KABANATA 10:
Muling nagkrus ang landas namin ng kerida ng magaling kong asawa na si Dindo.
Nasa park din pala ang babaeng iyon, mukhang may naaamoy akong malansa. Sambit ng aking isipan habang naglalakad sa gawin iyon ng park.
"Anong ginagawa mo rito, Belle?" tanong niyang iyon sa akin nang huminto kami pareho sa paglalakad.
"Bakit masama bang nandito ako sa park? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao, mayroong mga bata, matatanda at magkasintahan. Ibinaling ko muli ang aking paningin kay Carla at sabay sabing, " Baka nagdate kami ni Dindo," pang-iinis ko sa kanya na alam kong ikakausok ng ilong niya.
"Ang kapal ng mukha mong agawin ang pagmamay-ari ko!" inis niyang sambit sa akin na ikinahalakhak ko.
"Pagmamay-ari?" sagot kong iyon habang pailing-iling. "Nakakatawa ang sinabi mong iyan, Carla!" Humahagikhik kong dagdag na sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo niyang pagtatanong. Kitang-kita ko ang malaking katanungan sa kanyang pagmumukha. Wala talaga siyang kaalam-alam.
"Nakakaawa ka, Carla. Matagal ka nang niloloko ni Dindo, nagawa nga niya sa akin, sa iyo pa kaya?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw pala ang mga tipo ng asawa ko,"
"Asawa?" gulat niyang tanong na ikinalaki pa ng kanyang mga mata. Hindi ko ibig pang sabihin ang bagay na ito kay Carla subalit hindi na ako makapaghintay na tuluyang magkasira sila ni Dindo.
"Ako lang naman ang nag-iisang asawa ni Dindo," seryoso kong pagkakasabi sa kanya.
"Sinungaling ka! Kung inaakala mo na masisira mo kami ni Dindo, nagkakamali ka! Mahal ako ni Dindo at wala siyang asawa na tulad mo!" matapang na sagot sa akin ni Carla na animo'y Leon na maaaring manakmal sa ilang sandali.
"Well, wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala sa akin. Bakit hindi mo tawagan si Dindo, alamin mo ang buong katotohanan. Now is the time!" napangiti ko pang sambit sa kanya.
"Wala ka talagang magawang matino, Belle. Simula nang dumating ka sa buhay namin ni Dindo, nagkasunod-sunod na ang kamalasan namin sa buhay, dahil iyon sa pakikialam mo!" galit na niyang panduduro sa akin.
"Ikaw ang nanghimasok sa buhay namin ni Dindo, kung hindi dahil diyan sa kakatihan mo, hindi sana kami nagkahiwalay ng asawa ko!" mulagat kong sagot sa kanya. Wala akong pakialam kung marinig ako ng mga taong namamasyal sa park.
"Isa kang baliw! Paano ka naging asawa ni Dindo, ilusyonada!" gigil niyang sabi sa akin na patuloy na hindi naniniwala sa aking rebelasyon.
"Puwes si Dindo na ang sasagot ng mga dapat mong malaman!" Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Dindo upang malaman na ni Carla ang katotohanan.
Ilang sandali pa ay nasisilayan ko na ang paparating na si Dindo. Todo ngiti siya sa akin at walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis, Belle!" ngiting bungad sa akin ni Dindo. Napatingin siya sa kanyang likuran at napansin niyang naroon si Carla. Ikanabigla pa ni Dindo na makita ang kanyang kerida na 'di hamak na mas maganda ako.
"Carla, a-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dindo na halatang namumutla nang araw ring iyon. Nakikita kong mala-pelikula ang datingan para sa kanilang dalawa.
"Dindo, bakit hindi mo kaya sabihin sa kanya na ako ang iyong asawa?" may paglalambing kong sabi sa harapan ni Carla.
Ibinaling ni Dindo ang tingin sa akin. Alam ko sa mga oras na ito hindi na niya maitago ang kabang bumabagabag sa d****b niya.
Sunod-sunod siyang napalunok sa sariling laway.
"Asawa mo ba si Belle?" tanong ni Carla kay Dindo. Hinihintay ko ang kasagutan iyon ni Dindo.
"Ano Dindo, ito na ang tamang panahon para sabihin mo sa kerida mo ang totoo," pagpupumilit kong sambit sa kanya.
"C-Carla, I'm so-sorry hindi ko sinabi ang totoo. Si Belle, siya ang legal kong asawa," malungkot niyang bulalas kay Carla. Hindi ko inasahan ang susunod na gagawin ni Carla kay Dindo. Isang malutong magkabilang sampal ang ginawad ni Carla sa dati kong asawa.
"Hanggang kailan mo balak na ilihim ang bagay na ito sa 'kin?" ang halos maiyak na sabi ni Carla kay Dindo. Hindi ko maunawaan ang damdaming kumurot sa aking d****b. Bigla akong naawa kay Carla, isa siyang biktima sa pangangaliwa ni Dindo sa kanya.
"Sasabihin ko naman ang lahat naunahan lang ako ni Belle," baling sa akin ni Dindo.
"So, kasalanan ko pa pala? How dare you, Dindo?" inis kong itinulak siya at naglakad papalayo. Tatangkain pa sana akong habulin ni Dindo ngunit biglang nagsalita si Carla na ikinatigil niya.
"Sumubok mo siyang habulin, hinding-hindi mo na makikita ang anak mo!" pananakot na sambit ni Carla kay Dindo.
Hinayaan kong pumili si Dindo at tama ako sa aking naisip. Higit niyang mahal si Carla dahil sa naibigay nito ang anak na hindi ko naibigay sa kanya.
Naiyak na lamang ako sapagkat sinampal ako nang katotohanan na hindi ako kayang piliin ni Dindo.
Ngayon alam ko na ang susunod na plano at hindi ako papayag na matalo at magdusa. Humanda ka Dindo at Carla!
"Gawin mo ang nararapat, huwag Kang papayag na matalo ng kerida ng asawa mo," ani Donna sa akin.
"Ngayon mas magiging maingat na ako sa among nararamdaman para kay Dindo," saad kong iyon kay Donna.
"Nasa likod mo ako friend," pagpapalakas loob na sambit ni Donna sa akin.
Napabuntonghininga ako.
"Salamat, Donna!" buong pusong pasasalamat ko sa asking kaibigan.
"Hindi na ako magtatagal pa. Matulog ka na at bukas may haharapin kang panibagong laban," iyon lang at umalis na siya.
PROLOGO:Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon sa buhay namin ni Dindo na siyang nagpabago sa aming samahan bilang mag-asawa.Dalawang taon na kaming kasal ni Dindo kaya naman naghanda ako nang kaunting salu salo para sa aming dalawa.Inihanda ko na sa lamesa ang paborito nitong adobong pusit, sinigang na baboy at malamig na softdrinks. Hindi naman kasi mahilig uminom ng alak si Dindo kaya naman masasabi kong napakaswerte ko sa lalaking naging asawa ko.Maya-maya'y dumating na si Dindo nakangiti ko siyang sinalubong subalit ang mga ngiti kong iyon ay napalitan ng pagtataka."Hon, bakit parang nakainom ka?" tanong ko rito."Nayaya lamang ako ni Pareng Aldo. Hindi na ako makatanggi pa, anong mayroon at ang dami mo yatang nilutong ulam?" kunot noo na tanong nito sa akin."Wala ka bang naaalala?" balik kong tanong dito. Lumapit ako sa kany
KABANATA 1:Nakatingin ako sa kawalan nang muli kong maalala ang sinapit kong iyon sa kamay ng mapagmalupit kong asawa na si Dindo."Isang taon nang lumipas hindi ka pa rin ba nakawawala sa masalimuot mong kahapon?" tanong ng pinsan kong si Sylvia ang babaeng tumulong sa akin upang makawala ako sa basement na iyon."Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakapaghihiganti sa dati kong asawa at sa kerida nito!" galit kong tugon sa aking pinsan."Kung ako lang ang masusunod maigi pang kalimutan mo na ang 'yong asawa," payo nito sa akin. Tumingin ako nang diretso sa mga mata nito."Hindi ako papayag! Sisingilin ko siya lalo na sa pagkawala ng anak kong dinadala," mangiyak-ngiyak kong sagot dito.Wala nang higit na masakit pa sa pagkawala ng sanggol na aking dinadala sa aking sinapupunan. Sinaktan at iniwan ako ni Dindo. Ipinagpalit sa babaeng minsan nitong naki
KABANATA 2:Padabog kong sinara ang pinto ng aking sasakyan pag-uwi ko sa bahay ni Sylvia. Kaagad niya akong nilapitan upang kumustahin ang naging pagkikita namin ng dati kong asawa."How can he do this to me?" halos magulo ko ang aking buhok sa sinabi kong iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya akong saktan ng ganoon ni Dindo."I told you, this is not right upang maghiganti. Baka sa huli ikaw rin ang masaktan," paalala ni Sylvia sa akin.Ngunit sadyang matigas ang ulo, ayaw kong pakinggan ang mga payong iyon ni Sylvia sa akin. Sumagot muli ako rito,"Wala nang sasakit pa sa akin Sylvia, nang mawala ang baby ko parang namatay na rin ako, Sylvia. Hindi ko man lang nayakap ang baby ko. Kaya sabihin mo sa akin, masama bang maghiganti ako?" hindi ko mapigilan ang emosyon ko at muling dumaloy ang mainit na luha sa aking pisngi.Hanggang ngayon ay hindi ko pa
KABANATA 3:Abala ako noon sa pagmamalengke nang magkrus ang landas namin ni Carla. Nagulat ako nang kalabitin niya ako sa tagiliran."P-pwede ba tayong mag-usap?" seryoso niyang tanong sa akin, nakita ko ang mga mata niya. Punong-puno nang pagsusumamo."S-sure!" tipid kong sagot at sinundan siya.Sa isang mini-cafe nagpasya kaming mag-usap ni Carla nang umagang iyon."I-I know na may nagawang hindi tama si Dindo sa iyo pero sana—"Hindi ko na pinatapos ang pagsasalitang iyon ni Carla at agad na akong umimik sa kanya."Pinakiusapan ka ba ni Dindo para kausapin ako?" tanong ko sa kanya.Subalit umiling lang siya sa akin. Napansin ko ang pasa sa kaliwa niyang pisngi na tila ba pinagbuhatan siya ni Dindo."What happened to your face?" kunot noo na tanong ko sa kanya at bahagyang hinawakan
KABANATA 4: "Talagang pumayag ka na hawak-hawakan ka ng pangit na Mr. Khou na iyon!" ang tila inis na sambit ni Dindo sa akin ng makapasok ako sa loob ng aking kotse. "Nagseselos ka ba, Dindo?" diretsahan kong pagtatanong sa kanya. "Why would I?" ang hindi makatingin niyang sagot sa akin. "It seems that you are jealous to Mr. Khou, huwag ka ng magkunwari pa, kilala kita," "Wala naman akong karapatan sa buhay mo, ang akin lang huwag mong ibaba ang pagkababae mo para lang makapag close ng deal," sambit niyang iyon sa akin na hindi ko nagustuhan. "Are you saying na—" "It's not what you think, okay?" mabilis niyang sagot sa akin. " I'm sorry with that, baka mamaya tanggalin mo na lang ako bigla," dagdag pa niyang iyon sa akin. "Hindi ko gagawin iyon, Dindo. Pumunta ngayon sa pansitan ni Aling Dana. '
KABANATA 5: Kinabukasan ay maagang pumunta si Dindo sa bahay, nagtataka ako kung bakit napakaaga niya dahil ang usapan namin ay mga alas otso niya ako susunduin subalit alas siyete pa lamang ay naroon na siya. "Ang aga mo naman, Dindo. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya sabay tungga sa mainit kong tea. "Nag-away na naman kami ni Carla, gusto niyang mag resign na ako," bumuntonghiningang sambit niya sa akin. "Nagseselos ba siya sa akin? Kung malalaman lang niya, tiyak kong mas lalo siyang maghihimutok." Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina. Tamang-tama may niluto naman akong fried egg at hotdog. Kinuha ko rin ang stock kong korean noodles at pinakain kay Dindo. Lumabas ako sa kusina bitbit ang almusal para kay Dindo. "Nakakahiya naman, pero salamat dahil—" "Namiss kitang ipaghanda ng m
KABANATA 6: Palubog na ang araw ng hapong iyon. Sinadya kong hindi sumabay kay Dindo dahil balak kong makipagkita kay Carla. Nais kong gumanti ng sampal at sabunot na ginawa niya sa akin. Kaya naman lihim ko siyang pinuntahan sa kanila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kaagad ko siyang sinampal at sinabunutan. "Surprise!" sabi ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay ko!" sabi niyang iyon habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na kakasampal ko pa lang. "Hindi ba obvious kung bakit ako narito sa bahay na sinasabi mo, wala ka talagang kaalam-alam, Carla!" Pailing-iling kong sagot sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" maang niyang tanong sa akin habang nakakunot ang kilay. "
KABANATA 7: Pagpasok ko sa opisina ay nabigla ako sa isang bouquet nasa table ko at mayroon pang kasamang tsokolate. Nakangiti akong tinungo ang aking table at binasa ang maliit na card. You are always in my heart, the first time I met you it's just a rolling coaster that I'll never forget to happen in my entire life. See you later, susunduin kita after office hour. Mr. Khou Hindi ko sukat akalain na mabibighani sa akin si Mr. Khou, isa itong matipunong lalaki at higit sa lahat ay multi-millionaire. Ang balita ko rito ay pihikan sa babae, hindi basta-basta nakikipagdate at kapag natipuhan ka raw nito ay tiyak idadate ka sa mamahaling restawran. Hawak ko ang mga magagandang bulaklak na bigay ni Mr. Khou nang nag ring ang aking telepono. Sandali kong binitiwan ang mga bulaklak upang sagutin ang tumatawag