Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
view moreKeilani’s POVTatlong araw akong abala sa pag-aayos ng coffee shop ko. Halos wala akong tulog, pero sulit ang lahat ng hirap. Ngayong araw na ang grand opening, at habang tinitingnan ko ang maayos na dekorasyon, ang malinis na counter, at ang maaliwalas na ambiance ng shop, napangiti ako. Ito ang bunga ng lahat ng pinaghirapan ko.Halos one hundred thousand pesos na lang ang natira sa perang binigay sa akin ni Sylas. Hindi ko inaasahan na ganito na pala kamahal ang magtayo ng business.“Perfect na ‘to, Keilani,” sabi ni Celestia, habang naglalagay ng final touches sa centerpiece. Nilingon ko siya at kahit pagod na rin, kitang-kita sa mukha niya ang excitement.“Thanks, Celestia. Hindi ko ‘to magagawa kung wala ka,” sagot ko habang tinitingnan ang buong paligid.Nakaayos na rin ang stage para sa live band, at ilang minuto na lang, magsisimula na ang programa. Inimbitahan ko ang ilan sa mga sikat na vloggers dito sa town namin. Gusto kong maging memorable at maingay ang pagbubukas ng sh
Keilani’s POVPagdating ko sa bahay, alam kong wala si Braxton. Narinig ko pa sa kapitbahay namin kanina na maaga raw itong umalis para pumasok sa trabaho. Sa totoo lang, wala akong balak umuwi dito kung nandito siya. Mas gugustuhin kong tahimik ang paligid kaysa magulo ang utak ko dahil sa presensya niya.Pagpasok ko, dumiretso ako sa kuwarto para kumuha ng malilinis na damit. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng bahay. Sa kabila ng magagarang muwebles at malinis na espasyo, parang nakakulong pa rin ako.Pero tila parang napakabait ni Braxton ngayon kasi malinis ang bahay. Kahit wala ako rito ng madalas ay tila siya ang naglilinis ng lahat.Matapos kong maligo, nagbihis ako at tumuloy sa kusina para kumain ng tanghalian. Simple lang ang inihanda ko—isang sandwich at juice. Habang kumakain, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa shop kahapon. Tahimik na sana ang buhay ko kung hindi lang sumulpot si Braxton kahapon na pilit akong pinapauwi. Ilang beses niya akong pinupuntahan doon.
Keilani’s POVLinggo ng umaga at tahimik ang coffee shop na pinapagawa ko. Wala ang mga tauhan ko dahil day off nila, at iniwan nila ang shop na hindi pa masyadong ayos. Ako na lang mag-isa ang naglilinis sa loob. Sa totoo lang, hindi ko na namalayan ang oras; kahit paano, gusto kong makita ang shop na malapit nang magbukas sa maayos na kalagayan.Bitbit ko ang walis, sinusuyod ang sahig para tanggalin ang alikabok at kalat. Amoy pintura pa ang lugar, halatang bagong gawa. Maya maya, pinunasan ko ang ilang mesa, habang napangiti. Konti na lang at magiging ganap na realidad na ang shop na ito, ang pangarap kong lugar kung saan makakatakas ako kahit papaano sa gulo ng buhay ko.Maya maya ay habang busy na busy ako ay nakatanggap ako ng email sa kalagitnaan ng paglilinis ko. Tumunog ang cellphone ko at nang makita kong si Sylas ang nagpadala, bahagyang lumalim ang hininga ko. Pagbukas ko ng email, litrato agad ang sumalubong sa akin. Nakita ko sina Braxton, Davina, at ang mga kapatid ni
Keilani’s POVHindi ko inakala na magtatagal pa kami ni Sylas ngayong gabi. Matapos ang usapan namin tungkol sa condo at sa lahat ng mga hiling ko, akala ko’y diretso na kaming uuwi sa kanya-kanyang bahay. Tumatawag na kasi si Braxton, gabi na raw wala pa ako sa bahay kaya naninikis ako, hindi ko sinasagot para maramdaman niyang binabalewala ko na siya.Ramdam ata ni Sylas na ayoko pang umuwi kaya imbes na tapusin ang gabi, bigla niya akong inalok na maglakad-lakad sa park.“Let’s take a walk,” alok niya habang nakangiti, weird lang kasi ang mga mata niya ay tila may sinasabi. “You look like you could use some fresh air.”Wala akong dahilan para tumanggi. Tumango ako at sinundan siya palabas ng restaurant. Malamig ang hangin nang gabi na iyon at tahimik ang paligid. Sa park, kakaunti lang ang mga tao, karamihan ay magkasintahan o pamilyang nag-e-enjoy sa malamig na simoy ng hangin.Habang naglalakad, pansin kong mas relaxed si Sylas ngayon. Hindi siya yung usual na seryosong businessm
Sylas' POVTumatawa ako nang mag-isa habang naka-upo sa swivel chair ng opisina ko. Sa ibabaw ng mesa, may nakabukas na laptop, at sa screen ay ang email na ipinadala ko kaninang umaga. Alam kong nasa inbox na iyon nina Keilani at Braxton—isang video na magko-cause ng away nilang dalawa. Base kasi sa nabalitaan ko, panay ang pigil ni Braxton sa mga gustong gawin ni Keilani sa buhay. Nag-e-enjoy sa buhay pangangabit si Braxton, habang si Keilani na simpleng pagpapatayo lang ng coffee shop ay hindi pa niya mapayagan. Kaya naisip kong ireveal na kay Braxton ang tungkol sa kanila ni Davina, nang sa ganoon, maging matapang si Keilani, ‘yung tipong hindi na niya ito kayang control-in.Habang iniikot-ikot ko ang baso ng whiskey sa kamay ko, iniisip ko kung ano na ang lagay nila ngayon. Naglalandian sina Braxton at Davina sa video na iyon, walang takot at parang mga walang asawa. Pero ngayon, tiyak kong hindi na ganoon ang mga ngiti ni Braxton. At si Keilani? Sigurado akong galit na galit iyo
Keilani POVPagpasok ko ng bahay, ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Nauna siyang umuwi kasi dumaan pa ako sa isang coffee shop para magpalipas ng ilang oras. Tawag siya nang tawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Sa dami nang iniisip ko, halos nakadalawang kape na nga ako. Nung medyo kumalma ako, saka lang ako umuwi rito sa bahay.Nakita ko si Braxton na nakaupo sa sofa, tahimik na nakatungo, parang nag-aabang ng parusa sa akin. Pero para sa akin, wala nang puwang ang awa. Ang galit ko ay parang apoy na hindi mapapawi kahit anong paliwanag niya.Tiningnan ko siya, diretso sa mata niya. “How could you, Braxton?” tanong ko na halos pabulong pero puno ng emosyon.Hindi siya agad sumagot. Tumayo siya, lumapit sa akin, pero umatras ako.“Wala ka bang sasabihin? Wala kang paliwanag? O baka naman wala ka talagang konsensya?” dagdag ko habang hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita nang masakit.“Keilani, let me explain. Please,” sagot niya habang hawak ang noo na para bang siya pa
Keilani POVPagkatapos naming mag-almusal ni Braxton, gumayak na ako. Wala siyang pasok ngayon, pero ako ay may lakad kaya gumayak ako. Nung paalis na ako, bigla siyang nagsabi na sasama siya sa akin kasi gusto niyang masilip ang pinapagawa kong coffee shop. Nagulat pa ako kasi hindi naman siya concern sa business ko, tapos ngayon, sasama siya sa akin.Pagdating namin doon, narinig ko ang tunog ng martilyo at lagari, ang ingay ng mga taong abala sa kanilang trabaho. Nakita ko ang istruktura ng shop—halos buo na ito. Napakalapit na ng katuparan ng pangarap ko.“Ang ganda na ng itsura, ‘di ba?” tanong ko kay Braxton habang binuksan ko ang pintuan ng shop.“Yeah, it’s coming together,” sagot niya, pero hindi ko naramdaman ang enthusiasm sa boses niya.Habang naglalakad kami sa loob, tiningnan ko ang bawat sulok ng shop. Pinagmamasdan ni Braxton ang mga manggagawa, na abala sa kani-kanilang gawain. Napansin kong tahimik lang siya, tila malalim ang iniisip.Isa-isa na ring dumating kahapon
Sylas POVTahimik sa opisina ko, maliban sa bahagyang ugong ng air conditioning. Ang araw ko na ito ay puno ng deadlines, reports, at mga meeting, pero lahat ng iyon ay tila walang halaga kumpara sa plano kong binubuo sa isipan ko. Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa pag-akyat sa hagdan ng tagumpay, kundi pati na rin sa pagiging maestro ng bawat hakbang ng laro.I reached for the intercom, pressing the button with a deliberate precision. “Call Braxton to my office. Now.”“Yes, sir,” sagot ng receptionist.Ibinalik ko ang telepono sa cradle at tumingin sa malinis kong mesa. Organized chaos. Pero para sa akin, walang bagay na nagaganap nang hindi ko pinapahintulutan.Ilang minuto lang, narinig ko ang marahang pagkatok sa pinto.“Sir Sylas, good morning po,” bati ni Braxton, magalang at may pormalidad. Ang kaniyang postura ay malinis at maayos, tila isang taong gustong mapahanga ang boss niya. Kahit na alam kong gago ang isang ‘to.“Come in,” I said, leaning back on my leather chair.
Keilani POVHindi ko alam kung excitement ba ang nararamdaman ko o kaba sa mga susunod kong hakbang para sa pangarap kong coffee shop. Kahit papaano, natutuwa akong kasama ko ulit si Celestia ngayong araw. Siya kasi ang klase ng kaibigan na hindi lang marunong sumuporta kundi talagang game sa kahit anong plano ko. Pagdating niya sa bahay, dala niya ang malaking tote bag na palaging puno ng kung ano-anong gamit. Ngumiti siya sa akin habang inabot ang kape na dala niya.“Ready ka na ba? Mukhang madugo ang shopping na ‘to,” biro niya sabay inom ng sarili niyang kape.Napatawa na lang ako. “Oo naman. Kung gusto mong bigyan kita ng allowance, sabihin mo lang,” sabi ko nang pabiro rin.“Hmm, maybe I should take you up on that offer,” sagot naman niya sabay kindat.“Oo, akong bahala sa ‘yo, basta samahan mo lang ako palagi, aambunan kita ng grasya,” sagot ko at ngayon din, nagulat siya kasi binigyan ko siya ng limang libong piso.“Hoy, seryoso ba?” hindi siya makapaniwala.“Itabi mo na ‘yan
Keilani POVPagdilat ng mata ko sa umaga, wala na akong karapatang tumunganga pa dahil kailangan kong ipagluto ng almusal ang mahal kong asawa. May pasok kasi ito araw-araw sa pinagtatrabahuhan niyang Merritt wine company. Masaya ako kasi maganda-ganda na ang trabaho niya ngayon. Hindi na niya kailangang magtiis pa sa pagiging waiter sa isang maliit na restuarant na ang liit nang kinikita niya kasi dati, madalas kaming magtipid para lang mabayaran ang mga bills namin dito sa bahay.Tatlong taon na kaming nagsasama ni Braxton. Kasal na kami, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagiging anak. Nagpapa-check up naman kami, okay ako, pero siya, simula nung unang check up, hindi na nasundan kasi sobrang busy niya palagi sa trabaho niya. Isa siyang sales manager sa Merritt wine companu kaya madalas siya talaga siyang busy.“Oh babe, maaga ka palang nakagayak ngayon, tamang-tama, luto na ang almusal natin, kumain ka muna bago ka umalis,” sabi ko sa kaniya nang makita kong lumabas na s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments