Home / Romance / Bilyonaryong Kapitan (SPG) / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Bilyonaryong Kapitan (SPG): Chapter 1 - Chapter 10

16 Chapters

Simula

LYLIA'S POV Habang nagse-serve ng mga tao mula sa sabungan, napansin kong nagsisikuhan sina Lira at Love na para bang may minamataan sa labas ng karinderya. Maya-maya pa ay nagbulungan sila at bumungisngis animo'y kinikilig. Anong pinagbubulungan ng dalawang 'to? Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at bahagyang napaatras nang makita ko si Kapitan. Anong ginagawa niya rito? “Miss ganda, ayos ka lang? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong ni Keano, isa sa mga regular customer namin. “Ah wala,” sagot ko at mabilis inilipat ang tingin sa ibang bagay nang magtama ang mata namin ni Kapitan. “Wala na kayong i-o-order?” “Wala na, busog na nga kami sa ganda mo,” biro pa nito na tinawanan ng mga kasama niya. “Bolero. Kumain ka na nga dyan.” Sikmat ko at inamba sa kanya ang dala kong tray. “Ito naman, ang sungit—oy kapitan! Dito na! May magandang dalaga rito!” kaway niya sa direksyon ni kapitan. “Baliw!” dali-dali akong umalis doon nang mapansin kong papunta na
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Kabanata 1

Pinanliitan ko siya ng mata bago lumayo. “Nahihibang ka na ba?” Seryoso siyang timitig sa akin at maya-maya pa ay umangat ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil na ngumiti. “Kapag ba sinabi kong oo, maniniwala ka?” “Baliw na nga,” bulong ko. “I heard that, miss.” Tumawa ito ng mahina. Nahuli ko siyang nakatitig sa namamawis kong dibdib kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim. Maski ako ay nakaramdam ng hiya kasi ngayon ko lang napansin na nakikita pala ang cleavàge ko. “Look, I'm offering you a deal. Dapat kanina pa nasimulan ang demolition pero dahil mabait ako—” Natawa ako. “Wow! Mabait? Mabait ka na niyan, Kapitan?” puno ng sarkasmo kong tanong. Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip na nakipagsukatan ng tingin sa akin. “Hindi ba? So dapat pala hindi na ako nagpaalam sa 'yo?” naglaro ang ngisi niya sa labi na mas nagpainis sa akin. “Very well…” Dinukot niya ang selpon sa bulsa ng slacks nito ngunit mabilis kong naagaw ‘yon nang akmang
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Kabanata 2

“Payag na ako." Hanggang ngayon ay nag-e-echo pa rin sa utak ko ang pagpayag ko sa deal niya tapos wala sa sariling nakipaghawak kamay ako sa kanya habang naglalakad papuntang pharmacy. Pinagbubulungan tuloy kami ng mga nakakakilala sa amin. “H-Hindi ka ba naiilang?” nahihiyang tanong ko. Gusto kong magtago sa likod niya dahil sa mga matang nakasunod sa amin na para bang napakalaking kasalanan na makita kaming magkahawak kamay. Bumaba ang tingin ko sa magkadaop naming palad at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon nang akmang bibitawan ko. Pakiramdam ko nangangamatis na ang mukha ko sa hiya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nakayuko lang ako the whole time na magkasama kami. Hindi ko alam kung parte ito ng gusto niyang mangyari—iyong deal na sinasabi niya kaya hinayaan ko lang din kesa naman sa pilitin ko. “Hayaan mo silang mag-overthink,” nahimigan ko ang tuwa sa boses niya. “Mga marites lang ‘yan." Palihim akong natawa. Hindi ko inexpect na alam ni
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Kabanata 3

“Yie! Kumekerengkeng na si Lylia! Parang kanina nag-aaway pa kayo tapos ngayon may pakiss na? Anong pakulo niyo?” pang-aasar pa ni Love. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila ang tungkol doon. “Wag kang issue, wala lang ‘yon!” singhal ko sa kanya. “Anong pinag-uusapan niyo kanina? Ba’t napatigil kayo?” Nagkatinginan sila ni Lira at nagpalitan ng magkahulugang tingin. “Intriga kasi kami kung anong score niyo ni Kapitan. Eh ‘di ba naka-VIP room tayo ngayon tapos narinig ko pa kanina kay doc na siya ang nagbayad no’ng bills at gamot ni Lira and now siya pa ang bibili ng pagkain natin. Spill the tea.” Tukso pa ni Love at nagkilitian pa sila ni Lira. Napabuntong hininga lamang ako. Sabihin ko na lang nang matapos na. Kinuwento ko sa kanila ang deal namin ni Raze at ito pareho silang nakanganga, hindi makapaniwala. “Shocks!” bulalas ni Love. “Pumayag ka?” “Kailangan, eh.” Napakamot ako ng buhok. Wala rin namang mangyayari kung ililihim ko sa kanila. Malalaman at malalaman din n
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Kabanata 4

“T-Tumigil ka nga,” tinampal ko ang mukha niya. “Kung anuman ‘yang matitikman sa’yo, iyo na lang. I’m not interested.” “Masabi mo pa kaya ‘yan kapag mag-asawa na tayo?” wika niya pagkatapos ibaba ang kamay ko. “I’m just kidding, Lyl, pero mukhang gusto ko ‘yang nasa isip mo.” “Ang bastôs mo!” singhal ko sa kanya. Humalakhak siya. “So, bastós nga ang nasa isip mo?” Natigilan ako. I was caught, oh my God! “Hindi!” depensa ko habang nanlalaki ang mga mata. “Umalis ka na nga dyan! Hindi ako makahinga ng maayos!” “Fine, fine… stop pushing me,” natatawa siyang lumayo sa akin. “I didn’t know na may alam ka tungkol sa bagay na ‘yon. You’re not that innocent. Pwede na.” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Anong pwede na? Gusto mong makatikim?” “Nag-alok na nga ako kanina, ayaw mo naman.” Nakangisi nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Isa pa talaga Raze. May atraso ka pa sa akin.” “Na hindi ako bumalik kagabi? Gaya ng sabi ko, inaasikaso ko ang kasal natin.” “Nagmamadali ka
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Kabanata 5

“What are you doing here? I thought you're in Canada? Kailan ka pa nakauwi?” sunod-sunod na tanong ni Raze na tila hindi makapaniwala na nandito ang babae. “Why didn't you call me? Ako sana ang sumundo sa ‘yo sa airport.” The woman chuckled. “Iyon na nga, eh. Ikaw na naman ang susundo sa akin. Maiba naman.” Pumisil ang kamay ni Raze na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae. “Kung gano'n, sinong sumundo sa ‘yo? Si Ashel?” Umiling ang babae. “No. Iyong pinsan mong babae, si Nicole. Kasama ko siya actually—oh, ayan na pala siya.” Sabay naming nilingon ni Raze ang kinakawayan niya. “Girl, here!” “Surprise, coz!” Nabitawan ni Raze ang kamay ko nang yakapin siya ng babae mula sa likod. “Do you like my suprise?” nakangiting wika ng babae at pinisil-pisil pa ang pisngi ni Raze. “Pwede niyo nang ituloy ang naudlot na kasal.” Natigilan ako. K-Kasal? Kung gano'n, ang babaeng nasa harapan namin ngayon ay siyang dapat pakakasalan niya? Bahagya akong napaatras nang muntik na a
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Kabanata 6

Hindi ako umimik at nag-iwas ng tingin nang kabitan niya ako ng seatbelt. “Babalik ako mamaya sa palengke—” “Bakit? Dahil sa pinsan at ex mo?” harapang sabi ko sa kanya at mariin itong tinitigan. “Bakit ba kasi kinuha mo pa ako doon? Unahin mo ang dapat mong unahin. Babalik na ako kay Raf.” Bababa na sana ako nang bigla niya akong isandal sa sandalan ng kinauupuan ko. Nakaramdaman ako ng takot sa paraan ng paninitig niya sa akin pero hindi ko pinahalata bagkus nakipagsukatan pa ako ng tingin sa kanya. “Why? Do you like that man?” Napalunok ako. Ang lamig ng boses niya. Wala na rin akong makitang emosyon sa mga mata niya. The aura he's giving screamed danger. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? “A-Ano bang pakialam mo?” nilipat ko ang tingin sa ibang direksyon dahil hindi ko na kayang tagalan ang malamig niyang mga mata. Pakiramdam ko hinihigop niya ang enerhiya ko. Nakakapanghina. “Wala namang kaso sa akin kung unahin mo sila. I'm just nobody, Raze. Nakipagdeal
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Kabanata 7

Naramdaman kong bumagal ang pagpapatakbo niya ng kotse at saka ito tumingin sa akin. “Would you believe me if I said no?” Nagbawi agad ako ng tingin nang magtama ang mata namin. “Hindi,” tipid kong sagot. “Pwede mo namang aminin.” “Baka magalit ka at isipin mo na kaya ko lang ginawa ‘yon ay para bumawi sa ‘yo but no, Lyl, I just want to help you, your sister. Wala akong ibang motibo sa pagtulong sa kapatid mo—” “Maraming salamat sa pagtulong, Kapitan. Pero hangga't maaari ayoko nang magkautang ng loob. Hindi pa ako bayad sa'yo kaya ayoko nang dagdagan pa. Mas ma-appreciate ko kung hindi ka mangingialam sa personal kong buhay.” Malamig kong saad na nagpatahimik sa kanya. Walang umimik sa amin buong biyahe hanggang sa tumigil siya sa tabi ng kalsada kung saan aakyatin pa ang bundok bago makarating sa sabungan, gano'n din ang bahay namin. “Ako na ang bibitbit ng mga ‘yan,” alok niya pero mabilis ko itong inilingan bilang pagtanggi. “Lylia, please…” pagsusumamo niya. “Kaya
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Kabanata 8

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nakayakap sa akin ngayon. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa takot na lumulukob sa akin. Kailanman ay hindi ko hinangad na may masaktan dahil sa akin. Pero ngayon—nanlamig ako nang pumatak sa pisngi ko ang sariwa niyang dugô. Natulala ako habang pinapanood kung paano dumaloy ang dugò niya sa kamay nito papunta sa kanyang braso. Doon ko nagpagtantong ginawa niyang panangga ‘yon para protektahan ako laban sa tiyahin ko. “R-Raze?” halos pabulong kong sambit sa pangalan niya kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. “R-Raze.” Nanginig ang boses ko sa pangalawang pagkakataon na tawagin ko ito. “Lyl…” mahinang tawag niya sa akin. Napapikit ako nang patakan niya ako ng halik sa noo na para bang binibigyan niya ako ng assurance na safe ako sa kanya, na walang mangyayari sa akin na masama basta kasama ko siya. “You’re safe, Lyl. Nandito lang ako. I won't let anyone hurt you again. No one will harm you while I'm here
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Kabanata 9

Nabitawan ko ang kinukuskos kong damit at napayakap sa sarili. “H-Huwag kang tumingin,” halos pabulong kong sabi. “D-Dyan ka lang. Huwag kang lalapit. I-Ilagay mo lang dyan ‘yong sabon pero ‘wag kang titingin.” See-through ang suot kong puting shirt at kitang-kita ang bakât kong nîpples p-pero siguro napansin na niya dahil pumasok siya agad. Hindi lang ‘yon, nakabukakâ pa ako kaya paniguradong nakita rin niya ang singît ko. Buti na lang hindi ko hinubâd ang pânty ko kundi makikita niya ang pinakatatago kong perlas ng silanganan. Tiniklop ko ang mga hita at nag-iwas ng tingin. Marahàs akong tumingin sa kanya nang marinig ko itong tumawa ng mahina. “Kanina, oo, nakatingin ako, ngayon hindi na. W-Wala naman akong nakita, promise.” There was a hint of hesitation on his voice. He’s lying. May nakita siya, ayaw niya lang aminin o baka nagdahilan lang siya dahil alam niyang mahihiya ako. Pero sana… hindi ‘yong singit ko! Nakakahiya talaga ‘yon. “Nang-aasar ka ba? S-Sino ba kasing
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status