Nakabuntis ang boyfriend ni Zyra Bermudez kaya nakipaghiwalay ito sa kanya. Para makalimot ay inaya siya ng kaibigan sa bar at doon niya nakilala si Gaustav Ramos, isang bilyonaryo na pressured nang magkaroon ng asawa at anak. Sa sobrang kalasingan ay may nangyari sa kanila at inalok siya ng lalaki ng malaking pera at ang kapalit ay magiging asawa siya nito. Pero tinanggihan iyon ni Zyra. Ngunit kinakailangan pala niya ang tulong ng lalaki dahil nakulong ang kapatid ni Zyra. Nang puntahan niya ito may kausap itong babae na may kargang bata. Huli na ba siya para ialok ang sarili niya uli kay Gaustav?
View More"I guess that's it. Thank you, Mr. Ramos for doing this. Ito na ang partnership na matagal ko nang hinihintay," sabi ni Mr. Taneco. "Mr. Taneco, ako po ang dapat na magpasalamat sa inyo. If you didn't seal the deal ay hindi po ito magiging possible. Thank you for partnering with Ramosa Group of Companies. Surely, matutuwa po ang mga magulang ko rito," sagot ni Gaustav pagkatapos ay nilahad ang kanyang kamay. "Oh, Gaustav. Kung hindi ka naman magaling mag-explain ay hindi mo ako mapapa-oo. So, congratulations to you," sagot ni Mr. Taneco. Muling nagpasalamat si Gaustav pagkatapos ay nagpaalam na si Mr. Taneco sa kanya. Naiwan siya sa meeting room sa Ramosa Group of Companies dahil may inasikaso pa siya. Nang nakarating na sa parking lot ng building ay hindi niya maiwasang isipin si Zyra. Kating-kati na talaga siyang makausap ang dalaga. Kaya naman, kahit kagagaling lang sa meeting ay minabuti niyang pumunta sa bahay nina Zyra. Bahaha na kung anong mapag-usapan nila. Ang importa
Makaraan ang ilang linggo ay naging abala si Prescilla kay Gaustav. Sinasamahan niya ito kung saan-saan at pinagsisilbihan. Kulang na nga lang ay sabihin niyang siya ang asawa ng binata. "Gaustav, here's your breakfast! Sana, magustuhan mo. Ako ang nagluto noong egg. Si Yaya Frida naman doon sa ham and bacon. Kumain ka na," masayang sabi ni Prescilla pagkatapos ay umupo sa tabi ni Gaustav. Nilingon niya ang buong paligid at nagtataka siya dahil wala ang Mommy Vilma niya. Ni hindi man lang tiningnan at in-appreciate 'yong luto ni Prescilla. Nagtataka siya dahil lagi niya itong kasabay sa pagkain these past few days. "Prescilla, where's Mommy? Wala naman siyang nasabi sa akin kagabi na may meeting siya?" tanong ni Gaustav, nalungkot tuloy si Prescilla dahil wala man lang itong komento sa pagkain na hinanda niya. "Ah, ang sabi niya ay may emergency meeting daw siyang pupuntahan. 'Yon ang sabi niya sa akin kanina. Hindi ka na raw niya ginising kasi ang sarap daw ng tulog mo eh," sa
Pagkadating nila sa condo ay pinagtimpla agad ni Lenie ang kanyang kaibigan ng chamomile tea para kumalma ito. Si Alexis naman ay agad na nagpaalam para bumalik muna sa mansion ng mga Ramirez. Pagod na pagod si Zyra na umupo sa sofa at ilang minuto lang din ay binigay na ni Lenie ang chamomile tea na kanyang ginawa para sa kanilang dalawa. "O, ito na 'yong chamomile tea na ginawa ko para sa iyo. Inumin mo iyan para kumalma ka at makatulog kang maayos mamaya ha?" "Naku, maraming salamat. Pasensya na rin kayo ni Sir Alexis kung kayo pa ang naisipan kong guluhin. Alam kong busy din kayo," sagot ni Zyra pagkahigop doon sa tsaa. Agad na tinanong ni Lenie si Zyra kung ano nga ba ang nangyari sa dalawa. Awang-awa din siya na pati ang kanyang Tita Cynthia ay walang pakialam sa nangyari kay Zyra. "Okay lang iyon. Ano ka ba? Pero, maiba tayo ng topic, Zyra. Seryoso ba? Talagang naniwala siya sa babaeng iyon? Sira naman pala ang ulo niya eh. Hindi siya bagay maging isang ama," inis na
Tila mayabang ang mga tingin ni Cynthia sa kanyang anak bago tuluyang magsalita. "O, bakit ka nandito? Huwag mo sabihing babalik ka na rito sa bahay? Aba, pagkatapos ng sinabi mo sa amin, sa tingin mo ay tatanggapin ka pa namin?" mataray na sabi ni Cynthia. Halos hindi naman mahanap ni Zyra kung ano ang mga salitang sasabihin niya sa kanyang ina. Gusto niyang mag-sorry pero sa sinabi pa lang nito ay tiyak na hindi na siya patatawarin. "Nay, pasensya na po kayo, o. Alam ko pong marami po akong nasabi sa inyo pero sana naman po ay patawarin niyo ako," pakiusap ni Zyra. "Bakit ko naman gagawin iyon, aber? Teka, nasaan ba si Gaustav? 'Di ba, ang sabi mo ay siya na ang pinipili mo kaysa sa amin?" tanong ni Cynthia, mataray pa rin siya sa kanyang anak. "H-Hiwalay na po kami, nay," nauutal na sagot ni Zyra, ni hindi siya makatingin sa kanyang ina pagkasabi noon. Tumawa naman nang payak si Cynthia pagkatapos ay hinarap ulit ang dalaga. "Tingnan mo, ang yabang mo pa sa akin noon,
Pagkalipas ng ilang linggo ay umuwi na nga si Zyra sa mansion. Habang papalapit sila ay naiiyak na siya dahil alam niyang wala na sila ni Gaustav. Kukunin na lang niya ang mga gamit doon at aalis na. Pero ang mas dumurog sa kanya ay hindi niya alam kung saan siya pupulitin pagkatapos ng lahat. Ayaw naman niya sa nanay at kapatid niya dahil alam niyang wala na itong pakialam sa kanya. Pagbaba sa kotse ay pumunta agad siya sa kwarto ni Gaustav. Nakita siya nina Vilma at Prescilla pero hindi nila pinansin ang dalaga. Tuloy lang sila sa pagkain. Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit ay biglang dumating si Gaustav sa loob. Nagulat ang binata pero hinayaan niya lang si Zyra na kunin ang mga gamit niya. "Gaustav, wala na ba talagang pag-asa na maging okay tayo? Kahit konti? Mahal mo pa rin naman ako, 'di ba? Let's start over," pakiusap ni Zyra. "Zyra, please. Don't go to that topic. My decision is final. Ipapahatid kita kay Jericho sa bahay nina Tita Cynthia at Leo," sagot ni G
Nang makauwi sina Lenie at Alexis ay agad na kinausap ni Gaustav si Zyra galit na galit siya dahil sa nangyari. Hindi niya malaman sa kanyang sarili kung maniniwala ba siya kay Prescilla o hindi. "Gaustav, maniwala ka naman sa akin. Hindi ko naman gagawin iyon sa anak natin. Kita mo naman, 'di ba? Gustong-gusto kong magkaroon tayo ng baby," halos pagmamakaawa na ni Zyra noong umupo ang binata sa tabi ng hospital bed. "Zyra, sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Sana man lang ay inaalam mo kung ano ang iniinom mo!" galit na sagot ni Gaustav. "Oo, iyon talaga ang pagkakamali ko. Hindi ko inalam muna kung ano ang pinapainom sa akin dahil akala ko ay isa na siyang mabuting tao pero hindi pa rin pala. Binaliktad niya ako!" sigaw ni Zyra, iyak na siya nang iyak noon. "Kahit na binaliktad ka niya, alam mo sana na kakaiba na ang pinapainom sa iyo. Nanay ka na, 'di ba? Ramdam mo iyon pero tinuloy mo pa rin! Anong klaseng ina ka?" Dahil sa sinabi ni Gaustav
Makalipas ang ilang oras ay dumating na sa ospital si Lenie kasama si Alexis. Ang dami nilang dalang pagkain at prutas para kay Zyra. Agad niyang nilapitan ang kaibigan, naluluha siya dahil sa balitang natanggap niya. Nagulat si Zyra dahil sa presensya ng kanyang boss pero sa loob-loob naman niya ay masaya siya. Kahit kasi pinaalis na siya ni Alexis ay kita niyang concerned pa rin ito sa kanya. "I know, this is hard for you. We will always be here, Zyra," sabi ni Alexis. "Thank you, Sir Alexis. Masaya po akong makita kayo ulit. Pasensya na po at nakita niyo pa po ako sa ganitong sitwasyon," sagot naman ni Zyra. "You don't need to be sorry. Basta, nandito lang kami ni Lenie. Sabihin mo lang sa amin kung anong kailangan mo." Umupo si Lenie sa upuang malapit kay Zyra pagkatapos ay agad na kinamusta niya ang kanyang kaibigan. "Kamusta ka na? Buti na lang at gising ka. Sobra akong nag-aalala sa iyo, BFF. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm sorry for your loss," sabi ni Lenie
Makalipas ang ilang linggo ay si Prescilla na nga ang nag-alaga kay Zyra. Tuwing aalis si Gaustav para pumasok sa kumpanya ay iniiwan na niya ito sa nanay ng anak niya. "Zyra, uminom ka na ng gamot mo, o. Alam mo naman, kailangan nating sumunod sa oras," sabi ni Prescilla. Ilang araw na nanghihina si Zyra noon kaya hindi niya naiwasang magtanong kay Prescilla tungkol sa gamot na iniinom niya. "Prescilla, sigurado ka bang okay para sa buntis itong binigay mong gamot sa akin? Madalas na kasi akong mahilo at manghina simula nang inumin ko iyan," sabi ni Zyra. "Ha? Naku, hindi ko pala nasabi sa iyo. Ganoon nga ang affect niyan sa buntis. Kahit nga ako, ganyan din sng naranasan ko noong buntis pa ako kay Marcus," sagot naman ni Prescilla pagkatapos ay binigay na kay Zyra ang gamot. May mga gamot naman si Zyra na iniinom pero iyong gamot na binigay ni Prescilla ay hindi prescribed ng doktor sa kanya. Wala nang nagawa si Zyra noon, ininom na niya ang gamot na binigay sa kanya ni
Makalipas ang ilang linggo ay umuwi na si Zyra sa mansion. Hindi niya malaman kung bakit biglang naging okay si Prescilla pagkatapos ng nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung ikakasaya niya ba iyon o ipagtataka. Pero, masaya na rin siya kasi unti-unti nang nagiging okay ang lahat para sa kanya. "Naku, Gaustav. Ako na ang mag-aalaga sa kanya, ha? Don't hire a nurse. Kaya ko na siyang alagaan dito sa mansion," sabi ni Prescilla pagdating pa lang noong dalawa. "Ha? Sigurado ka ba? E si Marcus, babantayan no pa, 'di ba? Hindi na, kukuha na lang ako ng nurse para kay Zyra," sagot naman ni Gaustav. "Gaustav, nandyan naman si Yaya Frida. Makakatulong ko siya sa pag-aalaga ko sa anak natin. Don't you trust me? Promise, aalagaan ko talaga si Zyra. Gusto kong bumawi sa kanya," pangungulit ni Prescilla kay Gaustav. Ngumiti si Zyra at sumang-ayon na rin kay Prescilla. Ayaw din naman ni Zyra na gumastos pa si Gaustav para sa kanya. "Oo nga, Gaustav. Ayaw mo ba noon? Magiging close kami ni P
Masayang nag-uusap sina Zyra at Lenie sa isang coffee shop malapit sa Ramirez Group of Companies. Halos isang oras na silang nakatambay doon nang biglang nakita ni Zyra ang kanyang boyfriend na may kasamang iba. Hindi agad nakita ni Jeremy si Zyra dahl malayo ang dalawa sa pinto ng coffee shop.Gulat na gulat si Lenie nang makita si Jeremy. Agad siyang napatingin sa kaibigan dahil alam niyang ito ay boyfriend ni Zyra. Biglang tumayo si Zyra para puntahan ‘yong dalawa kaya sumunod agad si Lenie sa kanya.“Really now, Jeremy? Dito mo pa talaga dinala ang babaeng iyan sa coffee shop malapit kung saan ako nagtatrabaho? Binabalandra mo ba talaga sa akin na may iba ka?” sabi ni Zyra, nagulat naman si Jeremy nang makita ang kanyang girlfriend.“A-Ah, Let me explain, Zyra. Sinamahan ko lang si Kristine to meet her friend. Baka kasi-” hindi na natuloy ni Jeremy ang kanyang sinasabi dahil sinampal agad siya ni Zyra.Agad namang tumayo ‘yong babae para harapin si Zyra. Galit na galit ito kahit s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments