Dalawang taong anibersaryo ng mag-asawang Dindo at Annabelle, pinaghanda ni Annabelle ang asawa ng mga paborito nitong pagkain upang kanilang pagsaluhan. Gabi na noon at wala pa rin ang asawa niya, matiyaga siyang naghintay hanggang sa umuwi itong lasing, labis-labis ang pagkainis niya sa asawa sapagkat hindi nito naalala ang mahalagang okasyon ng kanilang pagsasama. Hindi niya inasahan ang pangyayaring bumago sa takbo ng kanilang pagmamahalan. Napagtanto ni Annabelle na mayroong kerida ang kaniyang asawa at ito'y inamin din naman nito sa kaniya. Nang gabing iyon ay pinahirapan siya nito, niyurakan ang kaniyang pagkababae at dangal. Kinulong siya nito sa loob ng basement. Akala niya ay doon na siya mamalagi nang mahabang panahon ngunit sa kabutihan palad ay nakaligtas siya mula sa madilim na basement na iyon sa tulong ng kaniyang pinsan na si Slyvia. Lumipas ang isang taon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Annabelle ang masalimuot na pangyayari ng kaniyang buhay sa kamay ng dating asawa. Sa isang grocery store ay nagtagpo ang landas nilang mag-asawa kasama ang kabit nitong si Carla, walang kaalam-alam ito na kaharap na pala nito ang asawa ni Dindo. Hindi naglaon ay bumaliktad ang mundo nina Dindo at Annabelle matapos pumayag ni Dindo na maging drayber ng dating asawa. Nakilala rin ni Annabelle si Mr. Khou at nahumaling ito sa kaniya. Kitang-kita ni Annabelle ang pagngingitngit ng dating asawa kaya naman sinamantala niya ito. Umaayon ang takbo ng panahon sa kaniyang mga binabalak para sa dating asawa. Sa pagpapatuloy ng kuwento ay nais lang naman ni Annabelle na makapaghiganti sa kaniyang asawa dahil sa madilim na karanasan niya rito na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang kauna-unahang baby. Makakayanan bang mahalin muli ang taong nakapanakit sa iyo? O handa mong dungisan ang iyong mga kamay para makapaghiganti sa kaniya?
View MoreKABANATA 10: Muling nagkrus ang landas namin ng kerida ng magaling kong asawa na si Dindo. Nasa park din pala ang babaeng iyon, mukhang may naaamoy akong malansa. Sambit ng aking isipan habang naglalakad sa gawin iyon ng park. "Anong ginagawa mo rito, Belle?" tanong niyang iyon sa akin nang huminto kami pareho sa paglalakad. "Bakit masama bang nandito ako sa park? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao, mayroong mga bata, matatanda at magkasintahan. Ibinaling ko muli ang aking paningin kay Carla at sabay sabing, " Baka nagdate kami ni Dindo," pang-iinis ko sa kanya na alam kong ikakausok ng ilong niya. "Ang kapal ng mukha mong agawin ang pagmamay-ari ko!" inis niyang sambit sa akin na ikinahalakhak ko.
KABANATA 9: Nakahanap naman ako ng murang apartment sa tulong ng kaibigan kong si Donna. Matagal ko nang kilala siya at isa sa mga nakaaalam ng aking mga plano. "Maraming salamat sa iyo, Donna," hinging pasasalamat ko sa kanya. "It's my pleasure to help you anytime you need me, hindi ko ma-attempt napabayaan ka. Since high school magkaibigan na tayo and I can't imagine na hindi ka matulungan gayong kaya ko naman," mahaba niyang sambit sa akin. Niyakap pa niya ako. Pakiramdam ko nagkaroon na naman ako ng bagong kakampi. "I am very happy to hear that, Donna. Ikaw na lang ang natitira kong kaibigan at kasangga," maluha-luhang kong sambit sa kanya. "Huwag na tayong magdrama pa, ayaw kong masira ang aking make up. May date pa kami ng aking jowa!" Pinahid niya ang mga luhang ito sa kanyang pisngi
KABANATA 8: Inihatid ako ni Mr. Khou sa aking tinutuluyan marami pa kaming napag-usapan. Nalaman ko na isa pala siyang balo at ang ikinamatay ng dati niyang asawa ay cancer of the breasts. "Maraming salamat sa masayang kwentuhan at salamat sa pagpapaunlak sa akin," hinging pasasalamat muli ni Mr. Khou sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan. "I really enjoyed your company, Mr. Khou," nakangiti kong sagot at bumaba na ako ng sasakyan niya. Inihatid ko nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Mr. Khou papasok na sana ako sa loob nang dumating si Dindo. Lasing na lasing ito at tila wala sa sariling katinuan. "Dumating ka na pala!" pasuray-suray niyang sabi sa akin at saka lumapit sa aking kinaroroonan. "Pwede ba, Dindo umuwi ka na sa inyo. Lasing ka!" pagtataboy ko sa kanya. "Wow! Pinapaalis muna ako ngayon. Akala ko ba ayaw m
KABANATA 7: Pagpasok ko sa opisina ay nabigla ako sa isang bouquet nasa table ko at mayroon pang kasamang tsokolate. Nakangiti akong tinungo ang aking table at binasa ang maliit na card. You are always in my heart, the first time I met you it's just a rolling coaster that I'll never forget to happen in my entire life. See you later, susunduin kita after office hour. Mr. Khou Hindi ko sukat akalain na mabibighani sa akin si Mr. Khou, isa itong matipunong lalaki at higit sa lahat ay multi-millionaire. Ang balita ko rito ay pihikan sa babae, hindi basta-basta nakikipagdate at kapag natipuhan ka raw nito ay tiyak idadate ka sa mamahaling restawran. Hawak ko ang mga magagandang bulaklak na bigay ni Mr. Khou nang nag ring ang aking telepono. Sandali kong binitiwan ang mga bulaklak upang sagutin ang tumatawag
KABANATA 6: Palubog na ang araw ng hapong iyon. Sinadya kong hindi sumabay kay Dindo dahil balak kong makipagkita kay Carla. Nais kong gumanti ng sampal at sabunot na ginawa niya sa akin. Kaya naman lihim ko siyang pinuntahan sa kanila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kaagad ko siyang sinampal at sinabunutan. "Surprise!" sabi ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay ko!" sabi niyang iyon habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na kakasampal ko pa lang. "Hindi ba obvious kung bakit ako narito sa bahay na sinasabi mo, wala ka talagang kaalam-alam, Carla!" Pailing-iling kong sagot sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" maang niyang tanong sa akin habang nakakunot ang kilay. "
KABANATA 5: Kinabukasan ay maagang pumunta si Dindo sa bahay, nagtataka ako kung bakit napakaaga niya dahil ang usapan namin ay mga alas otso niya ako susunduin subalit alas siyete pa lamang ay naroon na siya. "Ang aga mo naman, Dindo. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya sabay tungga sa mainit kong tea. "Nag-away na naman kami ni Carla, gusto niyang mag resign na ako," bumuntonghiningang sambit niya sa akin. "Nagseselos ba siya sa akin? Kung malalaman lang niya, tiyak kong mas lalo siyang maghihimutok." Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina. Tamang-tama may niluto naman akong fried egg at hotdog. Kinuha ko rin ang stock kong korean noodles at pinakain kay Dindo. Lumabas ako sa kusina bitbit ang almusal para kay Dindo. "Nakakahiya naman, pero salamat dahil—" "Namiss kitang ipaghanda ng m
KABANATA 4: "Talagang pumayag ka na hawak-hawakan ka ng pangit na Mr. Khou na iyon!" ang tila inis na sambit ni Dindo sa akin ng makapasok ako sa loob ng aking kotse. "Nagseselos ka ba, Dindo?" diretsahan kong pagtatanong sa kanya. "Why would I?" ang hindi makatingin niyang sagot sa akin. "It seems that you are jealous to Mr. Khou, huwag ka ng magkunwari pa, kilala kita," "Wala naman akong karapatan sa buhay mo, ang akin lang huwag mong ibaba ang pagkababae mo para lang makapag close ng deal," sambit niyang iyon sa akin na hindi ko nagustuhan. "Are you saying na—" "It's not what you think, okay?" mabilis niyang sagot sa akin. " I'm sorry with that, baka mamaya tanggalin mo na lang ako bigla," dagdag pa niyang iyon sa akin. "Hindi ko gagawin iyon, Dindo. Pumunta ngayon sa pansitan ni Aling Dana. '
KABANATA 3:Abala ako noon sa pagmamalengke nang magkrus ang landas namin ni Carla. Nagulat ako nang kalabitin niya ako sa tagiliran."P-pwede ba tayong mag-usap?" seryoso niyang tanong sa akin, nakita ko ang mga mata niya. Punong-puno nang pagsusumamo."S-sure!" tipid kong sagot at sinundan siya.Sa isang mini-cafe nagpasya kaming mag-usap ni Carla nang umagang iyon."I-I know na may nagawang hindi tama si Dindo sa iyo pero sana—"Hindi ko na pinatapos ang pagsasalitang iyon ni Carla at agad na akong umimik sa kanya."Pinakiusapan ka ba ni Dindo para kausapin ako?" tanong ko sa kanya.Subalit umiling lang siya sa akin. Napansin ko ang pasa sa kaliwa niyang pisngi na tila ba pinagbuhatan siya ni Dindo."What happened to your face?" kunot noo na tanong ko sa kanya at bahagyang hinawakan
KABANATA 2:Padabog kong sinara ang pinto ng aking sasakyan pag-uwi ko sa bahay ni Sylvia. Kaagad niya akong nilapitan upang kumustahin ang naging pagkikita namin ng dati kong asawa."How can he do this to me?" halos magulo ko ang aking buhok sa sinabi kong iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya akong saktan ng ganoon ni Dindo."I told you, this is not right upang maghiganti. Baka sa huli ikaw rin ang masaktan," paalala ni Sylvia sa akin.Ngunit sadyang matigas ang ulo, ayaw kong pakinggan ang mga payong iyon ni Sylvia sa akin. Sumagot muli ako rito,"Wala nang sasakit pa sa akin Sylvia, nang mawala ang baby ko parang namatay na rin ako, Sylvia. Hindi ko man lang nayakap ang baby ko. Kaya sabihin mo sa akin, masama bang maghiganti ako?" hindi ko mapigilan ang emosyon ko at muling dumaloy ang mainit na luha sa aking pisngi.Hanggang ngayon ay hindi ko pa
PROLOGO:Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon sa buhay namin ni Dindo na siyang nagpabago sa aming samahan bilang mag-asawa.Dalawang taon na kaming kasal ni Dindo kaya naman naghanda ako nang kaunting salu salo para sa aming dalawa.Inihanda ko na sa lamesa ang paborito nitong adobong pusit, sinigang na baboy at malamig na softdrinks. Hindi naman kasi mahilig uminom ng alak si Dindo kaya naman masasabi kong napakaswerte ko sa lalaking naging asawa ko.Maya-maya'y dumating na si Dindo nakangiti ko siyang sinalubong subalit ang mga ngiti kong iyon ay napalitan ng pagtataka."Hon, bakit parang nakainom ka?" tanong ko rito."Nayaya lamang ako ni Pareng Aldo. Hindi na ako makatanggi pa, anong mayroon at ang dami mo yatang nilutong ulam?" kunot noo na tanong nito sa akin."Wala ka bang naaalala?" balik kong tanong dito. Lumapit ako sa kany...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments