Share

Sold To A Billionaire
Sold To A Billionaire
Author: Athena Beatrice

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2024-11-28 21:16:29

Masayang nag-uusap sina Zyra at Lenie sa isang coffee shop malapit sa Ramirez Group of Companies. Halos isang oras na silang nakatambay doon nang biglang nakita ni Zyra ang kanyang boyfriend na may kasamang iba. Hindi agad nakita ni Jeremy si Zyra dahl malayo ang dalawa sa pinto ng coffee shop.

Gulat na gulat si Lenie nang makita si Jeremy. Agad siyang napatingin sa kaibigan dahil alam niyang ito ay boyfriend ni Zyra. Biglang tumayo si Zyra para puntahan ‘yong dalawa kaya sumunod agad si Lenie sa kanya.

“Really now, Jeremy? Dito mo pa talaga dinala ang babaeng iyan sa coffee shop malapit kung saan ako nagtatrabaho? Binabalandra mo ba talaga sa akin na may iba ka?” sabi ni Zyra, nagulat naman si Jeremy nang makita ang kanyang girlfriend.

“A-Ah, Let me explain, Zyra. Sinamahan ko lang si Kristine to meet her friend. Baka kasi-” hindi na natuloy ni Jeremy ang kanyang sinasabi dahil sinampal agad siya ni Zyra.

Agad namang tumayo ‘yong babae para harapin si Zyra. Galit na galit ito kahit sila na ang nanakit. 

“How dare you! Wala namang ginagawa sa iyo si Jeremy! Isa pa, ex-girlfriend ka na niya, hindi ba? Bakit nangingialam ka pa sa amin?! Right, Jeremy?” sigaw noong babae, wala siyang pakialam kahit na nakatingin na ‘yong ibang tao sa coffee shop.

“Ah, kaya pala ang lakas niyong lumabas sa public place. Iyon pala ang sinabi niya sa iyo. Oh, well. Nakikita mo naman siguro ‘yong singsing na ‘to sa kamay ko, hindi ba? Binigay lang naman sa akin ito ni Jeremy dahil ikakasal na kami!” sagot ni Zyra roon sa babae, pansin namang nagulat ito at walang alam sa sinasabi ni Zyra.

“No! That is not true. He promised me na ako ang papakasalan niya! ‘Di ba, Jeremy? Ako lang ang babae sa buhay mo?” tanong noong babae pero ramdam sa kanyang boses ang pangamba.

“Y-Yes. I-Ikaw lang ang babaeng papakasalan ko. Wala nang iba,” nauutal na sagot ni Jeremy. 

Doon na sumabog si Zyra at nasampal niya ang kanyang pinakamamahal. Pagkatapos noon ay hinila niya ang buhok noong babae palabas ng coffee shop. Nakita tuloy nang iba pang nadaan ‘yon at pinagtawanan ang pangyayari. Agad naman siyang sinundan ni Lenie.

“Go, Zyra! Go! Gawin mo lang ang nararapat sa mga ganyang klase ng babae!” cheer ni Lenie.

“Zyra, matagal ko nang tinapos kung anong meron tayo ‘ di ba? Alam mo iyan. ‘Yong singsing na suot mo, matagal na iyang walang bisa. Hayaan mo na kami ni Kristine na maging masaya. Please?” pagmamakaawa ni Jeremy.

“Oo, alam kong nakikipaghiwalay ka na sa akin noon. Pero, nitong nakaraan lang ay nagbabalak tayong ayusin kung anong nasira natin, hindi ba? Nangako ka sa akin. Sabi mo, susubukan natin ibalik ang dati! Kaya, umasa ako Jeremy!” sigaw ni Zyra, sa pagsigaw niya ay lalo pang nahigpit ang hawak niya roon sa buhok noong babae.

“Please, Jeremy. Kausapin mo siya! Ayaw kong makalbo ako sa harap ng maraming tao!” sigaw noong babae.

“Zyra, alam kong mali ako roon. Hindi na dapat ako nagsabi sa iyo kung hindi ko  rin naman matutupad. Pero, totoo iyon. Makikipagbalikan sana ako sa iyo kaso biglang sinabi sa akin ni Kristine na buntis siya. Pasensya ka na kung mas pipiliin ko sila kaysa sa iyo,” nakaluhod na sa harapan ni Zyra si Jeremy, naiiyak na rin siya.

Napabitaw na si Zyra sa buhok noong babae nang malaman niyang buntis ito. Parang bumagsak ang kanyang mundo, hindi alam kung ano ang isasagot niya kay Jeremy.

“B-Buntis siya? I-Ilang buwan?” nauutal na tanong ni Zyra.

“Tatlong buwan na, Zyra. Kaya, nakikiusap ako. Hayaan mo na kami ni Kristine na maging masaya. Promise, hindi na ako magpapakita sa iyo kahit kailan. Basta, huwag mo lang siyang patulan ngayon,” sagot ni Jeremy.

Wala nang sinabi si Zyra noon. Sinampal na lang niya nang sinampal si Jeremy. Tinanggap naman iyon noong lalaki dahil alam niyang siya ay nagkamali. Dahan-dahan na inalalayan ni Jeremy ‘yong babae. Kitang-kita naman na inis na inis ito sa mga taong nadaan.

“What? Ngayon lang ba kayo nakakita ng dalawang babae na nag-aaway? Oo na, kabit kung kabit! Masaya na kayo?!” sigaw noong babae.

“Hey, umalis na tayo rito. Ang dami nang nakatingin sa atin. Hindi ka ba nahihiya?” sagot ni Jeremy.

“Ikaw, hindi ka ba nahihiya na pinagsabay mo kami? You told me na nakipaghiwalay ka na sa kanya bago mo pa malaman na buntis ako! Tapos malalaman ko ngayon na gusto mo palang ayusin ‘yong relasyon na meron kayo?!” sigaw noong babae.

“Ikaw na nga ang pinili, ‘di ba? Let’s go! Sa bahay na tayo mag-usap dahil stressed na ‘yang bata sa tiyan mo!” sigaw ni Jeremy.

Iyak na iyak si Zyra nang pumasok sa coffee shop para kunin ang gamit niya. Sumunod naman si Lenie sa kanya. Hindi niya lubos maisip na ‘yong lalaking limang taon na niyang kasama ay mapupunta pala sa iba. Hindi na tuloy niya alam kung paano ulit magsisimula.

“BFF, kalma ka lang. Babalik pa tayo sa RCG. Hindi pwedeng makita ka nilang ganyan. Mamaya mo na lang iiyak ang lahat, ha? Mag-iinom tayo mamayang gabi! Treat ko!” sabi ni Lenie.

“Lenie, kaya ko rin namang mabuntis, ‘di ba? Bakit hindi na lang ako ang binuntis niya? Sa iba pa talaga! Tapos, sabi niya tatlong buwan na raw ‘yong bata sa tiyan, eh dalawang buwan pa lang kaming hindi nagkakaintindihan!” sabi ni Zyra, ni hindi pinansin ang sinabi ni Lenie.

“Alam mo, hindi ko rin iyan masagot. Noong niloko ako ni Dexter, nawala rin ako sa sarili. Feeling ko, may kulang sa akin. Iyon pala, hindi lang talaga siya marunong makuntento,” sagot ni Lenie.

“Hay. naku. Buti na lang talaga dahil may Alexis Ramirez na sumalo sa iyo. Ako, kailan kaya? Wala naman sigurong bilyonaryo na magkakamali sa akin,” sagot ni Zyra, natatawa pa.

Alam ni Lenie na sobrang hirap noon para sa kaibigan. Bukod kasi sa engaged na ito kay Jeremy ay buntis pa ‘yong babaeng pinalit sa kanya.  Sobrang bigat talaga ng sitwasyon ni Zyra. 

Pagbalik nila sa RCG ay inayos ni Zyra ang kanyang sarili. Ayaw din naman kasi niya na maging topic ng mga chismosa roon.  Sinabihan niya si Lenie na kung maaari ay huwag na sanang kumalat pa kung ano man ang nangyari roon sa coffee shop.

Related chapters

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 2 [SPG ALERT!]

    Pumunta na nga sina Lenie at Zyra sa sa isang bar malapit sa condominium ni Alexis. Doon sila pumunta dahil ayaw ni Alexis na lumayo pa ‘yong dalawa, lalo’t hindi pa siya kasama.“Buti pinayagan kang lumabas ni Sir Alexis ‘no? Anong pinaalam mo sa kanya?” tanong ni Zyra.“Simple lang, sabi ko gusto lang kitang makasama. Bonding kumbaga. Papayag naman ‘yon basta malapit at mag-uupdate lang ako sa kanya,” sagot ni Lenie.Nakaramdam ng inggit si Zyra noon pero hindi niya pinahalata. Uminom na lang siya ng Sangria na kanyang in-order doon sa bartender.Ilang minuto pa ay lumapit ang waiter kay Zyra. May dala itong drink, Sex on the Beach naman. “Para kanino ‘yan? Hindi naman kami um-order niyan. Lenie, sa iyo bang order ito?” sabi ni Zyra.“Ha? Hindi, ah. Parehas namang Sangria ang in-order natin. Hindi sa akin iyan,” sagot naman ni Lenie.“Para sa inyo daw po sabi noong VIP namin. Nasa kabilang table po siya. Doon po,” sabay turo ng waiter doon sa lalaki. May inabot pang papel ‘yong w

    Last Updated : 2024-11-28
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 3

    Nagising na lang sila noon. Parehas na walang saplot kaya gulat na gulat si Zyra. Hindi na niya maalala kung ano ang nangyari sa kanila ng lalaking katabi niya. Nagmadali siyang magbihis para makaalis na pero pilit siyang pinipigilan ni Gaustav. “Why? Hindi mo ba nagustuhan kung ano ‘yong nangyari sa atin kagabi? I’ll admit, nagustuhan ko talaga iyon and I’m hoping another one,” deretsahang sabi ni Gaustav na labis na kinagulat ni Zyra. “Really now? Alam mo, kung ano man ‘yong nangyari sa atin, wala na iyon. Ibaon mo na sa limot dahil kahit kailan ay hindi na kita makikita pang muli. Pangako iyan,” sagot ni Zyra. “Are you sure? What if I tell you that I want to get you pregnant, Ms. Zyra Bermudez?” sabi ni Gaustav kaya agad siyang sinampal ni Zyra. “Ouch! Why? Ginusto mo naman kung anong nangyari kagabi, ‘di ba? Bakit ngayon, nag-iba yata ang ihip ng hangin?” sabi ni Gaustav, hawak pa riin niya ang kanyang pisngi dahil sa sampal ni Zyra sa kanya. “Maybe I wanted it but I will

    Last Updated : 2024-11-28
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 4

    Dahil sa nangyari sa kanyang kapatid ay naisipan ni Zyra na mag part-time job pa sa isang fastfood chain malapit sa Ramirez Group of Companies. Pumapasok siya rito tuwing day-off siya roon sa kumpanya. Kung minsan nga ay nakikita niya ang kaibigang si Lenie roon pero dahil limited lang naman ang oras niya ay hindi na niya ito nakaka-chikahan. Isang araw, habang nagtatrabaho siya ay may lumapit na isang babae sa kanya. Hindi niya iyon agad nakilala pero noong nagsalita na ito ay nagsimula nang uminit ang dugo niya. “Aww, dito ka na pala nagtatrabaho? Akala ko ba, nasa RCG ka? Ano? Tinanggal ka na ba roon dahil sa pag-aaway natin sa labas ng kumpanya nila? Kawawa ka naman. Sige, order nga ako,” sabi ni Kristine. Kinalma muna ni Zyra ang kanyang sarili bago tuluyang magsalita. Ayaw naman kasi niyang mawalan ng trabaho kahit pa sabihin na part time lang iyon. Isa pa, nilagay niya rin sa kanyang isipan na buntis ang babae sa harapan niya kaya kailangan ay maging kalmado siya sa pakikipa

    Last Updated : 2024-11-29
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 5

    “Ano? Nawalan ka na ng part-time job? Bakit? Paano na iyan, anak? Saan ka na mag-aapply ulit ngayon?” may pangambang tanong ni Cynthia sa kanyang anak.“Hindi ko pa po alam sa ngayon pero hahanap po ako. Saka, okay pa rin naman po ‘yong kita ko sa RCG. Sa ngayon po ay iyon muna ang gagamitin ko para kay Leo,” nakayukong sagot ni Zyra.Inalis na kasi siya roon sa fastfoodchain dahil nagmakaawa si Kristine sa manager. Kahit kita naman na ‘yong customer ang nauna ay si Zyra pa rin ang may kasalanan. Sinubukan ni Zyra na magpaliwanag pero hindi iyon pinakinggan noong manager niya.“Ano kaya kung humiram ka ng pera roon sa boss ninyo ni Lenie? Fiance naman iyon ng kaibigan mo, ‘di ba? Baka naman maawa sa iyo at bigyan ka ng pera. Sabihin mo na lang, ikaltas sa sweldo mo,” suhestyon ni Cynthia.Napaupo na lang si Zyra sa kanilang sofa dahil sa narinig. Alam naman kasi niya na hindi ganoon kadali iyon. Isa pa, binigyan na rin siya ng kanyang boss kaya malabong pagbigyan siya nito.“Nay, naka

    Last Updated : 2024-11-29
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 5.1

    "Ah, kanina ka pa ba nandyan?" nahihiyang tanong ni Gaustav. Tumango-tango naman si Zyra at napayuko na lang dahil sa hiya. Hindi naman niya kasi sinasadya na marinig kung ano man 'yong pinag-uusapan noong dalawa. "Ano pala ang kailangan mo? Bakit ka napapunta rito?" Sige, pumasok muna tayo sa loob para mag-usap? Ayos lang ba iyon sa iyo?" tanong ni Gaustav. Napatingin naman si Zyra kay Gaustav dahil sa sinabi niya pero noong mga oras na iyon ay gusto na niyang mag-back out sa kanyang plano. "Ah, wala. Hindi na. Okay na iyon. Mas maigi yata kung unahin mo na lang 'yong problema mo sa babaeng iyon," sagot naman ni Zyra. "Problema? Wala na akong problema sa babaeng iyon dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi sa akin 'yong bata. Niloko niya ako, eh. Magtiis siya, hindi ako magpapaka-tatay doon sa bata," halatang galit si Gaustav nang sabihin niya iyon kay Zyra. "Pero paano kung-" hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Gaustav sa kanya. "Wala n

    Last Updated : 2025-01-01
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 6

    Umuwi si Zyra sa bahay nila na puno ng tanong sa kanyang sarili. Hindi niya talaga alam kung tama bang pumayag siya sa gusto ni Gaustav.Pero sa kabila ng mga tanong ay masaya siya dahil sa wakas ay mapapyansahan na niya ang kapatid na si Leo kahit pa nagkagalit sila ng nanay niyang si Cynthia.Pagpasok pa lang niya ng bahay ay tinanong na agad siya ng kanyang ina kung nakagawa ba siya ng paraan para mapawalang sala si Leo."O, ano? Nakahanap ka ba ng pera?" Sa tono pa lang ng nanay ni Zyra ay alam mong galit pa rin ito sa kanyang anak. Para ngang hindi na lalambot ang puso nito sa kanya.Hindi na lang nagsalita si Zyra, agad niya na lang pinakita ang cheke na kanyang hawak. Nanlaki ang mga mata ni Cynthia nang makita iyon.Ngumiti agad siya at niyakap ang anak. Para bang nabura na ang lahat ng galit nito sa anak kanina. Napailing na lang si Zyra.'Mahal mo na naman ako dahil nakagawa ako ng paraan, pero paano kaya kung hindi? Sigurado akong mainit na agad ang ulo mo sa akin.'"Anak,

    Last Updated : 2025-01-01
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 7

    Kinabukasan ay pumunta na sa banko si Zyra. Sinamahan siya ni Gaustav pero hindi niya ito pinapasok sa loob ng kanilang bahay para ipakilala sa kanyang ina."Sige, hintayin mo na lang ako dyan sa labas. May inaayos lang ako," sabi ni Zyra."Sige, walang problema," sagot naman ni Gaustav sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Nagluluto noon ang kanyang ina para sa lunch nila. Niluto nito ang paboritong caldereta ni Zyra para naman makabawi si Cynthia sa mga kasalanan sa anak."O, anak. Hindi mo man lang ba hihintayin na maluto 'yong caldera? 'Di ba paborito mo 'to?" sabi ni Cynthia habang inaayos ang mga pinggan sa lamesa. "Ah, mamaya na lang po. May aasikasuhin pa ako," sagot ni Zyra pagkatapos ay umalis na. Ni hindi man lang niya nilingon ang ina. Ni halik sa pisngi ay hindi niya ginawa kaya nagtampo si Cynthia pero hinayaan niya lang iyon. Alam naman kasi niya na nagtatampo pa rin ang anak niya sa kanya.Nang pumasok si Zyra sa kotse ni Gaustav ay parang tumigil an

    Last Updated : 2025-01-02
  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 8

    Naglilinis ng bahay si Cynthia noon nang kumatok sina Zyra at Leo sa pinto. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita si Leo. Agad siyang nakayakap sa dalawang anak."Naku, salamat naman sa Diyos dahil nakalaya ka na. Zyra, anak. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na susundin mo na pala itong kapatid mo? Buti na lang at may niluto akong caldereta. Halika, pagsaluhan natin," sabi ni Cynthia pagkatapos ay pinunasan ang kanyang luha.Agad na pinaupo niya ang dalawa niyang anak. Ni hindi na nga niya napansin na may bisita pala sila."Nay, si Sir Gaustav po. Siya po 'yong tumulong sa akin para makalaya si Leo sa kulungan," pakilala ni Zyra."Ah, naku. May bisita pala tayo. Pasensya na kayo Sir Gaustavo. Hindi ko kayo nakita agad," sabi ni Cynthia pagkatapos ay kinamayan niya si Gaustav."Gaustav po, nay. Hindi Gaustavo," paglilinaw ni Leo."Ah, basta. Kung ano man po ang pangalan niyo ay maraming salamat po. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako napasaya ngayon," sagot ni Cynt

    Last Updated : 2025-01-02

Latest chapter

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 80

    Nang nasa harapan na sila ng bahay ng kanyang ina ay mahigpit na hinawakan ni Zyra ang kamay ni Gaustav. Dahan-dahan silang naglakad pagkatapos ay kumatok at nang buksan ni Cynthia ang pinto ay seryosong tiningnan nito ang dalawa habang nakatayo ito sa harapan ng bahay niya. Halatang galit pa rin siya sa dalawa."O, ano ang ginagawa niyo rito? Guguluhin niyo na naman ba ako? Aba, kung iyon lang ang gagawin niyo ay umalis na kayo rito," iyon agad ang sabi ni Cynthia, hindi man lang niya pinagbigyan ang anak na makapagsalita."Tita, nandito po kaming dalawa kasi gusto po namin kayong makausap. Lalo na po si Zyra. Gustong-gusto po niya na magbati na kayo," sagot agad ni Gaustav, hindi na pinansin kung ano ang sinabi ni Cynthia."Kami? Magbabati ng babaeng iyan? Naku, huwag na lang. Siya naman itong naunang tumalikod sa aming dalawa, hindi ba? Bakit ko pa 'yan tatanggapin bilang anak?" galit na sagot ni Cynthia, kung tutuusin ay gusto nang sumuko ni Zyra noon dahil sa kanyang mga narinig

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 79

    Makaraan ang isang linggo, dahil maagang umalis si Vilma sa mansion ay sina Gaustav at Zyra lang ang naiwan para kumain ng umagahan. Ayaw man ni Gaustav na itanong kay Zyra kung ano ang nasa isip niya pero alam kasi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya malaman ang sagot ng dalaga. "Zyra, oo nga pala. Tutal, okay naman na ang lahat dito sa bahay, ano kaya kung maging okay na rin kayo ng pamilya mo? Alam mo na, para masaya ka na rin sa aspetong iyon," sabi ni Gaustav pagkatapos ay ngumiti. Ilang minutong natahimik si Zyra bago niya tuluyang sagutin si Gaustav. Inisip niya muna kasi kung iyon na ba talaga ang tamang panahon para kausapin niya ang kanyang pamilya. "Hey, Zyra. Are you okay? I'm sorry, mukhang hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Wala, naisip ko lang kasi. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam mo towards them. After all, pamilya mo pa rin naman sila," sabi ni Gaustav kaya bumalik na siya sa ulirat. "Ah, I'm sorry. May iniisip kasi ako. Paano kung hindi

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 78

    Kahit nakasimangot si Zyra ay kilig na kilig siya. Ayaw niya lang ipakita iyon kay Gaustav dahil ayaw niyang maisip nito na marupok siya. "Ano naman ang pumasok dyan sa utak mo at may paganito ka pa? Hindi naman kailangan ng ganito, ah?" sabi ni Zyra habang tumitingin sa kanyang paligid. Pagkatapos noon ay binigyan siya ng flowers ni Gaustav. Seryoso man ang mga tingin ng dalaga sa kanya ay tinanggap pa rin iyon ng buong puso ni Zyra. "Anong hindi? Kailangan kaya nito, sa dami ba naman ng kasalanan ko sa'yo, sa tingin ko pa nga, kulang pa ito, e," sagot ni Gaustav, nahihiya sa lahat ng kamalian na ginawa niya sa dalaga. Tumahimik lang noon si Zyra, nakatingin siya sa steak na naroon sa lamesa. Napangiti siya. "You did this for me? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zyra, ngumiti naman at tumango si Gaustav. "Oo naman. Simpleng bagay lang ito compared sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko. Sa totoo nga niyan, hindi ako marunong mang-surprise pero sinubukan ko para sa'

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 77

    Makalipas ang dalawang linggo, nagulat na lang si Zyra dahil nakita niyang bumaba sa kotse at papasok si Lenie sa mansion. Nasa garden si Zyra ng mga oras na iyon. Narinig pa nga niya ang kaibigan na nagtanong kay Yaya Frida kung nasaan siya. Agad namang pumunta sa living room si Zyra para hindi na pumunta sa garden si Lenie. "Lenie, nandito ako. Bakit? May kailangan ka sa akin?" tanong agad ni Zyra dahil wala naman silang usapan na magkikita sila. "Ah, oo. Sumama ka sa akin," yaya ni Lenie, ni hindi na sinabi kung saan at bakit sila aalis. Kumunot ang noo ni Zyra pagkatapos ay lumapit siya kay Lenie. Tiningnan niya kung may lagnat ang kaibigan. "O, wala ka namang sakit. Bakit ka nagkakaganyan? May nakain ka bang panis?" may pag-aalalang tanong ni Zyra, seryoso ang kanyang mukha kaya hindi alam ni Lenie kung matatawa siya o ano. "Ano namang panis ang sinasabi mo dyan? Zyra, sumama ka sa akin. Gusto kong lumabas, magpahangin, alam mo 'yon?" sagot ni Lenie kaya lalong kumuno

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 76

    Nanlaki ang mga mata nina Vilma, Gaustav at Prescilla nang makita na magkasama 'yong dalawa."Iha, sino iyan? Bakit mo siya kasama?" may pag-aalalang tanong ni Vilma.Agad na lumapit si Gaustav sa dalawa at kinuha ang kamay ng dalaga. "Zyra, why is he here? Ginugulo ka na naman ba niya?" inis na sabi niya, todo protekta kay Zyra."Ah, hindi niya ako ginugulo. Nandito siya para kausapin tayo. 'Di ba, kakausapin mo kami?" sagot ni Zyra pagkatapos ay humarap na siya kay Stephen."Anong sabi mo? Kakausapin ko kayong lahat? Bakit? Ang usapan nating dalawa ay tayo lang ang mag-uusap 'di ba?""Stephen, you have to know the truth. Gaustav, dinala ko siya rito para malaman na niya ang totoo."Dahil sa sinabi ni Zyra ay mas nanlaki ang mga mata ni Stephen. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. "Truth? What are you saying?" Agad na lumapit si Prescilla sa kanila. Seryoso ang mukha niya at galit na galit."Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Zyra, talaga bang gusto mong lumayas na kami rit

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 75

    Pagpasok na pagpasok pa lang ni Zyra sa trabaho ay marami na siyang naikwento sa kaibigang si Lenie. "Ha? Ganoon na agad karami ang nangyari sa pag-stay mo sa mansion na 'yon? Grabe ha! Hindi kita kinakaya, BFF! Iba ka talaga!" "Sa tingin mo, ako kinakaya ko pa? Naku, hindi na rin 'no! Buti na lang din talaga, okay na kami ni Gaustav at Tita Vilma," sagot ni Zyra kaya nanlaki ang mga mata ni Lenie. "Ano kamo? Okay na kayo ng biyenan mong hilaw? At saka ni Gaustav? Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lenie. "Oo nga, hindi ko lang nakwento sa'yo kanina kasi nakalimutan ko. Sorry," palusot pa ni Zyra pero ang totoo ay pinili niya talagang huwag ikwento, sadyang nadulas lang siya. "BFF, huwag mo nang itago. Alam ko naman na sinadya mong hindi sabihin dahil ayaw mong asarin kita o may masabi ako sa'yo," sagot ni Lenie habang patuloy na nagtatrabaho. "Hmm.. Okay lang naman na patawarin ko siya, 'di ba? I mean, panay kabaitan naman ang pinakita niya sa akin nitong mga nakaraa

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 74

    Pagbaba ni Gaustav ay kita niyang kalmado na si Prescilla. May inaayos na lang siya habang hawak-hawak niya si Marcus.Nagtama ang mga mata nilang dalawa at doon na nag-umpisang lumuha na naman si Prescilla. Mas lalo pa siyang umiyak nang tuluyang lumapit si Gaustav sa kanya."Prescilla, ang sabi sa akin ni Mommy, gusto mo raw akong makausap? Bakit?" mahinahon na sabi ni Gaustav."Ah, ano kasi.." halos hindi makatingin si Prescilla sa mga mata ni Gaustav."Ano? Tungkol saan ang sasabihin mo?" ulit na tanong ng binata."Alam ko Gaustav, sobrang kapal na ng mukha ko. Pero, pwede bang dito muna kami ni Marcus? Kahit ilang linggo lang, hahanap lang ako ng matitirhan namin. Kapag nakahanap na ako, aalis kami agad dito.Hindi sumagot si Gaustav, tiningnan niya lang si Prescilla at Marcus. Sa totoo lang ay naaawa siya roon sa bata dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari.Dahil napansin ni Prescilla na parang ayaw ni Gaustav na mag-stay sila roon ay nagsalita siya ulit."Naiintindihan ko

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 73

    Kumatok si Gaustav ng ilang beses bago niya tuluyang narinig si Zyra na sinabing pwede na siyang pumasok. Nang buksan niya na ang pinto ay nagulat na lang siya dahil nakita niyang umiiyak si Zyra sa kama. "O, bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Okay ka naman kanina, ah?" may pag-aalalang tanong ni Gaustav pagkatapos lumapit kay Zyra. "Gaustav, pasensya ka na at bigla akong umalis sa baba kanina, ha? Bigla ko kasing naisip ang anak natin, sobrang sakit pa rin pala ang pagkawala niya," may tumulo ng luha pagkatapos niyang sabihin iyon. "Ano ka ba? Okay lang iyon. Saka, okay lang din umiyak kapag nasasaktan ka. Basta, lagi mo lang iisipin na nandito ako para sa iyo, ha? Hindi na kita iiwan, hindi na kita bibitawan," sagot ni Gaustav habang yakap-yakap si Zyra. "Ganoon pala 'yon, 'no? Araw-araw ka pa ring masasaktan kasi may nawalang importanteng tao sa buhay mo. Isang tao na hindi pa nga nasisilang, nawala na agad," pagpapatuloy pa ni Zyra. "Alam mo, kahit hindi ko ipakita, ara

  • Sold To A Billionaire    CHAPTER 72 [THE TRUTH]

    After 2 days, pagkasundo ni Gaustav kay Zyra mula sa RCG ay kinakabahan sila pareho. Tinawagan kasi sila ni Vilma na nasa kanya na raw ang DNA result nina Gaustav at Marcus. "Ano, tara na? Ready ka na ba?" tanong ni Zyra, nakangiti pero sa loob-loob niya ay kinakabahan din. "Ready na siguro? Hindi ko alam, e. Alam mo 'yong ganoong feeling? Noong wala pang result, todo hintay ako. Ngayong meron na, parang ayaw ko na munang umuwi. Ay, ewan ko ba," naguguluhan na sagot ni Gaustav, kita ang kaba sa kanyang mga mata. "Hay, naku. Ganyan talaga 'yan. Pero, wala naman tayong magagawa. Hindi natin malalaman ang totoo kung hindi natin ito haharapin. Kaya, tara na. Malamang ay hinihintay ka na ni Tita Vilma." Pagdating nila sa mansion ay agad silang sinalubong ni Vilma, halata rin sa kanya na kabado siya. Sino nga bang hindi? Lalo na't apo niya ang pinag-uusapan. Pinatawag na rin kay Yaya Frida si Prescilla mula sa kwarto, pagbaba niya ay karga-karga niya si Marcus at nanlaki ang mga mata n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status