Share

KABANATA 9:

KABANATA 9:

Nakahanap naman ako ng murang apartment sa tulong ng kaibigan kong si Donna. Matagal ko nang kilala siya at isa sa mga nakaaalam ng aking mga plano. 

"Maraming salamat sa iyo, Donna," hinging pasasalamat ko sa kanya.

"It's my pleasure to help you anytime you need me, hindi ko ma-attempt napabayaan ka. Since high school magkaibigan na tayo and I can't imagine na hindi ka matulungan gayong kaya ko naman," mahaba niyang sambit sa akin. Niyakap pa niya ako. Pakiramdam ko nagkaroon na naman ako ng bagong kakampi.

"I am very happy to hear that, Donna. Ikaw na lang ang natitira kong kaibigan at kasangga," maluha-luhang kong sambit sa kanya.

"Huwag na tayong magdrama pa, ayaw kong masira ang aking make up. May date pa kami ng aking jowa!" Pinahid niya ang mga luhang ito sa kanyang pisngi.

"Mabuti ka pa, masaya ka na," bigla akong sumeryoso nang sambitin sa kanya ang katagang ito.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing,

"I know someday, you will be happy. Mahahanap mo ang taong nagmamahal sa iyo. Hindi ka iiwan, ipagpapalit at lolokohin," nakangiti niyang bulalas sa akin. "S'ya nga pala, kumusta iyong manliligaw mo?" usisa pa niya.

Bumuntonghininga ako saka tumugon ang kanyang katanungan.

"I don't think it is the right time to answer that," sagot ko.

"Because of your ex husband?" 

Napaisip ako sa kanyang itinuran, siya nga ba ang dahilan? 

"No, I don't love him anymore. Afterall," pakli kong sambit. Sabay harap sa may bintana ng aking maliit na apartment.

Napakunot noo ako nang makita si Mr. Khou.

"Oh my goodness!" Nakatakip kong turan sa aking bibig nang masilayan ang mukha ni Mr. Khou.

"Is speaking of the handsome devil, here he is," may panunuksong bulong ni Donna sa aking tainga.

Kaagad na tinungo ni Donna ang pintuan ng aking apartment at binuksan ito nang pagkaluwang-luwang.

"Good afternoon, Mr. Khou!" masiglang pagbati ni Donna sa kanya. " Please come in," magalang pang sambit ng aking kaibigan.

"Thank you beautiful, lady," ngumiti naman siya at tuluyang pumasok ng aking apartment.

"H-Have a sit!" pag-aalo ko sa aking bisita. "Do you have something to drink?" tanong ko sa kanya habang abala sa paghahanap ng maiinom sa aking maliit na refrigerator.

"No, thanks. I came here because I want to know if you are in a safe place," he is so concerned about me. I felt his presence at that time.

"Yes, don't worry about me. I am in a good place," pilit akong ngumiti sa kanya na bahagyang may kabang nadarama. 

Kaba na parang may kung ano. Hindi ko maipaliwanag pero parang kaba na nakaka excite?

"I'm glad to hear that, siya nga pala if you don't mind you can stay at my house," pagbibigay alam niyang iyon sa akin.

Napatingin ako kay Donna na noon ay kakaiba ang mga pinupukol na mga ngiti sa akin.

"Ah… I guess, I'm okay with this," 

"Okay, siya nga pala for you." Inabot niya sa akin ang mga dalang mga imported na delata. Mga korean noodles na gustong-gusto ko at mga bottled water.

"Wow!" manghang bulalas na iyon ni Donna sapagkat hindi niya rin inaasahan ang dala-dalang mga pagkain ni Mr. Khou.

"Naku nag-abala ka pa," hiyang sabi ko matapos tanggapin ang kanyang mga dala.

"You are very important to me and you are soon to be my girl. Kaya dapat alagaan kita," malambing niyang sabi sa akin. Pumapalakpak naman si Donna na animo'y nanalo ako sa lotto.

"Perfect!" masayang bulalas niya sa amin.

Napuno ng kasiyahan ang araw na iyon para sa amin. Hindi ko akalain na may taong kagaya ni Mr. Khou. Hindi siya mahirap mahalin subalit kailangan ko munang kilatisin siya nang mabuti. Ayaw ko na rin kasing magkamali, mahirap masaktan at umasa. Iyon ang nasa isip ko habang kami ay nagkakasiyahan.

"Hindi na ako magtatagal pa friend," sabing iyon ni Donna matapos naming kumain ng pizza hut.

"Busog ka na kasi kaya aalis ka na!" biro ko sa kanya. Medyo may pagka pg kasi si Donna at pagka nabusog na e parang bulang naglalaho.

"Sira, hindi ko na kasi kaya," sabi niyang iyon. 

Napailing ako sa sinabi niyang iyon kasi nagsisimula na naman siyang mag-emote.

"Hindi mo ako nauunawaan e," sabi pa niya sa akin. Umaandar na naman ang pagiging best actress ng kaibigan ko.

"Nababaliw ka na naman!" sambit ko.

Bigla siyang lumapit sa akin at may binulong.

"Ipagtabi mo ako ng kapirasong pizza. Papasok muna ako sa banyo at ako'y na— natatae!" napalakas niyang sabi sa akin sabay utot nang pagkabaho-baho.

"Ano ba ’yan ang bantot!" halos masuka ako sa naamoy kong mahabong utot ni Donna.

"P-pasensiya na!" Patakbo niyang sigaw at pumasok na sa loob ng banyo.

"Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko, Mr. Khou," nahihiya kong hingi ng paumahin.

"It's okay. Can I make a request?" seryoso niyang tanong sa akin.

Bumilis ang kabog ng d****b ko sa pagtatanong niyang iyon.

"A-ano?" 

"Stop calling me, Mr. Khou. Just call me, Drake," nakangiti niyang sagot sa akin.

Nakahinga naman ako nang bahagya ng marinig iyon sa kanya. Akala ko kung ano na.

"But, I prefer to called you, Mr. Khou so—"

Hindi ko na naituloy ang aking mga sasabihin nang bigla itong sumubat.

"If you called me, Mr. Khou. I will kiss you!" walang kagatol-gatol niyang sambit sa akin.

"O-Okay!" sagot ko na lamang at iniiwasan ko na ang tingin ko sa kanya.

"Good. That's my girl!" proud niyang sabi at saka kinuha ang kapirasong pizza at kinain.

Nang sumunod na araw ay nagkita kami ni Dindo sa opisina.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin?" tanong niya ng mapag solo kaming dalawa.

"Hindi ko na dapat ipaalam sa iyo ang ibang bagay," sagot ko sa kanya.

"Pero sa iba pinaalam mo!" sambit pa niyang iyon na animo'y may pakialam sa akin.

"Huwag mo na akong pakialam pa dahil drayber na lang kita at hindi asawa," pinamukha ko sa kanya na isa lang siyang drayber ko.

"Hindi pa tayo divorce!" sigaw niyang pagpapaalala sa akin.

"Alam ko, at balak ko ng tapusin ang pagiging mag-asawa natin. Total hindi mo naman ako minahal. Katawan ko lang ang habol mo!" mariin kong pagkakasabi sa kanya.

"At sinong mahal mo, iyong kumag na iyon na sex lang ang habol sa iyo?" 

Inis kong inilapat sa kanyang pisngi ang aking palad. Hindi ko na gustuhin ang kanyang binitiwang salita.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako at pangunahan ako! Ikaw ang unang sumira ng relasyon nating dalawa, kaya huwag na huwag mo akong itutulad sa iyo!" nagpupuyos sa galit kong sambit sa kanya bago lumabas ng aking opisina.

Hinabol naman ako ni Dindo ngunit pinigilan ko siya.

"Huwag kang lumapit kung hindi masisisanti ka!" pananakot ko sa kanya bago ko napagdesisyunan na sumakay ng kotse. Pinaharurot ko ito sa sobrang galit ko kay Dindo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status