Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

last updateHuling Na-update : 2022-09-16
By:  TaigaHopeRainbow  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
48Mga Kabanata
2.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

Gaya ng laging nangyayari sa bahay ng Campoverde buwan-buwan ay may salu-salo na namang inihanda. Puno ang mahabang lamesa sa kanilang hardin ng iba't ibang pagkain. Mahalaga sa pamilyang ito ang kanilang mga trabahador. Kaya naman lubos na ginagalang ang pamilya nila sa probinsyang ito. Tinatingala sila ng mga tao dahil sa kahit na mayaman sila ay hindi nila tinitingnan na mas mababa sa kanila ang mga taong hindi nila kapareho ng estado."Magandang umaga sa inyong lahat!"masayang bati ng matanda na si Ismael Campoverde.Kasama niyang lumabas ang ilan sa kanyang pamilya. Ang mag-asawang si Jaime at Eloisa Campoverde kasama ang anak nilang si Catalina. Nandoon rin ang nakakabighaning si Tajana Canizales na apo ni Don Ismael sa anak niyang babaeng si Alicia.

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
48 Kabanata

Kabanata 1

Gaya ng laging nangyayari sa bahay ng Campoverde buwan-buwan ay may salu-salo na namang inihanda. Puno ang mahabang lamesa sa kanilang hardin ng iba't ibang pagkain. Mahalaga sa pamilyang ito ang kanilang mga trabahador. Kaya naman lubos na ginagalang ang pamilya nila sa probinsyang ito. Tinatingala sila ng mga tao dahil sa kahit na mayaman sila ay hindi nila tinitingnan na mas mababa sa kanila ang mga taong hindi nila kapareho ng estado."Magandang umaga sa inyong lahat!" masayang bati ng matanda na si Ismael Campoverde.Kasama niyang lumabas ang ilan sa kanyang pamilya. Ang mag-asawang si Jaime at Eloisa Campoverde kasama ang anak nilang si Catalina. Nandoon rin ang nakakabighaning si Tajana Canizales na apo ni Don Ismael sa anak niyang babaeng si Alicia.
Magbasa pa

Kabanata 2

Masaya si Tajana na ilang araw pa ang natitirang oras niya para makapaglibot sa syudad. Mas gusto niya ang buhay doon at mas gusto niya na mabuhay siya ng hindi kailangan limitahan ang sarili niya. Mahigpit ang Campoverde sa pamilya. Ang gusto ni Don Ismael ay ang maging perpekto ang pamilyang meron sila. Kaya nga para sa kanya ay isang kahihiyan si Alicia. Hindi rin naman gustong bumalik nito sa probinsya nila. Umiikot na ang mundo niya sa syudad. At hinayaan niya rin na si Tajana ay mapunta sa pamilya niya. Para kay Alicia, nasira na ang kanyang pinangarap na buhay simula ng iwan siya ni Flavio."Mukhang marami kang oras ngayon at nandito ka ulit." puna ni Zoe kay Tajana na umiinom ngayon ng isa sa mga paborito niyang cocktail sa bar kung nasaan sila."Walang bantay ngayon." 
Magbasa pa

Kabanata 3

Nang magising si Tajana sa kwarto ay wala na siyang suot na mga damit. Napaupo agad siya at pilit inalala ang mga nangyari. Hindi niya matanggap ang mga alaalang bumabalik sa kanyang isipan. Pinayagan niya ang lalaking 'yon. Hinawakan siya nito, hinalikan at may nangyari sa kanila.Litong-lito ang isip ni Tajana. Nang marinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo sa loob ng kwarto ay nagmadali na siyang magbihis. Alam niyang nasa loob pa ang lalaking 'yon.  Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari. Gusto niyang takasan na lang ito. Lasing lang siya. Wala siya sa sarili niya ng mangyari ang lahat ng 'yon.Kahit na masakit ang ulo niya dahil sa alak at pagod pa rin ang katawan ay pinilit niya pa rin na magmaneho. Ayaw niyang makita ang lalaking 'yon.Nang makadating siya sa kanilang
Magbasa pa

Kabanata 4

"Umayos ka Catalina." may inis na sabi ni Eloisa sa kanyang anak.Nakasimangot si Catalina habang sinusukatan siya ng isang sikat na designer."Ano ba 'to ma? Hindi ko kailangan ng bagong damit. At bakit pa po ako magpapasukat?""Hindi ka talaga nag-iisip. Ang bisita natin ay ang mga Vallejos. Siguraduhin mong makukuha mo ang loob ng anak ni Simon. Ang importante sa'kin ay 'yong bunso niyang anak."Lalong napasimangot si Catalina dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Ayaw niya sa mga gano'ng usapan. Gusto niyang siya ang magdesisyon kung sino ang nararapat para sa kanya."Thank you Ricky." masayang pasasalama
Magbasa pa

Kabanata 5

Sa maluwang na mansyon ng Campoverde ay abala ang mga taga-pagluto at kasambahay. Lahat ay nagmamadali habang pinagbubutihan din ang kanilang ginagawa. Mahigpit ang bilin ni Don Ismael sa mga ito na hindi dapat sila makagawa ng pagkakamali. Dahil ito ay napakaimportanteng panauhin para sa kanya."Ayusin ninyo ang trabaho.""Bilisan ang kilos.""Ang mga kubyertos ay iayos na sa tabi ng mga plato."Ang pamilya naman ng Campoverde ay abala rin sa kanilang pag-aayos."Narinig mo naman ang mga bilin ko Catalina. 'Wag mong kalimutang umayos. Kilala mo ako, alam mo kung anong kaya kong gawin kapag hindi ka sumunod." Hindi na umimik pa si Catalina sa kanyang ina. Para sa kanya ay magiging mahaba ang araw na ito kaya ayaw niyang pagurin ang sarili niya sa pakikipagtalo.Sa kabilang silid naman ay
Magbasa pa

Kabanata 6

Nanatili rin ang mga mata ni Terrence kay Tajana na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ang pagkatigil niya ay dahil sa pagiging pamilyar ng mukha nito sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba siya pero bakit magkasing-ganda sila ng babaeng nakilala niya?Kahit na iba ang ayos ni Tajana ay nakikita pa rin ni Terrence sa kanya ang babaeng nakilala niya sa syudad. Ang babaeng hindi agad makakalimutan ng lahat kapag nakilala nila.Tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi sila nakagalaw sa pamilyar na tinginan na iyon gaya ng una silang nagkakilala. Ang mga tao sa paligid nila ngayon ay pareho silang tinitingnan dahil hindi na nila maialis ang tingin nila sa isa't isa. Puno ng tanong ang kanilang isipan pero hindi mahanap ang sagot sa nangyayari.
Magbasa pa

Kabanata 7

"Napakaguwapo no'n oh." Agad na binitawan ni Tajana ang kamay ni Terrence ng marinig ang pag-uusap ng ilang mga babaeng napadaan. Tila hindi agad makaalis ang mga ito dahil sa paghanga sa binata. "Tatawagin ko na si Catalina." tumalikod si Tajana matapos sabihin 'yon. Pero ang mga mata ni Terrence ay nanatili sa kanya. "Hindi na kailangan." Bumalik ang tingin ni Tajana kay Terrence. Naglakad na ito palapit sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi. "Puro tanim lang naman ang makikita dito. Gusto mo bang dalawin ang pastulan namin? Meron din kaming mga alagang kabayo. Balita ko ay magaling ka sa pagsakay do'n." "Hindi ako interesadong dumalaw sa pastulan niyo." Napatawa ang binata sa masungit na sagot nito. "Bakit ang sungit mo sa'kin? May naga
Magbasa pa

Kabanata 8

Tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo ni Calvin habang si Tajana naman ay pinipigilan ang pag ngiti sa mga oras na 'to.Hindi ako makapaniwala na ihahatid niya ako."Calvin.""Ano 'yon?""Ah. Mas gusto mo ba sa syudad o sa probinsya?""Mahirap na tanong 'yan... Madaming oportunidad sa syudad. Pero mas tahimik sa probinsya. Kaya pareho kong gusto."Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko mas gusto niya sa probinsya."Ikaw? Mas gusto mo ba dito o sa syudad?" balik tanong niya sa'kin.
Magbasa pa

Kabanata 9

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Terrence kay Tajana ng makapasok sila sa kotse. Nakahulukipkip lang ito at nakatingin sa labas. Para bang wala siyang narinig sa tanong ni Terrence."Maglilibot lang tayo. Kaya 'wag kang mag-alala." nakangiting sabi ni Terrence. Kabaligtaran ang makikita sa mukha nito kumpara sa kasama niya.Lumapit si Terrence kay Tajana kaya naman nakuha niya ang atensyon nito. Dahil sa humarap si Tajana ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Ngumisi si Terrence ng hindi na mabasag ang tinginan nila."Ano bang ginagawa mo?" inis na tanong ni Tajana."Ikakabit ko lang 'yong seatbelt mo po. Makasigaw?" natatawang sabi
Magbasa pa

Kabanata 10

Hindi mapakali si Tajana at panay din ang tingin niya sa labas ng kwarto ng kanyang tiyahin. Medyo tanaw niya ito mula sa kwarto niya kapag sumilip siya. Hindi niya sigurado kung nasa loob ang kanyang tiya. Hindi niya kasi naabutan kanina. Kinakabahan siya, para na lang siyang biglang mahihimatay sa oras na makita siya nito.   Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang gusto ko ba o ang kailangan kong gawin?   Nagdadalawang-isip siya habang tinitingnan ang cellphone niyang nakapatay ngayon. Telepono lang kasi ang ginagamit nila sa probinsya. Hindi din gusto ni Don Ismael na gumagamit sila ng cellphone dahil mapapahamak lang daw sila doon sa pakikipag-usap sa mga taong hindi naman nila madalas makasalamuha.   Madaming itinatago si Tajana sa kanyang lolo. Hindi niya rin ito gustong gawin. Pero marami rin kasi siyang mga bagay na gustong gawin sa kanyang buhay. Hindi niya magawa
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status