Home / Romance / Chasing Mafia's Heart / Chapter 6 - The Hidden Agenda

Share

Chapter 6 - The Hidden Agenda

last update Last Updated: 2025-01-31 21:33:26

Masakit na masakit ang ulo ni Taira, sumabay kasi siya ng pakikipag-inuman sa nakakuha sa kanyang customer. Dinala siya nito sa isang hotel. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi pumunta si Enzo kaya biglang may nakakuha sa kanya. Pagpasok nila sa kwarto ay nagrequest siya kaagad ng bote ng alak at hinayaan itong malasing ng todo. Sinadya niya iyon para walang mangyari sa kanila. Turo iyon ni Sheila sa kanya. Mayroon din siyang dala lagi na sleeping pills para mapainom sa mga magiging customer niya kung sakaling hindi gumana ang tactics niya na lasingin ito. Alaganing oras na siya bumalik ng hotel at nakita niyang lumabas mula roon si Chard Buenavista kasama ang iba pang mga tao. Nagtago siya sa isang sulok na hindi naaabot ng ilaw sa entrance ng hotel.

            “Bitawan niyo ako!” pagsusumamo ng isang lalaking nasa edad thirties lang.

            “Sige ipasok niyo na yan! Busalan niyo nang hindi makapag-ingay yan! Kayo ang malilintikan sakin kapag nabulilyaso yan!” mariing sigaw ni Chard.

“Yes boss!” sagot ng isang lalaking malaki ang katawan.

Saka sumakay sa isang itim na van si Chard kasama ang iba pa at umalis.

            Out of curiosity ay sinundan ni Taira ang grupo habang naglalakad ang mga ito paikot sa bandang likuran ng gusali ng Pentagon Club. Dahan-dahan siyang nagmanman at maingat na nagmasid. Pumasok ang mga ito sa isang pababang hagdan.

            “Underground basement?” takang tanong ni Taira sa sarili.

            “Lakad! Kung hindi padadaliin ko buhay mo!” sigaw ng isang lalaki.

            “Parang awa niyo na boss! Mahirap lang po ako!” sumamo pa nito. Pero parang walang narinig ang mga lalaki sa daing nito. Dahan-dahan naman na nagtago si Taira sa mga nadadaanang poste pababa ng basement.

            Pagdating sa ibaba ay sumakay pa ang mga ito sa isang elevator papunta pa sa ilalim ng lugar. Ilang sandali pa na nag-isip si Taira kung paano masusundan ang mga ito sa ibaba nang walang nakakakita sa kanya. Mahirap na kung pagbukas ng elevator ay may mga bantay pala sa ibaba. Isip-isip niya. Nakakubli lang siya sa isang sulok nang makita niya na may mga lumalabas na kitchen staff na naka-uniform. Sinundan niya ng tingin ang parteng nilabasan nito.

            “Kusina? Bakit may sariling kusina sa underground basement? May mga nagtatrabaho ba sa ilalim nito?” bulong niya sa sarili. At saka siya nakaisip ng paraan.

            Kinuha niya ang nakasabit na uniform sa isang locker at madaling isinuot kung saan siya nakakubli bago lumabas hinatak din niya ang isa sa mga code card na nakasabit sa locker, napansin nya kasing lahat ay nakasuot ng code card na yun. Siya namang labas ng isang babae rin na naka-uniform hatak ang isang food cart.

            “Ahm, excuse me.” Tawag niya rito.

            “Ako yung bagong staff na pinadala ni Boss Chard. Ako na ang magdadala niyan para sayo.” Lakas loob niyang sabi kahit sa kaloob looban niya ay sobra ang kaba niya sa dibdib dahil hindi niya sigurado kung mapapaniwala niya ito.

            “Ah, hindi kami na-inform na may baguhan pala?” wika nito saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

            Ilang minuto pa siya nitong sinipat.

            “Ah sige, dahil mismong si Boss Chard ang nagpadala sayo, sige na, ikaw na ang magdala ng mga ito sa ibaba.” Wika nito sabay buntong-hininga.

            “Salamat naman at nagdagdag siya ng staff. Napakadami ko ng ginagawa sa kusina. Parami ng parami ang mga pinapakain niya.” Reklamo nito.

            Kumunot ang noo ni Taira sa narinig pero hindi siya nagpahalata.

            “Siguro naman na-orient ka na ni boss? What you see, what you hear, when you leave, leave it here or you will die.” Seryoso nitong sabi.

            “Yan ay kung may pag-asa pa tayong makalabas dito.” Dagdag pa nito na bahagyang lumamlam ang mga mata. Ngumiti lang si Taira at kinuha na ang food cart dito. Nadagdagan tuloy ang kabang nararamdaman niya pero mas dumaig ang kuryosidad niya sa kung anong meron ang lugar na iyon.

            Pinindot niya ang elevator at sumakay na doon.

            “Ano ba ‘tong napasukan ko? Bakit pa kasi ako sumunod dito? Gulo na nga yung pinasok ko mukhang isa pang gulo ‘tong papasukin ko.” sisi niya sa sarili. Pero wala na siyang choice nandoon na siya huli na para umatras pa.

            Pagbukas ng elevator ay bumungad sa kanya ang magkakahilerang selda. Limang selda para sa mga lalaki at lima para sa mga babae.

            “Miss!” tawag ng isang tagabantay. Napapitlag siya sa sobrang kaba.

            “Nasaan si Marie? Bakit ikaw ang nagdala niyan?” matapang nitong tanong.

            “Ah, a-ano po k-kasi b-bago lang po ako. Kaya ako po ang inutusan niya para matuto daw po ako.” Sagot ni Taira.

            “Nasaan ang code card mo?!” sigaw nito. Itinaas niya ang code card na nakasabit sa dibdib.

            “Sige! Unahin mo muna yung mga babae bigyan ng pagkain. Yung nasa dulo ibang pagkain ang ibigay mo sa kanya. Yang nasa baunan na green na may mga gamot ang ibigay mo sa kanya at unahin mo siya bago ang lahat. Kailangan mainom niya yang gamot! Bilisan mo!” sigaw nito.

            “O-opo!” saka siya dali-daling tumalima. Pumasok siya sa isang kwarto sa dulo. Tumambad s kanya ang isang babaeng nakahiga. Nakasuot lang ito ng jogging pants at bra lang ang pang-itaas. Lumingon ito pagpasok niya.

            “Pagkain mo at inumin mo raw itong gamot pagkatapos.” Mahina niyang sabi.

Bumangon ng dahan-dahan ang babae at kakikitaan ito ng hirap sa pagbangon kaya inalalayan niya ito. Napansin niyang may balot ng benda ang gilid ng tiyan nito.

            “Napaano yan?” usisa niya.

            “Hindi mo alam? Bago ka lang ba?” tanong nito sa kanya.

            “Oo, baguhan lang ako. Kakasimula ko pa lang.” sagot ni Taira.

            “Malalaman mo paghatid mo ng pagkain sa kanila. Sa kanila ka magtanong.” Inginuso nito ang ibang mga babae sa nakabukod na selda saka kinuha ang pagkain at nagsimula ng kumain.

            Pagkatapos ay hinatiran naman niya ang natitira pang apat na selda na naglalaman ng tig dalawampung mga babae bawat kwarto. Mahihina ang mga ito habang kumukuha ng pagkain sa kanya na nakalagay na sa bawat styro ang bawat isang pagkain.

            “Anong nangyari sa inyo?” bulong niya sa mga ito.

            “Bago ka?” tanong ng isa. Tumango naman siya. Sabay-sabay na nagkatinginan ang mga ito at sabay-sabay rin nilang itinaas ang kanilang mga damit. Lahat sila ay may malaking tahi sa gilid ng tiyan nila.

            “Organ Selling.” Bulong ng isa.

            “Pero wala kaming natatanggap na pera mula sa kanila. Preso kami dito habambuhay hanggang sa maubos nila ang mga organ na pwede nilang ibenta samin.” Bulong ng isa pa. Inginuso nito ang isang babae na nasa sulok na wala ng mga mata. Kakapa-kapa itong kumakain. Nanlaki ang mga mata ni Taira sa natuklasan. Bukod pala pasugalan at mga bayarang babae ay may mas madilim pa na gawain ang Pentagon. Malinaw na sindikato sila ng organ selling sa black market.

            Hindi niya alam kung paano pa siya nakalabas sa lugar na iyon pero nanginginig ang buong pagkatao niya pagkabalik sa kwarto nila sa Pentagon. Kung wala na ba silang silbi kay Chard Buenavista ay ganoon rin ba ang kahahantungan nila? Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan. Paano ba siya makakalabas sa impyernong lugar na napasukan niya? Kung tatakas naman siya habangbuhay silang susundan ng mga tauhan nito. Gulong-gulo ang isip niya halos hindi siya nakatulog nang gabing iyon.

            “Boss, may problema tayo. May nakapasok sa black market sa ibaba. Babae hindi nila mamukhaan kung sino. Hindi malinaw sa cctv ang itsura nito.” Balita ng isa sa mga tauhan kay Chard kinabukasan.

            “Paanong may nakapasok? Mahigpit ang mga bantay nalusutan kayo ng isang babae?!” galit na galit na sagot nito.

            “Nagpanggap pong isa sa mga kitchen staff. Natuklasan lang nang may mawalan ng code card ang isa sa mga staff na ginagamit para makapasok sa mga selda.” Dagdag pa nito na lalong nagpainit sa ulo ng huli.

            “Mga tanga talaga kayo! Ibigay mo sakin ngayon din yung kopya ng cctv! Baka mamukhaan ko kung sino man ang naglakas ng loob na pumasok sa teritoryo ko!” asik niya. Tumalima ang inutusan habang naiwan siyang nakakuyom ang mga kamao. Walang pwedeng makaalam ng black market nila, dapat mamatay ang sino mang hindi awtorisado na makakaalam nito, bata o matanda, lalaki man o babae.

            Yun ang pag-uusap na hindi sinasadyang marinig ni Taira kinabukasan pagdaan niya sa opisina nito. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya malaya niyang narinig ang lahat. Grabe ang kabang nararamdaman niya. Sigurado siyang siya ang tinutukoy ng tauhan nito. Nawala sa isip niya na baka nga may mga nakatagong cctv sa lugar na iyon. Dali-dali siyang sumama sa isang customer na nakatipo sa kanya para makalayo siya sa lugar na iyon at makaisip ng paraan kung paano makakatakas, siguradong papatayin siya ni Chard kapag nalaman nitong siya ang babaeng iyon.

            Tulad ng dating gawi walang kahirap hirap na pinaiinom niya ng pampatulog ang customer niya at nang makatulog na ito ay kinuha niya ang cellphone. Saglit na nag-isip.

            Bahala na!

            Nag-ring ang cellphone ni Enzo. Numero ni Taira ang nasa screen. Ilang saglit muna siyang nag-isip. First time na tumawag si Taira.

            “Hello Enzo, ikaw ba ‘to? Nasaan ka?” wika ni Taira sa kabilang linya halatang may takot sa boses nito.

            “Nasa bahay lang ako, bakit? May nangyari ba? Ok ka lang ba?” sunod-sunod niyang tanong.

           

Deathstalker04

Please leave your comment if you liked this chapter. Thank you and enjoy your reading.

| Like

Related chapters

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

    Last Updated : 2024-11-23
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

    Last Updated : 2024-11-23
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

    Last Updated : 2024-11-23
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 4 - Complicated Decision

    “Magtatrabaho ako para sa iyo hanggang sa makabayad ako sa pagkakautang ng aking ama. Kapalit noon ay hindi mo pakikialaman ang mga mahal ko sa buhay.” Dagdag pa ni Taira. Ngumisi ng nakakaloko si Chard. “Sa tingin mo makakaalis ka pa sa lugar na ito sa laki ng pagkakautang ng ama mo?” sagot ni Chard na siya namang pagdating ni Negi. Naningkit ang mga mata ni Taira sa tinuran ni Chard. Anyong magsasalita pa siya nang muli itong magsalita. “Huwag na huwag mong susubukang tumakas dahil isang utos ko lang sa mga tauhan ko, tapos ang buhay ng ama at mga kapatid mo.” dagdag pa ni Chard. “Sige na Negi ayusan mo na yan siguraduhin mong magmumukhang tao yan!” halatang nagpipigil sa galit si Chard. Sumunod naman si Negi at hinila na siya palabas ng kwarto. Hinabol na lang siya ng tingin ni Enzo hanggang sa maisara ang pinto. Dinala siya ni Negi sa isang kwarto na puno ng mga babaeng kapwa mga naka-ko

    Last Updated : 2025-01-23
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 5 - Anasel

    Inilapit niya ang mukha niya kay Taira at dahan-dahang hinalikan ang leeg nito pababa sa dibdib nitong may suot paring damit. Napapikit si Taira, paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang mga salita ni Chard. “Huwag mong subukang tumakas kung ayaw mong may mangyaring masama sa tatay at kapatid mo.” Mga katagang pauli-ulit na naririnig ni Taira sa isip niya. Kailangan niyang sikmurain ang lahat ng ito para sa pamilya niya. Naramdaman niyang unti-unting hinuhubad ng lalaking nasa harap niya ang damit niya. Napapikit na lang siya at nagpaubaya. Saksi ang malamlam na ilaw ng kwartong iyon sa pigil na kaloobang lumulukob kay Taira, kaloobang kailangang magsakripisyo para sa pamilya niya. Iba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, magkahalo ang kanyang nararamdaman. Nanginiginig ang kanyang kalamnan sa katotohanang isang istranghero ang umaangkin sa katawan niya. Bahagyang natigilan si Enzo nang maramdaman ang pagkabirhen niya

    Last Updated : 2025-01-25

Latest chapter

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 6 - The Hidden Agenda

    Masakit na masakit ang ulo ni Taira, sumabay kasi siya ng pakikipag-inuman sa nakakuha sa kanyang customer. Dinala siya nito sa isang hotel. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi pumunta si Enzo kaya biglang may nakakuha sa kanya. Pagpasok nila sa kwarto ay nagrequest siya kaagad ng bote ng alak at hinayaan itong malasing ng todo. Sinadya niya iyon para walang mangyari sa kanila. Turo iyon ni Sheila sa kanya. Mayroon din siyang dala lagi na sleeping pills para mapainom sa mga magiging customer niya kung sakaling hindi gumana ang tactics niya na lasingin ito. Alaganing oras na siya bumalik ng hotel at nakita niyang lumabas mula roon si Chard Buenavista kasama ang iba pang mga tao. Nagtago siya sa isang sulok na hindi naaabot ng ilaw sa entrance ng hotel. “Bitawan niyo ako!” pagsusumamo ng isang lalaking nasa edad thirties lang. “Sige ipasok niyo na yan! Busalan niyo nang hindi makapag-ingay yan! Kayo ang malilintikan sakin kapag nabulilyaso yan!” mariing si

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 5 - Anasel

    Inilapit niya ang mukha niya kay Taira at dahan-dahang hinalikan ang leeg nito pababa sa dibdib nitong may suot paring damit. Napapikit si Taira, paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang mga salita ni Chard. “Huwag mong subukang tumakas kung ayaw mong may mangyaring masama sa tatay at kapatid mo.” Mga katagang pauli-ulit na naririnig ni Taira sa isip niya. Kailangan niyang sikmurain ang lahat ng ito para sa pamilya niya. Naramdaman niyang unti-unting hinuhubad ng lalaking nasa harap niya ang damit niya. Napapikit na lang siya at nagpaubaya. Saksi ang malamlam na ilaw ng kwartong iyon sa pigil na kaloobang lumulukob kay Taira, kaloobang kailangang magsakripisyo para sa pamilya niya. Iba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, magkahalo ang kanyang nararamdaman. Nanginiginig ang kanyang kalamnan sa katotohanang isang istranghero ang umaangkin sa katawan niya. Bahagyang natigilan si Enzo nang maramdaman ang pagkabirhen niya

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 4 - Complicated Decision

    “Magtatrabaho ako para sa iyo hanggang sa makabayad ako sa pagkakautang ng aking ama. Kapalit noon ay hindi mo pakikialaman ang mga mahal ko sa buhay.” Dagdag pa ni Taira. Ngumisi ng nakakaloko si Chard. “Sa tingin mo makakaalis ka pa sa lugar na ito sa laki ng pagkakautang ng ama mo?” sagot ni Chard na siya namang pagdating ni Negi. Naningkit ang mga mata ni Taira sa tinuran ni Chard. Anyong magsasalita pa siya nang muli itong magsalita. “Huwag na huwag mong susubukang tumakas dahil isang utos ko lang sa mga tauhan ko, tapos ang buhay ng ama at mga kapatid mo.” dagdag pa ni Chard. “Sige na Negi ayusan mo na yan siguraduhin mong magmumukhang tao yan!” halatang nagpipigil sa galit si Chard. Sumunod naman si Negi at hinila na siya palabas ng kwarto. Hinabol na lang siya ng tingin ni Enzo hanggang sa maisara ang pinto. Dinala siya ni Negi sa isang kwarto na puno ng mga babaeng kapwa mga naka-ko

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status