Loving the Opposite

Loving the Opposite

last updateLast Updated : 2022-07-13
By:   Patrisha Sulio  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 rating. 1 review
76Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Leana Alvarez is a fifteen-year-old girl in her third year of high school. She has a tough and strong personality. People around her considered her as a gifted kid. Because she excels in her studies, is talented, and is independent. But she is torn between the idea of passion and practicality because she belongs to a middle-class family. She wanted to pursue her passion but was hesitant because she knew her passion is not enough to provide for her family in the future. Then she met Nico Bautista, who is the exact opposite of her personality. Because of her desire to have a friend, she took the risk and wanted to be friends with him despite the difference. But doubt is always getting in her way and, she can't help to question herself if they can ever get along. Or if the difference is making it too complicated to try? Does she have to cling to the idiom "opposites attract" or give up?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

“Hanggang kailan ka iiyak dyan ate?” Inis kong binalingan ang magaling kong kapatid habang nanlalabo pa rin ang mga mata dahil sa mga luha. Nakita ko ang inip na inip na itsura niya kaya mas lalo akong nainis. Dahil masama ang loob ko, nag-iwas na lang ako ng tingin at pinunasan ang mga luha sabay singhot. “Akala ko ba malakas ka?” pang-aasar niya pa. Tumayo ako dere-deretsong naglakad papunta sa pwesto niya. Hinigit ko ang kwelyo niya at tinitigan ng masama sa mga mata. “Hindi porke’t malakas ang panlabas na imahe ko ay wala na akong karapatang umiyak. Lahat ng tao ay umiiyak Chance,” mariing saad ko habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha. Tinaas niya ang dalawang kamay niya senyales na sumusuko siya.. “Chill ka lang ate. Bakit kasi umiiyak ka ng dahil sa isang kaibigan? Ang dami-dami kayang tao sa mundo!” Suminghal ako. “Gusto ko lang naman kasi ng kaibigan pero bakit alis sila ng alis? Walang nagtatagal ni isa! Naging mabuti naman ako sa kanila ah.” Nabasag ang tini...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
shakeyourbooty
naglaing ni pat waaaawwww
2022-02-19 18:01:07
0
76 Chapters
Prologue
“Hanggang kailan ka iiyak dyan ate?” Inis kong binalingan ang magaling kong kapatid habang nanlalabo pa rin ang mga mata dahil sa mga luha. Nakita ko ang inip na inip na itsura niya kaya mas lalo akong nainis. Dahil masama ang loob ko, nag-iwas na lang ako ng tingin at pinunasan ang mga luha sabay singhot. “Akala ko ba malakas ka?” pang-aasar niya pa. Tumayo ako dere-deretsong naglakad papunta sa pwesto niya. Hinigit ko ang kwelyo niya at tinitigan ng masama sa mga mata. “Hindi porke’t malakas ang panlabas na imahe ko ay wala na akong karapatang umiyak. Lahat ng tao ay umiiyak Chance,” mariing saad ko habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha. Tinaas niya ang dalawang kamay niya senyales na sumusuko siya.. “Chill ka lang ate. Bakit kasi umiiyak ka ng dahil sa isang kaibigan? Ang dami-dami kayang tao sa mundo!” Suminghal ako. “Gusto ko lang naman kasi ng kaibigan pero bakit alis sila ng alis? Walang nagtatagal ni isa! Naging mabuti naman ako sa kanila ah.” Nabasag ang tini
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more
Chapter 1
Leana’s POV “Passion or practicality? Isipin mo Leana na mahirap lang tayo. Isipin mo kung ang tatahakin mong daan ay kaya kang buhayin o hindi. Anak, sa mundong ito, mga mayayaman lang ang may choice.” Para akong sinampal ng katotohanan dahil sa sinabi ni mama. Gusto kong mag amok, gusto kong umiyak, gusto kong magalit sa mundo at sabihing napaka unfair nito pero anong magagawa ko kung ito lang ang meron kami? “Alam ko po, mama.” Hindi ko naitago ang pagpiyok ng boses ko dahil sa sama ng loob. Tumikhim ako at ngumiti upang sa ganon ay maipakita ko sa kanila na okay lang ang lahat. “ Kahit hindi ko na po i-pursue yung passion ko. Pangako ko na iaahon ko kayo sa hirap.” Napatingin ako kay mama at papa. Nandon ang saya at pagmamalaki sa mga mata nila. Isasantabi ko na lang ang pangarap ko para sa kanila. My parents grew up in a poor family and I want to give them the life they deserve. “Mag nursing ka anak ha? Masyado kasing matagal kapag doktor kaya 'yun na lang.” Nakangiting
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more
Chapter 2
Leana’s POV Pagpasok ko sa classroom ay agad akong napangiti dahil sinalubong ako ng malamig na paligid dahil sa bukas na aircon. Inilibot ko ang paningin ko at tanging isang tao lang ang narito bukod sa akin. Hindi ko alam kung anong pangalan niya eh. Hindi siya transferee. Nakikita ko na siya dati pa rito sa loob ng school. Isang buwan pa lang naman nagsimula ang klase kaya siguro ay nahihiya pa siyang makipag kaibigan kaya madalas ay tahimik lang siya at nag-iisa. Napatingin siya sa akin at nanigas ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa tila naiinip na mga mata niya. At dahil makapal ang mukha ko, ngumiti ako ng malapad at kumaway. “Hello!” masiglang pagbati ko at wala akong nakuhang tugon kundi isang tipid na ngiti bago siya tumungo ulit sa Ipad niya. Mahiyain talaga… Umupo ako sa pwesto kong sobrang layo mula sa kanya at nilabas mula sa skirt ko ang isang mini pocket note at ballpen para isulat ang ideya na naisip ko kanina. At dahil pagod ang utak ko dahil sa pagsusulat
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more
Chapter 3
Nico’s POV Leana and I never talked before and I am really not expecting that she would talk to me as if we were even close. I know her because she’s popular at school but I didn’t bother talking to her. She seemed out of reach back then. Or maybe not. Maybe it’s just me that is so aloof with people. Kitang-kita ko ang confidence na nag-uumapaw sa pagkatao niya kahit pa nakikita ko lang siya sa hallway, events o kaya sa classroom. At napakadaldal niya. Hindi ko inaasahang lalapitan niya ang tulad kong tahimik. Sabi niya masaya raw akong kausap eh halos hindi nga ako nagsasalita. She’s really annoying dahil tila hindi siya napapagod kakasalita pero hinayaan ko lang siyang magsalita sa harapan ko dahil naantig ng personalidad niya ang interes ko. Ibang-iba rin ang paraan niya ng pag-iisip kaysa sa akin kaya gusto kong malaman kung ano ang pananaw niya sa mga bagay bagay. “Hello? Nico?” Nabalik ako sa realidad dahil sa boses ni Leana. Napatingin ako sa kanya at winawagayway niya an
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more
Chapter 4
Leana’s POV “What are you doing?” Napalingon ako kay Nico na abala sa panonood sa mga kilos ko. Nginitian ko siya at tumaas naman ang magkabilang kilay niya. “Hinahanap ko lang 'yung character chart na para sa isang character ko.” Tumango siya at bumalik sa pagpipindot sa Ipad niya. Nasa canteen kami at dapat ay mag-isa lang siya pero nagkataong nakita ko siyang nakaupo sa isang table mag-isa kaya nilapitan ko na. Sumandal ako sa upuan at inilibot ang paningin at natigilan dahil sa nanunuksong tingin ng mga kaklase ko mula sa ibang table. Pinanlakihan ko sila ng mga mata pero hindi natigil ang panunukso nila. Akala nila siguro ay may gusto ako rito kay Nico pero ang totoo ay hindi. Gusto kong maging malapit sa kanya para mas makita at malaman pa ang personalidad niya. Parehas kasi sila ng ugali ng isa sa mga characters ko at dahil hindi naman ako introvert, mahirap isulat. Hindi ako kontento sa imahinasyon ko at sa tingin ko ay parang may kulang pa rin kaya nilapitan ko ‘tong
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more
Chapter 5
Leana’s POV “Huy, ate. Sigurado ka ba sa gagawin mo?” nag-aalangan na tanong sa akin ni Chance. “Oo. Bakit?” “Gagamitin mo 'yung tao para lang realistic ang maisulat mo sa novel mo?” kunot na kunot ang noong aniya. “Anong masama roon?” “Aray!” Napasigaw ako dahil sa biglaan niyang pagbatok sa akin. “Tanga ka, ate. Paano kapag na attach sa 'yo 'yung tao tapos bigla kang lalayo? Ang gagawin mo?” “Kung mangyayari 'yun, makaka-move on din 'yun panigurado.” Nakita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha ng kapatid ko. “Alam mo naman siguro 'yung pakiramdam ng nagagamit diba ate? Naranasan mo 'yun ng paulit ulit kaya alam mo kung gaano kasakit. Tapos gagawin mo 'yung kinaayawan mo sa ibang tao?” Natigilan ako dahil tama ang sinabi niya. “Mas malala naman 'yung ginawa nila sa akin,” nag-iiwas ng tingin na sagot ko. “Oo, mas malala pero ate naman… Inuulit mo lang 'yung ginawa sa 'yo nung mga dating naging kaibigan mo. Anong ginawa nila? Diba nakipag-kaibigan sila sayo tapos nung nakuha
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more
Chapter 6
Nico’s POV I wish I could go back to the times when everything was equal when it comes to me and my siblings. I wish I could go back to the times when I was still not aware of everything. Now that I grew up, I saw the toxicity of my family. It was full of competition. It’s not just the pressure that it gives me but it also makes me question my worth in this family. I want to be a kid again. Tahimik lang akong kumakain kasama ang pamilya ko at tulad ng nakasanayan, nagku-kwento ang mga kapatid ko sa parents namin tungkol sa mga achievements nila. Ang dami nilang achievements samantalang ako, wala man lang akong maipagmamayabang. “Ikaw, Nico. How’s school?” Napalingon ako kay mommy na nagsalita. “School is fine, ma. I’m doing great.” “Are you sure kuya?” Agad na kumunot ang noo ko dahil sa komento ng nakababatang kapatid ko. He’s a year younger than me. Nilingon ko siya at nandon na naman ang mga tingin niyang tila ba sinasabihan ako na walang silbi. Hindi ko siya sinagot at na
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
Chapter 7
Leana’s POV Nagkatinginan kami ng kapatid ko at sabay ding umasim ang mukha dahil sa mga magulang namin. Paano ba kasi? Napaka PDA. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa pero…. Hindi ako komportable sa nakikita ko! Ang awkward kaya! Respeto sa mga single! “Ate, tara na,” yaya niya sa akin. “Teka lang. Magpaalam pa tayo.” Pinadyak niya ang paa niya hudyat na naiinis na siya. “Huwag na! Eh paano ba ‘yan, para silang gagawa ng panibagong kapatid!” Nanlaki ang mga mata ko hinampas siya. “Gago, ang lakas ng boses mo.” Tumawa siya at napangiti naman ako habang nagpipigil ng tawa. Naiiling kong kinuha ang cellphone ko at nag-text kay mama na mauuna na kami. “Tara na ate… nandidiri ako!” Pabulong na sigaw niya. Binatukan ko siya at hinatak na siya para hindi na siya magreklamo. “Ma! Pa! Una na kami!” Sigaw ko at naglakad kami palabas ng bahay para sumakay ng tricycle. Habang nasa tricycle kami ay palihim kong tinignan si Chance. Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura n
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
Chapter 8
Nico’s POV “Nicolo!” She’s using that damn nickname again! I hate it. I said, my name is Nico! Just Nico! "What?” inis na tanong ko. Ayaw ko namang pagtaasan siya ng boses dahil baka masaktan ko ang loob niya. Mukha pa naman siyang masaya. “Wala akong activity sa club namin ngayon. Gusto mong tumambay?” Uuwi na ako eh pero gusto ko rin namang tumambay muna kasama ‘tong maingay na stupid na ‘to. “Where?” “Sa field. Gusto mo?” “Ang layo.” “What? Hindi ‘yan. Ang tamad mong maglakad ah. Halika na! Ano ‘yan, mag-isa ka rito sa classroom? Ang lonely nun.” “Why can’t we just stay here?” angal ko. “Alam mo, hindi ka pa ba pagod kakaupo buong maghapon sa chair mo? Tara na!” Hinatak niya ako patayo. Why am I letting her do this to me in the first place? I can just shove her away! Stupid me. What if I get attached to this girl? “Mainit doon Leana.” “Upo tayo sa ilalim ng puno.” Ang dami niyang naiisip na paraan. Wala akong nagawa kundi tumayo at isukbit ang bag ko sa likuran k
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
Chapter 9
Leana’s POV Please, someone, come comfort me. Napayakap ako sa sarili ko habang pinipigilan ang sarili ko mula sa paghikbi. Narito ako sa medyo madilim na parte ng eskinita para walang makakita sa pag-iyak ko. Pakiramdam ko ay napakawalang silbi kong anak. Pakiramdam ko ay panganay nga ako pero wala naman akong maitulong kina mama. Kanina lang ay pinanood ko na naman kung paano mag-usap sina mama at papa at pera na naman ang problema. Hindi ko kayang makita ang mga reaksyon nila. Nasasaktan ako ng sobra. Gustong-gusto kong sumigaw pero anong magagawa ng pagsigaw ko? May lalabas bang pera mula sa malakas na sigaw ko? Wala. Mauubos lang ang boses ko. Pagod ako mula sa pagtu-tutor at galing sa eskwelahan tapos ‘yun ang madadatnan ko sa bahay. Grabe naman ang realidad. Masyado kang mapanakit. Ano bang gagawin ko para may maitulong man lang ako? Maghahanap ba ako ng trabaho? Pero ano naman? Paano ko sasabihin kina mama na gusto ko silang tulungan? Gusto kong magmadali. Gusto kong mak
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status