Share

Chapter 5

Kinaumagahan din ay tanghali na akong nagising. Pagtingin ko sa phone ko, lowbatt na. Hindi ko alam kung bakit pero 'di ko naman 'to ginamit kahapon. Nang makapagcharge ako, bumungad sa'kin ang texts and missed calls ni Sol. Gusto niyang mag-usap kami. Dahil ayokong patagalin ang lahat at kaibigan ko naman siya, pumayag na ako. Isa pa, may iaabot ulit ako sa kanya. Kainis kasi e. Nagdadrama ako kahapon kasama si Leo nang lumapit sa'kin 'yung Alanis para ipaabot kay Sol 'yung letter. Mukhang hindi niya rin kasi nahalata na malungkot ako.

Kaya lunch time ngayon at kaharap ko siya rito sa table sa isang resto. Ang pormal namin. Wala pa ring nagsasalita kahit na nandito na ang order namin. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagbibreakfast kasi tinanghali na ako ng gising.

"Kain muna tayo." Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. Dahil gutom ako ay sunod-sunod lang ang pagsubo ko hanggang sa mabulunan ako. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Sol. "Sorry, gutom lang. 'Di ako nakapagbreakfast e." Sabi ko. Napangiti siya at tumango nang bahagya. Gosh, Luna! Umakto ka naman na nasaktan ka kagabi sa sinabi niya.

Hays! Ganito talaga ako, hindi nakakapagtanim ng sama ng loob lalo na kung mahalaga sa'kin ang taong nakasakit sa'kin. Mabilis ko silang napapatawad e. Mabilis akong magpatawad kasi ayoko silang mawala sa buhay ko nang ganun-ganun lang. Ayokong mawala sila nang dahil lang sa pride ko.

"Luna, sorry." Mahinang sabi ni Sol kaya napatingin ako sa kanya. He looks apologetic. "I don't want to control your life though. I was just worried. You're like a family to me, you know that. Can't you forgive me?"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niyang pamilya. Maliban kina Atty. Cha, may pamilya pa pala ako sa katauhan ni Sol. Pero sabi niya, hindi kapatid ang tingin niya sa'kin. "Ano mo 'ko as a family?" I asked.

"Brother?" He asked kaya napataas ang kilay ko. Natawa naman siya nang bahagya. "Kidding aside, you're important that's why I want to guard you all the time. Remember when Marcus stabbed you?" Tumango ako at naalala ko na naman ang mukha ni Marcus nang lumapit siya sa'kin that time at sinaksak ako. "I don't want to be scared again like I was that time."

"Bakit?" Kunot-noong tanong ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Gusto kong basahin 'yung kaloob-looban niya.

"I dunno. I was just scared."

Mukhang alam niya naman ang rason pero ayaw niyang sabihin. Ayoko na lang pilitin. Tulad niya, wala rin naman akong karapatang alamin lahat tungkol sa kanya. "Nga pala." Kinuha ko sa bag 'yung letter na dala ko at inabot kay Sol na nakakunot-noo na naman. "Pinapaabot niya ulit. Kung ayaw mo sa kanya, ikaw na lang ang mag-sabi. O kaya bigyan mo rin siya ng letter. Pakiramdam ko kasi, wala akong karapatang sabihin sa kanya na tumigil na siya. Masasaktan siya kung 'di mo kakausapin." Paliwanag ko at hindi naman na umangal pa si Sol.

Pero naisip ko, kung magkakagirlfriend si Sol, mapupunta na sa iba ang atensyon niya. Magandang idea 'yun kasi hindi niya na ako pag-iinitan pa. Ibig sabihin, wala nang Sol na mangungulit. Wala nang mga babaeng isusumpa ako, wala nang mga taong titingnan ako nang masama kapag kasama ko si Sol. Okay na 'yun! Okay na dapat ako dun.

"Kailan mo siya balak kausapin?" Tanong ko. Kailangan ko siyang maunahan para mabalaan ko 'yung Alanis at makapaghanda siya. O kaya makagawa pa ako ng paraan para magustuhan din siya ni Sol.

"I dunno yet." Sabi niya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa kotse niya. Wala na kaming pasok dahil Christmas vacation na. Next year na ang balik namin.

"Sa pasukan na lang." Suggest ko at tumango naman siya. Yes! Makakapaghanda pa ako!

"By the way, after this, do you have plan?"

Umiling ako.

"Great! You wanna meet my friends?" Excited niyang tanong kaya ako, naexcite din ako.

"Sure pero teka! Marunong ba sila ng self-defense?" Tanong ko na kinakunot ng noo niya. Nandito na kami sa labas ng kotse niya, nakasandal siya sa pinto habang nakapamulsa at nakaharap sa'kin. Ang pormal niya kapag nakalong sleeves tapos nakabrush up pa ang buhok. Parang 'yung typical na lalaking nakikipagdate. Nagpapag'wapo yata kasi makikipagkita sa friends niya. "Gusto kong makipagkaibigan sa taong kayang ipagtanggol ang sarili nila kasi alam mo naman, babalikan ni Marcus pati mga mahahalaga sa'kin. Ayokong gamitin sila laban sa'kin. Kung marunong sila ng self-defense, makakalaban sila." Paliwanag ko at napatango naman siya nang bahagya.

"I see..." Mahinang sabi niya habang tumatango. "Don't worry, they are a fighter." Aniya sabay ngiti.

Good!

Pumasok na kami sa sasakyan niya at nagtungo na sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Nakarating kami sa Cavite. Ang layo! Dito raw kasi sila nagkikita-kita minsan. May rest house daw dito ang isa niyang kaibigan at iyon ang tambayan nila.

"Luna, don't isolate yourself just because of Marcus. Make friends and don't be scared, alright?" Aniya nang tumigil na ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay na parang luma na yata. O baka makaluma lang talaga ang design. Malaki ito at may malaki ring bakuran.para kaming nasa hacienda e. Sure ba siyang rest house lang 'to? Mansion ang dating sa'kin e.

"I'll try." Sabi ko at bumaba na kami. Ang tahimik ng lugar. Parang may something pero hindi ako natatakot kasi kasama ko naman si Sol.

Pumasok kami sa bahay at namangha ako sa ganda ng bahay. Gawa sa bato ang bahay pero pang-Spanish era ang interior and exterior design. Maraming antique na gamit at pictures. Nice! "Ang ganda!" Sambit ko pero halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalitang malakas.

"Welcome home, beautiful lady. You're Sol's?" Tanong ng lalaki na ang taas ng energy. Aatakihin ako sa kanya. Sino ba 'to? "Girlfriend?" Dagdag niya pa nang hindi ako makapagsalita. Nabigla ako sa kanya e.

"Oo, babaeng kaibigan." Nakangiting sabi ko sabay shake hands sa kanya. His lips parted and merely nodded but there's confusion in his eyes. "Kaibigan nga." Dagdag ko pa.

"O-oo nga. Kaibigan. What did I said?" Takang tanong niya at napakamot pa siya sa batok niya sabay tingin kay Sol. "So what's up, dude! I missed you!" Tinaas niya ang dalawang kamay niya at makikipag-apir sana sa kanya si Sol pero niyakap siya nung lalaki. LMAO! Natawa ako sa naging reaksyon ni Sol. "Introduce me to her!" Utos nung lalaki nang magbitaw na sila.

Huminga nang malalim si Sol pero mukhang naaasar siya ngayon. Ang sweet kaya nun. "Luna, this is David. David, she's Luna. And I'm warning you, she's just 15." Seryosong sabi ni Sol na pinagtaka ko.

"For what? I'm good, Amorsolo! Don't worry." Nakangiting sabi nung David. Nakakatuwa sila. Isang madaldal at tahimik. Nice! "Let's go!"

Nagtungo na kami sa likod ng bahay nila at bumungad sa'kin ang magandang garden. May nakita pa akong dalawang babae at dalawang lalaki na nag-uusap-usap at natigil sila nang makita ako. Pinakilala ako ni Sol as his friend at sa wakas, nakilala ko na rin ang friends niya na galing sa iba't-ibang school. Naging magkakaibigan sila noong high school sila, sa teakwondo rin. Pero 'yung isang babae, schoolmate ko siya. Nakikita ko siya sa campus at college na rin siya. Pareho sila ng course ni Sol. Baka nga magkaklase pa sila e. Hindi ko lang sure. Basta minsan, nakikita ko siyang kasama si Sol pero ayaw niya lang talagang umamin.

"Bakit?" Tanong ko dun sa babaeng kaibigan ni Sol nang kaming dalawa na lang ang magkasama. Chinita siya, mahaba ang buhok, maputi at mukhang mabait. Siya 'yung babaeng nagpapaabot palagi ng sulat. Siya si Alanis. "I mean, kaibigan mo pala siya rito pero ba't ka pa nagpapatulong sa'kin?" Mahinang tanong ko. Inisip ko na magkaibigan sila pero hindi ko in-expect na ganito ka-close at ganito na katagal.

Ginala niya ang paningin niya at nang masigurong wala nang tao, saka niya ako hinarap. "I just want him to know that there's one person who's liking him, so much. Pero ayokong malaman niya kung sino ako."

Whut? Pero sinabihan ko na si Sol na kausapin siya. "Bakit? Ayaw mo bang makilala ka niya bilang babaeng nagkakagusto sa kanya?"

Umiling siya at ngumiti. "Makokontento muna ako sa ngayon. We're friends and I don't want to gamble, Luna. Especially if I knew that I don't have a chance to him."

"Muna?" I asked and she nodded. "What if may magustuhan siyang iba? O what if may chance kayo? Ayaw mong magtake ng risk?"

"I don't have a chance. I know that. Please don't tell him about me." She begged. Napatango na lang ako pero hindi ako sang-ayon sa gusto niya. Pero kung ako naman ang nasa position niya, matatakot rin akong isakrepisyo ang pagkakaibigan namin. What if may magbago? Sa lagay nila, ang tagal na nilang magkaibigan. Marami nang mawawala at magbabago. Ang hirap naman nun.

But I want to help them! Mabait si Alanis. Aalagaan niya si Sol. Kung may babae man na susuportahan ko para kay Sol, si Alanis na 'yun.

"Sol." Tawag ko sa kanya. Pabalik na kami ngayon sa Maynila at nakasakay na naman ako kotse niya. "Ang saya ng friendship niyo, 'no?" Sabi ko kaya napatango at napangiti siya. "Ang tagal niyo na rin. Close na close na siguro kayong anim." Dagdag ko pa pero 'di na siya kumibo. Hinahayaan niya lang yata akong magsalita. "Lalo na si Alanis! Ang bait niya. Close ba kayong dalawa?" He shrugged so I continued talking. "May boyfriend na ba siya?" Tanong ko dahilan para mapalingon siya sa'kin pero saglit lang.

"Are you Bi or Lesbi?" Kunot-noong tanong niya kaya hinampas ko agad ang ulo niya na kinatawa niya lang.

"Sira-ulo ka? Kapag ba nagtatanong kung may jowa, may gusto agad? What a mindset." Inis na sabi ko.

"You're defensive." Natatawang sabi niya.

"Because I want to defend myself from your accusations. Ay ano ba 'yan! Nakakahawa kayo." Kanina pa kasi sila nag-eenglish e. Nahahawa na ako. Shems!

"Then if you don't like her, do you have a guy crush?" He asked.

"Wala e." Mahinang sabi ko habang nag-iisip. Hindi na talaga ako nagkakacrush ngayon. Sa dati kong school, marami akong happy crush. Pero ngayon, wala na. P'wede si Sol pero b'wisit ang ugali niya minsan. Aasarin niya lang ako kapag sinabi ko. 'Di pwede. Siguro, si Leo, happy crush ko. Nakakawala kasi siya ng stress. Ang saya niya lang. At ang friendly niya. Pero bibihira ko lang naman siyang makausap kasi busy siya. "Si Leo yata. Happy crush ko." Sabi ko sabay ngiti.

"Tss! That happy crush will hurt you in the long run, kiddo." Mataray niyang sabi kaya tinarayan ko rin siya. Hindi naman ako umaasa kay Leo. In fact, expectations are the root of all heartaches. And I'm not expecting anything from him. Matalino siya, approachable, mabait, friendly, and he's always smiling. Para siyang sunshine na naglalakad sa campus. Hanggang doon lang.

•••

"Teka, nakakahingal na." Hinihingal na sabi ko at napasandal ako sa puno rito sa park. Hinila ako ni Sol at pinatayo nang maayos.

"Breath deep. Inhale exhale!" Aniya kaya sinunod ko naman siya hanggang sa mawala na 'yung sobrang hingal ko. Hindi na ako makahinga nang maayos kanina.

Sabi niya kasi, kailangan ko raw magpaaraw at mag-excercise para bumalik na ang dati kong sigla at dugo. Para hindi na ako mahilo sa simpleng biglaang galaw lang. Infairness naman, effective ang ginagawa namin sa'kin. Isa pa, nawawala 'yung lungkot ko kapag nag-eexcercise. Ilang beses na namin 'tong ginagawa.

"You're sweaty." Ani Sol at pinunasan ang pawis ko sa mukha pero inagaw ko sa kanya ang towel. Natawa siya nang bahagya at uminom ng tubig. "You wanna eat?" He asked after.

"Oo pero 'di ba bawal 'yun? Ba't pa tayo nag-excercise kung kakain rin naman tayo agad?" Takang tanong ko.

"We're not on a diet, Luna. You have to eat."

Natuwa ako sa sinabi niya kaya sinakbit ko agad ang kamay ko sa braso niya. Hindi ako kasi siya maakbayan. Ang tangkad niya. "Aba, ako lang? Syempre ikaw rin. Tara at magchicken joy!!" Hinila ko na siya papunta sa Jollibee na nakikita ko mula rito sa park. Nagreklamo siya na hindi healthy pero mapilit ako e. Ito ang ikalawang beses kong kakain sa Jollibee since the day that I witnessed Marcus' rape and murder case. Pampawala ko ng stress ang chicken nila. May something talaga sa manok nila e. Pero 'di ko matukoy. Kakaiba ang lasa.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang tingnan 'yung mga batang kumakain kasama ang pamilya nila. Nakakamiss maging bata. Nung bata ako, never kong nakasama ang pamilya ko rito. Bawal daw, kasi 'di healthy. Anong 'di healthy? Pagkain din naman ito. Tsk!

"Luna." Tawag sa'kin ni Sol kaya napatingin ako sa kanya. "Where do you plan spending Christmas?"

Pasko? Ito ang unang pasko na mag-isa ako. Saan ako magpapasko? Sa condo? Mag-isa lang ako? Kung umuwi kaya ako sa bahay? Nandun 'yung house keeper namin at may helper din kami dun. On going pa rin ang pasahod sa kanila, syempre. May stocks na rin kasi ako at ang daming naiwan sa'kin ng magulang ko. Ang iba, si Atty. Cha ang tumitingin-tingin. After high school, tuturuan niya na ako. Kahit 'di ako magtrabaho, mabubuhay ko. Pero sana, sila na lang ang nag-paiwan dito. Aanhin ko ang yaman kung wala sila? Ang lungkot ng buhay.

"You can spend that with me." Dagdag niya nang hindi ako makakibo. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. "Let's spend Christmas together."

"P-pero 'yung parents mo? 'Di sila uuwi?"

"They will. But I can have a Christmas with them next year. Or after Christmas eve. You can meet them." Nakangiting sabi niya.

Umiling ako na pinagtaka niya. "Huwag, Sol. Cherish every moment with them. Hindi mo alam kung hanggang kailan lang sila sa mundo." Ngumiti ako nang pilit kasi nalulungkot talaga ako. Nasasaktan ako. Gusto kong umiyak. Namimiss ko na sila nang sobra.

"Why are you crying?" He asked as he wiped my tears using his thumb.

Umiling ako at agad na pinunasan ang luha ko. Traydor na mga luha 'to! "Namimiss ko lang parents ko. Siguro, magcecelebrate na lang ako kina Atty. Cha. Pamilya ko naman na siya e."

"Are you sure?" He sounds worried so I forced a smile and nodded. In fact, I've spent lots of Christmas with Atty. Cha and her family but of course, with my parents. This Christmas will be kinda different because they're not here; but there's Atty. Cha. "Luna, do you want to do something?" He asked again. Mukhang hindi rin siya naniniwala na totoo ang ngiti ko.

"Nothing. Kapag mag-isa ako, nagbabasa lang ako ng books. Ikaw?" I asked and I continued eating.

"I meant, do you want to do something today? Or go somewhere?" Aniya kaya napaisip naman ako agad.

"Sa bahay sana. Kaso next time na lang." Sabi ko habang hinihimay ko 'yung manok pero natigilan ako at napatingin kay Sol nang magsalita.

"I'll come with you... if that's okay with you?"

Ba't siya sasama? Dahil ba naaawa siya sa'kin kasi malungkot ako? O dahil wala lang din siyang magawa ngayon?

December 23 ngayon at dahil masaya ang buong paligid ko, ayokong malungkot. Pumayag na ako sa idea ni Sol at nagtungo nga kami sa bahay ko.

"This is... big." Sabi ni Sol nang makalabas na kami sa kotse at nasa tapat kami ng gate ng bahay. Nakatingala siya sa bahay na nasa loob ng malaking gate namin na kulay dark brown.

"Big... but sad." Mahinang sabi ko. Dati, ang saya ko rito. Kahit maraming business ang parents ko, nagagawa nilang maglaan ng oras para sa'kin. Sinisigurado nilang lalaki akong mabuting tao. Lumaki ba akong mabuting tao? We'll find out!

"You'll be happy, someday. Just wait." Ani Sol na tinapik ang balikat ko at inakbayan ako habang nakangiti. Napangiti rin ako at huminga nang malalim.

"Pasok tayo." Hinila ko siya papasok at nakita ako ng guard – si Kuya Teddy. "Good morning po." Bati ko sa kanya at nagulat siya nang makita ako. Kinusot-kusot niya pa ang mga mata niya.

"Miss Almira!" Tuwang-tuwang sabi niya habang binubuksan ang gate at pinapasok na kami. "Pasok po kayo. Grabe, namiss namin kayo rito." Ang kulit talaga ni Kuya Teddy. Haha.

"Kuya, Luna na lang po. Alam niyo naman, 'di ba? Oo nga po pala, si Sol. Kaibigan ko po. Sol si Kuya Teddy, ang gwapo naming superhero." Pakilala ko sa kanilang dalawa. Nagshake hands pa sila bago kami tumuloy sa loob. Nasa pinto pa lang kami, pumasok agad sa isipan ko lahat ng memories namin dito sa bahay. 'Yung sofa, table, carpet, pati 'yung hagdan kung saan ako nahulog noong bata pa ako kasi ang likot ko. Pati 'yung room ko sa ilalim ng hagdan kung saan ako tumatambay kapag tinatamad akong umakyat sa k'warto ko. Namimiss ko lahat. Pero pinili kong umalis kasi hindi ko kayang mabuhay sa past memories ko. Para akong pinapatay sa lungkot kapag naaalala ko lahat ng masasayang memory.

"We can leave if you want." Sabi ni Sol na tinapik na naman ang balikat ko. Mukhang nag-aalala nga siya sa'kin.

Ngumiti ako nang pilit at pinunasan ang luha ko. "Pasok tayo." Sabi ko at saktong nakasalubong namin si Nanay Anne, ang mayordoma namin dito sa bahay. Nagitla siya nang makita ako. Para siyang nakakita ng multo.

"Naayy!" Sigaw ko at tumakbo ako palapit sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit habang siya, nanigas sa kinatatayuan niya. Nang bumitaw ako, nakita ko siyang umiiyak. "Nay, namiss ko po kayo. Si Ate Kiss po?" Tanong ko pa.

Napaiyak na talaga siya. "Ano ka bang bata ka! Papatayin mo 'ko sa gulat e. Hali ka nga rito!" Hinila niya ako at niyakap rin nang mahigpit. Natawa na lang ako. Matanda na si Nanay Anne at anak niya si Ate Kiss na nanilbihan din sa'min noong bata pa siya pero ngayon, graduate na siyang nursing. Madalas ay dumadalaw siya rito sa bahay kasi ayaw magquit sa trabaho ng nanay niya. Pamilya na rin namin sila pero mas close lang talaga ako kina Atty. Cha at sa anak niyang si Ate Jaida. Nasa ibang bansa kasi si Ate Jaida para mag-aral.

"Nay, si Sol po pala." Hinila ko si Sol palapit sa'min at ngumiti naman si Sol.

"Ang gwapo naman ng boyfriend mo." Nakangiting sabi ni Nanay Anne na tinawanan nang bahagya ni Sol.

"Nay, hindi po. Kaibigan ko po siya. Sol, si Nanay Anne, ang reyna ng bahay na ito. Madalas siya ang nasusunod dito e." Natatawang sabi ko. Lubos kasi ang tiwala ng magulang ko sa kanya. Parte na talaga sila ng pamilya.

"Good morning po, Ma'am." Pormal na bati ni Sol kaya tinapik ko ang braso niya.

"Nanay na lang." I said.

Nagpaalam kami kay Nanay Anne na maglilibot muna kami ni Sol sa buong bahay. Magluluto naman daw si Nanay ng makakain namin. Sabi ko, huwag na dahil busog pa kami. Pero dito na kami maglalunch.

"As I can see, you're really that rich, Luna. But you're acting like you weren't." Puna ni Sol nang makalabas kami sa likod kung saan ang pool namin.

"Dahil lang sa bahay?" Natatawang sabi ko.

"No. Based on what you're hiding. You still have a family. A lot of people loving you. You're rich but you're acting that you weren't. You're sad most of the time."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Tama siya! May pamilya pa ako. Bakit sinasarili ko ang pagluluksa? Maraming taong dadamayan ako sa lungkot. Maraming tutulong sa'kin. Bakit hindi ko agad 'yun nakita? Mas pinili kong i-isolate ang sarili ko sa ginawa kong mundong ako lang ang makakapasok dahil takot akong maalala 'yung mga masasayang alaala na lalong nagpapalungkot sa'kin.

"Alam ko na kung saan ako this Christmas. Invited ka rin kung gusto mo. Pero spend your Christmas with your parents, ha." Sabi ko habang nakangiti. Napangiti rin siya at tumango.

Huminga ako nang malalim at maglalakad na sana papasok sa bahay nang hinalihan ni Sol ang braso ko at kinulong niya ako sa mga braso niya. Sa gulat ko, hindi ako nakagalaw agad. Bigla na lang bumilis ang heartbeat ko. Dahil ba sa gulat? Shems! Ang bango ni Sol kahit na hindi pa siya nagpapalit ng damit matapos namin magjogging kanina.

"You can make it, Luna. You'll be alright." Bulong niya sa'kin.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status