“Ano? Nawalan ka na ng part-time job? Bakit? Paano na iyan, anak? Saan ka na mag-aapply ulit ngayon?” may pangambang tanong ni Cynthia sa kanyang anak.
“Hindi ko pa po alam sa ngayon pero hahanap po ako. Saka, okay pa rin naman po ‘yong kita ko sa RCG. Sa ngayon po ay iyon muna ang gagamitin ko para kay Leo,” nakayukong sagot ni Zyra.
Inalis na kasi siya roon sa fastfoodchain dahil nagmakaawa si Kristine sa manager. Kahit kita naman na ‘yong customer ang nauna ay si Zyra pa rin ang may kasalanan. Sinubukan ni Zyra na magpaliwanag pero hindi iyon pinakinggan noong manager niya.
“Ano kaya kung humiram ka ng pera roon sa boss ninyo ni Lenie? Fiance naman iyon ng kaibigan mo, ‘di ba? Baka naman maawa sa iyo at bigyan ka ng pera. Sabihin mo na lang, ikaltas sa sweldo mo,” suhestyon ni Cynthia.
Napaupo na lang si Zyra sa kanilang sofa dahil sa narinig. Alam naman kasi niya na hindi ganoon kadali iyon. Isa pa, binigyan na rin siya ng kanyang boss kaya malabong pagbigyan siya nito.
“Nay, nakapagbigay na po si Sir Alexis sa akin. Ayaw ko naman pong lumapit na naman sa kanila ni Lenie. Nakakahiya na po,” sagot ni Zyra. Halata namang nainis si Cynthia sa sinagot ng kanyang anak.
“Eh, paano na natin mailalabas si Leo sa kulungan? Wala na rin akong mahingian ng tulong, Zyra. Aba, gawan mo na ng paraan iyan. Nagtatampo na sa atin ang kapatid mo dahil ang bagal daw nating kumilos!” sigaw ni Cynthia, pansin ang pagkabigo sa mga salitang binatawan niya.
“Nay, bakit naman kasi sumama si Leo sa mga ganoong klaseng tao?! Dapat nag-aaral lang siya, e. Bakit kasi ang kulit ng anak ninyo?!” galit na rin si Zyra dahil hindi na niya alam kung saan kukuha ng pera.
“Aba, at si Leo pa ang sinisisi mo? Zyra naman!” pagkatapos sabihin ni Cynthia iyon ay umalis na ito palabas ng kanilang bahay.
Naiwan na lang si Zyra roon sa sala. Iyak siya nang iyak dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Nang kumalma ay pumasok siya sa kwarto. Naglinis na lang siya ng kanyang gamit para hindi na niya maisip ang pag-aaway nila ng kanyang ina.
Hanggang sa nakita niya ang calling card ni Gaustav na nakaipit sa kanyang wallet. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang nasa isip. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number ni Gaustav.
‘Bahala na. Para mailabas ko ang kapatid ko, gagawin ko ito.’
Kaso, nakailang dial na siya pero hindi pa rin ito nasagot. Hanggang sa naalala niya ang sinabi ni Gaustav na kung sakali mang hindi siya ma-contact ay puntahan na lang siya sa kanyang condo.
Naligo na noon si Zyra at nagbihis. Bigla namang umuwi si Cynthia kaya naabutan pa niya ang kanyang anak. Galit pa rin sila sa isa’t isa pero tinanong niya kung saan papunta ang anak.
“Saan ka pupunta at ayos na ayos ka? Wala ka namang pasok sa RCG ngayon, ‘di ba?”
“Hahanap ako ng pera para matulungan ko ang pinakamamahal niyong anak. Okay na?” matapang na sagot ni Zyra, wala na siyang pake kung magalit pa ang kanyang ina sa kanya.
“Aba, maigi naman kung ganoon. Kung kinakailangan na may ibenta kang gamit para lang makalabas ang kapatid mo, gawin mo!” sagot ng kanyang ina.
Tila tumulo ang luha ni Zyra noon dahil hindi lang gamit ang balak niyang ibenta kung hindi ang sarili na niya. Pinunasan niya ang kanyang luha at humarap sa kanyang ina.
“Alis na po ako. Pagbalik ko, tiyak na makakalabas na si Leo sa kulungan.”
Pagdating sa condominium building ay agad siyang nagtanong sa guard kung nandoon si Gaustav. Um-oo naman ang guard pero bago siya pakawalan ay tinanong muna siya kung kaano-ano niya si Gaustav.
“Girlfriend niya po ako,” pagsisinungaling ni Zyra.
Nang makarating na sa third floor ng building kung saan nandoon ang condo ni Gaustav ay may kung anong ingay siyang naririnig sa di kalayuan. Parang may nag-aaway.
Nagulat na lang siya nang makita si Gaustav at isang babaeng may hawak na baby. Agad siyang nagtago para hindi siya makita noong dalawa pero rinig niya ang pinag-aawayan nila.
“Gaustav, maawa ka naman! Anak mo ‘to! ‘Di ba, pressured ka na dahil gusto na ng mga magulang mong magkaapo? Ito na iyon! Huwag mo naman kaming pabayaan ng anak mo!” sigaw noong babae, dahil sa narinig ay napatakip na lang sa labi si Zyra.
“Prescilla, alam nating dalawa na hindi sa akin ‘yang bata. Niloko mo ako, hindi ba? Ngayon na nabuntis ka noong lalaki, sasabihin mo na sa akin iyan? Bakit? Hindi ka na ba paninindigan noong lalaking pinalit mo sa akin?” sagot ni Gaustav.
“Bago ko siya nakilala, buntis na ako sa anak natin. Hindi ko lang alam noon kaya nakipaghiwalay na ako sa iyo. Pero maniwala ka, sa iyo itong bata!” naiiyak nang sagot noong babae.
“Alam mo, para matapos na ang diskusyon na ito ay ipapa-DNA ko ang bata sa ayaw at sa gusto mo para malaman ko kung akin talaga iyan!” sigaw ni Gaustav.
“Sige, ipa-DNA mo siya para malaman mo ang totoo. Kilala mo ako, Gaustav. Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa iyo! Minahal kita ng totoo!” sagot noong babae pagkatapos ay umalis na kasama noong bata.
Nang wala nang marinig ay agad na tumayo si Zyra para sana umalis pero nakita naman siya ni Gaustav kaya wala na siyang nagawa.
“Z-Zyra. . .”
“G-Gaustav, sorry. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ninyo.”
"Ah, kanina ka pa ba nandyan?" nahihiyang tanong ni Gaustav. Tumango-tango naman si Zyra at napayuko na lang dahil sa hiya. Hindi naman niya kasi sinasadya na marinig kung ano man 'yong pinag-uusapan noong dalawa. "Ano pala ang kailangan mo? Bakit ka napapunta rito?" Sige, pumasok muna tayo sa loob para mag-usap? Ayos lang ba iyon sa iyo?" tanong ni Gaustav. Napatingin naman si Zyra kay Gaustav dahil sa sinabi niya pero noong mga oras na iyon ay gusto na niyang mag-back out sa kanyang plano. "Ah, wala. Hindi na. Okay na iyon. Mas maigi yata kung unahin mo na lang 'yong problema mo sa babaeng iyon," sagot naman ni Zyra. "Problema? Wala na akong problema sa babaeng iyon dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi sa akin 'yong bata. Niloko niya ako, eh. Magtiis siya, hindi ako magpapaka-tatay doon sa bata," halatang galit si Gaustav nang sabihin niya iyon kay Zyra. "Pero paano kung-" hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Gaustav sa kanya. "Wala n
Umuwi si Zyra sa bahay nila na puno ng tanong sa kanyang sarili. Hindi niya talaga alam kung tama bang pumayag siya sa gusto ni Gaustav.Pero sa kabila ng mga tanong ay masaya siya dahil sa wakas ay mapapyansahan na niya ang kapatid na si Leo kahit pa nagkagalit sila ng nanay niyang si Cynthia.Pagpasok pa lang niya ng bahay ay tinanong na agad siya ng kanyang ina kung nakagawa ba siya ng paraan para mapawalang sala si Leo."O, ano? Nakahanap ka ba ng pera?" Sa tono pa lang ng nanay ni Zyra ay alam mong galit pa rin ito sa kanyang anak. Para ngang hindi na lalambot ang puso nito sa kanya.Hindi na lang nagsalita si Zyra, agad niya na lang pinakita ang cheke na kanyang hawak. Nanlaki ang mga mata ni Cynthia nang makita iyon.Ngumiti agad siya at niyakap ang anak. Para bang nabura na ang lahat ng galit nito sa anak kanina. Napailing na lang si Zyra.'Mahal mo na naman ako dahil nakagawa ako ng paraan, pero paano kaya kung hindi? Sigurado akong mainit na agad ang ulo mo sa akin.'"Anak,
Kinabukasan ay pumunta na sa banko si Zyra. Sinamahan siya ni Gaustav pero hindi niya ito pinapasok sa loob ng kanilang bahay para ipakilala sa kanyang ina."Sige, hintayin mo na lang ako dyan sa labas. May inaayos lang ako," sabi ni Zyra."Sige, walang problema," sagot naman ni Gaustav sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Nagluluto noon ang kanyang ina para sa lunch nila. Niluto nito ang paboritong caldereta ni Zyra para naman makabawi si Cynthia sa mga kasalanan sa anak."O, anak. Hindi mo man lang ba hihintayin na maluto 'yong caldera? 'Di ba paborito mo 'to?" sabi ni Cynthia habang inaayos ang mga pinggan sa lamesa. "Ah, mamaya na lang po. May aasikasuhin pa ako," sagot ni Zyra pagkatapos ay umalis na. Ni hindi man lang niya nilingon ang ina. Ni halik sa pisngi ay hindi niya ginawa kaya nagtampo si Cynthia pero hinayaan niya lang iyon. Alam naman kasi niya na nagtatampo pa rin ang anak niya sa kanya.Nang pumasok si Zyra sa kotse ni Gaustav ay parang tumigil an
Naglilinis ng bahay si Cynthia noon nang kumatok sina Zyra at Leo sa pinto. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita si Leo. Agad siyang nakayakap sa dalawang anak."Naku, salamat naman sa Diyos dahil nakalaya ka na. Zyra, anak. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na susundin mo na pala itong kapatid mo? Buti na lang at may niluto akong caldereta. Halika, pagsaluhan natin," sabi ni Cynthia pagkatapos ay pinunasan ang kanyang luha.Agad na pinaupo niya ang dalawa niyang anak. Ni hindi na nga niya napansin na may bisita pala sila."Nay, si Sir Gaustav po. Siya po 'yong tumulong sa akin para makalaya si Leo sa kulungan," pakilala ni Zyra."Ah, naku. May bisita pala tayo. Pasensya na kayo Sir Gaustavo. Hindi ko kayo nakita agad," sabi ni Cynthia pagkatapos ay kinamayan niya si Gaustav."Gaustav po, nay. Hindi Gaustavo," paglilinaw ni Leo."Ah, basta. Kung ano man po ang pangalan niyo ay maraming salamat po. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako napasaya ngayon," sagot ni Cynt
Habang sila ay nabyahe papunta sa condo ay tahimik lang si Zyra. Para bang may iniisip siyang malalim kaya hindi napigilan ni Gaustav na kausapin siya para kahit paano ay mawala na kung ano man ang iniisip niyang masama. "Uy, ang sarap ng caldereta ni Tita Cynthia, ha? Parang gusto ko siyang ipasok bilang cook sa mansion. Ano sa tingin mo? Feeling ko, mas masarap magluto iyon kaysa kay Aling Fely eh," sabi ni Gaustav kaya nabasag ang katahimikan sa loob ng kotse. "Kahit kailan ay hindi sila pwedeng pumasok doon. Ni hindi nga nila pwedeng malaman na hindi naman ako magiging kasambahay. Saka, ang usapan natin ay sa condo lang tayo magsasama. Hindi sa mansion. Kaya, anong sinasabi mo dyan?" mataray na sagot ni Zyra. "Hala, chill ka lang. Nasabi ko lang naman iyon eh. Ang akin lang, masarap magluto ang nanay mo. Siguro, masarap ka rin, 'no?" Nanlaki ang mga mata ni Zyra dahil sa kanyang narinig. "Anong sabi mo?!" "A-Ah, ang sabi ko ay sigurado akong masarap ka ring magluto tulad ng
"Anong sabi mo? Tabi tayo?! Aba, wala naman sa usapan 'yon, ah!" inis na sabi ni Zyra nang kumalma na siya."Hindi naman na natin napag-usapan iyon. Akala ko ay payag ka na magtabi tayo. May nangyari na-" hindi na natapos ni Gaustav ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na si Zyra."Sinasabi ko sa'yo, hindi porket may nangyari na sa atin ay pwede mo nang gawin kung ano man ang gusto mo! Gawan mo ng paraan 'yan! Basta, ayaw kong tumabi sa iyo," galit na sabi ni Zyra pagkatapos ay umupo.Kitang-kita ni Gaustav ang pagsimangot ni Zyra sa kanya kaya alam niya na kailangan talaga niyang gumawa ng paraan. Natatakot siya na baka bigla na lang umalis si Zyra dahil hindi niya nasunod ang gusto nito."Sige na, doon ka na sa kama ko matulog," sabi ni Gaustav."Kung doon ako matutulog, saan ka?" tanong naman ni Zyra."Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko namang mag-book ng hotel. Doon na lang ako tutulog," sagot ni GAustav, tila ba malungkot siya kaya medyo na-guilty si Zyra sa kanyang ginawa.
Kinabukasan, pagpasok ni Zyra sa RCG ay kinamusta agad siya ni Lenie dahil ilang araw siyang hindi pumasok. Nagtaka si Lenie kung bakit badtrip si Zyra nang magkita sila. "Uy, ano? Ayos ka lang ba? Bakit parang nakasimangot ka dyan? Hindi mo ba nailabas si Leo sa kulungan? E, 'di ba, kaya ka nga um-absent ay para doon? Anong nangyari sa iyo?" may pag-aalalang sabi ni Lenie."Nailabas ko naman na ng kulungan si Leo, pero kasi may problema pa rin ako ngayon," kwento ni Zyra."Ha? Ano pa bang problema mo? 'Yong bayad sa inutang mo? E, 'di ba, sabi naman niya ay okay lang na hindi mo agad bayaran iyon? Ano pang problema mo ngayon?" nagtatakang tanong ni Lenie."Oo, 'yong inutangan ko nga ang problema ko at hindi 'yong pambayad sa kanya ang dahilan kung bakit stressed ako ngayon," paliwanag ni Zyra."E, ano?""Lenie, si Gaustav Ramos. Sa kanya ako umutang. Alam mo ba kung ano ang gusto niya? Magsama kami sa condo niya. Ang matindi pa, gusto niya akong maging asawa at magkaroon kami ng ana
Simula noon ay hatid-sundo na ni Gaustav si Zyra sa trabaho. Lagi niyang sinasabihan ang binata na huwag na pero nagpupumilit ito kaya hinayaan na lang ni Zyra. Tuloy, kilig na kilig si Lenie sa tuwing nakikita niya na iyon ay ginagawa ni Gaustav sa kaibigan. "Uy, parang lagi ka na niya talagang hinahatid at sinusundo dito sa RCG. Grabe ha! Ang haba ng hair mo, BFF!" pang-aasar ni Lenie sa kanyang kaibigan. "Mahaba ka dyan? Naiinis na nga ako kasi laging nakasunod sa akin 'yan, parang aso. Parang hindi ako uuwi sa condo niya, e," sagot ni Zyra. "Ha? Hindi mo pa rin ba alam kung bakit ka hinahatid at sinusundo ni Gaustav? Girl, nililigawan ka niya! Manhid ka lang?" sagot ni Lenie kaya naman tinaasan siya ng kilay ni Zyra. "Nililigawan? Mukhang hindi naman niya kayang gawin 'yon. Binili niya lang nga ako eh. Sigurado na hindi 'yon marunong sa pagmamahal," komento ni Zyra. "Ay, na-judge agad? Zyra, mukhang okay naman siya, try mo kaya. Tutal, may nangyari naman na-" natigilan s
Nang nasa harapan na sila ng bahay ng kanyang ina ay mahigpit na hinawakan ni Zyra ang kamay ni Gaustav. Dahan-dahan silang naglakad pagkatapos ay kumatok at nang buksan ni Cynthia ang pinto ay seryosong tiningnan nito ang dalawa habang nakatayo ito sa harapan ng bahay niya. Halatang galit pa rin siya sa dalawa."O, ano ang ginagawa niyo rito? Guguluhin niyo na naman ba ako? Aba, kung iyon lang ang gagawin niyo ay umalis na kayo rito," iyon agad ang sabi ni Cynthia, hindi man lang niya pinagbigyan ang anak na makapagsalita."Tita, nandito po kaming dalawa kasi gusto po namin kayong makausap. Lalo na po si Zyra. Gustong-gusto po niya na magbati na kayo," sagot agad ni Gaustav, hindi na pinansin kung ano ang sinabi ni Cynthia."Kami? Magbabati ng babaeng iyan? Naku, huwag na lang. Siya naman itong naunang tumalikod sa aming dalawa, hindi ba? Bakit ko pa 'yan tatanggapin bilang anak?" galit na sagot ni Cynthia, kung tutuusin ay gusto nang sumuko ni Zyra noon dahil sa kanyang mga narinig
Makaraan ang isang linggo, dahil maagang umalis si Vilma sa mansion ay sina Gaustav at Zyra lang ang naiwan para kumain ng umagahan. Ayaw man ni Gaustav na itanong kay Zyra kung ano ang nasa isip niya pero alam kasi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya malaman ang sagot ng dalaga. "Zyra, oo nga pala. Tutal, okay naman na ang lahat dito sa bahay, ano kaya kung maging okay na rin kayo ng pamilya mo? Alam mo na, para masaya ka na rin sa aspetong iyon," sabi ni Gaustav pagkatapos ay ngumiti. Ilang minutong natahimik si Zyra bago niya tuluyang sagutin si Gaustav. Inisip niya muna kasi kung iyon na ba talaga ang tamang panahon para kausapin niya ang kanyang pamilya. "Hey, Zyra. Are you okay? I'm sorry, mukhang hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Wala, naisip ko lang kasi. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam mo towards them. After all, pamilya mo pa rin naman sila," sabi ni Gaustav kaya bumalik na siya sa ulirat. "Ah, I'm sorry. May iniisip kasi ako. Paano kung hindi
Kahit nakasimangot si Zyra ay kilig na kilig siya. Ayaw niya lang ipakita iyon kay Gaustav dahil ayaw niyang maisip nito na marupok siya. "Ano naman ang pumasok dyan sa utak mo at may paganito ka pa? Hindi naman kailangan ng ganito, ah?" sabi ni Zyra habang tumitingin sa kanyang paligid. Pagkatapos noon ay binigyan siya ng flowers ni Gaustav. Seryoso man ang mga tingin ng dalaga sa kanya ay tinanggap pa rin iyon ng buong puso ni Zyra. "Anong hindi? Kailangan kaya nito, sa dami ba naman ng kasalanan ko sa'yo, sa tingin ko pa nga, kulang pa ito, e," sagot ni Gaustav, nahihiya sa lahat ng kamalian na ginawa niya sa dalaga. Tumahimik lang noon si Zyra, nakatingin siya sa steak na naroon sa lamesa. Napangiti siya. "You did this for me? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zyra, ngumiti naman at tumango si Gaustav. "Oo naman. Simpleng bagay lang ito compared sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko. Sa totoo nga niyan, hindi ako marunong mang-surprise pero sinubukan ko para sa'
Makalipas ang dalawang linggo, nagulat na lang si Zyra dahil nakita niyang bumaba sa kotse at papasok si Lenie sa mansion. Nasa garden si Zyra ng mga oras na iyon. Narinig pa nga niya ang kaibigan na nagtanong kay Yaya Frida kung nasaan siya. Agad namang pumunta sa living room si Zyra para hindi na pumunta sa garden si Lenie. "Lenie, nandito ako. Bakit? May kailangan ka sa akin?" tanong agad ni Zyra dahil wala naman silang usapan na magkikita sila. "Ah, oo. Sumama ka sa akin," yaya ni Lenie, ni hindi na sinabi kung saan at bakit sila aalis. Kumunot ang noo ni Zyra pagkatapos ay lumapit siya kay Lenie. Tiningnan niya kung may lagnat ang kaibigan. "O, wala ka namang sakit. Bakit ka nagkakaganyan? May nakain ka bang panis?" may pag-aalalang tanong ni Zyra, seryoso ang kanyang mukha kaya hindi alam ni Lenie kung matatawa siya o ano. "Ano namang panis ang sinasabi mo dyan? Zyra, sumama ka sa akin. Gusto kong lumabas, magpahangin, alam mo 'yon?" sagot ni Lenie kaya lalong kumuno
Nanlaki ang mga mata nina Vilma, Gaustav at Prescilla nang makita na magkasama 'yong dalawa."Iha, sino iyan? Bakit mo siya kasama?" may pag-aalalang tanong ni Vilma.Agad na lumapit si Gaustav sa dalawa at kinuha ang kamay ng dalaga. "Zyra, why is he here? Ginugulo ka na naman ba niya?" inis na sabi niya, todo protekta kay Zyra."Ah, hindi niya ako ginugulo. Nandito siya para kausapin tayo. 'Di ba, kakausapin mo kami?" sagot ni Zyra pagkatapos ay humarap na siya kay Stephen."Anong sabi mo? Kakausapin ko kayong lahat? Bakit? Ang usapan nating dalawa ay tayo lang ang mag-uusap 'di ba?""Stephen, you have to know the truth. Gaustav, dinala ko siya rito para malaman na niya ang totoo."Dahil sa sinabi ni Zyra ay mas nanlaki ang mga mata ni Stephen. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. "Truth? What are you saying?" Agad na lumapit si Prescilla sa kanila. Seryoso ang mukha niya at galit na galit."Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Zyra, talaga bang gusto mong lumayas na kami rit
Pagpasok na pagpasok pa lang ni Zyra sa trabaho ay marami na siyang naikwento sa kaibigang si Lenie. "Ha? Ganoon na agad karami ang nangyari sa pag-stay mo sa mansion na 'yon? Grabe ha! Hindi kita kinakaya, BFF! Iba ka talaga!" "Sa tingin mo, ako kinakaya ko pa? Naku, hindi na rin 'no! Buti na lang din talaga, okay na kami ni Gaustav at Tita Vilma," sagot ni Zyra kaya nanlaki ang mga mata ni Lenie. "Ano kamo? Okay na kayo ng biyenan mong hilaw? At saka ni Gaustav? Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lenie. "Oo nga, hindi ko lang nakwento sa'yo kanina kasi nakalimutan ko. Sorry," palusot pa ni Zyra pero ang totoo ay pinili niya talagang huwag ikwento, sadyang nadulas lang siya. "BFF, huwag mo nang itago. Alam ko naman na sinadya mong hindi sabihin dahil ayaw mong asarin kita o may masabi ako sa'yo," sagot ni Lenie habang patuloy na nagtatrabaho. "Hmm.. Okay lang naman na patawarin ko siya, 'di ba? I mean, panay kabaitan naman ang pinakita niya sa akin nitong mga nakaraa
Pagbaba ni Gaustav ay kita niyang kalmado na si Prescilla. May inaayos na lang siya habang hawak-hawak niya si Marcus.Nagtama ang mga mata nilang dalawa at doon na nag-umpisang lumuha na naman si Prescilla. Mas lalo pa siyang umiyak nang tuluyang lumapit si Gaustav sa kanya."Prescilla, ang sabi sa akin ni Mommy, gusto mo raw akong makausap? Bakit?" mahinahon na sabi ni Gaustav."Ah, ano kasi.." halos hindi makatingin si Prescilla sa mga mata ni Gaustav."Ano? Tungkol saan ang sasabihin mo?" ulit na tanong ng binata."Alam ko Gaustav, sobrang kapal na ng mukha ko. Pero, pwede bang dito muna kami ni Marcus? Kahit ilang linggo lang, hahanap lang ako ng matitirhan namin. Kapag nakahanap na ako, aalis kami agad dito.Hindi sumagot si Gaustav, tiningnan niya lang si Prescilla at Marcus. Sa totoo lang ay naaawa siya roon sa bata dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari.Dahil napansin ni Prescilla na parang ayaw ni Gaustav na mag-stay sila roon ay nagsalita siya ulit."Naiintindihan ko
Kumatok si Gaustav ng ilang beses bago niya tuluyang narinig si Zyra na sinabing pwede na siyang pumasok. Nang buksan niya na ang pinto ay nagulat na lang siya dahil nakita niyang umiiyak si Zyra sa kama. "O, bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Okay ka naman kanina, ah?" may pag-aalalang tanong ni Gaustav pagkatapos lumapit kay Zyra. "Gaustav, pasensya ka na at bigla akong umalis sa baba kanina, ha? Bigla ko kasing naisip ang anak natin, sobrang sakit pa rin pala ang pagkawala niya," may tumulo ng luha pagkatapos niyang sabihin iyon. "Ano ka ba? Okay lang iyon. Saka, okay lang din umiyak kapag nasasaktan ka. Basta, lagi mo lang iisipin na nandito ako para sa iyo, ha? Hindi na kita iiwan, hindi na kita bibitawan," sagot ni Gaustav habang yakap-yakap si Zyra. "Ganoon pala 'yon, 'no? Araw-araw ka pa ring masasaktan kasi may nawalang importanteng tao sa buhay mo. Isang tao na hindi pa nga nasisilang, nawala na agad," pagpapatuloy pa ni Zyra. "Alam mo, kahit hindi ko ipakita, ara
After 2 days, pagkasundo ni Gaustav kay Zyra mula sa RCG ay kinakabahan sila pareho. Tinawagan kasi sila ni Vilma na nasa kanya na raw ang DNA result nina Gaustav at Marcus. "Ano, tara na? Ready ka na ba?" tanong ni Zyra, nakangiti pero sa loob-loob niya ay kinakabahan din. "Ready na siguro? Hindi ko alam, e. Alam mo 'yong ganoong feeling? Noong wala pang result, todo hintay ako. Ngayong meron na, parang ayaw ko na munang umuwi. Ay, ewan ko ba," naguguluhan na sagot ni Gaustav, kita ang kaba sa kanyang mga mata. "Hay, naku. Ganyan talaga 'yan. Pero, wala naman tayong magagawa. Hindi natin malalaman ang totoo kung hindi natin ito haharapin. Kaya, tara na. Malamang ay hinihintay ka na ni Tita Vilma." Pagdating nila sa mansion ay agad silang sinalubong ni Vilma, halata rin sa kanya na kabado siya. Sino nga bang hindi? Lalo na't apo niya ang pinag-uusapan. Pinatawag na rin kay Yaya Frida si Prescilla mula sa kwarto, pagbaba niya ay karga-karga niya si Marcus at nanlaki ang mga mata n