Share

KABANATA 6:

KABANATA 6:

Palubog na ang araw ng hapong iyon. Sinadya kong hindi sumabay kay Dindo dahil balak kong makipagkita kay Carla. Nais kong gumanti ng sampal at sabunot na ginawa niya sa akin.

Kaya naman lihim ko siyang pinuntahan sa kanila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto.

Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kaagad ko siyang sinampal at sinabunutan.

"Surprise!" sabi ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay ko!" sabi niyang iyon habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na kakasampal ko pa lang.

"Hindi ba obvious kung bakit ako narito sa bahay na sinasabi mo, wala ka talagang kaalam-alam, Carla!" Pailing-iling kong sagot sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" maang niyang tanong sa akin habang nakakunot ang kilay.

"Hindi pa ito ang tamang panahon, darating din ang araw na iyon!" turan ko sa kanya.

"Bakit, hindi mo na lang ako diretsahin? Bakit kailangan mo pang ilihim ang mga bagay-bagay," pahayag na iyon ni Carla sa akin.

Napahalakhak naman ako nang malakas,

"Kakayanin mo kayang tanggapin ang katotohanan?" tanong kong iyon kay Carla na ngayon ay naguguluhan na.

"Sabihin mo kung ano ang totoo, Annabelle?"

"Ako lang naman ang asawa ni Dindo, ako ang babaeng inagawan mo ng papel at inagawan mong maging masaya!" matigas kong sabi sa kanya.

Ikinagulat niya ang kanyang narinig buhat sa akin, hindi siya makapaniwala. Dumating naman si Dindo ng gabing iyon.

"Bakit hindi na lang si Dindo ang tanungin mo?" hamon kong iyon kay Carla na noon ay nagsisimula nang umiyak.

"Totoo ba, Dindo. Totoo ba?" buong puso niyang pagtatanong sa dati kong asawa.

"Ano ang totoo?" sagot ni Dindo na napatingin pa sa akin tapos muling sumulyap kay Carla.

"Siya— siya ba ang asawa mo?" walang kagatol-gatol na tanong ni Carla sa dati kong asawa na noon ay tila namumutla sa pagtatanong ni Carla.

Marahan na tumango si Dindo sa kanyang kerida, kitang-kita ko ang pagpalahaw na iyon ni Carla at walang ano-ano ay pinagsasampal niya sa harapan ko so Dindo. 

"Walang hiya ka, Dindo! Sabi mo ako lang ang babae sa buhay mo, hindi ko alam na isa pala akong kerida! Walang hiya ka, Dindo!" panunumbat na iyon ni Carla kay Dindo. Sa totoo lang wala akong balak na sabihin ang buong katotohanan kay Carla kaya lang pinilit ako ng tadhana.

"Ngayon, Carla alam mo na kung saan ka lulugar." Tumalikod na ako sa kanya ngunit bigla niyang hinablot ang aking buhok na labis kong kinainis.

"T-tigilan mo ako, Carla!" pananaway kong iyon ngunit hindi pa siya nasiyahan at kinaladkad niya ako papuntang basement.

Nanlalaki ang aking mga mata nang makita muli ang basement na iyon. Nagkaroon ako nang matinding pagkatakot.

Tinulak niya ako roon at muling kinulong. Kinadena pa ni Carla ang pintuan ng basement na ito. Niyakap muli ako ng dilim na ayaw ko na sa a pang maranasan. 

"Diyan ka nararapat!" paimpit siyang tumawa papalayo sa basement.

"H-hindi!" 

Malakas na sigaw ang pinakawalan ko at napabalikwas ako ng pagbangon mula sa Malan of na kama. 

"Kanina ka pa nananaginip, Belle," sabi sa akin ni Dindo na kanina pa Pala nariyan sa tabi ko.

Wala akong naisagot sa kanya sa halip ay yumakap ako sa kanya nang mahigpit na mahigpit.

"Dito ka lang muna sa tabi ko, Dindo. Natatakot ako, pakiusap dumito ka muna," para akong batang nakayapos kay Dindo at totoong nakakaramdam ako ng pagkatakot sa isang bangungot ng aking nakaraan.

"Matulog ka na muli, Belle. Nandito lamang ako sa tabi mo, pangako 'yan, mahal ko," buong pananabik na inusal ng bibig ni Dindo sa akin.

Nakaramdam ako ng security. Lalo akong yumakap sa kanya hanggang sa kapwa kami makatulog sa iisang kama.

Pagmulat ng aking mga mata ay wala na si Dindo sa aking tabi. Tumayo ako sa aking kama at nagtungo sa loob ng banyo.

Ganoon na lamang ang matindi kong pagkagulat nang makita ko roon si Dindo na walang suot-suot na saplot at kitang-kita ko roon ang naghuhumindig niyang p*********i.

"Ay, jusko ko!" malakas kong tili sabay takip ng dalawang mga kamay ko sa aking mga mata.

"Ngayon ka pa talaga nahiya, matapos mong makita at mahawakan ito," mapang asar na tugon ni Dindo nang makita ang reaksyon ko.

"Kwan… Iba na kasi ngayon, may iba nang humahawak diyan ay este, mamaya na lang ako maliligo!" taranta kong sagot sa kanya.

Paalis na sana ako nang bigla akong yakapin ni Dindo at muli kong nadama ang kanyang pinakatatagong alaga na ngayon ay galit na galit na.

"Come with me, baby," mapang-akit na bulong na iyon ni Dindo sa aking tainga na nagbigay ng kakaibang kiliti at sensasyon.

Muli akong nagpaubaya sa ninanais ni Dindo. Inangkin niyang muli ang aking pagkababae na matagal kong pinanabikan na mangyari. Mapusok ang bawat tagpo na iyon sa pagitan namin ni Dindo hanggang sa isang malakas na ungol ang naulinigan ko sa kanya. Napayakap ako sa kanya at ganoon din ito na may ngiti sa labi.

"Mukhang maganda ang araw mo ah," nakangiting puna sa akin ni Sylvia habang pababa ito ng hagdan.

"Nandiyan ka pala, pinsan," b****o ako sa kanya nang makababa siya at makalapit sa akin.

"You look great at fresh, aminin mo si Dindo ang may gawa ng maganda mong awra," pilyang pagbibiro sa akin ni Sylvia.

"Tigilan mo nga ako, pinsan. Kailangan kong paghandaan ang big event kaya dapat lang na maganda ako," hindi ko maitago sa kanya ang kilig na aking nadarama.

"Big event?" hindi makapaniwala na bulalas ni Sylvia sa akin.

"Yes! Nararamdaman ko na ang tagumpay ko, haha!" humalakhak ako nang napakalakas at umalingawngaw ang aking tawa sa apat na sulok ng bahay.

"Kailan ka ba titigil, Annabelle?" seryosong tanong sa akin ni Sylvia na simula't simula ay hindi sang-ayon sa aking mga binabalak.

"Kapag naipaghiganti ko nang tuluyan ang pagkawala ng anak ko, mapapanatag na ang kalooban ko at tinitiyak kong luluhod sila sa aking paanan!" galit kong sambit sa kanya habang nakakuyom ang aking kamay.

Sunod-sunod namang umiling sa harapan ko si Sylvia bago siya tuluyang umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status