author-banner
Deathstalker04
Deathstalker04
Author

Novels by Deathstalker04

Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Read
Chapter: Chapter Seven – Hide & Seek
Nagkita sila ni Enzo sa condo. Kahit nagdadalawang-isip kung sasabihin niya bar ito o hindi ang lahat ay wala na siyang ibang choice para magtiwala dito. Ni hindi nga niya alam kung kakampi ba ito o magiging kaaway niya. Baka may alam ito sa kalakaran ng Pentagon. “Anong sasabihin mo? Ano ba talagang nangyari?” tanong nito. Halata ang pag-aalala sa boses. “Gaano mo kakilala si Chard?” panimula niyang tanong. Kailangan malaman niya muna ang lalim ng relasyon nito sa lalaki at baka ilaglag siya nito. “Biglaan naman yata ang tanong mo? May kinalaman ba ‘to sa sasabihin mo?” takang tanong niya. “Ano.. kasi.. basta! Please answer me. It’s between life and death.” Seryosong sagot nito. Sumeryoso naman ang mukha ni Enzo. Mukhang nahuhulaan na niya ang sasabihin nito. Matagal na nilang minamanmanan si Chard dahil isa sa mga client nila ang nagpapatrabaho nito. Isa rin iyon kung bakit napapadalas ang punta niya sa club nito.
Last Updated: 2025-04-04
Chapter: Chapter 6 - The Hidden Agenda
Masakit na masakit ang ulo ni Taira, sumabay kasi siya ng pakikipag-inuman sa nakakuha sa kanyang customer. Dinala siya nito sa isang hotel. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi pumunta si Enzo kaya biglang may nakakuha sa kanya. Pagpasok nila sa kwarto ay nagrequest siya kaagad ng bote ng alak at hinayaan itong malasing ng todo. Sinadya niya iyon para walang mangyari sa kanila. Turo iyon ni Sheila sa kanya. Mayroon din siyang dala lagi na sleeping pills para mapainom sa mga magiging customer niya kung sakaling hindi gumana ang tactics niya na lasingin ito. Alaganing oras na siya bumalik ng hotel at nakita niyang lumabas mula roon si Chard Buenavista kasama ang iba pang mga tao. Nagtago siya sa isang sulok na hindi naaabot ng ilaw sa entrance ng hotel. “Bitawan niyo ako!” pagsusumamo ng isang lalaking nasa edad thirties lang. “Sige ipasok niyo na yan! Busalan niyo nang hindi makapag-ingay yan! Kayo ang malilintikan sakin kapag nabulilyaso yan!” mariing sig
Last Updated: 2025-01-31
Chapter: Chapter 5 - Anasel
Inilapit niya ang mukha niya kay Taira at dahan-dahang hinalikan ang leeg nito pababa sa dibdib nitong may suot paring damit. Napapikit si Taira, paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang mga salita ni Chard. “Huwag mong subukang tumakas kung ayaw mong may mangyaring masama sa tatay at kapatid mo.” Mga katagang pauli-ulit na naririnig ni Taira sa isip niya. Kailangan niyang sikmurain ang lahat ng ito para sa pamilya niya. Naramdaman niyang unti-unting hinuhubad ng lalaking nasa harap niya ang damit niya. Napapikit na lang siya at nagpaubaya. Saksi ang malamlam na ilaw ng kwartong iyon sa pigil na kaloobang lumulukob kay Taira, kaloobang kailangang magsakripisyo para sa pamilya niya. Iba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, magkahalo ang kanyang nararamdaman. Nanginiginig ang kanyang kalamnan sa katotohanang isang istranghero ang umaangkin sa katawan niya. Bahagyang natigilan si Enzo nang maramdaman ang pagkabirhen niya, bantulot it
Last Updated: 2025-01-25
Chapter: Chapter 4 - Complicated Decision
“Magtatrabaho ako para sa iyo hanggang sa makabayad ako sa pagkakautang ng aking ama. Kapalit noon ay hindi mo pakikialaman ang mga mahal ko sa buhay.” Dagdag pa ni Taira. Ngumisi ng nakakaloko si Chard. “Sa tingin mo makakaalis ka pa sa lugar na ito sa laki ng pagkakautang ng ama mo?” sagot ni Chard na siya namang pagdating ni Negi. Naningkit ang mga mata ni Taira sa tinuran ni Chard. Anyong magsasalita pa siya nang muli itong magsalita. “Huwag na huwag mong susubukang tumakas dahil isang utos ko lang sa mga tauhan ko, tapos ang buhay ng ama at mga kapatid mo.” dagdag pa ni Chard. “Sige na Negi ayusan mo na yan siguraduhin mong magmumukhang tao yan!” halatang nagpipigil sa galit si Chard. Sumunod naman si Negi at hinila na siya palabas ng kwarto. Hinabol na lang siya ng tingin ni Enzo hanggang sa maisara ang pinto. Dinala siya ni Negi sa isang kwarto na puno ng mga babaeng kapwa mga naka-ko
Last Updated: 2025-01-23
Chapter: Chapter 3 - First Impression
Chapter Three - Isang pares ng mga mata ang nakatingin sa malayo habang minamatyagaan si Taira. Abala naman si Taira sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang convenient store na pinapasukan niya. Maya-maya pa ay dumating ang kaibigan niyang si Anasel kakatapos lang nitong magkalkal ng basura. Pumunta siya sa estante at isa-isang kinuha ang mga pagkaing expired na ng araw na iyon. Napangiti siya sa dami ng nakuha at saka ipinasok sa oven ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas siya at inayang kumain ang kaibigan. “Sarap nitong mga ‘to ah. Di katulad nung nakaraan na kinain natin lasang buhangin.” Wika ni Anasel kay Taira. Napangiti naman si Taira sa sinabi nito. Sa totoo lang nakakatipid siya dahil pinapayagan siya ng amo niyang kainin ang mga paninda na naexpired na pero pwede pa namang kainin, nakakatulong pa siya kay Anasel na hirap sa pagkain sa araw-araw. Pagdating ng oras ng out niya nadatnan niyang naghihintay ang kanyang ama na si Mang Edward.
Last Updated: 2024-11-23
Chapter: Chapter 2 - Chasing After Her
Chapter Two “Boss marami pong tao ngayon.” Anang isang bodyguard ni Chard Buenavista, ang may-ari ng Pentagon Club pagkatapos nitong libutin ang buong lugar. “Good! Pag-igihan niyo ang pagbabantay.” Wika ni Chard. “Negi!” tawag niya sa baklang namamahala sa mga babaeng bayaran nila. “Bakit boss?” malambot na wika ni Negi. “Yung mga babae natin siguraduhin mong magaganda at mababango. Ayokong mapahiya sa mga bisita mamaya.” Utos nito. “Sure boss!” sabay kindat nito at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na ang mga tauhan niya na bumugbog kay Edward Monde. “Anong nangyari sa lakad ninyo? Nakakuha ba kayo ng pera sa ungas na yun?” tanong agad ni Chard. “Hindi nga boss ei, pero tinuruan na naming siya ng leksiyon at binigyan ng palugit.” Sagot ng pinaka-leader ng tauhan niya na si Mando. “Tonto! Sino nag-utos sayo na bigyan mo siya ng palugit?! Ikaw ba ang amo di
Last Updated: 2024-11-23
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status