Share

KABANATA 1:

KABANATA 1:

Nakatingin ako sa kawalan nang muli kong maalala ang sinapit kong iyon sa kamay ng mapagmalupit kong asawa na si Dindo.

"Isang taon nang lumipas hindi ka pa rin ba nakawawala sa masalimuot mong kahapon?" tanong ng pinsan kong si Sylvia ang babaeng tumulong sa akin upang makawala ako sa basement na iyon.

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakapaghihiganti sa dati kong asawa at sa kerida nito!" galit kong tugon sa aking pinsan.

"Kung ako lang ang masusunod maigi pang kalimutan mo na ang 'yong asawa," payo nito sa akin. Tumingin ako nang diretso sa mga mata nito.

"Hindi ako papayag! Sisingilin ko siya lalo na sa pagkawala ng anak kong dinadala," mangiyak-ngiyak kong sagot dito.

Wala nang higit na masakit pa sa pagkawala ng sanggol na aking dinadala sa aking sinapupunan. Sinaktan at iniwan ako ni Dindo. Ipinagpalit sa babaeng minsan nitong nakilala.

"Kung anong pasya mo pinsan susuportahan kita," niyakap ako ni Sylvia ng araw ring iyon.

Kay bilis lumipas ng mga araw at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli kong nakita ang aking dating asawa kasama ang kerida nito at isang taong gulang na anak.

"Hon, gusto ko niyan oh," ang malambing na sambit ng kerida ni Dindo habang namimili sa grocery store.

"Hon, sige bilhin natin iyan. Mukha namang masarap e," sang-ayon naman ni Dindo sa kerida nito.

Naiikot ko na lamang aking mga mata na para akong nasusuka sa aking mga naririnig. Ito na siguro ang tamang panahon para magkaharap-harap kaming tatlo.

Hindi ko na palalampasin ang sandaling ito.

Nagawi sina Dindo at kerida nito sa mga pambatang pagkain, sinundan ko sila at gumawa ng eksena.

"Ang mahal naman niyan," nakangiti kong sabi ng hawakan ng kerida ni Dindo ang mamahaling pagkaing pambata.

Napalingon ang dalawa sa akin at laking gulat ni Dindo nang muli nito akong masilayan.

"Oo nga ang mahal!" ang nanlalaking mga matang tugon ni Dindo sa akin na para bang nakakita ng multo sa harapan niya.

"By the way dahil birthday ng anak ko ngayon, ako ng magbabayad niyan," presinta ko sa dalawa. Subalit pinigilan ako ni Dindo.

"Hindi, kaya ko namang bayaran," seryosong sabi ni Dindo sa akin.

"Hon, huwag mo namang pahiyain ang magandang babaeng ito. Nagmamagandang loob na nga e," sabing iyon ng kerida ni Dindo sa kanya.

"Ako nga pala si Annabelle, just call me Belle, and you are?" tanong ko sa kerida ni Dindo.

"I'm Carla. Nice to see you, ang bait mo naman. Siya nga pala birthday ng anak mo. Anong pangalan niya?" tanong ni Carla sa akin sa isang matamis na ngiti.

Huminga mo na ako nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Gusto ko sanang makilala mo siya subalit namatay siya dahil sa pang-aabuso sa akin ng asawa ko, DATI!" may diin kong sabi at tinapunan ko si Dindo nang matatalim na tingin subalit ito'y palihim lamang.

"I'm s-sorry to hear that, kawawa naman ang anak mo," nanlulumo nitong sabi sa akin at sabay yakap pa.

"Salamat, Carla," may tila luhang umusbong sa aking mga mata na kaagad kong pinunasan.

"Dahil mabait ka sa amin. Gusto kitang yayain bukas," may galak na sabi sa akin ni Carla.

"Anong meron bukas?" kunot noo kong tanong kay Carla.

"Birthday ni Nathaniel, anak namin ni Dindo. Sana pagbigyan mo ang aking munting hiling." Hinawakan pa ako ni Carla sa aking kamay bilang pakiusap niya sa akin.

Saglit akong nag-isip bago sumagot sa paanyaya na iyon ni Carla sa akin. 

"Well, papayag ako kung okay lang sa asawa mo?" muli kong sinulyapan si Dindo na para bang iniinis ko.

"Hon, ano papayag ka ba?" Napahawak sa brasong tanong ni Carla kay Dindo na noo'y hindi makasagot.

"Ah, e...Sige!" sa wakas ay sagot ni Dindo sa kerida niyang iyon. Sumilay ang maitim kong ngiti na batid kong napansin iyon ni Dindo.

"Okay na pumayag na si Dindo. Ito nga pala ang invitation card. Asahan kita bukas, Belle" iyon lang at bumeso pa sa akin ang walang hiyang kerida ni Dindo.

"Hindi na ako magtatagal. Babayaran ko na ito, see you tomorrow." Ngiti kong sabi bago tumalikod sa dalawang iyon.

Dumating ang araw ng bukas.

Papunta na ako sa tinutuluyan nila Dindo. Pero tila may kung anong kaba ang nagngingitngit sa aking puso. Ipinagwalang bahala ko ito dahil ayaw kong masira ang aking mga plano.

Pagbababa ko pa lang ng aking kotse ay nakaramdam ako ng lungkot dahil muling nanumbalik ang masayang araw namin ni Dindo sa bahay na iyon.

Kahit pa nagbago na ang pintura at ayos ng bahay ay hindi makaiilang nandoon pa rin ang mga alaala naming dalawa ni Dindo na lalong nagpapabigat sa puso ko.

Papasok na sana ako subalit bigla akong hinila ng isang lalaki at tama ako ng kutob si Dindo nga ang humila sa akin.

"Bakit nandito ka?" mahinang tanong sa akin ni Dindo.

"Sa pagkakaalam ko imbitado ako ng kerida mo!" pabulong kong sagot dito.

"Kung manggugulo ka lang mabuti pang umalis ka na! Hindi ka kailangan dito," pagtataboy sa akin ni Dindo.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin ang bagay na iyan! Bakit natatakot kang malaman ng kerida mo ang ginawa mo sa akin?" seryosong tanong ko rito.

"Binabalaan kita huwag na huwag kang gagawa ng ikagagalit ko!" pagbabanta pa sa akin ni Dindo.

Sasagot pa sana ako ng lumabas ang si Carla.

"Oh nandyan ka na pala!" sabing iyon ni Carla sa akin.

Mabilis naman akong binitiwan ni Dindo at aakmang papasok na.

"Hon, bakit naman hindi mo pinapasok agad ang bisita natin," dagdag pa ni Carla na sabi kay Dindo.

"Naku, it's okay. Chineck lang niya ang invitation card ko. Wala kasing tiwala ang asawa mo sa akin. Sabagay iba na ang mundo maraming manloloko," sagot kong iyon kay Carla.

Alam kong tinamaan si Dindo sa sinabi kong iyon kaya naman padabog na sinarado nito ang pintuan.

"Naku, nahiya naman ako sa asawa mo Carla baka nagalit," kunwaring nahihiya kong pakli rito.

"Huwag mong pansinin 'yon. Sadyang may toyo lang sa ulo," nakangiting sagot ni Carla sa akin at tuluyan na akong nagtungo sa sala ng kanilang bahay.

Naalala ko pa rin ang mga panahon na una kong nakapasok sa loob ng bahay na ito. Ang gabing pinaramdam sa akin ni Dindo na hindi ako kamahal-mahal.

"Okay ka lang, Belle?" muling tanong sa akin ni Carla ng mapansin akong nakatulala.

"May naalala lang ako pamilyar kasi ang bahay na ito," malungkot kong tugon dito.

"You mean nakarating ka na rito?" tanong ni Belle sa akin.

"Hon, kunin mo muna si Nathaniel," utos na iyon ni Dindo dahilan upang hindi ko masagot ang tanong na iyon ni Carla.

Lumapit sa akin si Dindo at marahan akong hinila palabas ng kanilang bahay.

"Sa tingin ko kailangan mo ng umalis bago pa kita masaktan muli!" maawtoridad na banta na sabing iyon ni Dindo sa akin.

"Hindi ako natatakot sa iyo Dindo, baka gusto mong ako na mismo ang magsabi kay Carla kong anong klase kang tao," ang hindi ko papatalong sambit dito.

"Umalis ka na at huwag nang babalik pa!" tuluyan akong pinagtabuyan ni Dindo sa sobrang galit niya sa akin.

"Tandaan mo ito Dindo, hindi ako titigil hangga't hindi ka nagbabayad sa mga kasalanan mo sa akin at sa anak natin na ikaw ang pumaslang!" nanggagalaiti kong sabi pa rito.

"Wala akong kasalanan—"

Hindi ako nakapagpigil sa aking galit at walang ano ano ay sinampal ko siya.

"Sana magising ka na sa katotohanan Dindo, ikaw ang dahilan kung bakit aki nilalamon ng galit at ngayon pa lang maghanda ka na. Maniningil ako sa iyo at sa kerida mo!" ito ang huling banta ko kay Dindo bago tumalikod sa kanya.

Naiwan namang galit na galit si Dindo ng mga sandaling iyon.

Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng paghihiganting iyon ni Annabelle sa dating asawa?

Handa kaya siyang magpatawad o tuluyan siyang kainin ng galit??

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status