoot siya nung puting pangteakwondo. Hindi ko alam kung anong tawag dun e pero ang cool niya sa soot niya. Tapos ang taas niyang sumipa. Ang seryoso ng mukha niya. Parang galit na galit siya sa kalaban niya. Parang may pinanghuhugutan bawat galaw niya. Ayos lang ba siya?
Nang matapos sila, lumabas na ako. Ayokong malaman niyang nanood ako. Baka iba pa ang isipin niya e. Naghintay na lang ako sa labas. Lumabas siyang basa ang buhok niya. Mukhang nagshower pa siya.
"Hungry?" He asked habang naglalakad kami. Dala niya ang bag niya at T-square niya. Oo nga pala, archi student siya. May dala rin siyang 'yung kulay blue na lalagyan yata ng blueprints. Hindi ako pamilyar sa mga gamit niya.
"Medyo." Sabi ko pero gutom na talaga ako. Hindi ako nagmeryenda at gabi na rin ngayon.
"Let's have a dinner." Aniya sabay kuha ng mga dala kong libro at aagawin niya pa sana ang backpack ko pero pinigilan ko na siya na pinagtaka niya naman. Well, nagtataka rin naman ako sa mga kinikilos niya.
"Hindi naman ako baldado, Sol. Akin na nga 'yan!" Aagawin ko sana sa kanya ang mga libro ko pero nilayo niya ito sa'kin.
"No! Just let me do this." He said na kinakunot ng noo ko. Gusto kong itanong kung bakit pero baka isipin niya, binibigyan ko na naman ng ibang meaning ang mga kilos niya.
"'Di naman siguro bubukas ang sugat ko. Libro lang 'yan." I said and continued walking. Hindi naman siya kumibo. Ang seryoso na naman ng mukha niya. "Tutal mabait ka ngayon, aabusuhin na kita ha." Dagdag ko dahilan para mapatingin na siya sa'kin. "Huwag kang masyadong mag-English. Dumudugo ang tahi ko e. Baka pati ilong ko, dumugo." Natatawang sabi ko. Natawa rin siya nang bahagya at napailing. Pilipino naman kami pareho kaya dapat, Filipino ang language na ginagamit niya. Pagyamanin ang kultura.
"Sorry. I'll try." Sagot niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. English na naman.
Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang isipin 'yung nangyari kanina. For sure, babalikan nila ako. Muntik na ako dun. Noong una, sinaksak ako ni Marcus. Buti at nakaligtas ako. Paano kung sa susunod, hindi na? Ang ikli naman ng buhay. Kapag naaalala ko ang pagkakasaksak sa'kin, talagang natatakot ako. Umiiwas na rin akong dumaan sa liblib na lugar at walang katao-tao. Lumalayo na rin ako sa mga sasakyan. Nakakatrauma kasi talaga.
"Luna." Tawag ni Sol kaya napalingon ako sa kanya.
"Tagalog." Mabilis na sabi ko.
"Yea right." Walang kagana-ganang sabi niya. "San mo gustong kumain?" He asked. Nanlaki ang mga mata ko at sobrang natutuwa talaga ako sa narinig ko. Nagtagalog siya! "Stop that!" Ani Sol sabay takip ng mukha ko gamit ang kanang kamay niya. Kinabig ko ito at natawa.
"Kadiri ka! Naninibago lang ako pero gawin mo palagi para masanay ako at nang hindi ganito ang reaksyon ko." Puna ko.
"Crazy kid." Bulong niya. "So sa'n nga?"
Mas lumawak ang ngiti ko at nag-isip. "Jollibee."
"Not healthy."
"Okay lang. Ngayon lang naman. Alam mo bang ilang buwan na akong hindi nakakatikim ng chicken joy? Vitamin ko 'yun."
Dahil sa kulit ko ay hindi niya na ako natanggihan. Kapag kasama ko si Sol, lumalabas ang totoong ako. Hindi ko kailangang magpanggap na snob at mataray. Hindi ako si Luna na walang emosyon ang mukha. Kapag wala siya, ang seryoso ko at mukhang nakakatakot. Kailangan ko kasi ang maskarang 'yun para katakutan ako ng mga tao at hindi nila ako lapitan. Nang sa gayon, hindi nila ako kakaibiganin at hindi sila mapapahamak nang dahil sa'kin.
"Is this your last supper?" Sol asked while we're eating. I was about to eat another spoon of rice but I stopped when he asked me.
"Pa'no kung oo?" Sagot ko. Narealize kong maikli lang ang buhay kaya gusto kong sulitin lahat. Pero hindi ko naman nilulubos. Kailangan kong gumawa ng paraan para maextend ang buhay ko.
"Don't say that!" Inis na sabi niya at nagpatuloy na rin sa pagkain. Muli kaming natahimik. Kumain lang siya habang ako, nakatulala sa kanya. Kilala na ako ni Sol. Pero hindi ko pa siya kilala nang lubusan. Parang ang dami niyang tinatago. O baka hindi lang talaga ako nagtatanong. Hindi kasi siya pala-k'wento.
"Nakatira ka sa condo, malapit sa building ko 'di ba?" Sabi ko kaya natigilan siya at napatingin sa'kin. "Nasaan ang parents mo? May kapatid ka ba? May mga kaibigan ka?" Tanong ko pa na lalo niyang pinagtaka. "Tinatanong ko lang para naman kilala kita. Alam mo na, baka magtanong si Atty. Cha tungkol sa'yo. Ang pangit naman kung hindi ko kilala ang kaibigan ko."
Hindi agad siya nakakibo. Nakatingin lang siya sa'kin hanggang sa dahan-dahan siyang napangiti at umayos ng upo. "So we're now officially friends. You want to meet my family? My friends?"
Kinabahan ako sa mga sinabi niya at agad na umiling habang winiwave ko ang mga kamay ko. "Hindi! Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Tinatanong ko lang e." Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Mukhang mapapasubo pa ako ah.
"Okay then. My parents is in Canada. I had a little sister."
Natigilan ako sa pagkain at napatingin sa kanya. "Had?"
Tumango siya at huminga nang malalim. Kumain muna siya pero ako, nanatiling nakatingin lang sa kanya. "She died. I failed to protect her." Halatang naging malungkot siya nang mapag-usapan ang kapatid niya. Hay Luna! Manahimik ka na lang kasi.
"Sorry." Mahinang sabi ko.
"It's okay. She was 8 years old when she died. If she's still alive, she's now 15."
"15?" Gulat na tanong ko. Napangiti siya nang pilit at tumango. "Kaedad ko pala siya."
"Yea."
Kaedad ko ang kapatid niya. Siguro, kaya niya 'to ginagawa sa'kin kasi nakikita niya sa'kin ang kapatid niya. Kapatid pala ang tingin niya sa'kin. Ang sweet niya namang kuya. Siguro, kuya Sol na lang ang itatawag ko sa kanya. Para ko rin naman siyang kuya e. Limang taon din naman ang age gap namin.
•••
Lumipas ang mga araw ko at hindi naman na ako napapahamak. 'Yung mga kaibigan ni Marcus, hindi na ako binalikan. Ang huling balita ko sa kanila, nabugbog sila. Sabi nila, kaaway raw nilang grupo ang nakabangga nila. Pero hindi ako naniniwala. Kasi matapos nilang mabugbog at maospital, nakita ko si Sol na may mga pasa sa mukha at masakit ang buong katawan. Nang tanungin ko siya kung anong nangyari, sabi niya, napagtripan lang. Maniniwala ba ako? Kung napagtripan man siya, siguradong grupo ng Marcus na 'yun ang nantrip pero sila pa ang naospital dahil sa kagagawan nila.
"Kuya Sol." Tawag ko nang makita ko siyang papunta sa gym nila.
"I said don't call me Kuya." Inis na sabi niya kaya natawa ako. Ayaw niyang tinatawag ko siyang Kuya kaya galit na galit siya. Ilang buwan ko na siyang kinukuya kaya ilang buwan na siyang pikon. Magkakapimple na yata siya sa stress niya sa'kin.
"Ba't ba? Bagay naman e. Isa pa, kaedad ko nga ang kapatid mo. Ang walang modo ko naman kung---"
"Why are you following me?" Seryosong tanong niya at nandito na kami sa labas ng gym nila kaya hinarap niya na ako. Napalunok ako dahil sa kaba at napaatras.
"Kasi... kasi... heto oh." Inabot ko sa kanya ang isang sulat na kinakunot ng noo niya. "May nagpapabigay. Parang may gusto sa'yo pero natatakot lumapit. Ang sungit mo kasi." Nang kunin niya ang sulat ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Sumigaw pa siyang huwag akong tumakbo. Pero ayoko nga. Baka habulin niya pa ako at piliting magsalita kung kanino galing ang sulat.
Nabasa ko ang nasa sulat.
Sol,
Ang galing mo sa teakwondo. Bawat sipa mo, bumibilib ako. 'Yung seryoso mong mga mata, nakakahanga talaga. Kahit mukha kang masungit at galit sa mundo, alam kong mabuti kang tao. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo at marami pang hahanga sa'yo.
–A :)
'Di ba? Parang may fan na si Kuya Amorsolo. Ang galing din niya magtagalog sa letter pero Inglesera din 'yun kapag nakakausap ko in person. Oo, maraming nagkakagusto kay Sol pero bibihira ang lumalapit sa kanya. Masungit kasi talaga siya. Swerte ko na lang kasi nakikita niya sa'kin ang kapatid niya kaya bibihira lang siya magsungit. Well, palagi nga siyang masungit e. Hindi niya lang talaga ako ini-snob tulad ng ginagawa niya sa ibang tao.
Habang naglalakad ako palabas ng campus, tumawag si Sol.
"Next time, don't do this thing." Seryoso na naman ang boses niya.
"Alin?"
"This letter."
"Hindi naman ako---"
"Don't let other people use you. And if she asks another favor, tell her that I don't have time for this."
"Pero may time ka sa'kin."
I heard him sighed and he sounds frustrated. "You're different from them, Luna. Where are you?"
"Pauwi na. Huwag mo na akong ihatid. Safe naman na e." Sabi ko pa at magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya. "Huwag mo na akong isipin. Hindi mo naman ako kapatid e. Kung may nagugustuhan kang babae, ibigay mo na lang sa kanya ang oras mo. Huwag sa'kin. Nakokonsensya na kasi ako. Palagay ko, dapat pala, hindi na lang ako sumigaw ng tulong that time para hindi ka bumaba sa kotse mo at hindi mo na lang ako nakilala. Sorry." Agad kong binaba ang tawag at mabilis na lumabas ng school. Sumakay agad ako sa bus na punuan na. Nakatayo lang ako. Sinoot ko ang earphones ko at huminga nang malalim. Hindi ako p'wedeng umiyak ngayon lalo pa't maraming tao rito. Nakakahiya naman.
"Siya 'yun!" Rinig kong sabi ng isang boses lalaki bago ko pa iplay ang music. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko sa gulat at takot. Siya 'yung kaibigan ni Marcus. Nakasakay rin siya sa bus kasama ang isang lalaki na kaibigan niya rin.
Lalapitan sana nila ako nang magsalita ako. "Huwag kayong lalapit! Kapag may nangyari pong masama sa'kin, sila ang hanapin niyo!" Sabi ko sa mga pasaherong kasama ko sabay turo doon sa dalawang lalaki na galit na galit na naman.
Nagbulungan ang mga tao kaya nakahinga ako nang maluwag pero natatakot pa rin ako.
"Luna, anong problema?" Tanong ni Leo na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Kilala ko siya. SSG President namin siya sa school at kaklase din namin.
"Pres, anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko at mas lumapit pa sa kanya. Panay ang sulyap ko sa dalawang lalaki na masama ang tingin sa'kin.
"Ginugulo ka ba nila?" Tanong niya pa nang makita niya 'yung dalawang lalaki.
"'Di naman. Ba't wala ka sa training niyo sa teakwondo? 'Di ba kasama mo si Sol doon?" Sabi ko pa at nakita kong kinabahan 'yung dalawang lalaki.
"Sol? Teakwondo?" Kunot-noong tanong ni Leo.
"Oo, 'di ba?" Sabi ko pa sabay kindat para magets niya na kailangan niyang sakyan ang k'wento ko! Sasabunutan ko siya kapag hindi niya ginawa!
"Ah o-oo. Umalis lang ako nang maaga. Buti nakita kita rito." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako at tumango na pinagtataka niya kasi ngayon niya lang siguro ako nakitang kinabahan at ngumiti.
"Oo nga e. Hahatid mo 'ko?" I asked at tiningnan ko siya na pumayag na siya. Sobrang natrauma na ako sa mga kaibigan ni Marcus, lalo na kay Marcus.
"Oo. Sa inyo nga ako papunta e. Sabay na tayo." Sabi niya pa.
Nakita kong bumaba na 'yung dalawang lalaki kaya nakahinga na ako nang maluwag-luwag. Nagbubulungan pa rin 'yung mga pasahero at panay rin ang tingin sa'kin. Gosh!
"Salamat, Pres. Pero joke lang 'yun. Huwag mo na akong ihatid." Sabi ko na lang at sinoot na ang earphones pero tinanggal niya lang din naman.
"Hatid na kita. Baka balikan ka nila. Bakit parang galit sila sa'yo?" Takang tanong niya.
I sighed. "Wala. Mga nakaaway ko lang."
"Kaaway? Kaibigan nila si Marcus na nakulong. Delekado ang grupo nila." Banta niya.
Alam ko. Kaya nga takot na takot ako e. Alam ko rin na kilalang-kilala si Marcus ng ibang estudyante. Hindi ko alam kung paano nila nakilala. Sabi nila, dahil sa sport pero hindi ko alam kung ano. Pero mabuti na rin na hindi nila nalaman na ako ang witness sa krimen na ginawa niya. Ayokong gumulo lalo ang buhay ko.
Hinatid ako ni Leo hanggang sa labas ng building ng condo. Niyaya ko pa siyang pumasok para man lang mapakain ko siya o mapakape pero huwag na raw. May bibilhin lang daw kasi siya sa mall at babalik din sa school. Ang busy niya talaga. Tapos naabala ko pa siya. Hays!
Habang nag-aaral ako, dumating naman si Sol. Pinapasok ko siya pero ayaw niya. Minor daw ako at babae. Baka may ibang makakita, isipin pa nilang may ginagawa kami kaya sinuntok ko ang braso niya. Isa pa, may CCTV naman dito.
"Ang OA mo. Ano bang ginagawa mo rito, KUYA Sol?" Sabi ko na lang at sa labas kami nag-uusap.
"Stop it, Luna! Or else---" Natigilan siya sa pagsasalita pero hindi ako sumabat. Hinintay ko siyang magsalita ulit at dugtungan iyon. "Nevermind. Dinner?"
Huminga ako nang malalim at tinapik siya na lalo niyang kinainis. Halata naman sa mukha ko na bored na bored na ako. Hindi na nga ako nakakagala e. Literal na bahay at school lang ako. About grocery, sinasamahan niya akong bumili. After that, diretso uwi na kami.
"Sol, 'di mo nga ako kapatid. 'Di mo 'ko responsibility. Nakokonsensya na talaga ako."
"Don't be. I just don't have a friend to hang with."
"Then make friends. For sure marami kang magiging kaibigan. Ayaw mo lang."
"I'm making friend. You don't want to, Luna." Aniya kaya kumunot ang noo ko. "I'm enjoying your company, okay? You're not using me to be popular, you stay not because you like me, you just accepted me without knowing who I really am. And that's the friendship I really wanted to have. Is that clear?" Kalmadong sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam na alam niya talaga kung paano ako makukuha e. Sabagay, ayoko rin naman siyang mawala. Pero ayoko lang na palagi na lang kaming magkasama. Baka masanay ako. Paano kapag nawala siya? E 'di maninibago ako. Ayokong manibago. Sawang-sawa na ako diyan. Nanibago ako nang mabuhay ako mag-isa. Nanibago ako nang hindi ko na magawang gumala dahil sa takot ko kay Marcus at nanibago ako sa sarili ko nang maging cold ako sa lahat. Nanibago ako sa sarili ko nang maging seryoso ang mukha ko palagi. Hindi ako sanay na hindi makipagkaibigan. Si Sol lang ang meron ako ngayon bilang kaibigan. 'Pag nawala siya, maninibago na naman ako.
Kinaumagahan ay hinatid na naman ako ni Sol sa school. Magkalapit lang kasi ang building ng condo namin. On the way rin naman sa school.
Pagkarating ko sa school, bumili muna ako ng sandwich at drinks para kay Leo. Dumaan ako sa SSG office nila at nakita ko siya roon. Mag-isa lang siya. Busy siya ngayon.
"Good morning." Casual lang ang pagkakabati ko. Napatingin siya sa'kin at binati rin ako. "Para sa'yo. Gusto ko lang magthank you para kahapon." Nilagay ko sa table niya iyong dala ko.
"'Salamat. 'Di ka na sana nag-abala pa. Kahit sino naman yata, gagawin 'yun." Nakangiting sabi niya.
"Oo. Kung iba man ang tumulong sa'kin, e 'di siya naman ang bibigyan ko niyan." Ngumiti ako nang tipid kaya mas napangiti siya.
"Maganda ka pala kapag nakangiti." Puna niya.
Gusto kong magtaas ng kilay dahil sa sinabi niya. So kapag hindi ako nakangiti, pangit ako? Iyon ba ang gusyo niyang sabihin?
"Sige, alis na ako." Tumalikod na ako pero agad din akong napaharap. "Nga pala, huwag mo na lang sasabihin sa iba 'yung nangyari kagabi. Ayokong mapag-usapan."
Tumango siya at mukhang nalungkot siya. "Pero ireport mo pa rin sa police." Aniya kaya tumango ako nang bahagya.
"Gagawin ko. Salamat ulit. Kung may kailangan ka, magsabi ka lang ha. Tutulong ako. Sige bye!" Mabilis akong naglakad palabas ng SSG office pero mabilis niya rin akong tinawag. Nakatayo siya ngayon sa pinto ng office nila.
"Luna, mag-iingat ka. Malapit na tayong grumaduate." Aniya.
"Oo, alam ko."
Binigyan ko siya ng thank you food dahil niligtas niya ako pero si Sol, ilang beses na akong niligtas pero 'di ko pa siya nabibigyan ng thank you food. Ano kayang gusto niya? Dapat paghandaan ko kasi utang ko sa kanya ang dalawang buhay ko. Ah hindi! Tatlong buhay ko na ang utang ko sa kanya. Una, 'yung hinila niya ako papunta sa mga damuhan para magtago. Pangalawa, 'yung sa parking basement kung saan sinaksak ako ni Marcus. At pangatlo, 'yung muntik na akong makuha ng puting van.
Ang laki na pala ng utang ko sa kanya. Anong ipapakain ko sa kanya? Buffet? Magrerent ba ako ng restaurant?
Habang nagmumuni-muni ako papunta sa classroom, may nakita akong kuting na nasa gilid ng basurahan. Kulay puti at orange ito. Namamayat na siya at mukhang gutom na gutom. Buti na lang at may isa pa akong sandwich. Baon ko sana 'to para hindi na ako lumabas ng classroom kapag breaktime.
Lumapit ako sa nanghihinang kuting at naupo sa tapat niya. Pinagpira-piraso ko ang tinapay at pinakain ang kuting. Buti na lang at kumain siya. Nakakaawa naman ito.
"Nasaan ba ang magulang mo?" I asked. Asa naman akong sasagot 'to. "Kumain ka lang. Dapat mabuhay ka para maabutan ka pa nila kapag bumalik sila." Pinagpatuloy ko lang ang pagpapakain sa kanya. "Nag-iisip ako kanina kung anong ipapakain ko sa kanya bilang thank you. Kaso sa laki ng utang na loob ko sa kanya, hindi ko na alam kung anong pagkain ang p'wede. May isasuggest ka ba?"
"Me?"
"Me!?" Gulat na sabi ko at napailing nang mabilis. Ba't naman sasagot ang pusa? Nababaliw na ba ako?
Ginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko si Sol na may kausap na babae. Seryoso siyang nakatingin sa babaeng mukhang naiiyak na. Pinakinggan ko ang pinag-uusapan nila habang nakaupo lang dito. Hindi naman nila ako nakikita e.
"Yes, please, Sol! Just one night. Be my date for that ball." Pagmamakaawa ng babae. Base sa uniform niya, senior high school student siya. "That'll be my last ball. After graduation, sa ibang school na ako mag-aaral."
"Then choose someone, not me." Malamig na tugon ni Sol at aalis na sana siya pero hinawakan ng babae ang kamay niya na agad namang inagaw ni Sol.
"Please? Ikaw lang naman ang gusto ko e. I've been liking you for so many years. Last ball na 'to na magmamakaawa ako sa'yo. Pagbigyan mo na ako." Naaawa na ako sa babae. Gusto ko siyang yakapin at icomfort kaso hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Natulala na lang ako sa sinabi ni Sol.
"Okay." He said. "Be my date."
So sinong kasama ko sa ball? Kampante pa naman ako na siya. Kasi siya lang naman ang kaibigan ko rito.
Hindi na lang siguro ako aattend. Delekado rin naman na lumabas ako sa gabi.
To be continued...
"I'm sick. Mag-enjoy ka na lang." Sabi ko kay Sol na kausap ko ngayon sa phone. Tumawag siya para itanong kung pupunta ako mamaya sa ball. Nagpalusot na lang ako na may sakit ako para naman hindi niya malaman na kaya hindi ako aattend dahil wala akong kasama. Nakakaawa naman ako. Maliban sa kanya, wala na akong kaibigan.Inaalok ako nina Bliss na sumama sa kanila pero ayoko talaga. Baka mapalapit ako sa kanila. Once na sumama ako ngayon, for sure, sunod-sunod na 'yan. Kaya hindi p'wede. Niyaya naman ako ni Leo pero alam ko naman na hindi siya seryoso roon. Masyado lang siyang friendly kaya niyayaya niya lahat. Kaya siguro nanalo siyang SSG President. Matalino at magaling na leader din naman siya."Sick!? I'll be there." Ani Sol kaya mabilis akong napatayo dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo ako sa upuan. Kanina pa kasi ako nagpapakain sa ampon kong kuting."Huwag na, Sol. Mag-enjoy ka na lang. Kwentuhan mo
Kinaumagahan din ay tanghali na akong nagising. Pagtingin ko sa phone ko, lowbatt na. Hindi ko alam kung bakit pero 'di ko naman 'to ginamit kahapon. Nang makapagcharge ako, bumungad sa'kin ang texts and missed calls ni Sol. Gusto niyang mag-usap kami. Dahil ayokong patagalin ang lahat at kaibigan ko naman siya, pumayag na ako. Isa pa, may iaabot ulit ako sa kanya. Kainis kasi e. Nagdadrama ako kahapon kasama si Leo nang lumapit sa'kin 'yung Alanis para ipaabot kay Sol 'yung letter. Mukhang hindi niya rin kasi nahalata na malungkot ako.Kaya lunch time ngayon at kaharap ko siya rito sa table sa isang resto. Ang pormal namin. Wala pa ring nagsasalita kahit na nandito na ang order namin. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagbibreakfast kasi tinanghali na ako ng gising."Kain muna tayo." Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. Dahil gutom ako ay sunod-sunod lang ang pagsubo ko hanggang sa mabulunan ako. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni
Sa bahay ako nagcelebrate ng Pasko at tulad ng inaasahan, masaya ako na medyo malungkot. Pero lamang ang saya dahil masaya naman talagang kasama sina Nanay Anne at Ate Kiss. Kasama rin namin si Kuya Teddy. Namiss ko talaga sila. After noche buena, napag-usapan namin ang tungkol sa parents ko."Naniniwala po ba kayong aksidente iyon?" mahinahong tanong ko. Hindi sila nakasagot. Parang nag-alala sila sa 'kin dahil sa mga tinatanong ko. Iniisip kasi nila, hindi ko matanggap ang pagkawala nila kaya naghahanap ako ng masisisi. Pero hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi ako naniniwala na aksidente iyon. Kung aksidente man, siguradong may ibang taong gumawa ng aksidente na iyon."Hindi matutuwa ang magulang mo kung mabubuhay ka nang hindi mapayapa," mahinahong sabi naman ni Ate Kiss. "Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa kanila? Iyon ay huwag magpatali sa nakaraan. Tayo ang gagawa ng kasalukuyan natin." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngu
"Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niya
"How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a
"'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun."Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She
Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy
"Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka