author-banner
Athena Beatrice
Athena Beatrice
Author

Novels by Athena Beatrice

My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
อ่าน
Chapter: CHAPTER 107 - SPECIAL CHAPTER (ENDING)
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-16
Chapter: CHAPTER 106 [SPG ALERT!] - SPECIAL CHAPTER
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-16
Chapter: CHAPTER 105 - LAST CHAPTER
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-15
Chapter: CHAPTER 104
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-15
Chapter: CHAPTER 103
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-14
Chapter: CHAPTER 102
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-13
My Daddy Boss (English Version)

My Daddy Boss (English Version)

Lenie was left by her ex-boyfriend, Dexter, which led her to seek help from her friend Alice to find a new job and start a fresh chapter in her life. However, even Alice betrayed her by leaving her baby with Lenie and disappearing without a word. To support Javi, Lenie applied to the company where Alice used to work. When she got the job, she never expected to catch the attention of her boss, Alexis Ramirez. Over time, she found herself falling for him, and the feeling became mutual. However, Lenie had a secret she couldn’t reveal to Alexis—employees with children were not allowed in his company. She didn’t know how to explain her situation to him. While contemplating a solution to her problem, her former friend Alice suddenly returned to take back her child. Having cared for Javi for years, Lenie found it extremely difficult to give him up to his biological mother. To stay close to Javi, Lenie turned to Alexis for help. Little did the two know that Alexis’ simple act of helping would significantly change their relationship and their lives forever.
อ่าน
Chapter: CHAPTER 106 - SPECIAL CHAPTER
AFTER A YEAR. . . As soon as Lenie stepped into their house, Alexis greeted her with a passionate kiss. They didn't care if they bumped into walls or doors as they kissed intensely. Lenie, however, found the courage to stop the kiss when Alexis started removing her blouse. "Oh, why did you stop? Is there a problem?" Alexis asked, seemingly disappointed. "I-I just want to take a bath first before... you know," Lenie said, her face turning red with shyness. Alexis smiled and teased her. "Is that all? I love your scent even when you're not yet bathed." Lenie covered her mouth in shock, and Alexis continued to tease her. "Come on, please?" he whispered, caressing her body. Lenie pushed Alexis away. "Alexis, I'll take a bath first." Alexis looked disappointed, but Lenie smiled and whispered, "Promise, when I get back, you'll enjoy it." Alexis's eyes lit up, and he waited eagerly for Lenie to return from her bath. When she came out, Alexis immediately swept her off her feet
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-09
Chapter: CHAPTER 105 - LAST CHAPTER
At the wedding reception alone, Lenie was already hearing all sorts of comments from the guests. Some wanted them to have a child immediately, while others thought they should wait. She didn’t know what to do. She was already feeling pressured, even though she had just become a Ramirez."Oh, please don't pressure my wife," Alexis interjected. "Besides, we already have a child—Javi, right? It’s better if we focus on him first. After all, he’s still young.""Huh? But isn’t he your child with Alice? The one who got imprisoned? You know, it would still be better if you and Lenie had a child together. It just feels different," one of the wedding guests commented.They quickly decided to have Javi moved away so he wouldn’t hear anything further. Both Lenie and Alexis closed their eyes in frustration, and Beverly noticed it."Yaya Sol, please take Javi inside. Check if he needs to rest. I’m sure he’s tired," Alexis instructed."Alright, Sir. I’ll put him to sleep," Yaya Sol responded.After
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-09
Chapter: CHAPTER 104
After a few weeks, the two finally decided to say goodbye to Alice. Even though they didn’t know how she would react, they still wanted to try, especially since they were leaving the country with Javi after the wedding."Are you sure about this? You know what kind of attitude that woman has. I don’t know why she still hasn’t forgiven you," Alexis said."Alexis, until she forgives me, I won’t stop. I don’t even know why I’m still hoping we can fix things, even if it seems impossible," Lenie replied."Oh, wow. I really admire you. That’s why I’m marrying you—you’re so brave. I just hope she finally forgives you, and of course, forgives herself too. She’s the one responsible for everything, after all," Alexis said before kissing his fiancée on the forehead."Ugh, you’re spouting nonsense again. Fine, I know you’re head over heels for me. Let’s go now and visit her in prison," Lenie said.They brought Javi along so Alice could see her son. Honestly, every time Lenie saw her former friend
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-09
Chapter: CHAPTER 103
Lenie was completely surprised when she realized that Mang Dante had taken her to a beautiful outdoor restaurant.She was even more shocked to see all the people closest to her gathered there. Thoughts started forming in her mind about why they were there, but she didn’t want to assume anything."Ma'am, I’m sorry. I was just following orders," Mang Dante said as he parked the car."Oh, that’s okay. I should be the one apologizing for thinking badly of you earlier. I had no idea they were planning to surprise me," Lenie replied.After parking, Lenie gathered her things and stepped out of the car.As she slowly walked inside, her eyes widened even more at how breathtaking the place was. She looked around and spotted Zyra and Lance. Beverly was also there, carrying Javi. Surprisingly, even some employees from RCG attended, despite not being very close to her.She was also shocked to see Gaustav, Zyra’s beloved. Her friend had always said that he rarely attended gatherings.Even Daphne wa
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-09
Chapter: CHAPTER 102
AFTER 1 YEAR. . .Alice was already in prison, and Lenie was happily living in the Ramirez mansion. She had returned to RCG as an employee of Alexis, with strict instructions that she should not be given any high position in the company, even though she already knew how everything worked.Her relationship with Alexis had also improved, and they promised each other that no matter what challenges came their way, they would face them together.While they were having lunch, Beverly suddenly spoke up."Lenie, when will you be having your baby? I would love for my grandson, Javi, to have a sibling."Lenie almost spit out the juice she was drinking upon hearing that. Alexis, sitting beside her, chuckled.Although embarrassed, Lenie responded, as she still felt nervous whenever she talked to Beverly."Ah, Auntie… that's not in our plans yet. Besides, your son hasn’t even proposed to me yet," she said, laughing to herself.This time, it was Alexis who choked on his drink, laughing at Lenie’s r
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-09
Chapter: CHAPTER 101
The next day, Lenie, Alexis, and Javi went to the hospital where Alice was staying. At first, they hesitated about whether Lenie should enter the room. "Are you sure you can face Alice? She might say something hurtful to you," Alexis asked worriedly before they entered Alice's room. Lenie simply smiled before replying, "Of course. I don't care what she says anymore. I have you both with me, so what else could be a problem?" Hearing that, Alexis also smiled. "You really are something. Alright, let's go!" Alexis said. They all entered the room together. Alice smiled upon seeing Javi, but her expression changed the moment she saw Lenie. "Everything was fine until I saw her. Why is she even here? Alexis, I was okay with just you and our son visiting me!" Alice complained. "Alice, relax. There's nothing we can do about it. Javi asked her to come. You know no one can say no to your son," Alexis replied. "Then you should have stopped him. I really thought I'd feel better after seeing
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-09
Sold To A Billionaire

Sold To A Billionaire

Nakabuntis ang boyfriend ni Zyra Bermudez kaya nakipaghiwalay ito sa kanya. Para makalimot ay inaya siya ng kaibigan sa bar at doon niya nakilala si Gaustav Ramos, isang bilyonaryo na pressured nang magkaroon ng asawa at anak. Sa sobrang kalasingan ay may nangyari sa kanila at inalok siya ng lalaki ng malaking pera at ang kapalit ay magiging asawa siya nito. Pero tinanggihan iyon ni Zyra. Ngunit kinakailangan pala niya ang tulong ng lalaki dahil nakulong ang kapatid ni Zyra. Nang puntahan niya ito may kausap itong babae na may kargang bata. Huli na ba siya para ialok ang sarili niya uli kay Gaustav?
อ่าน
Chapter: CHAPTER 93
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-28
Chapter: CHAPTER 92
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-28
Chapter: CHAPTER 91
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-28
Chapter: CHAPTER 90
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-27
Chapter: CHAPTER 89.2
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-27
Chapter: CHAPTER 89.1
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-27
Grace - A Mother's Cry

Grace - A Mother's Cry

Nakilala ni Grace si Wilfred sa isang club at pinaibig siya nito. Ang hindi alam ni Grace ay kasal na si Wilfred. Naging sila at di kalaunan ay nabuntis siya, pero noong sasabihin na niya iyon kay Wilfred ay doon niya nalaman na may asawa pala ito at hindi siya nito paninindigan. Paano na ang pangarap niya para magkaroon ng buong pamilya?
อ่าน
Chapter: CHAPTER 10
Ilang araw na ang nakalipas pero napansin ni Bridgette na hindi pa rin nagpaparamdam ang kanyang ina. Kaya, minabuti na niyang tanungin si Wilfred kung kamusta na si Grace. Ngayon ay nasa labas sila ng mansion, tinitingnan ang langit dahil gustong-gusto ni Bridgette na makita ang mga bituin sa langit. "Tay? Pwede po ba akong magtanong sa inyo?" Agad na ngumiti si Wilfred at sinagot ang bata. "Oo naman, anak. Tungkol ba saan 'yon?" "Nakakausap niyo po ba si nanay? Araw-araw ko po kasi siyang naiisip, e. Gusto ko po sana na makita siya ulit," may lungkot ang bawat salitang binitawan ni Bridgette noong mga oras na iyon. "Hmm, anak. Hindi ko pa ulit siya nakakausap simula noong kinuha kita sa kanya. Pero, siguro naman ay okay siya roon kasi naroon naman si Sarah at saka 'yong asawa at kapatid mo, hindi ba?" Muling naisip ni Bridget
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-01
Chapter: CHAPTER 9
Kinagabihan, umuwi si Rico sa kanilang bahay. Lasing na lasing siya. Sa sobrang paghihintay nga ni Grace ay nakatulog na siya sa sa kanilang sofa.  "Grace! Grace! Bakit ba tulog ka nang tulog? Hay, naku! Ngayon na nga lang uuwi rito tapos ganito pa ang dadatnan ko?!"  Dahil sa sigaw ni Rico ay agad na nagising si Grace. Pupungas-pungas pa siya nang siya ay umupo.  "Rico, nandyan ka na pala. Pasensya ka na ha? Naglinis kasi ako ng bahay pagkatapos ay naglaba. Dito na pala ako nakatulog sa sofa," sagot ni Grace.  "Pasensya? Nakakaubos ka ng pasensya! O, sige. Nandito ang tuyo at itlog. Iluto mo dahil gutom ma ako!" sigaw ni Rico kaya agad na nagmadali si Grace at nagising ang kanyang diwa.  "Oo,
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-26
Chapter: CHAPTER 8
Makaraan ang kalahating oras ay lumabas na si Wilfred. Agad siyang tinanong ni Grace kung kamusta ang naging pag-uusap nila ni Bridgette.  "Ano? Kamusta? Okay ba 'yong naging pag-uusap niyo?"  "Okay na, pumayag na siya sa set-up natin. Sasama na siya sa akin. Basta, sabi ko ay dadalawin mo siya roon sa mansion," sagot ni Wilfred.  Agad na sumimangot ang mukha ni Grace dahil sa narinig. Wala naman kasi siyang balak na bisitahin si Bridgette sa mansion ng mga Salcedo   "Ha? Anong sabi mo? Dadalawin ko siya room? Para saan?" sunud-sunod na tanong ni Grace.  "Grace, anak mo siya. Syempre, gusto noong bata na makasama ka pa rin namin kahit saglit lang. Lalo na kung importanteng mga okasyon," sagot ni Wilfred, hindi siya makapaniwala na ganoon ang isasagot ni Grace sa kanya.  "Pambihira. Kaya mo na iyon. Aba, gusto mong bumawi sa kanya, 'di
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-25
Chapter: CHAPTER 7
Agad na nilapitan ni Grace si Wilfred para kausapin. Inis na inis ang kanyang mukha dahil pakiramdam niya ay inalisan siya ng karapatan ng dating nobyo na sabihin sa kanyang anak ang katotohanan.  "Seryoso ka ba sa ginagawa mo? Ganyan talaga ang pagpapakilala mo sa bata? Umayos ka nga!" sigaw ni Grace.  "Aba, anong gusto mo? Hindi ko sabihin sa kanya ang totoo e sampung taon ko nang hindi siya kinilala bilang anak? Grace naman!" sagot naman ni Wilfred.  "Iyon na nga eh, sampung taon mo na siyang hindi kinilala tapos ngayon ay pupunta ka rito na para bang wala lang? Wilfred! Hindi ka na dapat pumunta pa rito!" sigaw ni Grace.  Agad na lumapit si Bridgette sa kanyang mga magulang. Kinausap niya si Grace para pagbigyan ang kanyang ama dahil sabik na sabik nga siya sa pagmamahal nito.  "Nay, kung siya nga ang tatay
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-25
Chapter: CHAPTER 6
AFTER 10 YEARS. ."Rico, mahal ko. Bumili ako ng-" napatigil na si Grace sa pagsasalita noon dahil sa kanyang nakita. Nakita niyang magkayap sina Rico at ang babae nito. Ang sarap-sarap pa ng tulog ng dalawa kaya namg matauhan siya ay agad niya itong kinalampag. "Walanghiya kayo! Dito pa talaga sa loob ng bahay ko kayo naglalamoungan?! Ikaw babae ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pamilyadong tao na itong tinitikman mo!" sigaw ni Grace. Wala siyang pakialam kung may magising sila na kapitbahay. Pupungas-pungas pa ang dalawa pagkatapos ay nanlaki ang mga mata dahil nakita nila si Grace na galit na galit. Pinagbabato sila ni Grace ng unan, dahilan para tumayo na ang dalawa at magbihis para harapin nila si Grace. "Grace, paalala ko lang sa iyo, hindi pa kayo kasal kaya pwede pang tumikim ng iba si Rico! Losyang ka na kasi kaya ayaw na niya sa iyo!" sabi ni Karen, tatawa-tawa pa ito dahil nasaktan niya nang sobra si Grace. "Kahit hindi kami kasal ay may mga anak pa rin kami
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-24
Chapter: CHAPTER 5
Isang araw, habang naglilinis ng gamit ni Wilfred ay nakita ni Grace ang isang picture sa wallet ng kanyang minamahal. Isang magandang babae pero alam ni Grace na mas bata siya rito. Ang sakit ng puso ni Grace noon dahil sa nakita. Gusto na niyang kausapin si Wilfred noon pero hindi niya magawa. Takot siyang malaman ang totoo. 'Baka naman Ate niya lang ito o pinsan. Oo nga, Grace. Baka ganoon lang.' Agad na nabitawan ni Grace ang wallet nang marinig niya na bumababa na si Wilfred mula sa kanilang kwarto. Inayos pa niya nang mabuti 'yong wallet para hindi mag-isip si Wilfred na ginalaw niya ito. "Ah, Grace. Pasensya ka na ha? Aalis ulit ako. Kapag may kailangan ka ay nandyan naman si Ate Miding. Magsabi ka na lang sa kanya ha?" paalam ni Wilfred. "Ha? Aalis ka na naman? Kauuwi mo lang kanina, ah. Saan ka na naman pupunta?" iritang tanong ni Grace. "Naku, si Sir Danilo kasi. Pinapatawag ako sa opisina. Biglaan. May meeting daw kami dahil may kailangang ayusin tungkol sa supp
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-24
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status