Share

KABANATA 4:

KABANATA 4:

"Talagang pumayag ka na hawak-hawakan ka ng pangit na Mr. Khou na iyon!" ang tila inis na sambit ni Dindo sa akin ng makapasok ako sa loob ng aking kotse.

"Nagseselos ka ba, Dindo?" diretsahan kong pagtatanong sa kanya.

"Why would I?" ang hindi makatingin niyang sagot sa akin.

"It seems that you are jealous to Mr. Khou, huwag ka ng magkunwari pa, kilala kita," 

"Wala naman akong karapatan sa buhay mo, ang akin lang huwag mong ibaba ang pagkababae mo para lang makapag close ng deal," sambit niyang iyon sa akin na hindi ko nagustuhan.

"Are you saying na—"

"It's not what you think, okay?" mabilis niyang sagot sa akin. " I'm sorry with that, baka mamaya tanggalin mo na lang ako bigla," dagdag pa niyang iyon sa akin.

"Hindi ko gagawin iyon, Dindo. Pumunta ngayon sa pansitan ni Aling Dana. 'Di ba paborito mo ang pansit niya?" sabi kong iyon kay Dindo.

"Naalala mo pa rin pala ang paborito ko at alam mo pa rin ang lugar kung saan ako madalas kumain ng pansit," nakangiting sagot ni Dindo sa akin at kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin na lalong nagpadagdag pogi points sa akin. Naiiling na lamang ako sa pagbabalik tanaw ng mga alaala namin ni Dindo.

"Oh, kanina pa ba kayo narito?" tanong sa amin ni Aling Dana. Kilala kami ng matandang babae na ito at alam niya rin ang nangyari sa amin ni Dindo. "Sabi ko na nga ba e, hindi ako nagkamali na magkakabalikan kayong dalawa!" tuwang bulalas niyang iyon at niyakap pa ako sa sobrang tuwa.

"Naku, Aling Dana. Nagkakamali po kayo ng inakala," sagot ko sa matanda.

"E, bakit? Hindi ba kayo nagkabalikan?" pag-uusisa pa niya habang nililista ang order namin na pansit at dalawang softdrinks.

"Mabuti pa, Aling Dana pahanda po muna ng pansit. Gutom na gutom na po kasi ako e." Napahawak sa tiyan na gawi ni Dindo. Senyales na gutom na gutom na ito.

"Siya, sige sandali lang at dadagdagan ko na ang lahok ang pansit para masulit ninyo ang kumain." Tumalikod na ang matanda at iniwan na kaming dalawa ni Dindo.

"Hindi pa rin nagbabago si Aling Dana," usal niya sa akin at tinitigan ako sa aking mukha.

"Bakit ka ganiyan makatitig? May dumi ba ang mukha ko?" Hinahanap ko sa loob ng bag ko ang maliit na salamin.

"W-wala kang dumi sa mukha mo. Na aamazed lang ako sa kabaitan mo pinapakita sa akin," ang hindi niya kumukurap na sabi sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niyang iyon sa akin, bakit parang tinamaan ako sa sinabi niya? Nagiging mabait na nga ba ako sa dati kong asawa? Ipinilig ko ang aking ulo.

Magsasalita pa sana ako subalit dumating na ang order naming pansit ni Dindo. Kaya napokus ang atensyon naming dalawa sa masarap na pansin na nakahain sa mesa.

Natutuwa ako sa bawat pagsubo na iyon ni Dindo talagang paborito niya ang pansit, sarap na sarap siya at maganang-magana.

"Bitin ka pa ba?" tanong ko sa kanya ng maubos niya ang pansit na kinakain.

"Oo, sobrang miss ko kasi ang pansit ni Aling Dana, kaso nahihiya naman ako sa iyo. Ikaltas mo na lang sa sasahurin ko ang kinain ko ngayong gabi," sabi niya sa akin.

"Naku, hindi treat ko iyan sa iyo, Aling Dana. Isa pa pong pansit para kay Dindo!" tawag ko sa matanda na kaagad namang tumango.

"Pasensya na gutom na gutom talaga ako!" hiyang sabi ni Dindo sa akin.

"Wala iyon, salamat kanina at dumating ka sa tamang oras," wala sa isip na sagot ko sa kanya.

"Wala iyon, Ma'am Annabelle," muling sagot ni Dindo sa akin kaya naman sinaway ko siya.

"Huwag na Ma'am Annabelle, Belle na lang. Para hindi masyadong pormal,"

"Okay, Belle."

Matapos naming kumain ng pansit ay nagkusa akong ihatid si Dindo sa kanilang bahay. Pagdating namin doon ay naroon sa labas ng pintuan si Carla.

"Ginabi na yata kayo?" bungad na sabing iyon ni Carla na nahihimigan ko ang kanyang nais iparating.

Ngumiti ako kay Carla bago nagsalita,

"Dumaan lang kami sa isang kainan ni Dindo," sabi ko sa kanya na talagang balak kong inisin si Carla.

"Ah, talaga ba? Kumain lang kayo sa kainan?" ang hindi naniniwala na tanong niya sa akin.

"Carla, stop it! Mali ka ng iniisip mo. Kumain lang talaga kami at wala nang iba bukod doon," inis na singit na sabi ni Dindo sa kanyang kerida.

"Kaya pala kanina pa ako tumatawag sa phone mo, tapos hindi ka man lang sumasagot!" nagsimula nang magtaas ng boses si Carla sa aming dalawa ni Dindo.

"Bahala ka sa gusto mong isipin, Carla. Malinis ang konsensya ko at wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo o kahit na kanino," sagot ko sa kanya na kanyang ikinatahimik.

"Pagpasensyahan mo na lamang si Carla, hindi niya gustong sabihin ang mga pananalitang iyon sa iyo," pabulong na pakiusap sa akin ni Dindo na ikinakalma ko.

"Kung gusto mong makapagtrabaho nang maayos ang asawa mo, Carla. Alisin mo sa utak mo ang mga negatibo at haka-haka!" naiinis kong sabi habang naka pamewang.

"Masisisi mo ba ako, Belle? Babae ka rin, alam kong alam mo ang bagay na ayaw mong mangyari sa isang relasyon at—"

"Huwag mo akong pagsasalitaan nang ganiyan, hindi mo alam ang dinanas ko at mga paghihirap, kaya pwede ba tigilan mo ako sa walang katuturan na pag-iisip mo!" mataray kong turan kay Carla.

Dahil sa inis ko ay pinaharorot ko ang aking sasakyan papalayo sa bahay ni Dindo. Masama ang loob ko sa aking mga narinig buhat kay Carla. Siya ang sumira ng relasyon namin ni Dindo at bakit parang kasalanan ko ang lahat? Samantalang sila ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Wala talagang magandang maidudulot ang paghihiganti, maaaring ikinatutuwa mo ang mga nakikita mong paninira ng isang pamilya o relasyon, ngunit sa huli ikaw rin ang masasaktan at magiging talunan!" muli ay payo sa akin ni Sylvia ngunit pinipili ko pa rin ang maghiganti kahit pa anong sabihin ni Sylvia sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status