Home / Romance / Chasing Mafia's Heart / Chapter 2 - Chasing After Her

Share

Chapter 2 - Chasing After Her

last update Last Updated: 2024-11-23 22:05:50

Chapter Two

            “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar.

            “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard.

            “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila.

            “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi.

            “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito.

            “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo.

            Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde.

            “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard.

            “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando.

            “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo dito?!” asik nito sabay suntok kay Mando.

            “Pasensiya na boss, kahit anong piga wala talaga kaming mapala sa kanya boss.” Wika ni Mando habang sapo ang pumutok na bibig.

            “Bukas na bukas din ay pupuntahan natin siya sa bahay nila. Ayoko sa lahat ay ginagago ako! Alam kong hindi niya basta basta mawawala ang perang yun.” galit na wika ni Chard sabay alis.

            Buti na lang at punong-puno ang Pentagon Club nang gabing iyon kaya medyo nabawasan ang init ng ulo ni Chard. Nagliliwanag ang buong club sa iba’t-ibang klase ng mga ilaw. Mayroong lugar para sa casino at may lugar para sa inuman. Siyempre hindi maaalis ang lugar kung saan may mga babaeng pwedeng pagpilian na gusto mong makasama sa inuman man yan o sa kama. Mayroon silang private rooms para mga mayayaman na gustong i-table ang mga babae nila.

Dagdag pa ang mga naglalakihan niyang mga buyer ng illegal drugs sa araw na iyon na nasa ibang bahagi naman ng gusali na tinatawag nilang aquarium room. Aquarium room dahil ang mga dingding nito ay gawa sa aquarium na may iba’t-ibang uri ng isda, hindi mo aakalain na sa likod niyon ay isang malaking kwarto kung saan ginagawa ang pagpapalitan ng droga at pera.

Nag-utos siya ng tao para manmanan ang Edward na dumispalko ng malaking halaga ng paraphernalia niya, hinala niya na baka nakipagsabwatan ito sa kaaway niya.

Kinuha niya ang telepono niya at nag-dial ng numero.

            “Hello, Enzo my friend! Kailan ka ulit bibisita dito sa club?” tawag nito sa kabilang linya. Isa si Enzo Valderrama sa mga kababata niya na kauna-unahang nagpromote sa club niya sa mga mayayamang tao kaya ganito na lang ito lumago ng husto pero wala itong alam sa mga illegal drugs na negosyo, alam niyang una pa lang ay tutol na ito sa ganoong uri ng negosyo.

            “Abala pa ako sa ngayon sa mga kliyente ko. Tawagan mo na lang ako kapag may bago ka ng mga babae diyan, nakakasawa na mga pagmumukha ng mga alaga mo eh.” Biro ni Enzo sa kabilang linya sabay tawa.

            “Huwag kang mag-alala hindi matatapos ang linggong ito at magkakaroon na ako ng bagong alaga. Sariwang-sariwa at ikaw ang unang-una kong tatawagan.” Paniniguro ni Chard sa kabilang linya.

            Napangiti si Enzo nang ibaba ang telepono. Hindi parin nagbabago si Chard sa gawain niya. Gusto man niya itong kontrahin pero sariling diskarte na niya sa buhay ang kung anuman ang ginagawa niya kaya wala na siyang magagawa pa. May hinala siya na hindi lang pasugalan at babae ang tina-trabaho nito pero ayaw na niyang makialam pa doon. Parehas silang anak ng mga leader ng mga nakatatandang mafia sa bansang iyon pero kakaunti lang ang nakakakilala sa totoong pagkatao nila dahil inililihim nila ang mga iyon. Inilalabas lang nila ang totoo nilang pagkatao kapag kailangan ng pagkakataon.

            Kapwa sila negosyante ni Chard. Ang ilan sa mga negosyo niya ay minana niya sa nasira niyang ama na leader ng mga mafia noong nabubuhay pa ito. Iginagalang ito ng lahat ng mga tao, marinig lang ang pangalan ng kaniyang ama ay nag-uunahan na sa papuri ang mga tao. Ang ama naman ni Chard ay ang kanang kamay ng kaniyang ama ay naging matalik na magkaibigan ang mga ito.

            At isa pa sinisekreto rin niya kay Chard ang totoong ginagawa nila sa agency. Mayroon silang Security Camp. Ang buong akala nito ay nagte-train lang sila ng mga bodyguards at pinagtatrabaho sa mga malalaking tao, pero ang totoo nagte-train sila ng ng mga assasins ng palihim at yun ang special offer nila sa mga malalaking tao, mapa sikat, artista, politician o ano mang may mataas na katayuan na kayang magbayad na may gustong ipatumba, pwedeng kalaban sa negosyo o kahati sa kayamanan. Dahil dito ay kumikita siya ng malaki dahil international ang karamihan ng mga kliyente niya. Namana niya ang negosyong iyon sa namayapang ama at pinangako niyang pauunlarin niya pa ito. Kilala niya ang likaw ng bituka ni Chard kaya ayaw niyang makipagsosyo sa alin mang negosyo nito. Mind their own business ang motto nilang dalawa, walang pakialamanan.

            Kung dumating man ang panahon na mismong si Chard na ang maging target ng kliyente niya ay wala na siyang magagawa pa. Business is business ika nga nila.

            “Denver, may bago ba tayong mga kliyente?” wika ni Enzo sa assistant na siya ring pinaka-head ng agency niya.

            “Yes boss, nadagdagan po ang kliyente natin. Ang problema ko po ay ilan sa mga kliyente natin ang naghahanap ng babae, iilan lang po ang babae sa hanay ng mga tao natin at halos nagte-training pa lang sila.” Sagot ni Denver.

            “Ganoon ba? Sige gawan natin ng paraan yan. Sabihin mong bigyan pa tayo ng sapat na panahon para mai-train pa ng maayos ang mga tao natin.” Wika ni Enzo.

            Lumabas si Enzo ng mansion nagpunta sa training camp ng mga tao niya na nasa ibang bahagi lang ng mansion. Ang iba ay nagte-training para sa paggamit ng baril, ang iba naman tinuturuan sa paglangoy, mayroon namang nagte-train ng martial arts at mayroon namang nagpapalakas ng katawan sa pamamagitan ng iba’t-ibang klase ng activities. Babae o lalaki ay pantay pantay ang mga training na pinagdadaanan, walang special treatment ang mga babae sa training camp nila.

            Lahat ng tao na tini-train nila bilang mga assasins ay halos galing sa kulungan, yung tipong wala ng babalikang pamilya sa paglabas at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Kumbaga, pinipiyansahan niya ito at nakikipag-deal sa mga ito kaysa nga naman sayangin nila ang buhay nila sa kulungan. Mga patapon ang buhay na binigyan niya ng panibagong simula na tapang at lakas ang puhunan.

            Sa mga babae naman na nagte-train bilang assasins, karamihan galing sa drugs  rehabilitation center na magaling na pero wala ng mahanap na trabaho pagdating sa labas. O kaya naman mga babaeng bayaran na napipilitan lang na magbenta ng laman. Kapag nakitaan niya ng posibilidad na makapasa ito sa mga trainings ay binibili niya ang mga ito kapalit ng malaking halaga pero kung sakaling kakitaan niya ng kahinaan ang lahat ng mga nakukuha niya ay pinapapatay niya ang mga ito. Ganoon siya kahigpit sa lahat dahil ayaw niyang may makalabas na impormasyon tungkol sa mga ginagawa nila. Kumbaga survival camp ang tema ng trabaho nila, matira matibay, kapag mahina ka mamamatay ka.

            Dahil walang ibang pwedeng makaalam na taga labas ang tungkol sa mga nangyayari sa loob ng agency niya nasa kontrata ng bawat assasins na kailangan nilang lumunok ng isang tablet na may lason na lagi nilang dala kung sakaling may makakahuli sa kanila habang nasa gitna ng laban. Ganoon ang kalakaran ng negosyo niya. Malaki ang pumapasok na pera sa kanya sa bawat task na nakokompleto ng mga assasins niya para sa kliyente niya at bawat assasins niya ay kumikita rin ng hindi matatawarang halaga, kaya walang lugar ang may malambot na puso sa uri ng buhay na mayroon sila.

            Matangkad si Enzo, gwapo at matipuno ang pangangatawan. Madami ang gustong pumatay sa kanya pero hindi siya natatakot sa mga iyon. Hindi siya natatakot mamatay. Isa rin sa mga dahilan kaya wala pa siyang nobya man lang para sa kanya ay magiging hadlang lang ang mga ito kapag napalambot ng mga ito ang puso niya.

 Dumarami sa kliyente niya ang naghahanap ng babaeng magta-trabaho para sa kanila dahil malakas ang charm ng mga babae at hindi mahahalata ng kalaban kung babae ang palihim na papatay sa kanila, madaming paraan ang pwedeng gawin kapag babae ang papatay sa kalaban ng kliyente niya kaya mas mahal ang bayad sa mga babaeng assasins niya.

            Tinawagan ni Enzo si Lester.

            “Pasyal tayo.” Wika ni Enzo sa kabilang linya, alam na ni Lester ang ibig sabhin ng pinsan sa salitang “pasyal” maghahanap na naman sila ng tao na pwedeng ipasok sa camp.

            Napadpad sila sa tapat ng isang convenient store.

            “Ilang oras na tayo dito, sino ba hinihintay natin?” tanong ni Lester kay Enzo.

            “May source ako na may naglalagi daw ditong dating babaeng boxer na namatayan ng asawa at anak noong nakaraang buwan dahil sa insidente ng sunog sa kanilang lugar. Ayon sa source ko mula ng mawala ang asawa at anak nito ay naging palaboy na ang babae at nanghihingi na lang ng pagkain kung kani-kanino.” Inilabas ni Enzo ang picture ng hinihintay nilang babae.

            “Mukhang nasa state of depression ang isang ‘yan ah? Makakapagtrabaho kaya yan ng maayos? O ang madaling tanong papayag kaya ang babaeng ‘yan na sumama sa atin?” tanong ni Lester.

            “Let’s see.” Huminga ng malalim si Enzo saka muling inikot ang tingin sa paligid. Saka nila nakita ang babaeng nasa picture. Naghalungkat ito ng basura sa labas ng convenient store saka inilagay sa bitbit na sako. Madungis ang itsura nito at gula-gulanit ang suot na damit. Pagkatapos ay umupo ito sa lamesang nandoon at saka kumaway sa taong nasa loob. Maya-maya pa ay lumabas ang isang babae na nakasuot ng uniform at halatang kahera doon.

            “Tara kain tayo. Ngayon pa lang ang expiration date ng mga ito pero pwede pa nating kainin. Nainit ko na ‘to.” Hinila ni Taira ang isang upuan at magkasabay silang kumain habang nagkukwentuhan.

            Napamaang naman si Enzo sa nakita. Hindi sa babaeng hinahanap nila nakatuon ang kaniyang mga mata kundi sa babaeng nagpakain dito. Hindi niya malilimutan ang mukha nito na kahit sinira nito ang araw niya nang magkita sila ay hindi parin ito nawala sa isipan niya, hindi niya alam kung bakit.

Related chapters

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

    Last Updated : 2024-11-23
  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

    Last Updated : 2024-11-23

Latest chapter

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 3 - First Impression

    Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 2 - Chasing After Her

    Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di

  • Chasing Mafia's Heart   Chapter 1 - Start With A Nightmare

    Chapter One “Boss pangako magbabayad na po ako sa inyo sa katapusan!” pagsusumamo ni Edward Monde. “Kung ikaw kaya ang bigyan ko ng katapusan?! Kailan na katapusan?! Sa katapusan ng mundo?!” bulyaw ng isa sa mga tauhan ni Chard Buenavista. “Bigyan niyo pa po ako ng palugit, pangako magbabayad ako!” muling pagsusumamo ni Edward na halos nakaluhod na sa mga lalaking nakaitim na polo na nakapaligid sa kanya. Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa isa mga lalaki at inumpisahan na nilang bugbugin si Edward ng walang kalaban-laban. Sipa, suntok at tadyak ang natamo nito sa mga kalalakihang iyon. Sargo na ang dugo sa mukha niya ng tigilan siya ng mga ito. “Babalik kami sa katapusan Edward at sa pagkakataong iyon kasama ko na si boss, kapag hindi ka parin nakapagbayad ihanda mo na ang paglilibingan mo.” Asik ng pinaka-leader kay Edward. Dumura pa ito sa mukha niyang duguan bago umalis. MASAYANG naglalakad pauwi si Taira m

DMCA.com Protection Status