Chapter: KABANATA 10:KABANATA 10: Muling nagkrus ang landas namin ng kerida ng magaling kong asawa na si Dindo. Nasa park din pala ang babaeng iyon, mukhang may naaamoy akong malansa. Sambit ng aking isipan habang naglalakad sa gawin iyon ng park. "Anong ginagawa mo rito, Belle?" tanong niyang iyon sa akin nang huminto kami pareho sa paglalakad. "Bakit masama bang nandito ako sa park? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao, mayroong mga bata, matatanda at magkasintahan. Ibinaling ko muli ang aking paningin kay Carla at sabay sabing, " Baka nagdate kami ni Dindo," pang-iinis ko sa kanya na alam kong ikakausok ng ilong niya. "Ang kapal ng mukha mong agawin ang pagmamay-ari ko!" inis niyang sambit sa akin na ikinahalakhak ko.
Last Updated: 2021-12-18
Chapter: KABANATA 9:KABANATA 9: Nakahanap naman ako ng murang apartment sa tulong ng kaibigan kong si Donna. Matagal ko nang kilala siya at isa sa mga nakaaalam ng aking mga plano. "Maraming salamat sa iyo, Donna," hinging pasasalamat ko sa kanya. "It's my pleasure to help you anytime you need me, hindi ko ma-attempt napabayaan ka. Since high school magkaibigan na tayo and I can't imagine na hindi ka matulungan gayong kaya ko naman," mahaba niyang sambit sa akin. Niyakap pa niya ako. Pakiramdam ko nagkaroon na naman ako ng bagong kakampi. "I am very happy to hear that, Donna. Ikaw na lang ang natitira kong kaibigan at kasangga," maluha-luhang kong sambit sa kanya. "Huwag na tayong magdrama pa, ayaw kong masira ang aking make up. May date pa kami ng aking jowa!" Pinahid niya ang mga luhang ito sa kanyang pisngi
Last Updated: 2021-12-07
Chapter: KABANATA 8:KABANATA 8: Inihatid ako ni Mr. Khou sa aking tinutuluyan marami pa kaming napag-usapan. Nalaman ko na isa pala siyang balo at ang ikinamatay ng dati niyang asawa ay cancer of the breasts. "Maraming salamat sa masayang kwentuhan at salamat sa pagpapaunlak sa akin," hinging pasasalamat muli ni Mr. Khou sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan. "I really enjoyed your company, Mr. Khou," nakangiti kong sagot at bumaba na ako ng sasakyan niya. Inihatid ko nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Mr. Khou papasok na sana ako sa loob nang dumating si Dindo. Lasing na lasing ito at tila wala sa sariling katinuan. "Dumating ka na pala!" pasuray-suray niyang sabi sa akin at saka lumapit sa aking kinaroroonan. "Pwede ba, Dindo umuwi ka na sa inyo. Lasing ka!" pagtataboy ko sa kanya. "Wow! Pinapaalis muna ako ngayon. Akala ko ba ayaw m
Last Updated: 2021-12-06
Chapter: KABANATA 7:KABANATA 7: Pagpasok ko sa opisina ay nabigla ako sa isang bouquet nasa table ko at mayroon pang kasamang tsokolate. Nakangiti akong tinungo ang aking table at binasa ang maliit na card. You are always in my heart, the first time I met you it's just a rolling coaster that I'll never forget to happen in my entire life. See you later, susunduin kita after office hour. Mr. Khou Hindi ko sukat akalain na mabibighani sa akin si Mr. Khou, isa itong matipunong lalaki at higit sa lahat ay multi-millionaire. Ang balita ko rito ay pihikan sa babae, hindi basta-basta nakikipagdate at kapag natipuhan ka raw nito ay tiyak idadate ka sa mamahaling restawran. Hawak ko ang mga magagandang bulaklak na bigay ni Mr. Khou nang nag ring ang aking telepono. Sandali kong binitiwan ang mga bulaklak upang sagutin ang tumatawag
Last Updated: 2021-12-04
Chapter: KABANATA 6:KABANATA 6: Palubog na ang araw ng hapong iyon. Sinadya kong hindi sumabay kay Dindo dahil balak kong makipagkita kay Carla. Nais kong gumanti ng sampal at sabunot na ginawa niya sa akin. Kaya naman lihim ko siyang pinuntahan sa kanila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kaagad ko siyang sinampal at sinabunutan. "Surprise!" sabi ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay ko!" sabi niyang iyon habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na kakasampal ko pa lang. "Hindi ba obvious kung bakit ako narito sa bahay na sinasabi mo, wala ka talagang kaalam-alam, Carla!" Pailing-iling kong sagot sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" maang niyang tanong sa akin habang nakakunot ang kilay. "
Last Updated: 2021-11-24
Chapter: KABANATA 5:KABANATA 5: Kinabukasan ay maagang pumunta si Dindo sa bahay, nagtataka ako kung bakit napakaaga niya dahil ang usapan namin ay mga alas otso niya ako susunduin subalit alas siyete pa lamang ay naroon na siya. "Ang aga mo naman, Dindo. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya sabay tungga sa mainit kong tea. "Nag-away na naman kami ni Carla, gusto niyang mag resign na ako," bumuntonghiningang sambit niya sa akin. "Nagseselos ba siya sa akin? Kung malalaman lang niya, tiyak kong mas lalo siyang maghihimutok." Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina. Tamang-tama may niluto naman akong fried egg at hotdog. Kinuha ko rin ang stock kong korean noodles at pinakain kay Dindo. Lumabas ako sa kusina bitbit ang almusal para kay Dindo. "Nakakahiya naman, pero salamat dahil—" "Namiss kitang ipaghanda ng m
Last Updated: 2021-11-22