Sa maluwang na mansyon ng Campoverde ay abala ang mga taga-pagluto at kasambahay. Lahat ay nagmamadali habang pinagbubutihan din ang kanilang ginagawa. Mahigpit ang bilin ni Don Ismael sa mga ito na hindi dapat sila makagawa ng pagkakamali. Dahil ito ay napakaimportanteng panauhin para sa kanya.
"Ayusin ninyo ang trabaho."
"Bilisan ang kilos."
"Ang mga kubyertos ay iayos na sa tabi ng mga plato."
Ang pamilya naman ng Campoverde ay abala rin sa kanilang pag-aayos.
"Narinig mo naman ang mga bilin ko Catalina. 'Wag mong kalimutang umayos. Kilala mo ako, alam mo kung anong kaya kong gawin kapag hindi ka sumunod."
Hindi na umimik pa si Catalina sa kanyang ina. Para sa kanya ay magiging mahaba ang araw na ito kaya ayaw niyang pagurin ang sarili niya sa pakikipagtalo.
Sa kabilang silid naman ay tinatapos ni Tajana ang kanyang kailangang gawin para sa negosyo nila. Nang mapatingin siya sa orasan ay minabuti na niyang ayusin ang mga gamit niya sa mesa.
Isinuot na nila ang kani-kanilang mga nakahandang damit.
Matapos maging handa ni Tajana ay lumabas na siya ng kanyang silid at dumiretso sa kanilang teresa.
"Don Ismael!" narinig niyang tawag ng isang trabahador. Agad na nilapitan ito ni Tajana.
"Anong problema?" tanong niya ng makita ang hinihingal na lalaki.
"Si Mang Ramon po ay inatake." Namilog ang mga mata ni Tajana.
"Ano?! Tara na. Ako na ang pupunta."
Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya. Minabuti na muna niyang 'wag sabihin sa kanyang lolo ang sinabi ng trabahador dahil sa may bisita pa itong darating.
"Nasaan si Tajana?" tanong ni Don Ismael sa kanyang pamilya.
"Hindi ko pa po siya nakikita papa." sagot naman ni Jaime.
"Baka naman umalis pa siya. May panauhin ngayon." imik naman ni Eloisa.
Lumingon ang matanda kay Catalina.
"Wala bang sinabi sayo si Tajana? Tiningnan na siya ng kasambahay sa kwarto pero wala siya doon."
Nagulat si Catalina sa narinig niya. Hindi nahuhuli si Tajana kapag may panauhin na darating dahil alam niyang magagalit ang kanilang lolo.
"Wala po siyang sinabi." sagot niya habang napapaisip.
"Pero baka po nasa plantasyon 'yon. Alam niyo naman po siya kapag nagkaproblema lang ng kaunti ay pinupuntahan niya agad." dagdag pa ni Catalina. Napaiwas na siya ng tingin ng maramdaman niya ang pagkainis ng kanyang ina dahil sa sinabi niya.
"Ngayon pa talaga ito nangyari. Malapit ng dumating ang Vallejos."
Agad na silang napahinto sa pag-uusap nang matanaw na ang pagpasok ng isang magandang kotse sa kanilang gate.
Nanatili sila sa kanilang kinatatayuan at hinintay ang paghinto ng kotse malapit sa hagdan.
Kumaway agad ang nakangiting si Simon ng makababa siya sa kotse. Naglakad na ito paakyat sa hagdan. May dalawang kotse na magkasunod din ang dumating matapos makaalis ng kotse kung saan bumaba si Simon.
"Magandang tanghali Don Ismael." bati nito.
"Magandang tanghali Simon."
Masayang binati ng Campoverde ito.
Nang bumukas na ang dalawang kotse ay bumaba naman ang dalawang makikisig na lalaki.
Ang isang lalaki ay mukhang maamo ang mukha pero halatang hindi ito pala-ngiti. Samantalang ang isa naman ay nakangiti na agad ng makalapit kila Don Ismael.
"Magandang tanghali po."
"Good afternoon."
Bumati rin pabalik ang pamilya ng Campoverde at naglakad na sila papunta sa hapag-kainan.
"Nakakatuwa naman ang iyong mga anak Simon. Pareho silang makikisig at guwapo pa." masayang puri ni Don Ismael.
Tumawa si Simon sa papuri ng matanda.
"Syempre ay kanino pa po ba magmamana." pabirong sagot nito.
Nagtawanan sila.
Si Tajana naman ay pumasok na sa loob ng kwarto ni Mang Ramon sa ospital matapos makausap ang doktor. Wala itong pamilya kaya sobra din silang mag-alala kapag bigla na lang itong inaatake.
Maayos naman na ang kalagayan ni Mang Ramon. Sinabi lang ng doktor na magpahinga muna ito para maobserbahan na rin nila ng mabuti.
"Franco, 'wag mo munang iiwan si Mang Ramon ah." bilin ni Tajana sa binata. Ito ang madalas kasa-kasama ng matanda.
Tumango ito sa sinabi ng dalaga. Mahimbing pa ang tulog nito.
Nang maasikaso na ni Tajana ang lahat ng kailangan ni Mang Ramon sa ospital ay minabuti na niyang umuwi muna. Dahil sa alam niyang hindi rin siya nakapagpaalam sa kanyang lolo.
Habang abala naman sa pag-uusap ngayon ang pamilya ng Campoverde at Vallejos ay sinamantala ni Eloisa ang pagkakataon na lapitan ang bunsong anak ni Simon.
"Ito nga pala si Catalina. Pwede kayong maging magkaibigan. Kaisa-isa ko lang siyang anak." imik nito sa isa sa mga binatang bisita na nakikinig sa pinag-uusapan nila Don Ismael.
"Ah gano'n po ba." Bumaling ang tingin ng binata sa dalaga.
"Hello Catalina." nakangiti nitong bati.
"Hello." sagot naman ni Catalina sa medyo mahinang boses at tipid na ngumiti. Saglit lang siyang tumingin sa binata. Halatang hindi siya interesadong makipag-usap.
Mahigpit na hinawakan ni Eloisa si Catalina para ayusin nito ang kanyang ginagawang pakikipag-usap sa bisita.
"Mabuti pa at ilibot ka ni Catalina sa labas ng mansyon. May hardin rin kami dito at maganda doon."
"Salamat po... Ah..." Nagdadalawang-isip ang binata sa itatawag niya kay Eloisa. Nahalata naman niya iyon agad.
"Tiya na lang o Tita ang itawag mo sa'kin. Pero kung mama ay okey lang din." pabirong sabi ng ina.
"Hahahaha. Kayo po talaga tita palabiro din tulad ni Don Ismael."
Kahit na hindi gusto ni Catalina ang sumunod sa gusto ng ina ay sinamahan niya pa rin ang binata upang ilibot sa labas ng mansyon.
Inayos ni Tajana ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. Naglakad na siya ngayon papasok ng mansyon.
Narinig na agad niya ang tawa galing sa kanyang lolo at sa ilang mga tao pang kausap nito.
Nang makarating siya sa sala ay lumipat agad ang tingin ni Don Ismael.
"Tajana! Sa wakas ay dumating ka na rin apo. Saan ka ba nanggaling?" tanong nito.
Lumapit si Tajana sa kanyang lolo.
"May kinailangan lang po akong puntahan."
"Kasama ko ang dalawa kong anak hija." Tumingin agad si Simon sa pwesto ng kanyang mga anak pero wala na ang mga ito doon.
"Magkasama si Catalina at ang bunso mo. Mukhang nagkakasundo sila sa pag-uusap." imik naman ni Eloisa.
"Gano'n ba?"
Nabaling naman ang atensyon nila sa panganay ni Simon na mukhang kakatapos lang makipag-usap sa tawag sa kanyang cellphone.
"Iyan ang panganay ko."
Napatingin si Tajana sa binatang naglalakad na ngayon palapit sa kanila.
Halos matulala na siya ng makitang iyon ang lalaking nakita niyang sumagip sa tupa.
Ang lalaking may malambing na mukha na parang napakabait at talino.
"Ito si Tajana. Isa din sa mga apo ni Don Ismael."
"Magandang tanghali sayo." bati ng binata sa kanya.
"Calvin." pagpapakilala nito sabay inilahad ang kamay.
Pinilit ni Tajana na hindi mahalata ang paghanga niya sa binata.
"Tajana."
"Nice to meet you."
Nagkatinginan sa mata ang dalawa. Hindi mabasa ni Tajana sa mga tingin ng binata kung naaalala ba siya nito.
"Kumusta ang paglilibot niyo?" tanong naman ni Eloisa sa pagbalik ni Catalina kasama ang isa pang binata.
"Maayos naman po tita. Ang ganda po sa garden niyo."
"Mabuti naman at nag-enjoy ka."
Ang atensyon ng lahat ay nasa dalawang dumating galing sa labas ng mansyon. Samantalang si Calvin naman ay tinititigan ng mabuti si Tajana dahil sa hindi pa sila nagbibitaw ng kamay.
"Kilala mo ba ako?" tanong ng binata dahil sa nakatingin pa rin si Tajana sa kanya.
Binitawan na niya ang kamay ng binata bago sinagot ang tanong nito.
"Oo. Hindi mo ako naaalala? Iyong sa plantasyon. Malapit doon ay may sinagip kang maliit na tupa."
"Ahh. Pasensya na. Hindi kita nakilala agad. Ikaw 'yong anak mayamang babae." tipid na ngumiti ito.
Hindi inasahan ni Tajana na gano'n ang sasabihin ng binata dahil madalas na sinasabi ng lahat tuwing makikita siya ay isa siyang magandang binibini.
Lumapad lalo ang ngisi ni Tajana ng maalala siya nito. Ngumiti lang naman din si Calvin sa kanya.
Muli silang napansin ng kanilang pamilya kaya naman tinawag ni Simon si Tajana.
"Hija, ito pala ang isa ko pang anak." Bumaling ang tingin ni Simon sa bunso niyang anak at sinabing lumapit ito sa kanya. Kaya naman gano'n ang ginawa ng binata.
Si Tajana naman ay hindi pa rin maiwasan na hindi mapatingin kay Calvin na ngayon ay nasa kapatid na ang atensyon.
"Hello."
Tumingin ang dalaga sa bumati sa kanya. Naglahad ito ng kamay sa harap niya. Halos hindi niya agad naikilos ang kanyang kamay para batiin ito ng mapagmasdan niya ang mukha.
Imposible. Siya?!
Halos mawala ang lahat ng iniisip ni Tajana ng makita ang binata. Paulit-ulit na tinitingnan ng kanyang mga mata ang buong mukha nito.
"Terrence."
Mas lalong hindi nakagalaw si Tajana at mas natigilan ito ng magkatitigan na silang dalawa.
Hindi.
Hindi ito maaari!
Nanatili rin ang mga mata ni Terrence kay Tajana na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ang pagkatigil niya ay dahil sa pagiging pamilyar ng mukha nito sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba siya pero bakit magkasing-ganda sila ng babaeng nakilala niya?Kahit na iba ang ayos ni Tajana ay nakikita pa rin ni Terrence sa kanya ang babaeng nakilala niya sa syudad. Ang babaeng hindi agad makakalimutan ng lahat kapag nakilala nila.Tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi sila nakagalaw sa pamilyar na tinginan na iyon gaya ng una silang nagkakilala.Ang mga tao sa paligid nila ngayon ay pareho silang tinitingnan dahil hindi na nila maialis ang tingin nila sa isa't isa. Puno ng tanong ang kanilang isipan pero hindi mahanap ang sagot sa nangyayari.
"Napakaguwapo no'n oh." Agad na binitawan ni Tajana ang kamay ni Terrence ng marinig ang pag-uusap ng ilang mga babaeng napadaan. Tila hindi agad makaalis ang mga ito dahil sa paghanga sa binata. "Tatawagin ko na si Catalina." tumalikod si Tajana matapos sabihin 'yon. Pero ang mga mata ni Terrence ay nanatili sa kanya. "Hindi na kailangan." Bumalik ang tingin ni Tajana kay Terrence. Naglakad na ito palapit sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi. "Puro tanim lang naman ang makikita dito. Gusto mo bang dalawin ang pastulan namin? Meron din kaming mga alagang kabayo. Balita ko ay magaling ka sa pagsakay do'n." "Hindi ako interesadong dumalaw sa pastulan niyo." Napatawa ang binata sa masungit na sagot nito. "Bakit ang sungit mo sa'kin? May naga
Tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo ni Calvin habang si Tajana naman ay pinipigilan ang pag ngiti sa mga oras na 'to.Hindi ako makapaniwala na ihahatid niya ako."Calvin.""Ano 'yon?""Ah. Mas gusto mo ba sa syudad o sa probinsya?""Mahirap na tanong 'yan... Madaming oportunidad sa syudad. Pero mas tahimik sa probinsya. Kaya pareho kong gusto."Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko mas gusto niya sa probinsya."Ikaw? Mas gusto mo ba dito o sa syudad?"balik tanong niya sa'kin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong ni Terrence kay Tajana ng makapasok sila sa kotse. Nakahulukipkip lang ito at nakatingin sa labas. Para bang wala siyang narinig sa tanong ni Terrence."Maglilibot lang tayo. Kaya 'wag kang mag-alala."nakangiting sabi ni Terrence. Kabaligtaran ang makikita sa mukha nito kumpara sa kasama niya.Lumapit si Terrence kay Tajana kaya naman nakuha niya ang atensyon nito. Dahil sa humarap si Tajana ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Ngumisi si Terrence ng hindi na mabasag ang tinginan nila."Ano bang ginagawa mo?"inis na tanong ni Tajana."Ikakabit ko lang 'yong seatbelt mo po. Makasigaw?"natatawang sabi
Hindi mapakali si Tajana at panay din ang tingin niya sa labas ng kwarto ng kanyang tiyahin. Medyo tanaw niya ito mula sa kwarto niya kapag sumilip siya. Hindi niya sigurado kung nasa loob ang kanyang tiya. Hindi niya kasi naabutan kanina. Kinakabahan siya, para na lang siyang biglang mahihimatay sa oras na makita siya nito. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang gusto ko ba o ang kailangan kong gawin? Nagdadalawang-isip siya habang tinitingnan ang cellphone niyang nakapatay ngayon. Telepono lang kasi ang ginagamit nila sa probinsya. Hindi din gusto ni Don Ismael na gumagamit sila ng cellphone dahil mapapahamak lang daw sila doon sa pakikipag-usap sa mga taong hindi naman nila madalas makasalamuha. Madaming itinatago si Tajana sa kanyang lolo. Hindi niya rin ito gustong gawin. Pero marami rin kasi siyang mga bagay na gustong gawin sa kanyang buhay. Hindi niya magawa
Nakahanda na ang pamilya ng Campoverde para sa pagsakay sa barko. Ngayon ay idinadala na rin papasok sa kani-kanilang mga kwarto ang kanilang mga gamit."Ismael."masayang bati ng isang matandang mukhang kasing edad lang din ni Don Ismael. Yumakap ito sa kanya kaya naman ganoon rin ang ginawa ng matanda."Fred. Masaya akong nagkita mulit tayo."masayang sabi ni Don Ismael bago sila magbitaw sa pagbating yakap."Mabuti nga at hindi ka nakatuon gaano sa negosyo mo. Noong araw ay talagang hindi kita maimbitahan dahil sa abot ang bantay mo sa negosyo."tatawa-tawang sabi ni Fred."Nakaraan na 'yon. Ang mahalaga ay nandito na ako ngayon."Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Don Ismael."Kasama mo pala ang iyong pamilya."puna ni Fred ng lumipat ang tingin niya sa kasama n
Binabalot ng inis si Tajana dahil sa nakita niyang ginawa ni Terrence. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa isip nito.Kahit kailan talaga ay hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lalaking 'yon.Simula ng araw na 'yon ay pinili na lang ni Tajana na manahimik at layuan si Terrence. Hindi niya gustong intindihin ang gano'ng klaseng tao."Catalina makinig ka na lang sa'kin. Gusto mo ba talaga ang lalaking 'yon? Nakita mo ba 'yong ginawa niya no'ng gabing 'yon? Muntik ka na niyang masaktan pero hindi man lang siya nakonsensya."naiinis na sabi ni Tajana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ng kahit anong bagay ang inis na naramdaman niya kaya Terrence."Baka marami lang siyang iniisip. Lahat naman tayo hindi perpekto.""Hindi 'yon gawain ng matinong tao.""Naiintindihan ko siya."
Sumunod na lang si Tajana sa gusto ni Sofia para walang gulo. Pero hindi siya sigurado kung hindi nga magkakagulo. Alam niyang kakaiba ang ugali ni Sofia. Pero kailangan niyang kumalma at pagpasensyahan na lang ito.Nang makapasok sila sa karaoke room ay dumiretso agad si Sofia sa karaoke para buksan ito.Sinubukan niyang pindutin ang power button para dito pero walang nangyari."Bakit hindi 'to gumagana?" sambit ni Sofia habang patuloy pa rin sa pagkalikot."Baka naman sira.""No." sagot nito sabay tingin kay Terrence na umimik. Nagkibit balikat lang ang binata sa reaksyon ni Sofia.Bumalik muli ang atensyon nito sa karaoke. Samantalang si Terrence naman ay hindi naiwasan na mapatingin kay Tajana na halatang hindi komportable. Nakahawak lang ang kamay nito sa kanyang braso habang nagmamasid sa paligid."Hayyst! Nakakainis! Sinabi kong ihanda nila itong karaoke room eh.""Sa iba na lang tayo. Sira naman--""Hindi. I want
Nakasunod si Alicia sa paglalakad ni Doc Via patungo sa office nito. Hindi niya alam kung gugustuhin niya bang tanungin ang doktor. Hindi niya alam kung tama ang naiisip niyang mga tanong. Pero isa lang ang alam niya, iba ang pakiramdam niya kay Tajana ngayon."Upo po kayo." malumanay na sabi ni Doc Via. Kahit na hindi pa gaanong kilala ng doktor si Alicia ay may kutob na siyang mukhang may nahahalata ito sa kanyang anak."Pasenya na sa abala Doc." nahihiyang sabi ni Alicia."Ayos lang po 'yon, Mrs. Canizales. Tingin ko naman po, hindi kayo pupunta dito kung hindi importante ang gusto niyong itanong."Hinawakan ni Alicia ang kanang kamay niya para mapigilan ang panginginig nito."Salamat sa pagiging maunawain niyo Doc.""Welcome po kayo lagi." Nagbigay ng ngiti si Doc Via kay Alicia para makampante ito sa kanya."Gusto ko lang malaman..." Huminga ng malalim si Alicia bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi."Kung ano ang pinag-usapan niyo ni Tajana ng bumisita ka sa bahay?"Sa unang t
Nakarating si Terrence sa bahay ni Elisse para ihatid ang dalaga."Thank you so much Terrence for staying by myside." sabi ni Elisse bago pa man siya makababa ng sasakyan nito.Ngumiti si Terrence kay Elisse bago sumagot dito."Lagi mong tatandaan na para na tayong isang pamilya Elisse. You're like a sister to me. Kaya lagi akong nandito para sayo."Nakaramdam ng lungkot si Elisse sa kanyang puso dahil sa sinabi ng binata. Alam niyang magkaiba ang nararamdaman nila sa isa't isa pero hirap pa rin siyang masanay sa katotohanang iyon.Itinago ni Elisse ang lungkot na kanyang naramdaman, ngumiti lang siya sa binata."Lets have some dinner in my house first." aya niya."Uhh..." Tumingin si Terrence sa kanyang relo. Ngunit hinarangan iyon ni Elisse ng kanyang kamay."Com'on Terrence, hindi mo ba ko pagbibigyan? Wala akong kasamang mag-dinner." pagpupumilit ni Elisse.Bumuntong hininga si Terrence ng makita niya ang pagmamakaawa ni Elisse sa pamamagitan ng mga tingin nito."Fine... Pero mad
Umagang-umaga palang ay mainit na ang ulo ni Tajana, halata sa kanyang hitsura na wala siyang gana."Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Alicia sa anak. "Ang aga-aga ganyan mo na sinalubong ang araw mo." dagdag pa nito."Wala naman po. Pagod lang sa trabaho." humigop ng kape si Tajana sa kanyang tasa at nabitawan niya ang tasa dahil sa pagkapaso niya dito."Aray!" Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa nangyari, pakiramdam niya ay wala ng magandang mangyayari sa kanyang araw."Ano ba naman 'to!" inis nitong sabi sabay pulot sa ilang nabasag na piraso ng tasa."Ako na diyan anak, magpahinga ka na lang sa loob." Kumuha ng dustpan si Alicia at tinulungan niya si Tajana na linisin ang nabasag na tasa."Ako na dito Ma.""Kaya ko naman 'to anak, sige na at magpahinga ka na lang."Bumuntong hininga si Tajana, tila ubos na rin ang lakas niya na makipagtalo kaya sinunod na lang ang kanyang ina.Si Terrence ay madalas kasama ngayon ni Elisse simula ng maospital ang ama nito. Dinadama
Hindi makapaniwala si Alicia sa mga nangyayari ngayon. Sinaksak siya ni Tajana. Bakit kailangang gawin ito sa kanya ng sarili niyang anak?Hingal na hingal si Alicia ng tuluyan siyang magising sa nakakakilabot na panaginip niya. Tumutulo na rin ang pawis niya na nasa kanyang noo.Alam niyang hindi maganda ang lahat ng mga panaginip niya tuwing kasama niya si Tajana. Naiisip niya ngayon na baka isa itong babala sa kanya."Bakit madalas gabi kang pumupunta sa trabaho mo? Minsan naman gabing-gabi na wala ka pa?""Ma, madami akong ginagawa sa bago kong trabaho. Kailangan hindi ako mareklamo kahit anong oras ang shift ko.""Bakit hindi mo na lang hayaan na tulungan ka ni Terrence?"Napahinto si Tajana sa pag-aayos ng gamit niya sa kanyang bag dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tumingin siya kay Alicia."Bakit kailangan kong dumepende sa kanya? Kaya ko ang sarili ko.""Gabi na-""Tama na ang usapan na 'to. Hindi lang naman ito ang mga gabi na nasa labas ako. Noong panahon na hindi pa tayo nagki
Nang makalapit si Alicia sa kwarto ni Tajana ay dama niya ang mabigat na pagkabog ng kanyang puso. Napalulon pa siya ng ilang ulit dahil sa kabang nararamdaman niya. Hiling niya na sana nagkakamali siya sa kanyang naiisip ngayon."Tajana." tawag niya sa dalagang nakaupo at nakatingin sa salamin. Hindi agad ito humarap sa kanya kaya naman mas kinabahan pa siya."Ta-"Pinigilan ni Alicia ang pagkagulat niya ng humarap sa kanya ang anak niya."Mama." nakangiting bati ni Tajana."Para po ba sa'kin 'yan?" tanong nito ng mapatingin siya sa platong hawak ng kanyang ina.Nanatili ang tingin ni Alicia kay Tajana na tila binabasa niya ito.Kinuha ni Tajana ang plato at tinikman ang dessert na ginawa ng kanyang ina."Ang sarap nito ah. Mukhang may talent po kayo sa paggawa ng desserts." masayang mungkahi ni Tajana.Hindi makagalaw si Alicia sa kanyang kinakatayuan. Ang mga mata niya ay nanatili sa kanyang anak. Tatanungin niya ba ito kung sinong kausap nito kanina? O magpapanggap ba siya na wala
Nang makaalis si Elisse ay napunta na ang buong atensyon ni Terrence kay Tajana. Nakatahimik lang ang dalaga at hindi umiimik."Tajana... I'm sorry about Elisse." mahinahon na sabi ni Terrence na medyo nag-aalangan pang umimik."Totoo ba ang sinabi niya?" medyo mahinang tanong ni Tajana. "That's my choice."Umangat ang tingin ni Tajana kay Terrence at direkta din itong tumingin sa kanya pabalik."Bakit mo kailangang piliin ako? Pamilya mo si Ginoong Simon. Isa pa, pangarap mo ang mga 'yon, para makatulong ka sa pamilya mo.""Hindi naman ibig sabihin na nahinto ako sa mga plano ko, hindi ko na pwedeng magawa o maituloy.""Terrence, aalis na lang ako dito. Tama lahat ng sinabi ni Elisse. Ako lang naman ang natutulungan mo. Ako, wala akong nagagawa para sayo.""Hindi 'yan totoo.""Ano pa ba ang gusto mong sabihin ngayon? Gagawa ka na naman ng rason para hindi ko makitang pabigat lang ako sa buhay mo?""Kahit kailan hindi ko inisip 'yan. At kahit kailan hindi ko makikitang pabigat ka sa'
Mas naging malapit si Terrence at Tajana matapos ng pangyayari. Ngayon ay masaya si Terrence na makitang nakangiti si Tajana habang magkasama sila."Anong gusto mong gawin ngayon?""Huh? Kahit ano.""Hindi ba naghahanap ka pala ng trabaho?""Paano mo nalaman?""Nag-apply ka do'n sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Nakita ko iyong papel mo kaya nalaman ko din na nandito ka. Noong una nga hindi ako makapaniwala.""Ahh gano'n ba?" Yumuko si Tajana na tila nalungkot ng maalala niya na matapos nga ang insidente sa pagitan nila ni Zoe noon ay wala na siyang maalala sa ilang nangyari dahil ang alter niya ang kumikilos."Kamusta naman ang pakikitungo ko sayo noong mga panahon na 'yon?""Huh?" medyo napatawa si Terrence bago muling umimik kay Tajana. Ibinaba niya ang ilang dokumento na kanina ay hawak niya habang nakaharap sa kanyang laptop."Nagi-guilty ka na ba dahil sa mga ginawa mo no'n sa'kin?""Anong ibig mong sabihin? Sinaktan kita?""Bakit ganyan kang magtanong? Para namang hindi i
Lumipas pa ang dalawang araw bago tuluyang nagkamalay si Tajana. Sobra namang napanataga ang loob ni Terrence ng makitang maayos na ang dalaga.Samantalang si Zoe naman ay naunang nagkamalay kaysa kay Tajana. Nakauwi na ito kaya naman wala na din si Calvin sa ospital. Hindi rin naman nakakausap ni Terrence ngayon ang kanyang kapatid kaya naisip na lang niya na baka abala ito sa mga naiwang trabaho sa negosyo nila.Nakamasid pa rin si Doc Via ng mabuti habang tinitingnan si Tajana. Minsan na siyang naloko ng alter nito kaya mas nag-iingat siya ngayon. Hindi niya pa ito makausap dahil gusto muna niyang siguraduhin na si Tajana talaga ang makakarinig ng sasabihin niya hindi ang kanyang alter."Maiwan ko muna kayo dito. May kailangan lang akong bilhin na ilang gamot." paalam ni Terrence kaya naman naiwan si Doc Via at Tajana sa kwarto.Hindi mapakali si Tajana sa bawat pagtingin sa kanya ni Doc Via para siyang kriminal na kinikilatis ngayon."U-Uhmm may problema po ba?" tanong ni Tajana.
Parehong hindi pa nagigising si Tajana at Zoe. Kaya naman nagbabantay pa rin ang dalawang magkapatid sa kanila. Samantalang si Doc Via naman ay binibisita ang ilan pa niyang pasyente.Kasalukuyang nagbabantay pa rin si Terrence sa loob ng kwarto ni Tajana. Hindi niya magawang iwan ang dalaga dahil sa pag-aalala niya."Terrence, ano bang gusto mong mangyari? Magkasakit ka? You should take care of yourself.""I'm fine, Elisse. Hindi ko kayang iwan si Tajana dito."Hindi maiwasan ni Elisse na mainis dahil sa mga sagot ni Terrence."Ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka muna at ayusin mo ang sarili mo.""May trabaho ka--""Okey lang na wala ako do'n ngayon. Please, go home for now." patuloy na pakiusap ni Elisse."Hindi rin magugustuhan ni Tajana na makita kang nagpapabaya sa sarili mo dahil sa kanya."Nakumbinsi naman ni Elisse na umuwi muna si Terrence kaya naman siya muna ang pumalit sa binata.Pagkaalis ni Terrence ay tiningnan agad ni Elisse ang mukha ni Tajana."I hate you." sab