LOGINOver the years, maraming nagbago, from being enemies, turned lovers, and eventually parents. May iba naman na nagsimula bilang magkaibigan bago nauwi sa pagmamahalan. Some embraced being mothers, fathers, and the likes. Experiences shaped who they are right now, especially sa pagiging parents.Time has a quiet way of doing that. Mapapansin mo na lang na ibang-iba ka na pala kumpara sa dati, pero hindi mo pinagsisihan, bagkus mas sumaya ka pa. The laughter that once echoed late into the night now comes in shorter bursts, usually interrupted by crying babies, homework questions by children, or alarm clocks set way too early. The dreams that once felt endless learned how to share space with responsibility. And somehow, none of it felt like loss, just transformation.They didn’t all grow up at the same pace. Some rushed headfirst into adulthood, eager to build families and routines. Others took their time, choosing careers, travels, or healing before settling down. But whether they stayed
Years passed. Ang iba umusad na sa kani-kanilang buhay, pero ako... hindi ko alam kung tama pa ba itong tinatahak kong direksyon.I left the company where Van and I used to work together. Pinatake-over ko kay Raze dahil pakiramdam ko hindi ako makaka-usad kapag pinilit kung manatili roon. Memories were there... mga alaalang gusto ko nang ibaon sa limot.I became a neurosurgeon instead. Hindi iyon biglaang desisyon. It took years of studying, sleepless nights, and moments where I questioned myself kung kaya ko pa ba. Kung tatapusin ko pa kasi sa totoo lang, napakahirap. Hindi siya madali lalo na kapag nasa operating room ka na. There were days when I felt like my brain would shut down before my body did, and nights when I cried alone in my condo, wondering if I was running toward a dream, or running away from a past I refused to face.Medicine gave me structure. Purpose. A reason to wake up every morning without thinking about what I lost.In the operating room, everything made sense.
Nicole’s POVWhile we were all laughing and having fun, I just let Van keep holding my hand. Wala namang kaso sa akin na magkahawak kamay kami. Nasanay na rin ako since lagi niyang ginagawa these past few days simula no’ng magkaayos kami. I was busy chit-chatting with Jessa and Ara, while Van and Kaido were talking with some of Kael’s cousins. Azan wasn’t around anymore, he seemed to have found his own circle of friends. Hindi na kasi siya sumasama sa amin. Maybe because napansin niya na may something na sa amin ni Van kaya dumistansya na siya. I totally understand naman, but we’re still friends.Kael and Lira, on the other hand, were inside the house and hadn’t come out since Lira wasn’t feeling well. Sa kabilang banda ng table, nakikipag-usap naman si Lylia at Raze sa mga royals and for sure, tungkol na naman sa arrange marriage. I just hope na hindi tungkol sa mga anak nila. Ang babata pa kasi para sa i-arrange agad. Pero narinig ko kanina, since hindi royal blood ang napangasawa
Ara’s POVWeeks had already gone by, but we barely noticed the time, everything just felt like pure enjoyment. Araw-araw ba naman iba’t-ibang activities. Si Lira lang ‘yon hindi hindi nakakasama minsan kasi buntis lalo na no’ng hiking namin sa bundok. The rest, especially ‘yong mga pinsan ni Kael, g na g.Ngayon, tamang tambay na naman kami sa naglalakihang bato habang pinapanood ang papalubog na araw. Rinig na rinig pa nga dito ang boses ni Nics kasi inaaway na naman si Van.Hindi pa talaga namin masabi kung sila na ba o nasa ligawan stage pa. Parang tropa na magjowa ang atake nila, eh. Ang sweet nila no’ng nakaraang linggo tapos ngayon, parang aso’t-pusa na naman. Ano ba ‘yan.“Parang tayo dati ‘no? No’ng lalaki ka pa,” rinig kong sabi ni Kaido sabay akbay sa akin. Siniko ko nga. “Kahit naman lalaki ka, magugustuhan pa rin kita.”Natigilan ako at tumingin sa kanya, hindi makapaniwala. “Seryoso ka?”Sinamaan ko siya ng tingin nang ngumisi lang ito. Sinapôk ko nga. “Masakit ha,” daing
Ara’s POV“Ano ba ‘yan!” I heard Jessa hissed. Frustrated niyang inilapag ang wine glass nang makitang umalis si Nics. “Akala ko pa naman magkakaayos na sila. Ang arte ng Van natin ha. Kapag talaga hindi niya sinundan si Nics, i-u-untog ko ‘yan.”Napabuntong-hininga na lamang ako. “Tumindi ang selos. We have to do something—”“Something? Eh mukhang pareho silang wala sa mood,” Jessa added. “Hayaan na muna natin sila. Baka mag-away na naman eh.”“Hindi naman na yata kailangan,” sabat ni Lira na kanina pa tahimik. “Look…” Napasunod kami ng tingin doon sa itinuro niya. “Susundan yata.”Jessa and I both sighed in relief. “Buti naman. Akala ko kailangan pa natin sabihan. Let’s wait for the result na lang pagbalik nila.”Bumalik na kami sa pagkain, nagtampisaw sa dalampasigan at pagkatapos ay nagkwentuhan, nakaupo sa naglalakihang bato. Hindi na lang namin pinapansin ang paghampas ng alon since basa naman kami. We just enjoy and laugh at it.No’ng papalubog na ang araw, napagpasiyahan namin
“Hindi pa ba kayo tapos dyan?” tanong ni Ara na abala sa pakikipag-usap kay Kaido. “Grabe naman kasi sa titig, Van, baka matunaw ‘yan.”Exactly! Kanina pa ako naiilang sa paraan ng paninitig niya sa akin. Since umalis na iyong babae kanina na napag-alaman naming nurse—I forgot her name, ako na ngayon ang gumagamot sa mga pasa ni Van sa mukha. But the problem is, titig na titig siya sa akin. Feeling ko tuloy nakikita niya ang mga imperfection ko sa mukha na sana’y hindi niya mapansin.I tried to focus, pero bwisit, napapakagat-labi siya sa tuwing napupunta ang tingin niya sa labi ko. Sariwang-sariwa pa naman sa utak ko iyong nangyaring kiss kagabi. Oh God! I could feel the heat rushing up to my face. Buti na lang at mainit kaya pwedeng idahilan na mainit ang panahon kung sakaling asarin niya ako na nagb-blush.“Umayos ka,” mahinang sabi ko. Kapag talaga ‘di ako nakatiis, didiinan ko itong pasa niya sa gilid ng labi. “Makakatikim ka talaga sa akin.”“Tikim na ano?” he teased, smirking li







