Laking probinsya si Lylia at maagang naulila kasama ang kapatid nitong may malubhang sakit. Dahil sa hirap ng buhay, maaga siyang namulat sa realidad at kinailangan dumiskarte para sa kapatid at sa pang araw-araw nilang gastusin kaya naman naisipan niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan. Ngunit matapos niyang madiskubre na si Raze—na kapitan ng barangay nila ang pinagkakautangan ng mga namayapa niyang magulang ay napilitan siyang tanggapin ang deal nito at 'yon ay makasal sila bilang kabayaran sa kalahating utang niya kung hindi ay ide-demolish niya ang bahay nila pati ang karinderya nito na siyang pinagkukunan nila ng hanapbuhay. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, maninilbihan din ito bilang kasambahay para bayaran ang natitira pa nitong utang. Kilala si Raze bilang kuripot at mahigpit na kapitan sa Barangay Abueña. Strikto siya sa lahat pagdating sa paggawa at pag-apruba ng proyekto ng mga kagawad niya pati na rin sa paggamit ng pondo sa barangay. Matagal siyang nawala sa lugar pero namo-monitor pa rin niya ang nangyayari sa barangay. Ang hindi alam ng iba, isa pala siyang sekretong bilyonaryo na nagmamay-ari ng airlines, hotels at resorts sa Pilipinas na tanging mga may dugông maharlika ang in-accomodate. Nang bumalik siya, sa sabungan niya nakita ang babaeng sa larawan lamang niya nasilayan—si Lylia, ang babaeng nagkakautang sa kanya at doon nabuo ang mapaglaro niyang plano at 'yon ay pilitin itong pakasalan siya. Mauwi kaya sa totohanan ang deal nila o isa sa kanila ang uuwing luhaan?
View More“What are you doing here? I thought you're in Canada? Kailan ka pa nakauwi?” sunod-sunod na tanong ni Raze na tila hindi makapaniwala na nandito ang babae. “Why didn't you call me? Ako sana ang sumundo sa ‘yo sa airport.” The woman chuckled. “Iyon na nga, eh. Ikaw na naman ang susundo sa akin. Maiba naman.” Pumisil ang kamay ni Raze na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae. “Kung gano'n, sinong sumundo sa ‘yo? Si Ashel?” Umiling ang babae. “No. Iyong pinsan mong babae, si Nicole. Kasama ko siya actually—oh, ayan na pala siya.” Sabay naming nilingon ni Raze ang kinakawayan niya. “Girl, here!” “Surprise, coz!” Nabitawan ni Raze ang kamay ko nang yakapin siya ng babae mula sa likod. “Do you like my suprise?” nakangiting wika ng babae at pinisil-pisil pa ang pisngi ni Raze. “Pwede niyo nang ituloy ang naudlot na kasal.” Natigilan ako. K-Kasal? Kung gano'n, ang babaeng nasa harapan namin ngayon ay siyang dapat pakakasalan niya? Bahagya akong napaatras nang muntik na a
“T-Tumigil ka nga,” tinampal ko ang mukha niya. “Kung anuman ‘yang matitikman sa’yo, iyo na lang. I’m not interested.” “Masabi mo pa kaya ‘yan kapag mag-asawa na tayo?” wika niya pagkatapos ibaba ang kamay ko. “I’m just kidding, Lyl, pero mukhang gusto ko ‘yang nasa isip mo.” “Ang bastôs mo!” singhal ko sa kanya. Humalakhak siya. “So, bastós nga ang nasa isip mo?” Natigilan ako. I was caught, oh my God! “Hindi!” depensa ko habang nanlalaki ang mga mata. “Umalis ka na nga dyan! Hindi ako makahinga ng maayos!” “Fine, fine… stop pushing me,” natatawa siyang lumayo sa akin. “I didn’t know na may alam ka tungkol sa bagay na ‘yon. You’re not that innocent. Pwede na.” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Anong pwede na? Gusto mong makatikim?” “Nag-alok na nga ako kanina, ayaw mo naman.” Nakangisi nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Isa pa talaga Raze. May atraso ka pa sa akin.” “Na hindi ako bumalik kagabi? Gaya ng sabi ko, inaasikaso ko ang kasal natin.” “Nagmamadali ka
“Yie! Kumekerengkeng na si Lylia! Parang kanina nag-aaway pa kayo tapos ngayon may pakiss na? Anong pakulo niyo?” pang-aasar pa ni Love. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila ang tungkol doon. “Wag kang issue, wala lang ‘yon!” singhal ko sa kanya. “Anong pinag-uusapan niyo kanina? Ba’t napatigil kayo?” Nagkatinginan sila ni Lira at nagpalitan ng magkahulugang tingin. “Intriga kasi kami kung anong score niyo ni Kapitan. Eh ‘di ba naka-VIP room tayo ngayon tapos narinig ko pa kanina kay doc na siya ang nagbayad no’ng bills at gamot ni Lira and now siya pa ang bibili ng pagkain natin. Spill the tea.” Tukso pa ni Love at nagkilitian pa sila ni Lira. Napabuntong hininga lamang ako. Sabihin ko na lang nang matapos na. Kinuwento ko sa kanila ang deal namin ni Raze at ito pareho silang nakanganga, hindi makapaniwala. “Shocks!” bulalas ni Love. “Pumayag ka?” “Kailangan, eh.” Napakamot ako ng buhok. Wala rin namang mangyayari kung ililihim ko sa kanila. Malalaman at malalaman din n
“Payag na ako." Hanggang ngayon ay nag-e-echo pa rin sa utak ko ang pagpayag ko sa deal niya tapos wala sa sariling nakipaghawak kamay ako sa kanya habang naglalakad papuntang pharmacy. Pinagbubulungan tuloy kami ng mga nakakakilala sa amin. “H-Hindi ka ba naiilang?” nahihiyang tanong ko. Gusto kong magtago sa likod niya dahil sa mga matang nakasunod sa amin na para bang napakalaking kasalanan na makita kaming magkahawak kamay. Bumaba ang tingin ko sa magkadaop naming palad at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon nang akmang bibitawan ko. Pakiramdam ko nangangamatis na ang mukha ko sa hiya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nakayuko lang ako the whole time na magkasama kami. Hindi ko alam kung parte ito ng gusto niyang mangyari—iyong deal na sinasabi niya kaya hinayaan ko lang din kesa naman sa pilitin ko. “Hayaan mo silang mag-overthink,” nahimigan ko ang tuwa sa boses niya. “Mga marites lang ‘yan." Palihim akong natawa. Hindi ko inexpect na alam ni
Pinanliitan ko siya ng mata bago lumayo. “Nahihibang ka na ba?” Seryoso siyang timitig sa akin at maya-maya pa ay umangat ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil na ngumiti. “Kapag ba sinabi kong oo, maniniwala ka?” “Baliw na nga,” bulong ko. “I heard that, miss.” Tumawa ito ng mahina. Nahuli ko siyang nakatitig sa namamawis kong dibdib kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim. Maski ako ay nakaramdam ng hiya kasi ngayon ko lang napansin na nakikita pala ang cleavàge ko. “Look, I'm offering you a deal. Dapat kanina pa nasimulan ang demolition pero dahil mabait ako—” Natawa ako. “Wow! Mabait? Mabait ka na niyan, Kapitan?” puno ng sarkasmo kong tanong. Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip na nakipagsukatan ng tingin sa akin. “Hindi ba? So dapat pala hindi na ako nagpaalam sa 'yo?” naglaro ang ngisi niya sa labi na mas nagpainis sa akin. “Very well…” Dinukot niya ang selpon sa bulsa ng slacks nito ngunit mabilis kong naagaw ‘yon nang akmang
LYLIA'S POV Habang nagse-serve ng mga tao mula sa sabungan, napansin kong nagsisikuhan sina Lira at Love na para bang may minamataan sa labas ng karinderya. Maya-maya pa ay nagbulungan sila at bumungisngis animo'y kinikilig. Anong pinagbubulungan ng dalawang 'to? Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at bahagyang napaatras nang makita ko si Kapitan. Anong ginagawa niya rito? “Miss ganda, ayos ka lang? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong ni Keano, isa sa mga regular customer namin. “Ah wala,” sagot ko at mabilis inilipat ang tingin sa ibang bagay nang magtama ang mata namin ni Kapitan. “Wala na kayong i-o-order?” “Wala na, busog na nga kami sa ganda mo,” biro pa nito na tinawanan ng mga kasama niya. “Bolero. Kumain ka na nga dyan.” Sikmat ko at inamba sa kanya ang dala kong tray. “Ito naman, ang sungit—oy kapitan! Dito na! May magandang dalaga rito!” kaway niya sa direksyon ni kapitan. “Baliw!” dali-dali akong umalis doon nang mapansin kong papunta na
LYLIA'S POV Habang nagse-serve ng mga tao mula sa sabungan, napansin kong nagsisikuhan sina Lira at Love na para bang may minamataan sa labas ng karinderya. Maya-maya pa ay nagbulungan sila at bumungisngis animo'y kinikilig. Anong pinagbubulungan ng dalawang 'to? Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at bahagyang napaatras nang makita ko si Kapitan. Anong ginagawa niya rito? “Miss ganda, ayos ka lang? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong ni Keano, isa sa mga regular customer namin. “Ah wala,” sagot ko at mabilis inilipat ang tingin sa ibang bagay nang magtama ang mata namin ni Kapitan. “Wala na kayong i-o-order?” “Wala na, busog na nga kami sa ganda mo,” biro pa nito na tinawanan ng mga kasama niya. “Bolero. Kumain ka na nga dyan.” Sikmat ko at inamba sa kanya ang dala kong tray. “Ito naman, ang sungit—oy kapitan! Dito na! May magandang dalaga rito!” kaway niya sa direksyon ni kapitan. “Baliw!” dali-dali akong umalis doon nang mapansin kong papunta na ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments