Nico’s POV
I wish I could go back to the times when everything was equal when it comes to me and my siblings. I wish I could go back to the times when I was still not aware of everything. Now that I grew up, I saw the toxicity of my family. It was full of competition. It’s not just the pressure that it gives me but it also makes me question my worth in this family. I want to be a kid again.
Tahimik lang akong kumakain kasama ang pamilya ko at tulad ng nakasanayan, nagku-kwento ang mga kapatid ko sa parents namin tungkol sa mga achievements nila. Ang dami nilang achievements samantalang ako, wala man lang akong maipagmamayabang.
“Ikaw, Nico. How’s school?”
Napalingon ako kay mommy na nagsalita.
“School is fine, ma. I’m doing great.”
“Are you sure kuya?”
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa komento ng nakababatang kapatid ko. He’s a year younger than me.
Nilingon ko siya at nandon na naman ang mga tingin niyang tila ba sinasabihan ako na walang silbi.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pagkain.
“Ang dami mong talents, hindi mo naman ginagamit,” ani kuya.
“Anong pakialam mo?”
I hate him. He’s not the brother I used to have fun with.
“Ikaw lang ang walang ambag sa ating magkakapatid Nico.”
Napalunok ako.
“Why? Do you have a job? Do you have your own income? Wala diba? Palamunin ka rin gaya ko kaya ‘wag kang magyabang dahil lang marami kang achievements sa school.”
Masamang tingin ang isnukli niya sa akin at hindi naman ako nag alinlangang gawin iyon sa kanya pabalik.
“Stop. Both of you. Kumakain tayo. Wala kayong respeto.”Agad na natigil ang pagtatalo namin dahil sa pananaway ni mommy.
Natahimik kaming lahat at ramdam ko ang tensyon sa paligid. Nawalan na ako ng ganang kumain.
Pagkatapos ay umupo ako sa sofa ay natulala ako sa kawalan.
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang panggigilid ng mga luha. Pinanood ko sina mom at ‘yung dalawang kapatid ko na maghanda para lumabas. Of course, they have a new achievement and mom is going to treat them. They can buy whatever they want because that’s my family’s agreement. Every new achievement, either mom or dad will treat us.
I have high grades too but why do my parents never treat me the same way they treat my siblings?
Hanggang makaalis sila, ni wala akong natanggap na paalam. Humiga ako at tinitigan ang kisame.
We used to be so close. What happened? We grew up then suddenly, everything is a competition. I hate being the middle child. It sucks big time. I also want to be someone’s favorite child. My mom’s favorite is kuya who is now in Grade 12. While my dad’s favorite is Ace, the youngest. And me? No one. I was no one’s favorite.
They showed affection to them but what about me? I need it too.
Ano nga ba ang ambag ko rito?
Tagasalo ng mga galit nina mommy at daddy sa tuwing pumapalpak ang dalawa. Hindi naman nila magawang magalit sa mga kapatid ko ng sobra dahil paborito nga nila. Ako ang alipin ng mga kapatid ko dahil nga ‘yung isa ay ang pinakabata at ang isa naman ay ang pinakamatanda. Ako ang tagasalo sa napakakonting affection na binibigay ng mga parents ko.
I feel like I don’t belong here. What is my role in this family exactly?
Napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa pagbukas ng pinto. Si daddy na kagagaling lang sa trabaho.
“Nasaan sila?” agad na tanong niya.
“Nagpunta sa mall.”
“Bakit hindi ka pumunta?”
“Hindi naman nila ako niyaya.”
Nakita kong matigilan siya at ang paglandas ng tila simpatya sa mukha niya.
Agad akong nainis dahil sa nakita ko.
“Do you want to go play basketball with me?”
Seriously? In the middle of the day? Am I too pitiful for you dad? You neglected me since the day Ace was able to show his capabilities.
“Hindi na, dad. Ang init."
“Do you want to go to the mall too? We can go.”
Umiling ako.
“Kagagaling mo sa trabaho.”
Tumayo ako.
“Pupunta lang ako sa kwarto ko.”
“You can tell me anything, son.”
“I have nothing to say, dad.”
Napapabuntong hininga akong nagpunta sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan ang kwarto kong punong-puno ng iba’t-ibang mga bagay.
Musical instruments, halos kompleto. Art materials, books and gadgets. Marami akong kayang gawin. Tulad nga ng sabi nila, marami akong talents. Nanghihinayang sila dahil hindi raw ako naga-apply ng effort sa mga talents ko. Anong magagawa ko? I have a lot of talents but I don’t feel happy when I do it.
I was envious of my brothers because they may only have one talent but they were happy with it unlike me.
Gusto ko rin mahanap yung passion ko. Yung tipong kahit walang kasiguraduhan kung para sa ’yo ba ang daan na tinatahak mo pero ginagawa mo pa rin dahil masaya ka at sa tingin mo ay hindi mali ang passion at talent na meron sa ’yo. Gusto ko rin maranasan ‘yung excited ka sa future dahil nakikita mo ‘yung sarili mong ginagawa ang bagay kung saan ka passionate. Lahat ng iyon ay nararamdaman ng mga kapatid ko pero ako ay hindi.
Ang dami kong sinubukan para lang mahanap kung saan ako passionate pero wala pa rin. Parang may kulang. Parang meron akong hinahanap na hindi ko alam kung ano ba talaga. Ni hindi ko nga alam kung anong gusto kong gawin sa buhay. Nape-pressure ako mula sa parents ko na paulit ulit akong tinatanong kung anong strand ang kukunin ko next year. Ang problema ay hindi ko nga alam ang gusto ko.
Napatingin ako sa book shelves na nasa tabi lang ng kama ko at punong-puno ito ng notebooks. Gumagawa ako ng comics. Hindi ko pa naitutuloy 'yung ginagawa ko sa ngayon dahil nawalan ulit ako ng motivation. Tulad ng mga ibang bagay na alam kong gawin. Bigla na lang akong nawawalan ng motivation.
Nakakainis.
Napagdesisyonan kong mag scroll muna sa social media dahil wala naman akong magawa. Pagkabukas ko pa lang ng twitter ay nakita ko na ang post ni Leana.
Nakakainis, wala akong masulat!
'Yan ang nakalagay.
Napangiti ako ng tipid. Saksi ako kung paano siya mag-enjoy sa ginagawa niya. Mas dumodoble raw ang sayang nararamdaman niya kapag tungkol sa pagsusulat ang iniisip niya o kaya naman ay kapag nagta-type siya sa laptop niya.
Kailan ko rin kaya ‘yun mararamdaman?
Sabi niya, hindi raw niya agad natagpuan ang passion niya. Noon ay nagi-struggle din siya kung ano ba talaga ang talent niya dahil kahit marami siyang kayang gawin, parang hindi niya raw ginagawa ang bagay na ipinanganak siyang gawin which is my situation right now.
Hindi ko maipagkakaila na nakaramdam ako ng comfort nung nasabi niya ‘yun sa akin dahil kahit papaano ay may nakaranas din pala niyon. Akala ko ay ako lang. Akala ko ay may mali sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting pag-asa na pagdating ng araw ay matatagpuan ko rin 'yung akin. And I can’t wait for that day to come.
Isinalpak ko ang headphones sa tenga at nilunod ang sarili sa pamamagitan ng musika. Kinalimutan ko lahat ng mga problema ko at hinayaan ang musika na aluhin ako.
Nagbabasa ako ng libro nang biglaang may kumatok. Kaya naman ay itinigil ko ang ginagawa ko at nagpunta sa pintuan para pagbuksan kung sino man iyon.
Bumungad sa akin si Ace na may hawak hawak na pagkain.
“Kuya.”
“Ano?”
“Here’s your food,” abot niya sa akin sa plato.
Kumunot pa ang noo ko.
“Do you need anything?”
“Wala. Binibigay ko lang ‘to.”Inabot ko ang plato at tinalikuran siya. Tila wala siyang balak umalis kaya hindi ko na lang siya pinagsarhan ng pinto. Aalis siya kung gusto niya.
“Kuya, come play online games with me.”
Natigilan ako at agad na napaharap sa kanya.
Woah. I must be dreaming.
“I’m studying, Ace. Si kuya na lang ang kalaro mo.”
“Okay. Come play with me after you study.”
Sinara niya ang pinto.
He’ll just brag about his new PC. Yayabangan niya lang ako kaya huwag na lang.
Kailan ba ‘yung huling bonding naming magkakapatid? Hindi ko na maalala dahil sa sobrang tagal. Our parents always told us to be like this, we should be like that. That’s why now, kompetisyon ang nangingibabaw sa aming magkakapatid.
Bumaba ako dahil nakakaramdam ako ng uhaw at naabutan ko silang lahat na kumakain ng dinner sa dining area. At nagku-kwentuhan sila, nagtatawanan… ang saya nila. Hindi man lang nila ako niyaya. Wow, nice.
Kaya ba binigay na sa akin ni Ace ang pagkain ko kanina dahil ayaw nila akong kasabay?
They look like a happy family without me. It hurts...
Napatingin silang lahat sa akin.
“Kumain ka na, Nico.” Si mommy.
See? Ni hindi alam ni mommy na kumain ako sa kwarto ko.
“Kuya, tapos ka na mag-aral? Maglaro tayo, dali. Kumain na lang tayo sa kwarto ko,” ani Ace.
Ano bang meron sa kanya at mabait siya sa akin ngayon?
“Hindi ako gutom.”
“Eh anong ginagawa mo rito?” pambabara ni kuya.
“Bahay ko rin ‘to. May karapatan akong magpunta sa kahit saang sulok ng bahay.”
Napa-igtad ako dahil sa malakas na dabog na galing kay mommy.
“Hindi na ba kayo mabubuhay nang hindi nag-aaway? Ano ba! Ikaw naman Nico, respetuhin mo ‘yang kuya mo!”
“Why would I respect him, mom?”
Nanlaki ang mga mata nila at hindi na ako nagulat nang tumayo si mommy at sinampal ako.
“His attitude is even worse than mine. He may have a lot of achievements that you can brag to other people but something is wrong with his attitude.”
“At anong tingin mo sa sarili mo?! Wala ka ngang silbi sa pamilyang ‘to!” Sigaw ni kuya.
“Porke’t hindi marami ang achievements ko sa school, wala na akong silbi? Sino ba ang naglilinis ng bahay? Sino ba ang tagahugas ng pinagkainan mo? Sino ang taga ligpit ng mga kalat mo sa bahay?! Diba ako?! Sinong mas walang silbi sa ating dalawa?!” Sigaw ko pabalik.
“Nico, why are you like this?” nanlulumong tanong ni mommy.
“Si kuya at si Ace… tila napakaperpekto sa paningin niyo. Pero ako, puro pagkakamali lang ang napapansin niyo. Paano naman ‘yung mga magagandang nagawa ko? Puro na lang sila, sila, sila! Paano naman ako? Simula nung dumating si Ace at nagkaisip, binalewala niyo na ako. Bakit ba hindi niyo na lang kami tratuhin ng patas?”
“Bakit ganito kayo sa akin? Ano na lang ba ang meron sila na wala ako?” Nabasag ang tinig ko at natahimik silang lahat.
“ I just want you to love me too…” Bulong ko.
Tumalikod ako at bumalik sa kwarto ko.
Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit.
If I become like my brothers, will they accept me too? Will they give me the affection I want? Will they care about me?
Leana’s POV Nagkatinginan kami ng kapatid ko at sabay ding umasim ang mukha dahil sa mga magulang namin. Paano ba kasi? Napaka PDA. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa pero…. Hindi ako komportable sa nakikita ko! Ang awkward kaya! Respeto sa mga single! “Ate, tara na,” yaya niya sa akin. “Teka lang. Magpaalam pa tayo.” Pinadyak niya ang paa niya hudyat na naiinis na siya. “Huwag na! Eh paano ba ‘yan, para silang gagawa ng panibagong kapatid!” Nanlaki ang mga mata ko hinampas siya. “Gago, ang lakas ng boses mo.” Tumawa siya at napangiti naman ako habang nagpipigil ng tawa. Naiiling kong kinuha ang cellphone ko at nag-text kay mama na mauuna na kami. “Tara na ate… nandidiri ako!” Pabulong na sigaw niya. Binatukan ko siya at hinatak na siya para hindi na siya magreklamo. “Ma! Pa! Una na kami!” Sigaw ko at naglakad kami palabas ng bahay para sumakay ng tricycle. Habang nasa tricycle kami ay palihim kong tinignan si Chance. Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura n
Nico’s POV “Nicolo!” She’s using that damn nickname again! I hate it. I said, my name is Nico! Just Nico! "What?” inis na tanong ko. Ayaw ko namang pagtaasan siya ng boses dahil baka masaktan ko ang loob niya. Mukha pa naman siyang masaya. “Wala akong activity sa club namin ngayon. Gusto mong tumambay?” Uuwi na ako eh pero gusto ko rin namang tumambay muna kasama ‘tong maingay na stupid na ‘to. “Where?” “Sa field. Gusto mo?” “Ang layo.” “What? Hindi ‘yan. Ang tamad mong maglakad ah. Halika na! Ano ‘yan, mag-isa ka rito sa classroom? Ang lonely nun.” “Why can’t we just stay here?” angal ko. “Alam mo, hindi ka pa ba pagod kakaupo buong maghapon sa chair mo? Tara na!” Hinatak niya ako patayo. Why am I letting her do this to me in the first place? I can just shove her away! Stupid me. What if I get attached to this girl? “Mainit doon Leana.” “Upo tayo sa ilalim ng puno.” Ang dami niyang naiisip na paraan. Wala akong nagawa kundi tumayo at isukbit ang bag ko sa likuran k
Leana’s POV Please, someone, come comfort me. Napayakap ako sa sarili ko habang pinipigilan ang sarili ko mula sa paghikbi. Narito ako sa medyo madilim na parte ng eskinita para walang makakita sa pag-iyak ko. Pakiramdam ko ay napakawalang silbi kong anak. Pakiramdam ko ay panganay nga ako pero wala naman akong maitulong kina mama. Kanina lang ay pinanood ko na naman kung paano mag-usap sina mama at papa at pera na naman ang problema. Hindi ko kayang makita ang mga reaksyon nila. Nasasaktan ako ng sobra. Gustong-gusto kong sumigaw pero anong magagawa ng pagsigaw ko? May lalabas bang pera mula sa malakas na sigaw ko? Wala. Mauubos lang ang boses ko. Pagod ako mula sa pagtu-tutor at galing sa eskwelahan tapos ‘yun ang madadatnan ko sa bahay. Grabe naman ang realidad. Masyado kang mapanakit. Ano bang gagawin ko para may maitulong man lang ako? Maghahanap ba ako ng trabaho? Pero ano naman? Paano ko sasabihin kina mama na gusto ko silang tulungan? Gusto kong magmadali. Gusto kong mak
Leana’s POV “Leana, wala akong balak makipagkaibigan sa 'yo okay?” Ang bugnutin niya talaga simula pa kaninang umaga. “Mukha kang stressed kaya nilapitan kita. I’m just trying to cheer you up.” Nalukot ang mukha niya at padabog na sumandal sa upuan niya. Muli ay kaming dalawa lang ang nandito dahil ayaw niyang bumaba para mag-recess. Hindi naman ako gutom kaya nanatili na rin ako rito. “Hindi ako natutuwa,” saad niya. “Should I give up?” Aasarin ko lang sana siya mula sa sinabi kong iyon pero natigilan ako dahil sa lungkot at inis na nakita ko sa mukha niya. “Yes, you should.” Hala! Hindi ko sinasadya! Nang-aasar lang ako! Bakit ang lungkot bigla ng boses niya? “Nagbibiro lang ako eh.” Ngumiti ako ng tipid. “I don’t have the time for that kind of joke.” “Ang seryoso mo talaga ‘no? Nagbibiro lang ako! Ngumiti ka na ha? Ano ba kasi ang problema mo?” Umiling lang siya at nilabas ang cellphone niya. Hinigit ko iyon mula sa kamay niya at nanlalaki naman ang mga mata niya na ti
Leana’s POV Habang nakaupo sa isang bench kasama si Nico, hindi ko na mapigilan ang sayang nararamdaman ko pagkatapos kong sabihin kung paano ko nakikita ang paligid. Ang ganda lang kasi na lahat ng nakikita ko ay parang napakakulay. Napakaganda. Ganon din ba si Nico? Naiintidihan niya kaya ang ibig kong sabihin? “Is that why you’re always happy? Because you see the world as a happy place?” Napalingon ako dahil sa tanong niya. “Hindi naman sa ganon. Meron ‘yung mga times na parang walang kulay ang paligid lalo na kapag may mga problema ako o malungkot. Noon, oo tinuturing ko talaga na happy place ang mundo pero unti-unti kong nakikita ang realidad eh. Alam mo ‘yun? ‘Yung parang mas lumalaki ka tapos nakikita mo na hindi pala kasing saya at payapa ng tulad ng iniisip mo noong bata ka pa.” Tumango siya. “Noon, para talagang kumikinang lahat sa paningin ko. Ngayon naman, hindi na masyado. Ewan ko ba. Hindi na tulad ng dati pero makulay pa rin sa paningin ko ang paligid. Nagpapasal
Nico’s POV “She’s really something.” Bulong ko sa sarili ko habang pinapanood si Leana na pinapagtanggol ang sarili niya mula sa dalawang lalaking bullies. Hindi ko na siya kailangang tulungan. Kaya na niya ‘yan. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang galit sa mukha niya at parang gusto niyang manakit. Maganda na hindi niya hinahayaan ang sarili niya na maapi ng kahit na sino. Mabait siya eh pero hindi siya ‘yung klase ng tao na magagamit dahil sa kabaitan na taglay niya. Her personality screams toughness and independence. Sumandal ako sa pader at pinanood lang sila kahit pa wala akong naririnig. Dito na lang muna ako dahil baka may mangyari pa sa kanya lalo pa at mukhang pikon na pikon na ang mga dalawang bullies na nasa harapan niya. Napatingin ako sa kamay ng isa sa kanila at nakakuyom na iyon kaya naglakad na ako palapit sa kanila. Don’t you dare hit her! “Bakit? Anong mali sa ginagawa kong pagtu-tutor? Atleast hindi ako palamunin na tulad niyo!” Eto talaga, walang inaatra
Leana’s POV “Ate, hindi ka pa matutulog?” Napalingon ako dahil sa tanong ni Chance. Umiling ako at umupo mula sa pagkakahiga. “Hindi ko ba lalayuan si Nico? Sa tingin mo?” Agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Close na ba kayo?” Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. “Ewan ko eh. Cold kasi siya kaya hindi ko masabi.” “Alam mo ate, hindi mo alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Malay mo na-attach na ‘yun sa 'yo,” saad niya na naging dahilan upang mapasinghal ako. “Imposible ‘yan! Ang sungit sungit kaya nun.” “Kung gusto mo siyang kaibiganin edi gawin mo. Anong masama ‘ron?” Napanguso ako. “Ano? Nakuha mo na ba ‘yung kailangan mo sa kanya? Lalayo ka na?” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipagkakaila na malaking tulong ang paglapit ko sa kanya. “Oo.” Agad siyang suminghal. “Lalayo ka na ‘no? Ang bastos mo ate.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Grabe ka! Nag-iisip nga ako kung kakaibiganin ko siya o hindi.” “Tanungin mo kasi ‘yang sa
Nico’s POV “Don’t go anywhere!” Napapikit ako sa inis dahil sa sigaw ni mommy galing sa loob ng bahay. Sakto namang nakababa na si daddy mula sa sasakyan niya kaya agad niya akong nilapitan. “What happened?” tanong niya agad. “Kuya made a mistake.” “About what?” “He cheated on his girlfriend.” That guy is really fucked up. It’s embarrassing to be his brother. “What?!”“And mom is venting her anger to me.” “Go out for a while,” utos niya. Iyon nga ang gagawin ko eh. Tumango ako at nilagpasan siya. Mayayari si kuya sigurado ako. My parents hate cheaters because both of their parents cheated on their partners. He did something that will make my parents mad. After this, will he still be mom’s favorite? After this, will I receive the same affection my mom gives to kuya? Will I not be envious ever again? Will I be someone’s favorite? Why am I so pathetic? Nagpunta ako sa garden na madalas naming puntahan ni Leana dahil lagi niya akong sinasama. She would continue writing her n
Nico’s POV If there’s one thing that I learned throughout the years that have gone by, that is time will lessen the pain. Back then, I thought I couldn’t escape the darkness that I was trapped in when she died. I was wrong. No matter how much pain I experienced throughout those years of attempting to heal, I eventually did. I moved on. I didn’t even notice it. I just knew that as many years passed, the pain I would feel every time I woke up in the morning felt weaker and weaker. The voices in my head that consumed me for a long time faded like bubbles. I didn’t know I would be able to move on. My family was correct when they said that what happened is not the end of the world. It’s not the end for me as long as I’m alive. As long as I wake up because every day has something new to offer. I felt like I was going to be trapped for the rest of my life but I found the escape. Being in pain makes you think that you’re hopeless. It makes you think that the world is against you. Being
Nico’s POV “Nico.” I groaned as I felt my brother’s hands on my shoulders. He’s trying his best to wake me up. “What?” “Today is the funeral, Nico. You need to get up and get ready.” Today is the funeral? That was fast. I was just fighting with my father in the hospital to give me ten more minutes before they take Leana away from me and today is now the funeral? This is unbelievable. And for the first time after a while, I hated how time flies fast. Before this entire thing happened, I used to wish every single night for time to fly fast because I wanted to spend another day with Leana. “Do I have to go?” I opened my eyes and shoved him away from me. I sat and my back felt like it was going to break anytime soon. “Of course, you have to go. Don’t you want to say goodbye?” “It’s not like she’s going to hear me.” “Nico, please. You haven’t gone at the wake for once. You’re her best friend. You should be there.” I hated that my breathing started to get heavy again. “But…” “B
Michael’s POV Naalimpungatan ako dahil sa isang malakas na pag-iyak. Agad kong nahimigan na boses ni iyon ni Rose kaya itinalukbong ko na lamang ang blanket sa buong katawan ko. It looks like she just had another bad dream. I can’t blame her for that. I mean, she’s a kid. At dahil alam ko sa sarili kong maikli pa lang ang tulog ko, agad na nanakit ang ulo ko sa ingay ng pag-iyak niya. Napakatinis ng boses niya na akala mo ay tinutusok ang tenga mo dahil doon. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog sa pag-aakalang titigil din siya ngunit hindi iyon nangyari. Padabog akong bumangon at naglakad papunta sa kwarto niya. “Rose, people are sleeping…” I tried my best to remain calm. Kumunot ang noo ko nang may marinig akong mga boses sa loob kaya naman ay binuksan ko iyon at bumungad sa paningin ko sina tita at dad. “What’s going on?” I asked as I approached them. “Bigla na lang siyang gumising at umiyak.” Tinitigan ko si Rose at napangiwi sa itsura niya. Namumula ang mukha niya at sa tin
Nico's POV “Where do you want us to go this time?” I asked her while she was busy staring at nothingness, probably thinking where to go. “Baka gusto mo na huwag na tayo lumabas. Sure ka na okay lang sa ‘yo?” I nodded as she stared at me with doubt. “It’s okay.” “Hindi ka pa nawawalan ng gana?” “Why would I?” I smiled at her to assure her that it doesn’t matter. I have to assure her that I really am enjoying this. “If you’re worried that I might be forcing myself when I really don’t want to go out, you’re wrong. I recharge my energy every night, Leana.” “Sure?” “Yes.” Nagkibit balikat siya ngunit napangiti lang din ng malapad sa huli. “Gusto kong pumunta sa garden- huwag na pala. Ihuli na lang natin ‘yun.” “We have a few more days before our classes resume. Take your time.” Leana had been going out a lot these days. She barely settles in their house now, especially in the afternoon. For the past few days, I’ve been going out with her just to go to the places we once went
Leana's POV Bigla akong nagising kaya naman ay agad kong kinapa ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Alas dose pa lang ng madaling araw at ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Nakakaramdam ako ng mga pagpitik sa ulo ko at napakasakit nun. Senyales na hindi pa matagal simula nung nakatulog ako. Bahagya ko pang sinabunutan ang sarili ko nang pumasok na naman sa isip ko ang nakita ko sa mall nung araw na iyon. Nandon muli 'yung kakaibang sakit na tulad ng naramdaman ko sa araw din na iyon. Parang nadadaganan ang dibdib ko sa sobrang bigat nito at tila mahirap din tuloy huminga. Umupo ako sa kama at kumunot ang noo dahil sa dami ng sakit na naramdaman ko sa katawan. Sakit sa ulo dahil wala na naman akong ginawa kundi ang umiyak, sakit sa likuran dahil sa buong oras na nakahiga ako ay yakap yakap lang ang sarili, hapdi sa mga mata dahil sa sobrang pag-iyak. Ni hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko ay nasaktan ako sa nakita ko nung araw na iyon. Hindi ko maint
Leana’s POV “Anong gagawin mo sa loob ng two weeks na walang pasok Nico?” Nakangiting tanong ko. Hindi na kaya pang itago ang excitement na nararamdaman. “You look so happy.” “Sino bang hindi sasaya sa sem break?” Nakangiti niyang isinara ang notebook na binabasa niya at sumandal sa upuan niya. “I’ll focus on working on our song. I want you to listen to it as soon as possible.” “Hihintayin ko ‘yan!” “I know you’ll not be going anywhere but… wait for it or else-” “Or else what?” hamon ko. “I’ll get upset.” Napabulalas ako ng tawa at agad namang nalukot ang mukha niya. “I’m serious.” “Oo na. Tsaka saan naman ako pupunta diba?” “I don’t know. I just want to tell you.” “Huwag kang mag-alala dahil kahit nasa binggit na ako ng kamatayan, hihintayin ko ‘yan.” Ngumiti ako ng tipid. Natigilan siya at napatitig sa akin na para bang inoobserba kung seryoso ba ako o hindi. “I thought you were scared of that word.” “I saw death with my own eyes, Nico.” Naitikom niya ang bibig niya
Leana’s POV “Rose dali! Pumwesto ka na!” Napailing na lang kami dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Michael sa kapatid niya. “Teka lang kuya!” Nilingon ako ni Michael at binigyan ng nagpapaumanhin na tingin kaya nginitian ko siya at tinanguan. Okay lang naman sa akin na magtagal dito sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Rose. “Hindi ka nangangalay dyan ate?” “Bakit naman ako mangangalay? Nakatayo lang naman ako tapos may hawak na camera.” Natatawang saad ko. Napalingon ako kay mama at tito na tahimik lang na pinapanood kami mula sa kinatatayuan nila. Nakasuot si mama ng dress at si tito naman ay suot suot pa ang suit niya na ginamit niya mula sa trabaho. Si Michael naman as usual ay nakasukbit na naman sa leeg niya ang headphones niya. Hindi niya ito mabitawan at laging sinasabi na parte raw ng pagkatao niya ‘yun. “I’m done!” Napalingon kaming lahat sa hagdan dahil sa sigaw na iyon ni Rose. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko siya na naka dress at ang cute cute niya!
Leana’s POV “Leana-” “Papasok na po ako.” Tinalikuran ko si mama at dere-deretsong naglakad palabas ng bahay. Natigilan ako sa paglalakad at hindi ko inaasahang nandon na ang sasakyan at bukas na rin ang pintuan. Bumungad sa paningin ko sina Michael at Rose na prenteng nakaupo sa loob. Muli akong tumingin sa likuran ko at nandon si mama at binibigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin. Masama ang loob na pumasok ako sa sasakyan at agad na isinara ang pinto upang sa ganon ay hindi na niya ako makita. “Wala kang naiwan sa loob Leana?” “Wala po tito.” Nakita ko ang pagtango niya bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. “Saan kayo pupunta?” tanong ko sa magkapatid. “Wala lang. Gusto lang namin makita school mo.” Nakangiting saad ni Rose. Napangiti ako at tumango na lamang bago sumandal sa upuan at idinapo ang paningin sa labas. Ayoko sanang mag-away na naman kami ni mama. Ngayong nakaraang buwan na nga lang kami hindi nag-aaway tapos ngayon ay hindi ko pa siya pinatapos sa sasabih
Leana’s POV Bakit pakiramdam ko ‘yung mga tao sa paligid ko ay nagpatuloy na sa buhay samantalang ako ay nandito pa rin at hindi alam kung paano makipagsabayan ulit. Pakiramdam ko ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo para sa iba ngunit sa akin ay tumigil na. Para sa akin ay tumigil na ang mundo ko simula nung nawala sa amin si Chance. Hindi ko maintindihan kung saan pa ako kumakapit. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ko pang tanggapin na wala na talaga siya at kailangan kong magpatuloy sa buhay. Kahit gusto kong itigil na lang ang lahat at huwag nang gumalaw pa, hindi ko magawa dahil buhay pa ako at mayroong nakakakita sa akin. At kapag ginawa ko ang nais ko, mag-aalala sila. Masasaktan ko na naman sila kaya wala akong choice kundi panoorin sila at gayahin kung paano sila umasta. Para na lang akong nagpapaanod sa agos ng buhay. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon mula sa pagkakadapang ito. At ayokong idamay ang mga tao sa palig