Share

KABANATA 8:

KABANATA 8:

Inihatid ako ni Mr. Khou sa aking tinutuluyan marami pa kaming napag-usapan. Nalaman ko na isa pala siyang balo at ang ikinamatay ng dati niyang asawa ay cancer of the breasts.

"Maraming salamat sa masayang kwentuhan at salamat sa pagpapaunlak sa akin," hinging pasasalamat muli ni Mr. Khou sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan.

"I really enjoyed your company, Mr. Khou," nakangiti kong sagot at bumaba na ako ng sasakyan niya.

Inihatid ko nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Mr. Khou papasok na sana ako sa loob nang dumating si Dindo. Lasing na lasing ito at tila wala sa sariling katinuan.

"Dumating ka na pala!" pasuray-suray niyang sabi sa akin at saka lumapit sa aking kinaroroonan.

"Pwede ba, Dindo umuwi ka na sa inyo. Lasing ka!" pagtataboy ko sa kanya.

"Wow! Pinapaalis muna ako ngayon. Akala ko ba ayaw mo akong umalis sa tabi mo?" tuluyan itong nakalapit sa akin at hinawakan ako sa aking bewang.

"Dindo! Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya dahil may kung anong bagay ang ginagawa niya sa akin na hindi ko nagustuhan.

"Bakit hinalikan ka na ba niya?" lumaki ang mga mata ni Dindo ng tanungin niya ako.

"Tigilan mo ang mga ganiyang pagtatanong mo sa akin, ang mabuti pa umalis ka na. Bukas na tayo mag-usap kapag wala ka ng inom." Itinulak ko siya nang malakas dahilan upang mawalan siya ng balanse ngunit bago siya matumba sa lupa ay nahila niya ako kaya't dalawa kaming natumba. Nakapatong siya sa akin na ikinatuwa pa niya.

"Gusto mo ba ito, Annabelle, gusto mo ba?" makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

Muli ko siyang itinulak at maagap akong tumayo.

"Tigilan muna ako, Dindo!" mahinahon kong sambit at iniwan na itong nakahiga sa lupa.

"Annabelle, mahal na mahal pa rin kita!" malakas niyang bulalas subalit hindi ko na ito pinansin pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ni-lock ang gate upang hindi ito makapasok.

Pagpasok ko ay naroon pala si Sylvia na kanina pa naghihintay sa pag-uwi ko. Ngumiti ako rito nang pilit, paakyat na sana ako sa aking silid upang magpahinga nang bigla itong magsalita.

"Mukhang ginabi ka yata ngayon, Annabelle?" 

Humarap ako sa kanya at sinagot ang sinabi niyang iyon sa akin.

"May date kami ni Mr. Khou," 

"Sino naman itong Mr. Khou na ito? Ang bago mong paaasahin," puna niyang iyon sa akin na para bang naiinis.

"Sylvia, ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyan. Pagod ako, I have to go," paalam ko sa kanya at nilisan na ito.

Pagpasok ko sa loob ng aking silid ay kaagad akong pumasok sa banyo upang mag shower. Matagal ako sa loob ng aking banyo. Paglabas ko sa banyo ay nanlaki ang aking mga mata dahil naroon sa loob si Dindo.

"Anong ginagawa mo sa loob ng aking silid?" maang kong tanong sa kanya.

"Parang nakakita ka riyan ng multo, ang bago-bago ngayon, Annabelle," akmang lalapit siya sa aking kinaroroonan.

"Huwag kang lalapit!" pagbabanta ko sa kanya subalit hindi siya nakinig sa akin sinabi. Lumapit siya sa akin at aakmang hahawakan niya ang aking katawan. Bago pa niya magawa ang kanyang nais ay binayagan ko siya dahilan upang mamilipit siya sa sakit.

"A-ray!" malakas niyang sambit s akin. Bigla namang bumukas ang pinto ng aking kwarto at nasilayan ko si Sylvia na naiiling.

"Anong nangyayari rito?" pag-uusisa niya sa akin habang nakatingin kay Dindo na nakahiga sa sahig.

"Paano siya nakapasok sa loob ng bahay?" pagalit kong tanong kay Sylvia.

Hindi naman kaagad sumagot sa akin si Sylvia sa halip ay tinulungan niyang makatayo si Dindo.

"Mag-uusap tayo mamaya, Annabelle!" may galit sa boses na naulinigan ko kay Sylvia.

Nag-aayos na ako ng aking buhok at nakasuot ng pajama nang bumukas muli ang pinto ng aking kwarto.

"Bakit mo naman sinaktan si Dindo?" tanong na iyon sa akin ni Sylvia na tila ba kinakampihan ang dati kong asawa.

"Bakit parang kinakampihan mo si Dindo?" balik kong sambit sa kanya.

"Wala akong kinakampihan sa inyo ni Dindo, ang akin lang bakit kailangang umabot sa ganoon!" malakas ang tinig na iyon ni Sylvia na para bang sinisisi ako sa nangyari kay Dindo.

"Ano ang pakialam mo sa amin ni Dindo?" Tumayo ako sa aking kama at lumapit sa kanya.

Hindi siya makaimik sa sinabi kong iyon sa kanya.

"I am concerned for the both of you!" sagot niyang iyon at tumalikod na sa aking harapan.

"Concerned? Wow, sa pagkakaalam ko labas ka sa mga plano at desisyon ko sa buhay. Hindi ba pinsan lang kita?" ang hindi ko mapigilang bulalas sa kanya.

Humarap muli sa akin si Sylvia at walang ano-ano ay sinampal niya ako nang malakas.

"Ako lang naman ang tumulong sa iyo noong mga panahong kailangan mo ng tulong! Kung alam ko lang na kakainin ka ng galit mo diyan sa d****b mo, sana hinayaan na lamang kita!" galit na galit na sambit ni Sylvia sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba na ang lahat ng itinulong mo sa akin ay iyo ring—" naputol ang aking sasabihin nang lumapat muli ang kamay ni Sylvia sa aking pisngi.

"Wala kang utang na loob, Annabelle!" naiiyak sa galit na sambit niya sa akin.

Lumabas siya ng aking silid at padabog na sinara ang pinto. Naiwan akong naluluha sa aking mga narinig kay Sylvia. Hindi ko akalain na darating kami sa punto na magkakasakitan. Hinawakan ko ang dalawa kong pisngi na nasampal niya.

Humiga ako sa aking kama at sinikap kong makatulog subalit hindi ko dalawin ng antok. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan ng gabing iyon.

Sumapit ang umaga, maaga akong nagising. Nag-iimpake ako ng damit nang pumasok si Sylvia sa loob ng aking kwarto.

"Hindi kita pinaaalis sa bahay ko kaya huwag mong—"

"Mabuti na ang ganito, Sylvia. Maraming salamat sa mga naitulong mo sa akin, sa ngayon ay kailangan kong hanapin ang sarili ko. Baka tama ka, masyado akong kinain ng galit kaya ako nagkakaganito," malungkot kong saad sa kanya.

Walang nagawa si Sylvia upang ako ay pigilan. Lumabas ako ng kanyang bahay at tuluyang umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status