Pumunta na nga sina Lenie at Zyra sa sa isang bar malapit sa condominium ni Alexis. Doon sila pumunta dahil ayaw ni Alexis na lumayo pa ‘yong dalawa, lalo’t hindi pa siya kasama.
“Buti pinayagan kang lumabas ni Sir Alexis ‘no? Anong pinaalam mo sa kanya?” tanong ni Zyra. “Simple lang, sabi ko gusto lang kitang makasama. Bonding kumbaga. Papayag naman ‘yon basta malapit at mag-uupdate lang ako sa kanya,” sagot ni Lenie. Nakaramdam ng inggit si Zyra noon pero hindi niya pinahalata. Uminom na lang siya ng Sangria na kanyang in-order doon sa bartender. Ilang minuto pa ay lumapit ang waiter kay Zyra. May dala itong drink, Sex on the Beach naman. “Para kanino ‘yan? Hindi naman kami um-order niyan. Lenie, sa iyo bang order ito?” sabi ni Zyra. “Ha? Hindi, ah. Parehas namang Sangria ang in-order natin. Hindi sa akin iyan,” sagot naman ni Lenie. “Para sa inyo daw po sabi noong VIP namin. Nasa kabilang table po siya. Doon po,” sabay turo ng waiter doon sa lalaki. May inabot pang papel ‘yong waiter kay Zyra bago ito tuluyang umalis. Binuksan ni Zyra ang crumpled paper at binasa kung anong nakalagay doon. “You're so beautiful, smile more.” Agad na tiningnan ni Zyra ‘yong lalaki. Ngumiti siya rito nang bahagya. Masasabi niyang pogi at hot ito pero dahil heartbroken pa siya kay Jeremy ay wala siyang paki kahit pa nagbigay ng free drink ‘yong lalaki sa kanya. Agad na inasar ni Lenie si Zyra dahil napansin niyang gwapo ‘yong lalaking nagbigay ng drink sa kanyang kaibigan. Hindi pa man nagsisimula ay suportado na niya agad ang possible next lovelife nito. “Ay, wow. Ang haba naman ng hair mo. Isipin mo, kahihiwalay mo pa lang pero may kapalit agad? Ganyan dapat! Sige, ilaban mo ‘yan!” sabi ni Lenie. Agad na kinurot ni Zyra ang tagiliran ni Lenie, agad na umaray ito at tumahimik na para hindi na siya masaktan. “Aray ko naman! Supportive na nga ako, nakurot pa. Makainom na nga lang,” sabi ni Lenie. “Ikaw kasi, alam mo naman na kakabreak ko lang tapos aasarin mo pa ako sa hindi ko kilala. Naku, di ko iinumin ‘yang binigay niya, baka may pampatulog iyan eh,” sagot ni Zyra. Ilang minuto pa ay nagulat na lang sila dahil lumapit sa table nila ‘yong lalaki kanina. Napaisod tuloy si Lenie para makalapit ni Zyra ‘yong lalaki. “Hey, dito ka na. Tabi kayo ng friend ko,” sabi ni Lenie. “Oh, thank you,” sagot naman noong lalaki. Napansin nito na hindi pa ginagalaw ni Zyra ang drink na bigay niya kaya kinausap niya ito tungkol doon. “Hey, miss. Hindi mo pa pala iniinom ‘yong drink na bigay ko sa iyo. Do you like something else? Pwede naman tayong um-order ng iba pa,” sabi noong lalaki. “No, thank you. I'm fine with my drink. Thank you nga pala for this,” sagot ni Zyra. “No worries. Anyway, I'm Gaustav Ramos. And you are?” sabi noong lalaki pagkatapos ay inalok niya ang kanyang kamay kay Zyra. “Zyra Bermudez,” sagot ni Zyra pagkatapos ay nakipagkamay na siya roon sa lalaki. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanya nang makamayan niya ‘yong lalaki pero hindi niya iyon pinansin. Nagulat na lang si Zyra nang magpaalam si Lenie sa kanya na uuwi na ito. Pinandilatan siya ng mata ni Zyra pero tumawa lang siya rito. “Hey, uuwi na ako ha? Ubos naman na ‘yong drink ko. Enjoy the night! Alagaan mo ang kaibigan ko, ha? Thank you!” sabi ni Lenie. “What? Saan ka pupunta? Lenie, tayo ang magkasama tapos iiwan mo ako rito?” inis na sabi ni Zyra sa kaibigan. “Tumatawag na si Alexis sa akin. Kilala mo naman ‘yon, hindi pwedeng hindi ko puntahan. Pasensya ka na. Bukas na lang ulit ha?” sagot ni Lenie pagkatapos ay umalis na. Napapikit na lang sa inis si Zyra pero wala na siyang magawa dahil umalis na ang kaibigan niya. She’s now left with a stranger. “Mukhang binigyan talaga tayo ng time and space ng kaibigan mo. Let's drink more?” yaya ni Gaustav kay Zyra. “Y-Yes, sure,” nauutal na sagot ni Zyra. Natatakot siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon pero may parte sa puso niya na nagsasabing magtiwala rin siya rito. Nalasing na nga si Zyra at Gaustav noon. Sa sobrang kalasingan ay hindi na nila napigilan na maghalikan. Dahil sa pagiging heartbroken ni Zyra ay nagawa niya iyon.. “Wait, your kisses are too hot for me. Punta tayo sa condo ko? Is that okay with you?” sabi noong lalaki. “Y-Yeah. Sure. Tara,” sa sobrang kalasingan ay iyon na lang ang nasabi ni Zyra. Wala na siyang pakialam kung hindi niya kilala itong lalaki na nasa harapan niya. Ang importante ay magsasaya lang siya ngayong gabi. Sa kotse pa lang ay naging mainit na ang dalawa. Tinanggal kasi nang bahagya ni Gaustav ang pang-itaas na office skirt ni Zyra, then cupped her breast. Napaungol siya dahil sa ginawa ni Gaustav. “Ahhh. Gaustav, I want more,” sabi ni Zyra. Pagkatapos halik-halikan ay nagmaneho na si Gaustav papunta sa kanyang condo. Hindi pa man nakakahiga sa kama ay madiin na ang mga halik niya kay Zyra. She was pinned against the wall. Binalik naman ni Zyra ang mga halik na iyon, hindi tuloy sila makahingang dalawa. “Hmm. You want more, right?” sabi ni Gaustav pagkatapos ay tinapon si Zyra sa kama. Hindi nila alam kung paano nila nahubaran ang isa’t isa. Nakita na lang nila na wala silang saplot na dalawa. Napaigtad na lang si Zyra dahil sa sarap na kanyang nadarama. Hinahalik-halikan na kasi ni Gaustav ang kanyang mga bundok. “Ahh! Sige lang. Do it,” sabi ni Zyra. Dahil basa na noon si Zyra ay madali nang nailabas pasok ni Gaustav ang kanyang alaga. Napuno tuloy ng ungol ang condo ni Gaustav. Soundproof naman iyon kaya walang makakarinig sa kanila. “Ahhh! I’m cumming! Zyra! ”sigaw ni Gaustav. “Ako rin! Ito na ako! Ahh! Fuck it!” sagot naman ni Zyra. Pagkatapos noon ay hinalikan ni Gaustav sa noo si Zyra. Binigyan lang ni Zyra ng pilyang ngiti si Gaustav habang nilalaro ang buhok niya. “Thank you for tonight,” sabi ni Zyra. “Thank you rin,”sagot ni Gaustav. Magbibihis na sana noon si Zyra pero pinigilan siya ni Gustav. Todo ang pagyakap niya rito kaya wala nang nagawa si Zyra kung hindi matulog sa tabi ng lalaking nakilala niya lang sa bar. Nakatulog silang magkayakap.Nagising na lang sila noon. Parehas na walang saplot kaya gulat na gulat si Zyra. Hindi na niya maalala kung ano ang nangyari sa kanila ng lalaking katabi niya. Nagmadali siyang magbihis para makaalis na pero pilit siyang pinipigilan ni Gaustav. “Why? Hindi mo ba nagustuhan kung ano ‘yong nangyari sa atin kagabi? I’ll admit, nagustuhan ko talaga iyon and I’m hoping another one,” deretsahang sabi ni Gaustav na labis na kinagulat ni Zyra. “Really now? Alam mo, kung ano man ‘yong nangyari sa atin, wala na iyon. Ibaon mo na sa limot dahil kahit kailan ay hindi na kita makikita pang muli. Pangako iyan,” sagot ni Zyra. “Are you sure? What if I tell you that I want to get you pregnant, Ms. Zyra Bermudez?” sabi ni Gaustav kaya agad siyang sinampal ni Zyra. “Ouch! Why? Ginusto mo naman kung anong nangyari kagabi, ‘di ba? Bakit ngayon, nag-iba yata ang ihip ng hangin?” sabi ni Gaustav, hawak pa riin niya ang kanyang pisngi dahil sa sampal ni Zyra sa kanya. “Maybe I wanted it but I will
Dahil sa nangyari sa kanyang kapatid ay naisipan ni Zyra na mag part-time job pa sa isang fastfood chain malapit sa Ramirez Group of Companies. Pumapasok siya rito tuwing day-off siya roon sa kumpanya. Kung minsan nga ay nakikita niya ang kaibigang si Lenie roon pero dahil limited lang naman ang oras niya ay hindi na niya ito nakaka-chikahan. Isang araw, habang nagtatrabaho siya ay may lumapit na isang babae sa kanya. Hindi niya iyon agad nakilala pero noong nagsalita na ito ay nagsimula nang uminit ang dugo niya. “Aww, dito ka na pala nagtatrabaho? Akala ko ba, nasa RCG ka? Ano? Tinanggal ka na ba roon dahil sa pag-aaway natin sa labas ng kumpanya nila? Kawawa ka naman. Sige, order nga ako,” sabi ni Kristine. Kinalma muna ni Zyra ang kanyang sarili bago tuluyang magsalita. Ayaw naman kasi niyang mawalan ng trabaho kahit pa sabihin na part time lang iyon. Isa pa, nilagay niya rin sa kanyang isipan na buntis ang babae sa harapan niya kaya kailangan ay maging kalmado siya sa pakikipa
“Ano? Nawalan ka na ng part-time job? Bakit? Paano na iyan, anak? Saan ka na mag-aapply ulit ngayon?” may pangambang tanong ni Cynthia sa kanyang anak.“Hindi ko pa po alam sa ngayon pero hahanap po ako. Saka, okay pa rin naman po ‘yong kita ko sa RCG. Sa ngayon po ay iyon muna ang gagamitin ko para kay Leo,” nakayukong sagot ni Zyra.Inalis na kasi siya roon sa fastfoodchain dahil nagmakaawa si Kristine sa manager. Kahit kita naman na ‘yong customer ang nauna ay si Zyra pa rin ang may kasalanan. Sinubukan ni Zyra na magpaliwanag pero hindi iyon pinakinggan noong manager niya.“Ano kaya kung humiram ka ng pera roon sa boss ninyo ni Lenie? Fiance naman iyon ng kaibigan mo, ‘di ba? Baka naman maawa sa iyo at bigyan ka ng pera. Sabihin mo na lang, ikaltas sa sweldo mo,” suhestyon ni Cynthia.Napaupo na lang si Zyra sa kanilang sofa dahil sa narinig. Alam naman kasi niya na hindi ganoon kadali iyon. Isa pa, binigyan na rin siya ng kanyang boss kaya malabong pagbigyan siya nito.“Nay, naka
"Ah, kanina ka pa ba nandyan?" nahihiyang tanong ni Gaustav. Tumango-tango naman si Zyra at napayuko na lang dahil sa hiya. Hindi naman niya kasi sinasadya na marinig kung ano man 'yong pinag-uusapan noong dalawa. "Ano pala ang kailangan mo? Bakit ka napapunta rito?" Sige, pumasok muna tayo sa loob para mag-usap? Ayos lang ba iyon sa iyo?" tanong ni Gaustav. Napatingin naman si Zyra kay Gaustav dahil sa sinabi niya pero noong mga oras na iyon ay gusto na niyang mag-back out sa kanyang plano. "Ah, wala. Hindi na. Okay na iyon. Mas maigi yata kung unahin mo na lang 'yong problema mo sa babaeng iyon," sagot naman ni Zyra. "Problema? Wala na akong problema sa babaeng iyon dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi sa akin 'yong bata. Niloko niya ako, eh. Magtiis siya, hindi ako magpapaka-tatay doon sa bata," halatang galit si Gaustav nang sabihin niya iyon kay Zyra. "Pero paano kung-" hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Gaustav sa kanya. "Wala n
Umuwi si Zyra sa bahay nila na puno ng tanong sa kanyang sarili. Hindi niya talaga alam kung tama bang pumayag siya sa gusto ni Gaustav.Pero sa kabila ng mga tanong ay masaya siya dahil sa wakas ay mapapyansahan na niya ang kapatid na si Leo kahit pa nagkagalit sila ng nanay niyang si Cynthia.Pagpasok pa lang niya ng bahay ay tinanong na agad siya ng kanyang ina kung nakagawa ba siya ng paraan para mapawalang sala si Leo."O, ano? Nakahanap ka ba ng pera?" Sa tono pa lang ng nanay ni Zyra ay alam mong galit pa rin ito sa kanyang anak. Para ngang hindi na lalambot ang puso nito sa kanya.Hindi na lang nagsalita si Zyra, agad niya na lang pinakita ang cheke na kanyang hawak. Nanlaki ang mga mata ni Cynthia nang makita iyon.Ngumiti agad siya at niyakap ang anak. Para bang nabura na ang lahat ng galit nito sa anak kanina. Napailing na lang si Zyra.'Mahal mo na naman ako dahil nakagawa ako ng paraan, pero paano kaya kung hindi? Sigurado akong mainit na agad ang ulo mo sa akin.'"Anak,
Kinabukasan ay pumunta na sa banko si Zyra. Sinamahan siya ni Gaustav pero hindi niya ito pinapasok sa loob ng kanilang bahay para ipakilala sa kanyang ina."Sige, hintayin mo na lang ako dyan sa labas. May inaayos lang ako," sabi ni Zyra."Sige, walang problema," sagot naman ni Gaustav sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Nagluluto noon ang kanyang ina para sa lunch nila. Niluto nito ang paboritong caldereta ni Zyra para naman makabawi si Cynthia sa mga kasalanan sa anak."O, anak. Hindi mo man lang ba hihintayin na maluto 'yong caldera? 'Di ba paborito mo 'to?" sabi ni Cynthia habang inaayos ang mga pinggan sa lamesa. "Ah, mamaya na lang po. May aasikasuhin pa ako," sagot ni Zyra pagkatapos ay umalis na. Ni hindi man lang niya nilingon ang ina. Ni halik sa pisngi ay hindi niya ginawa kaya nagtampo si Cynthia pero hinayaan niya lang iyon. Alam naman kasi niya na nagtatampo pa rin ang anak niya sa kanya.Nang pumasok si Zyra sa kotse ni Gaustav ay parang tumigil an
Naglilinis ng bahay si Cynthia noon nang kumatok sina Zyra at Leo sa pinto. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita si Leo. Agad siyang nakayakap sa dalawang anak."Naku, salamat naman sa Diyos dahil nakalaya ka na. Zyra, anak. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na susundin mo na pala itong kapatid mo? Buti na lang at may niluto akong caldereta. Halika, pagsaluhan natin," sabi ni Cynthia pagkatapos ay pinunasan ang kanyang luha.Agad na pinaupo niya ang dalawa niyang anak. Ni hindi na nga niya napansin na may bisita pala sila."Nay, si Sir Gaustav po. Siya po 'yong tumulong sa akin para makalaya si Leo sa kulungan," pakilala ni Zyra."Ah, naku. May bisita pala tayo. Pasensya na kayo Sir Gaustavo. Hindi ko kayo nakita agad," sabi ni Cynthia pagkatapos ay kinamayan niya si Gaustav."Gaustav po, nay. Hindi Gaustavo," paglilinaw ni Leo."Ah, basta. Kung ano man po ang pangalan niyo ay maraming salamat po. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako napasaya ngayon," sagot ni Cynt
Habang sila ay nabyahe papunta sa condo ay tahimik lang si Zyra. Para bang may iniisip siyang malalim kaya hindi napigilan ni Gaustav na kausapin siya para kahit paano ay mawala na kung ano man ang iniisip niyang masama. "Uy, ang sarap ng caldereta ni Tita Cynthia, ha? Parang gusto ko siyang ipasok bilang cook sa mansion. Ano sa tingin mo? Feeling ko, mas masarap magluto iyon kaysa kay Aling Fely eh," sabi ni Gaustav kaya nabasag ang katahimikan sa loob ng kotse. "Kahit kailan ay hindi sila pwedeng pumasok doon. Ni hindi nga nila pwedeng malaman na hindi naman ako magiging kasambahay. Saka, ang usapan natin ay sa condo lang tayo magsasama. Hindi sa mansion. Kaya, anong sinasabi mo dyan?" mataray na sagot ni Zyra. "Hala, chill ka lang. Nasabi ko lang naman iyon eh. Ang akin lang, masarap magluto ang nanay mo. Siguro, masarap ka rin, 'no?" Nanlaki ang mga mata ni Zyra dahil sa kanyang narinig. "Anong sabi mo?!" "A-Ah, ang sabi ko ay sigurado akong masarap ka ring magluto tulad ng
Nang nasa harapan na sila ng bahay ng kanyang ina ay mahigpit na hinawakan ni Zyra ang kamay ni Gaustav. Dahan-dahan silang naglakad pagkatapos ay kumatok at nang buksan ni Cynthia ang pinto ay seryosong tiningnan nito ang dalawa habang nakatayo ito sa harapan ng bahay niya. Halatang galit pa rin siya sa dalawa."O, ano ang ginagawa niyo rito? Guguluhin niyo na naman ba ako? Aba, kung iyon lang ang gagawin niyo ay umalis na kayo rito," iyon agad ang sabi ni Cynthia, hindi man lang niya pinagbigyan ang anak na makapagsalita."Tita, nandito po kaming dalawa kasi gusto po namin kayong makausap. Lalo na po si Zyra. Gustong-gusto po niya na magbati na kayo," sagot agad ni Gaustav, hindi na pinansin kung ano ang sinabi ni Cynthia."Kami? Magbabati ng babaeng iyan? Naku, huwag na lang. Siya naman itong naunang tumalikod sa aming dalawa, hindi ba? Bakit ko pa 'yan tatanggapin bilang anak?" galit na sagot ni Cynthia, kung tutuusin ay gusto nang sumuko ni Zyra noon dahil sa kanyang mga narinig
Makaraan ang isang linggo, dahil maagang umalis si Vilma sa mansion ay sina Gaustav at Zyra lang ang naiwan para kumain ng umagahan. Ayaw man ni Gaustav na itanong kay Zyra kung ano ang nasa isip niya pero alam kasi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya malaman ang sagot ng dalaga. "Zyra, oo nga pala. Tutal, okay naman na ang lahat dito sa bahay, ano kaya kung maging okay na rin kayo ng pamilya mo? Alam mo na, para masaya ka na rin sa aspetong iyon," sabi ni Gaustav pagkatapos ay ngumiti. Ilang minutong natahimik si Zyra bago niya tuluyang sagutin si Gaustav. Inisip niya muna kasi kung iyon na ba talaga ang tamang panahon para kausapin niya ang kanyang pamilya. "Hey, Zyra. Are you okay? I'm sorry, mukhang hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Wala, naisip ko lang kasi. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam mo towards them. After all, pamilya mo pa rin naman sila," sabi ni Gaustav kaya bumalik na siya sa ulirat. "Ah, I'm sorry. May iniisip kasi ako. Paano kung hindi
Kahit nakasimangot si Zyra ay kilig na kilig siya. Ayaw niya lang ipakita iyon kay Gaustav dahil ayaw niyang maisip nito na marupok siya. "Ano naman ang pumasok dyan sa utak mo at may paganito ka pa? Hindi naman kailangan ng ganito, ah?" sabi ni Zyra habang tumitingin sa kanyang paligid. Pagkatapos noon ay binigyan siya ng flowers ni Gaustav. Seryoso man ang mga tingin ng dalaga sa kanya ay tinanggap pa rin iyon ng buong puso ni Zyra. "Anong hindi? Kailangan kaya nito, sa dami ba naman ng kasalanan ko sa'yo, sa tingin ko pa nga, kulang pa ito, e," sagot ni Gaustav, nahihiya sa lahat ng kamalian na ginawa niya sa dalaga. Tumahimik lang noon si Zyra, nakatingin siya sa steak na naroon sa lamesa. Napangiti siya. "You did this for me? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zyra, ngumiti naman at tumango si Gaustav. "Oo naman. Simpleng bagay lang ito compared sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko. Sa totoo nga niyan, hindi ako marunong mang-surprise pero sinubukan ko para sa'
Makalipas ang dalawang linggo, nagulat na lang si Zyra dahil nakita niyang bumaba sa kotse at papasok si Lenie sa mansion. Nasa garden si Zyra ng mga oras na iyon. Narinig pa nga niya ang kaibigan na nagtanong kay Yaya Frida kung nasaan siya. Agad namang pumunta sa living room si Zyra para hindi na pumunta sa garden si Lenie. "Lenie, nandito ako. Bakit? May kailangan ka sa akin?" tanong agad ni Zyra dahil wala naman silang usapan na magkikita sila. "Ah, oo. Sumama ka sa akin," yaya ni Lenie, ni hindi na sinabi kung saan at bakit sila aalis. Kumunot ang noo ni Zyra pagkatapos ay lumapit siya kay Lenie. Tiningnan niya kung may lagnat ang kaibigan. "O, wala ka namang sakit. Bakit ka nagkakaganyan? May nakain ka bang panis?" may pag-aalalang tanong ni Zyra, seryoso ang kanyang mukha kaya hindi alam ni Lenie kung matatawa siya o ano. "Ano namang panis ang sinasabi mo dyan? Zyra, sumama ka sa akin. Gusto kong lumabas, magpahangin, alam mo 'yon?" sagot ni Lenie kaya lalong kumuno
Nanlaki ang mga mata nina Vilma, Gaustav at Prescilla nang makita na magkasama 'yong dalawa."Iha, sino iyan? Bakit mo siya kasama?" may pag-aalalang tanong ni Vilma.Agad na lumapit si Gaustav sa dalawa at kinuha ang kamay ng dalaga. "Zyra, why is he here? Ginugulo ka na naman ba niya?" inis na sabi niya, todo protekta kay Zyra."Ah, hindi niya ako ginugulo. Nandito siya para kausapin tayo. 'Di ba, kakausapin mo kami?" sagot ni Zyra pagkatapos ay humarap na siya kay Stephen."Anong sabi mo? Kakausapin ko kayong lahat? Bakit? Ang usapan nating dalawa ay tayo lang ang mag-uusap 'di ba?""Stephen, you have to know the truth. Gaustav, dinala ko siya rito para malaman na niya ang totoo."Dahil sa sinabi ni Zyra ay mas nanlaki ang mga mata ni Stephen. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. "Truth? What are you saying?" Agad na lumapit si Prescilla sa kanila. Seryoso ang mukha niya at galit na galit."Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Zyra, talaga bang gusto mong lumayas na kami rit
Pagpasok na pagpasok pa lang ni Zyra sa trabaho ay marami na siyang naikwento sa kaibigang si Lenie. "Ha? Ganoon na agad karami ang nangyari sa pag-stay mo sa mansion na 'yon? Grabe ha! Hindi kita kinakaya, BFF! Iba ka talaga!" "Sa tingin mo, ako kinakaya ko pa? Naku, hindi na rin 'no! Buti na lang din talaga, okay na kami ni Gaustav at Tita Vilma," sagot ni Zyra kaya nanlaki ang mga mata ni Lenie. "Ano kamo? Okay na kayo ng biyenan mong hilaw? At saka ni Gaustav? Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lenie. "Oo nga, hindi ko lang nakwento sa'yo kanina kasi nakalimutan ko. Sorry," palusot pa ni Zyra pero ang totoo ay pinili niya talagang huwag ikwento, sadyang nadulas lang siya. "BFF, huwag mo nang itago. Alam ko naman na sinadya mong hindi sabihin dahil ayaw mong asarin kita o may masabi ako sa'yo," sagot ni Lenie habang patuloy na nagtatrabaho. "Hmm.. Okay lang naman na patawarin ko siya, 'di ba? I mean, panay kabaitan naman ang pinakita niya sa akin nitong mga nakaraa
Pagbaba ni Gaustav ay kita niyang kalmado na si Prescilla. May inaayos na lang siya habang hawak-hawak niya si Marcus.Nagtama ang mga mata nilang dalawa at doon na nag-umpisang lumuha na naman si Prescilla. Mas lalo pa siyang umiyak nang tuluyang lumapit si Gaustav sa kanya."Prescilla, ang sabi sa akin ni Mommy, gusto mo raw akong makausap? Bakit?" mahinahon na sabi ni Gaustav."Ah, ano kasi.." halos hindi makatingin si Prescilla sa mga mata ni Gaustav."Ano? Tungkol saan ang sasabihin mo?" ulit na tanong ng binata."Alam ko Gaustav, sobrang kapal na ng mukha ko. Pero, pwede bang dito muna kami ni Marcus? Kahit ilang linggo lang, hahanap lang ako ng matitirhan namin. Kapag nakahanap na ako, aalis kami agad dito.Hindi sumagot si Gaustav, tiningnan niya lang si Prescilla at Marcus. Sa totoo lang ay naaawa siya roon sa bata dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari.Dahil napansin ni Prescilla na parang ayaw ni Gaustav na mag-stay sila roon ay nagsalita siya ulit."Naiintindihan ko
Kumatok si Gaustav ng ilang beses bago niya tuluyang narinig si Zyra na sinabing pwede na siyang pumasok. Nang buksan niya na ang pinto ay nagulat na lang siya dahil nakita niyang umiiyak si Zyra sa kama. "O, bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Okay ka naman kanina, ah?" may pag-aalalang tanong ni Gaustav pagkatapos lumapit kay Zyra. "Gaustav, pasensya ka na at bigla akong umalis sa baba kanina, ha? Bigla ko kasing naisip ang anak natin, sobrang sakit pa rin pala ang pagkawala niya," may tumulo ng luha pagkatapos niyang sabihin iyon. "Ano ka ba? Okay lang iyon. Saka, okay lang din umiyak kapag nasasaktan ka. Basta, lagi mo lang iisipin na nandito ako para sa iyo, ha? Hindi na kita iiwan, hindi na kita bibitawan," sagot ni Gaustav habang yakap-yakap si Zyra. "Ganoon pala 'yon, 'no? Araw-araw ka pa ring masasaktan kasi may nawalang importanteng tao sa buhay mo. Isang tao na hindi pa nga nasisilang, nawala na agad," pagpapatuloy pa ni Zyra. "Alam mo, kahit hindi ko ipakita, ara
After 2 days, pagkasundo ni Gaustav kay Zyra mula sa RCG ay kinakabahan sila pareho. Tinawagan kasi sila ni Vilma na nasa kanya na raw ang DNA result nina Gaustav at Marcus. "Ano, tara na? Ready ka na ba?" tanong ni Zyra, nakangiti pero sa loob-loob niya ay kinakabahan din. "Ready na siguro? Hindi ko alam, e. Alam mo 'yong ganoong feeling? Noong wala pang result, todo hintay ako. Ngayong meron na, parang ayaw ko na munang umuwi. Ay, ewan ko ba," naguguluhan na sagot ni Gaustav, kita ang kaba sa kanyang mga mata. "Hay, naku. Ganyan talaga 'yan. Pero, wala naman tayong magagawa. Hindi natin malalaman ang totoo kung hindi natin ito haharapin. Kaya, tara na. Malamang ay hinihintay ka na ni Tita Vilma." Pagdating nila sa mansion ay agad silang sinalubong ni Vilma, halata rin sa kanya na kabado siya. Sino nga bang hindi? Lalo na't apo niya ang pinag-uusapan. Pinatawag na rin kay Yaya Frida si Prescilla mula sa kwarto, pagbaba niya ay karga-karga niya si Marcus at nanlaki ang mga mata n