Share

To love or To kill
To love or To kill
Author: Ginoong Hugotero

PROLOGO:

PROLOGO:

Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon sa buhay namin ni Dindo na siyang nagpabago sa aming samahan bilang mag-asawa.

Dalawang taon na kaming kasal ni Dindo kaya naman naghanda ako nang kaunting salu salo para sa aming dalawa.

Inihanda ko na sa lamesa ang paborito nitong adobong pusit, sinigang na baboy at malamig na softdrinks. Hindi naman kasi mahilig uminom ng alak si Dindo kaya naman masasabi kong napakaswerte ko sa lalaking naging asawa ko.

Maya-maya'y dumating na si Dindo nakangiti ko siyang sinalubong subalit ang mga ngiti kong iyon ay napalitan ng pagtataka.

"Hon, bakit parang nakainom ka?" tanong ko rito.

"Nayaya lamang ako ni Pareng Aldo. Hindi na ako makatanggi pa, anong mayroon at ang dami mo yatang nilutong ulam?" kunot noo na tanong nito sa akin.

"Wala ka bang naaalala?" balik kong tanong dito. Lumapit ako sa kanya at niyapos siya.

"Wala, ang alam ko'y huwebes ngayon," sagot nito bago tinikman ang aking hinandang ulam sa hapag kainan.

"Second Anniversary lang naman natin ngayon! Mabuti pa si Aldo nasamahan mong uminom. Ako na asawa mo kinalimutan mo na," may tampo kong pagkakasabi rito. Umupo ako sa gawing kaliwa ng lamesa. Hindi ko mapigilan ang mag himutok sa aking lasing na asawa.

"Oh, ano ang ikinagagalit mo?" tanong muli sa akin ni Dindo na para bang balewala lang sa kanya ang araw na ito.

Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan nang mapansin ko ang bagay na iyon. Hindi ako maaaring magkamali! Lipstick iyon ng isang babae na hindi ko alam kung sinadya ba itong ilagay sa k'welyo nito o talagang naiwan ang bakas na iyon. Lumapit ako kay Dindo nang marahan.

"Ano 'to, Dindo?" maang kong tanong dito.

"Saan? Wala naman ah," ang mabilis nitong sagot akin. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at diretso pa rin siya sa pagkain ng mga niluto ko.

"Si Aldo, ba talaga ang kasama mo?" pag-usisa kong iyon.

"Oo naman, hindi ka ba naniniwala?" sagot niyang iyon sa akin.

Aakmang aalis na sana ito ngunit tumunog ang aking selpon.

Si Aldo tumatawag...

Sinagot ko ito.

"Aldo, napatawag ka?"

"Gusto ko lang tanongin si Pareng Dindo, kung pwede niya akong samahan bukas?" sabing iyon ni Aldo sa akin.

"Hindi ba magkasama kayo kanina?" tanong ko bigla rito.

"Magkasama? Hindi. Mayroon akong kliyente kanina," sagot ni Aldo sa akin.

"Ah gano'n ba? Sige sasabihin ko na lamang kay Dindo ang pinapasabi mo," malungkot kong tugon bago ko tuluyang binaba ang aking selpon.

Hinarap ko si Dindo, halos maluha-luha ang mga mata ko sapagkat alam kong nagsinungaling ito sa akin.

"Sabihin mong si Aldo, ang kasama mo!" may hinanakit kong sabi rito.

"Huwag ka ng magdrama riyan. Mabuti pa nga at sa iyo ako umuwi e!" Napapailing na sambit ni Dindo sa akin.

"Paano mo nagawa sa akin ito Dindo?!" nag-uumpisa nang tumulo ang luha kong ito habang nakatingin kay Dindo.

"Lalaki ako Annabelle, hindi ko kasalanan kong may babaeng lilingkis-lingkis sa akin. Natural tutukain ko ito, hihindi pa ba ako? E makinis at virgin pa!" ang proud na proud na sabing iyon ni Dindo sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na gagawin mo ito sa akin!" pinagsasampal kong sumbat kay Dindo.

Hindi naman nagpatalo si Dindo at sinikmuraan ako dahilan upang ako'y manghina.

Hindi pa nasiyahan si Dindo kinuha niya ang kadena at kinadena sa aking mga kamay. Binuhat ako ni Dindo at dinala ako sa likod-bahay namin.

"Ngayon, malaya na ako sa gusto kong gawin! Haha! Tandaan mo Annabelle, pinagsawaan na kita!" iyon lang at umalis na ito sa aking kinaroroonan.

Ilang araw akong namalagi roon saka ko muling naaninag ang liwanag na nagmumula sa may pintuan.

Isang babae ang patakbong umiiyak sa kinaroroonan ko, niyakap niya ako bago ako tuluyang mawalan ng malay-tao.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status