Home / Romance / Chasing Mafia's Heart / Chapter 1 - Start With A Nightmare

Share

Chasing Mafia's Heart
Chasing Mafia's Heart
Author: Deathstalker04

Chapter 1 - Start With A Nightmare

last update Last Updated: 2024-11-23 22:03:39

Chapter One

            “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde.

            “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista.

            “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya.

            Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito.

            “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis.

            MASAYANG naglalakad pauwi si Taira mula sa trabaho niya sa isang convenient store, paano ba naman ay nakatanggap niya ng increase sa sahod niya dahil sa isang taong pagtatrabaho niya roon ay wala siyang absent o late man lang. Bumili siya ng tinapay sa nadaanang bakery at bumili na rin ng luto ng manok sa isang tindahan pagkatapos ay pumara na sa dumaang tricycle.

            Pagdating niya sa bahay ay nabungaran niya ang dalawang kapatid na gumagawa ng kanilang mga takdang-aralin.

            “Ate!” sumugod agad ng yakap ang bunso nilang kapatid na si Aya. Ginantihan niya ito ng yakap at iniabot ang biniling ulam sa isa pa niyang kapatid na si Leah.

            “Handa mo na ang mesa at kumain na kayo.” Wika ni Taira habang nagbibihis ng damit sa isang kwarto na kurtina lang ang nagsisilbing pinto.

            Agad namang tumalima si Leah sa inutos ni Taira.

            “Hindi pa ba dumarating si tatay?” tanong nito sa mga kapatid.

            “Hindi pa po, kanina pa nga siya umalis pagkatapos mananghalian.” Sabat ni Aya.

            Napatingin siya sa relo niya. Alas nuebe na ng gabi. Nag-alala siya para sa ama, kahit simula ng mamatay ang kanilang ina ay naging lasenggero na ito at sugarol ay hindi niya ito kinagagalitan. Alam niyang matindi ang pinagdadaanan ng kanyang ama para lang malimutan ang pagkawala ng kanilang ina.

            Alas-onse ng gabi ng may kumatok sa pintuan.

            Kahit inaantok na si Taira dahil sa pagod sa trabaho ay hindi niya magawang makatulog dahil sa paghihintay sa pag-uwi ng ama. Pinagbuksan niya ito ng pintuan.

            “Tay?! Anong nangyari sa inyo?! Bakit ganyan ang itsura ninyo?! Sino ang may gawa niyan?!” sunod-sunod na tanong ni Taira sa ama.

            Dire-diretsong pumasok si Mang Edward habang paika-ika at hawak ang sikmura. Nilapag nito ang bitbit na pagkain sa mesa sabay tanong.

            “Kumain na ba ang mga kapatid mo? Ikaw kumain ka na ba? May dala akong pagkain, kumain ka kung gusto mo.” wika ng ama na hindi pinansin ang mga tanong ni Taira. Nahiga na ito sa sahig at tumalikod para matulog.

            “Tay, magtapat ka nga. Sino ang may gawa niyan sayo?” nag-aalalang muling tanong ni Taira habang kinukuha ang first-aid kit sa cabinet sa sala. Umupo siya sa lapag at pilit na itinatayo ang ama.

            “Halika ‘tay tumayo ka muna at gagamutin ko ang mga sugat mo.” Mahinahong sabi ni taira sa ama. Hindi na bago sa kanya ang eksenang iyon, na uuwi ang kanyang ama na may mga sugat at bugbog sa katawan.  Wala siyang ideya sa kung anuman ang gusot na napasukan ng ama dahil kahit ito mismo ay ayaw magsalita sa kanya.

            Dahan-dahang tumayo si Mang Edward habang sapo ang sikmura. Sinimulang gamutin ni Taira ang mga sugat ng kanyang ama sa mukha nito. Napapailing siya nang makita ang duguang damit ng ama na halatang ginamit pamunas sa mukha nito. At napagdesisyunan niya sa sarili na isang araw aalamin niya ang mga aktibidades ng kanyang ama.

            Parehas silang nakapikit ng kanyang ama ng gabing iyon pero sa mga sarili nila kapwa sila may malalim na iniisip. Hindi mapakali si Taira sa higaan kaya naisipan niyang lumabas ng bahay at tumambay sa maliit na bangko na nasa ilalim ng punong manga. Napatingin siya sa maliit na barong-barong na kanilang tinutuluyan. Nakahilig na iyon at pakiramdam niya isang ihip n lang bagyo matutumba na iyon. Napabuga siya ng hangin.

            Isang anino ang nakita niya sa gilid ng mga mata niya na para bang nagmamasid sa di-kalayuan. Napalingon siya at binundol siya ng kaba nang makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya habang bumubuga ng usok ng sigarilyo. Maya-maya pa ay umalis na ito sa kinatatayuan at siya namang takbo niya papasok sa loob ng bahay. Sinigurado niyang nakasara ng maayos ang pinto, iniharang niya ang lamesa dito kahit alam niyang isang sipa lang ay magigiba talaga ito.

            “Boss kompirmado, may anak ngang babae si Mang Edward bata pa at mukhang mapapakinabangan natin ang isang ‘to.” Sabi ng lalaki habang may kausap sa cellphone saka nito pinaandar ang sasakyan.

            Magdamag siyang hindi halos nakatulog dahil sa pag-aalala.

            Paggising niya ay nabungaran niya ang ama na maagang nagising. Iniinit nito ang pagkaing dala nito kagabi na hindi naman nakain. Bihis na bihis na ito at bagong paligo bagama’t maga parin ang mukha dahil sa mga sugat nito at pasa.

            “Aalis ka?” tanong ni Taira.

            “Maghahanap lang ako ng pagkakakitaan anak. Huwag kang mag-alala hindi na mauulit ang nangyari kagabi.” Sagot ng ama.

            “’Tay, ano po ba kasing nangyari? Kung may problema ka man baka makatulong ako.” Susog ni Taira sa ama. Nakatahimik lang si Mang Edward, maya-maya pa’y humagulhol na ito ng iyak habang nakatakip ang mga palad sa sariling mukha.

            “Anak, patawarin mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” wika ni Mang Edward.

            “Nagkaroon ako ng malaking pagkakautang sa kagustuhang maiahon kayo sa hirap. Alam kong hirap na hirap ka na anak.” Dagdag pa nito.

            “Nagkautang po kayo? Kanino? Magkano?” sunod-sunod na tanong ng dalaga.

            Nagsimulang magkwento ang ama, sa kung paano niya nakilala ang grupo ng mga mafia na siyang nag-utos sa kanyang maghatid ng illegal na droga sa isang lugar at dahil hindi siya kahina-hinala dahil nagpanggap siyang mangangalakal lang na may dalang sako ay nagawa niya ang pinag-uutos ng mga ito.

            Kumita siya ng malaki sa unang transaksyon nila pero nabulilyaso ang pangalawa niyang trabaho sa grupo kaya nadispalko niya ang milyong pisong halaga ng droga kaya simula noon araw-araw na siyang hina-hunting ng mga tauhan ni Chard.

            Napatulala na lang si Taira sa mga natuklasan. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng kanyang ama. Nakaramdam siya ng awa sa haligi ng tahanan na unti-unti niyang nakikitaan ng karupukan.

            Nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip. Kailangan magawan niya ng paraan ang mga tumutugis sa kanyang ama, hindi pwedeng pabayaan na lang nya ito sa ganoong sitwasyon.

            Ilang oras ng nakatayo sa harapan ng police station si Taira, iniiisip kung magsusumbong ba sa pulis. Kung malaking tao ang kalaban ng kanyang ama siguradong may tauhan din ito sa loob ng mga kapulisan. Napabuntung hininga ng malalim si Taira saka tumalikod at parang wala sa sarili na naglakad palayo. Halos hindi niya namalayang naka-go signal na ang sign sa kalsada at dire-diretso parin siyang tumawid.

            Busina ng mga sasakyan ang nagpagising sa diwa niya at sa sobrang taranta niya hindi niya alam ang gagawin. Namalayan na lang niya na may isang matipunong braso ang humihila sa kanya palayo sa gitna ng kalsada.

            “Miss magpapakamatay ka ba?!” nakataas ang kilay na wika ng isang lalaki habang hawak parin ang braso niya.

            Nakatulala lang siya sa kaharap. Matangkad ito at gwapo, parang yung mga bida sa isang Chinese drama. Mahahalata mong may sinasabi ito sa buhay sa itsura ng pananamit nito, nakapormal ito ng suot. Tumigil ang mga mata niya sa mga labi nito, mapupula na para bang nang-aanyaya ng isang halik.

            “Tapos ka na bang pagpantasyahan ako?” ngumiti ng nakakaloko ang lalaki. Saka biglang bumitaw si Taira sa pagkabigla. Nag-init ang magkabilang pisngi niya sa pagkapahiya.

            “Sorry ka! Hindi ka kapanta-pantasya!” ismid ni Taira sa nagmartsa palayo.

            “Aba! Ikaw na nga ‘tong niligtas ko kanina ikaw pa itong masungit!” sigaw ng lalaki.

            “Thank you!” sagot ni Taira na parang nakakaloko at saka binilisan ang paglalakad palayo.

            Isang kotse ang tumigil sa gilid ng kalsada.

            “Enzo! Hop in!” sigaw ni Lester. Saka lang tumalima si Enzo para sumakay. Muli pa niyang nilingon ang babaeng malayo na sa kanya.

            “Ang tagal mo naman dumating. Saan ka ba nagpark?” inis na wika ni Enzo.

            “Punuan na ang malalapit na parking kaya napilitan ako magpark sa malayo. Bakit ba nakakunot yang noo mo may nangyari ba?” puna ni Lester sa pinsan.

            “Wala, I bumped to someone not worthy to talk to.” Sagot ni Enzo na naging abala na sa laptop niya. Isa si Enzo sa mga tinatawag na workaholic na tao, kahit nasaan ito ay laging business ang nasa utak nito. Bukod sa hawak nitong ilang mga negosyo ay may iba pa itong pinapatakbo beyond it’s nature of work na mahigpit nitong inililihim at iilan lang ang nakakaalam katulad ni Lester na isa sa mga pinagkakatiwalaan niya.

Related chapters

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

    Last Updated : 2024-11-23
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

    Last Updated : 2024-11-23

Latest chapter

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

DMCA.com Protection Status