Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
view moreChapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.
Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di
Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m
Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments