Home / Romance / Chasing Mafia's Heart / Chapter 3 - First Impression

Share

Chapter 3 - First Impression

Author: Deathstalker04
last update Huling Na-update: 2024-11-29 18:51:56

Chapter Three -

            Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan.

            “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw.

            Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

            “Oh pa! Bakit hinintay niyo pa po ako? Malamig po dito sa labas.” Salubong agad ni Taira sa ama.

            “Sabay na tayong umuwi anak, nasasabik na kasi akong sabihin sa iyo ang magandang balitang dala ko.” masayang-masaya ang ama habang nagsasalita.

            Masaya siyang nakikitang masaya ang ama. Ilang araw na rin kasi itong stress at laging nakatulala sa kawalan na laging malalim ang iniisip.

            “May trabaho na ako anak! Natanggap na ako sa inaaplayan ko!” excited nitong balita sa akin.

            “Talaga po?! Naku! Kailangan po nating mag-celebrate ngayong gabi.” Nakangiti wika ni Taira.

            Habang daan ay bumili sila ng piniritong manok at ilang chichiria at isang bote ng alak. Ganoon ang bonding nilang mag-ama ang magkwentuhan habang nag-iinuman. Ngunit bago pa man sila nakarating sa sakayan ng jeep ay may humarang na sa kanilang puting van. Bumaba mula roon ang anim na lalaking kapwa mga naka-pormal na damit at may dalang mga baril.

            Nahintakutan man ang kaniyang ama ay mabilis siya nitong hinawi para protektahan.

            Huling bumaba sa van ang isang matangkad na lalaki na halatang amo ng mga naunang bumaba. May edad na ang lalaking huling bumaba. Bumuga ito ng usok at tinapon sa harapan ni Mang Edward ang upos ng sigarilyo nito.

            “Ano Edward? Nagulat ka ba at personal na akong nakipagkita sa iyo? Hindi mo ba ako namiss ha?” ani Chard.

            “Wala pa akong pambayad sa iyo, pero pangako ko sa iyo na mababayaran na kita dahil mayroon na akong trabaho. Huhulog-hulugan kita hanggang sa matapos ko ang utang ko.” tiim ang mga bagang ni Mang Edward.

            “Hangal ka ba? Kahit buhay mo hindi kayang bayaran ang nadispalko mong pera!” gigil na sigaw ni Chard at dinuro-duro pa ang matanda.

            “Sino ba kayo?! Kung may pagkakautang man ang aking ama, pagtutulungan naming bayaran yun!” matigas na wika ni Taira at mabilis na hinawi ang ama.

            “Aba naman! Taira? Tama?” napangisi ng nakakaloko si Chard. Nilingon ang mga tauhan at sabay-sabay na nagtawanan.

            Umikot-ikot sa kanilang mag-ama si Chard, tinitingnan mula ulo hanggang paa si Taira na dumadagundong na ang dibdib sa sobrang kaba. Ano bang magiging laban nila sa limang lalaki na ‘to na kapwa ang laki ng mga katawan?

            “Bibigyan kita ng tatlong araw para magbayad sakin kahit kalahating milyon bilang pauna. Kapag wala kang naibigay pwede mo ng ipambayad itong anak mo sa akin.” Sabay tawa ng malakas ni Chard.

            “Huwag niyong pakikialaman ang anak ko! Wala siyang kinalaman tungkol dito.” Asik ni Mang Edward.

            “Teka nga! Magkano ba ang utang ng ama ko sa inyo para ganituhin niyo kami?!” sigaw ni Taira.

            Lumapit si Chard kay Taira. Pinagtulungan naman ng mga tauhan niya na hawakan sa magkabilang kamay si Mang Edward at inilayo sa dalaga. Gigil na sinakal nito sa leeg ang dalaga.

            “Milyones ang utang ng ama mo sa amin! At kung hindi ka niya kayang ipambayad sa akin papatayin ko kayong lahat!” sigaw ni Chard sa dalaga na kulang na lang ay malagutan ng hininga. Marahas niya itong binitawan at napasalampak na lang si Taira sa semento sa sobrang panghihina.

            Sumenyas si Chard sa mga tauhan, hinawakan ng dalawa ang dalaga habang ang apat ay pinagtulungan ulit na bugbugin si Mang Edward. At nang makontento na ay basta-basta na lang iniwan ang mag-ama na nakahandusay sa kalye.

            “Tatlong araw lang! Tawagan mo ako kung maagang magbabago ang isip mo. Alam mo kung sino ang ibabayad mo.” ang huling salita ni Chard sa kanyang ama sabay ngisi ng nakakaloko at may inihagis na card sa tabi ng ama. Umalis na ang mga ito.

            Nanghihina man ay nagawang lumapit ni Taira sa ama na duguan na naman ang mukha. Naiiyak na niyakap ng dalaga ang ama.

            Tiim ang bagang ni Enzo habang nakatingin sa malayo sakay ng kotse. Kitang-kita nila paano pagtulungan ng grupo nito ang mag-ama. Naisipan kasi niyang alamin kung saan nakatira si Taira. Pangalan lang nito ang alam niya dahil sa inutusan niyang bumili si Lester kanina sa convenient store nito at inutusan itong palihim na kuhanan ng litrato ang suot nitong company i.d. Aalamin niya kung anong relasyon nito sa babaeng target niya.

            “Bakit ba natin sinundan yung babae?” tanong ni Lester habang nakatingin sa grupo nila Chard na papaalis na pagkatapos pagtulungang bugbugin ang mag-ama.

            “Wala naman, may gusto lang akong alamin.” Sagot ni Enzo na pinipigilan ang sarili na bumaba ng sasakyan at tulungan ang mag-ama. Hindi siya pwedeng makialam sa kung anong dahilan ng pagkakasangkot ng mga ito kay Chard. Sinenyasan niya si Lester na paandarin na ang sasakyan.

            Napalingon si Taira sa ingay ng papaalis na sasakyan sa di-kalayuan. Nagtama ang paningin nila ng lalaking sakay nito sa loob. Napakunot ang kaniyang noo, pamilyar ang itsura ng lalaking iyon.

            “Pa, bakit ba hindi na lang natin sila isumbong sa mga pulis?” tanong ni Taira habang ginagamot ang sugat ng ama sa mukha at nakasalampak sa loob ng bahay nila.

            “Wala ring saysay kung gagawin natin iyon, dahil marami silang hawak na mga pulis sa kahit saang lugar. Lalo lang tayong mapapahamak.” Ani ng ama.

            “Patawarin mo ako anak, sa kagustuhan kong kumita ng malaki at maiahon kayo sa kahirapan ito pa ang napala ko.” maluha-luha si Mang Edward nang sabihin iyon.

            Hindi naman umimik si Taira. Nasa malalim siyang pag-iisip nang mga sandaling iyon. Kahit nang nahiga na sila para matulog ay hindi siya mapakali. Napatingin siya sa mga kapatid na natutulog, mahal na mahal niya ng mga kapatid niya at ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Tatlong araw lang ang palugit na binibigay sa kanila ng taong iyon. Magdamag na hindi nakatulog si Taira dahil doon.

            Mabilis na lumipas ang tatlong araw. At nakapagpasya na si Taira. Hindi niya hahayaang madamay ang mga kapatid niya sa sitwasyon ng ama. Palihim siyang nag-iwan ng sulat sa ilalim ng unan ng kanyang ama at muling sinulyapan ang card na inihagis sa kanyang ama.

            Puno man ang kaba ng dibdib pero bumiyahe siya papunta sa address na nakasulat sa card. Habang nasa biyahe ay tinawagan na niya ang numero at nakapagset na agad ng appointment nagmamadali siya dahil baka biglang sumulpot ang mga tauhan nito sa bahay nila at patayin ang kanyang mga kapatid.

            Isang malaking gusali ang nasa kanyang harapan ngayon. Ganito na pala kayaman ang taong ito pero bakit hinahabol pa ang nadispalkong pera ng kanyang ama? Isip-isip ni Taira. Nailing itong pumasok sa loob. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang numero na magdadala sa kanya sa impyerno. Bumukas ang elevator at dire-diretso siyang nagpunta sa receptionist, pagkatapos itawag sa loob ang sadya niya ay may isang lalaking nag-escort sa kanya papasok sa loob ng bulwagan.

            Nagulat siya sa nadatnan sa loob. Sari-saring tao ang nandoon na mahahalata mong mayayaman. May nagsusugal at nag-iinuman sa loob ng bulwagang iyon. Sa isang bahagi naman ay natanaw niyang may mga babaeng nagsasayaw ng hubo’t hubad habang pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan.

            Bumundol ang kaba sa dibdib ni Taira pero pinatatag niya ang loob para sa ama at sa mga kapatid.

            “Hintayin mo na lang na ipatawag ka, maupo ka muna.” Wika ng lalaking nag-escort sa kanya. Nasa mga mata nito ang pag-aalala sa kanya na wari alam na nito ang ipinunta niya. Naupo siya sa sopa na nasa sulok ng bulwagan at tahimik na pinagmasdan ang mga tao na paroo’t parito sa kwartong iyon.

            Maya-maya pa ay may lumapit na sa kanyang bakla. Puno ng kolorete ang mukha niyon at nakataas ang kilay na lumapit sa kanya.

            “Tawag ka na ni Boss Chard. Pasok ka sa kwartong yun.” Inginuso nito ang isang kwarto sabay talikod sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang naglakad papasok sa loob ng kwarto.

            Kakatok na sana siya ng maulinigan ang mga nag-uusap sa loob nun.

            “Himala yata Enzo at panay ang balik mo sa lugar ko? Akala ko ay naiirita ka na sa ingay ng lugar na ito.” Narinig niyang wika ni Chard.

            “Masama bang mamiss ko ang kababata ko? Ilang buwan na rin akong hindi nakakapasyal sa lugar mo eh, baka kako may bago ka.” Biro ni Enzo. Sa totoo lang balak niya lang magmanman sa lugar dahil may pinapa-imbestigahan ang isa niyang kliyente at dito sa lugar ni Chard balita niya laging nakatambay ang taong iyon. Kung tutuusin pwede niya iyon iutos sa tauhan pero nasa mood siya magtrabaho ng magtrabaho sa araw na iyon. At mas madali kung makikipaglapit siya sa kalaban ng kliyente, makikipagsugalan muna siya dito.

            Tok! Tok! At bumukas ang pinto, iniluwa niyon si Taira.

            “Speaking of bago.” Ngumiti ng nakakaloko si Enzo. Pumasok si Taira sa loob at nagtama ang tingin nilang dalawa ni Enzo. Matalim ang tingin ni Taira sa lahat ng taong nasa loob ng tila impyernong iyon pero iba ang naramdaman ni Enzo. Tila may kumalabog sa loob ng dibdib niya habang tinitingnan si Taira at mahirap iyon ipaliwanag.

            “So, have you changed your mind my dear?” nakakalokong tanong ni Chard.

            Tumingin muna si Taira sa gawi ni Enzo bago sumagot.

            “Payag na ako sa gusto mo. Magtatrabaho ako dito hanggang sa mabayaran ko ang utang ng aking ama. Huwag mo lang gagalawin ang mga kapatid ko at titigilan mo na ang ama ko!” asik ni Taira. May tigas sa bawat salitang binitawan niya.

            “Ganyan ang gusto ko, yung palaban. Hahahahaha!” wika ni Chard sabay tayo saka hinipuan at pinisil ang bandang likuran ni Taira.

            “Bastos!” sabay sampal ni Taira kay Chard. Napamaang si Enzo sa ginawa ng babae dahil hind nito alam kung paano magalit ang isang Chard Buenavista. Sasakalin na sana ni Chard si Taira ng pumagitna si Enzo, hinawakan niya ang kamay ni Chard para pigilan ito.

            “Hindi mo naman siguro gugustuhin na nanghihina siyang parang sisiw mamaya pagharap sa mga kliyente mo? Kaunting kulay lang sa mukha nito ay siguradong magiging mabenta ‘to.” Nilingon ni Enzo si Taira saka kumindat.

            “Papasukin si Negi!” asik ni Chard sa intercom. Saka pumasok ang baklang nakataas pa ang kilay pagkakita kay Taira.

            “Ayusan at bihisan mo yan nang maisalang na mamaya!” galit na wika ni Chard na halatang nagpipigil. Tumalima naman si Negi at hinila na palabas si Taira.

            Tumalim ng palihim ang tingin ni Enzo sa kaibigang si Chard. Hindi niya alam kung bakit sa kaibuturan ng puso niya ay parang gustong hatakin si Taira at ilabas sa lugar na iyon.

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

    Huling Na-update : 2024-11-29

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

DMCA.com Protection Status